Share

04 Julie

Author: Illinoisdewriter
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

HINILA KO ANG dulo ng blouse ko pagkatapos kong maisuot ang cap na parte  ng uniporme namin. Ngumiti ako at lumabas na sa locker room namin para gampanan ang trabaho ko. Nakatoka ako sa pagdadala ng orders ngayong araw.

“Good morning, ma'am and sir. Welcome to Jollibee. Here's your order,” I began and enumerated their orders as I laid them on their table.

“Enjoy your meal,” huling sabi ko sa kanila't bumalik na sa counter.

Pagkabalik ko’y may bago na namang order na naka-ready to serve na. I took the tray and went towards the table similar to the number given to me.

Paglapit ko ro'n ay napatingin agad sa akin ang tatlong lalaking foreigner. Their stares were making me uncomfortable, but their smirks were making me feel worse. I still smiled to show them how professionalism worked.

“Enjoy your meal,” simpleng hayag ko nang mailapag na ang mga order nila.

“Thank you...” The guy with stubble narrowed his eyes as he looked at my nameplate. “Julie... Thank you, Julie.”

Tipid na ngumiti ako at dinala na ang tray. “You’re welcome, sir.”

“Sure, babe,” nakangising sagot naman nito at hinawakan at talagang pinisil pa ang puwet ko!

“Bastos!” sigaw ko at hindi na nakapagpigil pa saka sinampal ito.

I really, really hate it when people touched in places I don't want them to. Napatayo siya sa gulat at kaagad na hinaklit ang braso ko. Mas matangkad siya sa akin kaya matalim ang mga tinging ipinupukol ko sa kanya habang nakatingala.

“How dare you slap me?!”

“How dare you touch me too, sir?!” matapang na sabat ko naman.

Lalo pa akong hinatak no'ng customer kaya tumitingkayad na lamang ako sa lupa. Mahigpit at masakit na rin iyong pagkakahawak niya sa akin sa braso ko. Nagulat din ang ibang customers sa nasaksihan. Iyong mga kaibigan naman nitong bastos ay nakangisi at humahalakhak lang na parang may nakakatawa, na parang sanay na sanay na sila sa mga ganitong eksena. Nag-init bigla ang ulo ko. They seemed to be tolerating their friend. Puwes, ibahin nila ako!

I kicked him in the groin. He let go of me and stepped back as he writhed in pain. Galit na galit na siya at akmang susugod sa akin nang mabilis akong pumosisyon at inabangan ang pag-atake niya. I ducked when he got close and jabbed his stomach. Napaatras ulit siya sa sakit no'n. Saka pa tumayo ang mga kaibigan niya para daluhan siya. Ganoon din ang sekyu at manager namin. Pati iyong mga kasama ko ay nilapitan na ako.

I stood up and looked at him bravely. Mali siya nang taong binastos. If there's one important thing that my past had taught, that's absolutely learning self-defense to protect myself from the likes of him. Ayoko na ulit mangyari iyong muntikan na akong ma-gang rape kaya nagpaturo ako kay Tatay Jaime na isang sekyu at dating bodyguard din upang protektahan ang sarili ko.

“I will sue you for hurting me!” sigaw ng lalaki habang nakaduro sa akin.

“Sir, can we discuss and settle this privately–” pakiusap ng manager namin kaso ay pinutol siya no'ng lalaki. Ang bastos talaga...

“No, I will make sure that she will pay for this. I will call my lawyer. Gimme my phone!” utos niya sa kaibigan niya.

Natatawang napaismid ako roon. Ang laki niyang tao tapos siya pa ‘tong parang agrabiyado sa aming dalawa. Bastos na nga, makapal pa ang mukha! Hindi ko tuloy maiwasang ikompara siya sa mga tropa ng gagong ex ni Ate Julia noon.

HINDI PA NAMAN nakakalapit sa akin si Rome ay tinaasan ko na siya ng kilay saka inirapan. I dropped my sight on my notebook and opened it. Sa kamalas-malasan pa ay magka-partner kami sa T. L. E. at magkasamang magbe-bake ng gusto naming pastry. Bakit ba kasi walang nagsisimula sa letter ‘C’ na apilyedo sa mga kaklase naming babae? Dumiretso tuloy sa akin. At bakit kasi ang dami nilang nagsisimula sa ‘B’ sa mga lalaki. Pati ‘yong prince charming niya ay gano'n din ang nagsisimula.

“Julie, anong gusto mong i-bake natin?” mahinhing tanong niya sa akin nang makalapit na.

Hindi ako umusog sa pwesto ko para bigyan siya nang upuan. Bahala siya sa buhay niya r'yan. Hinila niya na lang iyong isang armchair ng kaklase naming bakante rin dahil nasa kanya-kanyang partner ang buong klase.

“Ewan ko...”

He sighed but when I glanced at him through my peripherals, I saw his persistence to converse with me.

“Kung may gusto ka, sabihin mo lang ha. Tapos saka na tayo maghahanda,” aniya.

“Class, I want to have your initial plan today. Work on it, okay?” anunsyo ng teacher namin sa T. L. E.

Tahimik akong napairap sa hangin. Bakit kailangan ngayon pa? Mapipilitan tuloy akong kausapin si Rome ngayon. Kasi kung hindi ay mamaya ko na lang siya tatawagan pagdating ko sa bahay.

“Isulat mo brownies,” utos ko kay Rome.

Ngumiti naman siya at tumango saka sinunod ang pinag-uutos ko. We then discussed the ingredients and the number of the brownies which we will be making.

“Saan mo ba gustong mamili ng mga ingredients?” tanong niya sa akin isang araw bago ang baking class namin.

Inis na binalingan ko siya. “Sasama ka sa pamimili?”

“Oo...” he replied smilingly.

Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya. Sakay-sakay na ako ng bisikleta ko para umalis na sana.

“Akin na ‘yong budget natin para sa mga ingredients. Ako na mamimili,” sabi ko sa kanya.

“Hindi, sasamahan na kita,” alok niya pa rin.

Nainis ako lalo kaya walang paalam na hinablot ko na lang sa kanya ‘yong dala-dala niyang kulay pink na coin purse na may mga Hello Kitty keychain pang abubot.

“Julie!” he shrieked when I completely snatched it from him.

Nakita kong dito niya nilagay kanina ang ambagan namin para sa ingredients. Mabilis na nagpedal ako ng bike. Tawang-tawa ako habang lumalayo sa kanya. I looked back and stuck my tongue out at him.

“Kaya ko na ‘to, mahal na prinsesa!” I told him.

I bicycled to the second nearest grocery store. Ayoko sa pinakamalapit kasi baka habulin niya ako at magpang-abot kami roon. Gabi na nang makauwi ako sa lugar namin. Kumunot ang noo ko kaya binagalan ko ang pagpepedal ng bike nang mapansin ko ang tatlong lalaking nakaharang sa kalsada papunta sa purok namin.

“‘Tol, ito na ba ‘yong kapatid ni Julia? Hanep, hindi kasingganda ni Julia pero pwede na rin.” Dinig kong sabi ng isa sa kanila, iyong nasa kanan na mukhang posporo – payatot, matangkad, at kalbo.

“Pwede ba huwag kayong haharang-harang sa daan? Nagmamadali ako, oh,” saway ko sa kanila.

Pagod ako at may mga dala pa akong pinamili kaya huwag nila akong aangasan.

The guy at the center scoffed. “Sino ka para utusan kami? Ikaw bang may-ari ng daan na ‘to?”

“Hindi, pero lalong-lalo namang hindi kayo. Umalis na kayo kung ayaw niyong isumbong ko kayo sa tatay ko,” sabi ko't akmang magpepedal na ulit nang hawakan nila ang handlebar ng bisikleta ko.

“Hoy! Anong ginagawa niyo?!” sigaw ko nang biglang pagtulungan ako ng dalawang lalaki paalis sa bike ko. Tumawa lang sila.

Nag-init ang ulo ko nang may isang hayop pang nagtakang pumisil sa kanang dibdib ko. “Ano ba?!”

Sinubukan ko siyang sikuhin pero sinalag niya lang iyong siko ko at tumawa.

“Bitawan niyo ako! Ano ba?! Tulong! Tulungan niyo ako!” sigaw ko nang matantong dinadala nila ako sa mas madilim na parte.

“Makakaganti na rin ako sa malandi mong kapatid!” sabi ng isa sa kanila.

Napasubsob ako sa lupa nang bigla nila akong mabitawan dahil sa kung sinumang malakas na nagbato nang kung ano at bumunggo sa kanila.

“Julie, halika na!” natatarantang ani Rome at tinulungan akong tumayo.

Anong ginagawa niya rito? Hindi na ako nagreklamo pa at sumama na sa kanya sa pagkaripas nang takbo.

“Habulin niyo!” utos no'ng lalaking may malaking galit kay Ate Julia.

Hinihingal na si Rome kaya nahuhuli na siya hanggang sa tuluyang tumigil na siya at naghabol ng hininga. Nanakbo ulit ako pabalik sa kanya.

“Rome, halika na...” aya ko sa kanya.

Sapo-sapo niya ang dibdib niya at pawisan na rin nang mag-angat siya ng tingin sa akin. “Julie, mauna ka na... H-Hahabol ako sa ‘yo...”

Umiling ako kahit na nanginginig na sa kaba't takot. “Hindi... Hindi kita iiwan! Baka kung anong gawin nila sa ‘yo!”

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang palapulsuhan ko. Akmang tatakbo na ulit kami nang mahuli ng isa sa mga gago sa kwelyo si Rome.

“Huli ka ngayon!”

“Rome!” sigaw ko.

Binitawan ako ni Rome at tinulak palayo. “Tumakbo ka na!”

Umiling ulit ako hanggang sa naramdaman kong pumapatak na iyong mga luha ko. Ayoko siyang iwan. Hindi na nga ako nakatakbo dahil nahuli na rin ako ng isa pang kasama nila. Dalawa ang pumipigil kay Rome.

“Bakla amputa...” hindi makapaniwalang hayag no'ng mukhang lider nila at natawa pa. They might have inferred that after hearing Rome's soft voice.

“Jerry, puntahan mo ‘yong babae. Kaya ko na mag-isa ‘tong baklang ‘to,” utos ng lider nila.

Nagpumiglas ako sa hawak ng dalawa. Nasaksihan kong nanlaban din si Rome sa pamamagitan nang pagsuntok doon sa may hawak sa kanya pero mabilis naman itong nakabawi at naglabas agad ng patalim. Namilog ang mga mata ko.

“Rome! Rome!” I shouted.

Hindi na magkamayaw ang luha ko kahit na inihihiga na ako ng dalawang lalaki sa kalsada. Panay ang pumiglas ko nang hindi inaalis ang mga mata kay Rome. Iyak lang ako nang iyak.

“Please... ‘wag...” pagmamakaawa ko nang isa-isa nang kalasin no'ng lalaking nakapatong sa akin ang butones ng uniform ko. Iyong isa naman ay nasa uluhan ko at mahigpit ang kapit sa mga braso ko roon.

“Please... huwag! Tulong! Tulungan niyo kami!” I shouted as loud as I can.

Nilakasan ko pa ang sigaw nang halikan na ako no'ng nakaibabaw sa akin sa leegan ko. Mas sinubukan ko pang magpumiglas.

“Julie!” Dinig kong tawag ni Rome sa akin.

I turned to look at him. Nag-aalalang nakatingin siya sa akin at akmang lalapit na para saklolohan ako nang maunahan siya no'ng may dala ng patalim at sinaksak sa tagiliran.

“Rome!” malakas na sigaw ko na nasundan pa nang paghagulgol ko.

Tila natauhan naman ang ‘yong may hawak ng patalim at napaatras. Pati iyong mga may hawak sa akin ay natigilan din sa nasaksihan.

“‘Tol, ba't mo sinasaksak?!” tanong nang nasa uluhan ko. Binitawan niya ako at nilapitan ang kaibigan.

Maging iyong nakapatong sa akin ay umalis na rin at lumapit sa kanila.

“Gago, wala sa usapan ‘yan!”

“H-Hindi ko sinasadya... Umalis na tayo! Dali!” anitong kumaripas na nang takbo palayo. Sumunod naman ang mga kasama niya.

Kahit na nanghihina na sa nangyari ay pinilit kong bumangon upang lapitan si Rome na nakahilata na sa kalsada at hawak-hawak iyong sugatan niyang tagiliran. Tingin niya siguro'y mapipigilan niya ang pagdurugo no'n kung gagawin niya iyon.

Hindi ko man lang naibutones ang uniporme kong nakalas no'ng mga baboy. Hindi ko alam kung anong itsura ko pero wala na akong pakialam. Nilapitan ko si Rome at ipinatong ang ulo niya sa kandungan ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin nang mapatakan ang mukha niya ng mga luha ko.

“R-Rome, bakit mo naman ginawa ‘yon?” paninisi ko pa sa kanya para itago ang takot ko.

Inangat niya ang isang kamay niyang bakante. May dugo na rin iyon at hinawakan ang pisngi ko para punasan ang mga luha ko.

“Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” he asked back instead. Lalo akong humagulgol.

Bwisit na, Rome! Siya na nga ‘tong nasaksak, ako pa ang tinatanong niya!

“Sinusundan kita kanina pa... Baka kasi kailangan mo nang tulong sa pagdadala ng mga ingredients... Umarkila lang ako ng taxi para sundan k-ka...” pumipiyok na paliwanag niya.

Kumabog bigla nang malakas iyong dibdib ko...

“Shh...” I silenced him. “Huwag ka nang magsalita, please... Naiirita ako lalo, e. I'm sorry, Rome... I'm so sorry...”

“Julie!”

Napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Para akong nabunutan nang malaking tinik nang matanaw ko si Tatay Jaime sakay ng motor niya palapit sa amin.

“T-Tay! Tay, tulong! Si Rome!” sigaw ko agad. Kailangan na niyang madala sa ospital sa lalong madaling panahon.

“Oh, Diyos ko...” usal ni Ate Julia at bumaba na agad ng motorsiklo pagkahinto ni tatay no'n.

“Anong nangyari?!” dumadagundong na tanong ni tatay.

“Isakay na natin si Rome, dali! Dadalhin natin siya sa ospital,” utos ni tatay.

Bumaba siya sa motorsiklo niya at binuhat si Rome. Inalalayan namin siya. Nauna siyang sumakay saka namin inayos ni Ate Julia si Rome sa likuran niya.

“Samahan mo sila, ate...” malamig na sabi ko kay Ate Julia.

“Paano ka?”

“Sana naitanong mo ‘yan bago ka naglalalandi sa kung sinu-sino!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binulyawan ko na siya.

Her eyes brimmed with tears so she looked away. I clenched my fists and did the same too.

“Kaya ko nang sarili ko...” mahinang dagdag ko.

Nahuli kong tumango siya sa gilid ng mga mata ko at sumakay na sa motorsiklo ni papa para alalayan ang wala nang malay na si Rome. Tinanaw ko sila hanggang sa makalayo na sila.

Suminghap at tuluyan nang kumawala ulit ang hagulgol na kanina ko pa pinipigilan. Dahan-dahan kong binutones ang uniporme. Nanginginig ang mga kamay ko habang ginagawa iyon kaya hindi pa sakto ang ibang naibabalik ko. Naglakad ako palapit sa bisikleta ko at isa-isang pinulot ang mga naglaglagang sangkap para sa gagawin naming brownies.

Sobrang bigat ng dibdib ko habang iniisip si Rome at ang kalagayan niya. Kasalanan ko kung bakit napahamak siya. Kahit napahamak ko na ay kapakanan ko pa rin ang iniisip niya. Kahit nanlalabo ang mga mata ay nagpatuloy ako sa pagpepedal pauwi na mabigat ang katawan, puso, at isipan.

Tahimik na pumasok ako sa banyo at umiyak habang nagsasabon nang parte kung saan nila ako nahawakan. Panay ang katok ni nanay sa akin para kumustahin ako.

“Anak, ayos ka lang ba?”

Pinilit kong tatagan ang boses ko bago sumagot. “O-Opo, nay...”

I bit my lip then and sobbed. Niyakap ko ang sarili ko. Hindi ko maintindihan at maipaliwanag ang nararamdaman ko sa ngayon. Halo-halo... Nandidiri ako sa sarili ko. Naroon din ang galit para sa sarili ko at kay Ate Julia. Kilala siya no'ng lalaki. Tandang-tanda ko pa ang sinabi nilang gagantihan nila si Ate Julia gamit ako. At siyempre, pinakalamang sa lahat nang mga iyon ay ang pag-aalala ko para kay Rome. Diyos ko, sana Po tulungan Niyo si Rome. Pangako ko Po, magiging mabuti na ako sa kanya. Huwag Niyo Po sana siyang pabayaan. Marami pa akong hindi nasasabi sa kanya... Bigyan Niyo Po sana ako ng chance na gawin ‘yon.

Nagsusuklay ako ng basang buhok habang nakaharap sa salamin nang pumasok si Ate Julia sa kwarto ko. Akmang lalapit siya para tulungan ako nang tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumayo sa kanya.

“Pina-blotter na namin ni tatay si Homer kasama ng mga tropa niyang sumugod sa inyo kanina...” panimula niya.

Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy lang ako sa pagsusuklay habang wala sa sarili.

“Ex ko si Homer... Binalaan ako ng isa sa mga kaibigan niya tungkol sa plano niya... Kaso nahuli na ako nang malaman ko ‘yon. Julie, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba nila?” tanong niya at lumapit sa akin para hawakan sana ako.

Mabilis na iniwas ko ang braso ko. “Huwag mo akong hahawakan,” saad ko sa malamig na tinig.

Biglang humikbi si Ate Julia. Hindi ko pa rin siya hinarap. Para akong bomba ngayon at kapag ginawa ko ‘yon ay baka sumabog ako sa harap niya.

“Julie... I'm sorry... Sorry talaga...”

“Umalis ka na...” mahinang utos ko sa kanya.

“Julie, nandito lang ako. Kung gusto mo nang kausap o kung gusto mong manumbat sa akin, gawin mo...” pang-uudyok niya.

Namumugto ang mga mata at may matalim na tinging nilingon ko siya. Tinapon ko ang hawak na suklay sa pader sa likuran niya kaya napapitlag siya.

“Ate, bakit ang daya-daya mo?! Lahat nang sana'y mga responsibilidad mo ay ako ang sumasalo. May narinig ka ba sa akin? Wala naman ‘di ba?! Pero bakit ngayon, pati galit no'ng mga tao sa ‘yo... binubunton nila sa akin?!” Humikbi na ako sa pagkakataong iyon kasabay ni Ate Julia.

“Sabi mo... bata pa ako kaya kailangan ko lang mag-enjoy. Kaso... parang ikaw lang naman ‘yong laging nag-eenjoy. Ate, hindi ka na bata. Matanda ka na, e... May isip ka na... Hanggang kailangan ka pa ba mag-eenjoy?” tanong kong iniyakan lang niya lalo. Napailing na lang ako bago siya tinalikuran.

I BLINKED AND just found myself in a staring contest with the foreign customer whom I had dealt with earlier. Nasa presinto kami ngayon dahil nagfile siya ng reklamo sa akin. Iyong kasamahan ko lang din ang pinasama ng manager sa akin dito dahil inaasikaso rin niya ang gusot na naiwan namin doon sa establisyamento.

“Sir, can we just settle this peacefully?” tanong ko na lang bigla.

Pagod na pagod na ang katawan ko sa kaliwa't kanan na pagbabanat ng buto at maging ang utak kaka-alala sa mga nangyari sa akin noon.

“What do you want me to do so that you wouldn't push through that case?” I asked again. Suko na ako kasi pagod na talaga ako...

Kumalma naman siya at nagtaas ng kilay. “A'right, then.”

He leaned forward to whisper something in my ear. “I won't push through the case, if you will come with me in my car after this...”

Nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa binulong niya. Ang kapal ng hinayupak!

Nasampal ko ulit ‘yong gago. Gulat na gulat siya habang nakahawak sa pisngi niya. Pati na rin iyong mga nandoon sa istasyon.

“Mukha ba akong babaeng kinakama ha?! Paayos mo nga ‘yang mga mata mo para hindi naman puro kamanyakan nakikita mo!” sigaw ko sa kanya.

Agad namang pumagitna ang mga pulis sa amin.

“What the fuck are you talking about?!” naguguluhang tanong ng dayuhan sa sinabi ko sa Wikang Filipino.

“I said, you shouldn't be coming to our establishment when you're not actually looking for something to eat but for someone to bed. We sell friend chickens not whores,” I spat.

Akmang susugurin na niya naman ako nang pigilan na siya nang may kalakihang babaeng pulis. Timuloy nga no'ng lalaki iyong pagsasampa ng reklamo sa akin kaya sumiksik ako sa isang gilid sa seldang pinaglalagyan sa akin habang yakap ang mga tuhod ko. Ang unfair pa no'n ay ako lang ang nakulong. Iyong lalaking nambastos ay hindi man lang naturuan ng leksyon. Palibhasa mapera kasi... Ano ba namang laban ng isang hamak na Asyanong serbidora doon? Suminghap ako at pinilig na lamang ang ulo sa dingding. Napaayos lamang ako nang upo nang tumunog pabukas iyong lock ng rehas.

“Maria Juliena Dimagiba, someone bailed you out,” hayag ng babaeng pulis officer.

Agad akong tumayo at lumabas ng kulungan. Tipid na ngumiti sa akin si Tyra pagkalabas ko.

“Nasaan siya?” I asked her.

Nanghingi kasi ako ng tulong kay Roma kanina. The officers told me to contact my lawyer. Ni bayarin ko nga sa kuryente hindi ko mabayaran, lawyer pa kaya. Roma's the closest person I can think of that time. Kaya sa kanya ako nanghingi ng tulong... Hindi niya nasagot iyong tawag ko kanina kaya voice message ulit. Muntik na akong mawalan nang pag-asa kaninang may tutubos pa sa akin. Mabuti na lang talaga at tinulungan niya ako...

“He's in the car outside,” sagot naman ni Tyra at iginiya na ako palabas at papasok sa itim na kotseng may tatak na BMW.

Tyra opened the backseat for me. Pumasok ako sa loob at doon ko naabutang naghihintay si Roma na matalim agad akong binalingan.

“Sorry...” Sa hiya ko ay iyon na lamang ang nausal ko saka yumuko.

I saw him clenched his jaw in my peripherals as he ordered the driver. “Bring us to the nearest restaurant. I'm sure this bish's starving.”

•|• Illinoisdewriter •|•

Illinoisdewriter

I craft stories and furnish them with my advocacies. ♡

| Like

Related chapters

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   05 Julie

    GALIT NA HINAKLIT ni Prince ang braso ko nang makalapit siya sa akin. Hinarap niya rin ako sa kanya. “Sinabi sa akin ni Tita Korina ang nangyari kay Rome,” madiing saad niya. Absent si Rome ngayon dahil nagpapagaling pa sa ospital kung saan siya isinugod nina tatay at Ate Julia. Tita Korina was very mad too when she found out about it. Naiintindihan ko naman si tita. Siyempre, anak niya ‘yong nasaksak, e. She had all the right to be mad. Binawi ko ang braso ko at hindi na lamang sumagot. Ayokong maging mapagmataas lalo na ngayong may nanganib ang buhay dahil sa akin. Sana naman sa pananahimik ko ay makuha agad ni Prince na inaako ko naman ‘yong pagkakamali ko. “Alam mo, Julie... siguro mas mabuting layuan mo na lang si Rome. Kasi kung hindi mo siya iniinsulto ay pinapahamak mo naman siya,” aniyang tunog nang-aakusa. Nagkaroon tuloy ako ng lakas ng loob na mag-angat ng

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   06 Julie

    PAGKATAPOS NAMING MAGPIRMAHAN ni Roma nang kontrata ay dinala niya ako sa mga establishment na pagmamay-ari niya. He said he'll give me a total makeover. “Roma, kailangan ba talaga ‘to?” Nauuna siyang maglakad sa akin kaya nilingon niya ako. He took his cat eye shades up on his head before he arched one delicate brow at me. “Of course!” Pagkatapos ay pinaraanan niya ako ng tingin. Ibang-iba ‘yong suot ko sa kanya ngayon na kahit na simple lang ay nagsusumigaw pa rin nang mamahalin. He was dressed more masculine today, or something in between. He was wearing a silk red sleeveless qipao style top which he paired with flared pants and black Chelsea boots. May sukbit din siyang Luis Vuitton pochette bag sa maskulado niyang balikat. Since he was donning a sleeveless, his tattoo was kind of visible. Pinaraanan ko rin ang akin. I was dressed in an oversized yellow graphic te

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   07 Julie

    I WHISTLED WITHOUT sound repeatedly while we're driving to their mansion. I'm calming myself down. “Girl, what are you doing?” tanong ni Roma sabay sulyap saglit sa akin. “Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako magustuhan ni Tita Korina sa plano mo?” He snorted which eventually led to his laughter. “Bish, we're not fucking getting married. Loosen up, you're too uptight.” “Sorry, kinakabahan lang. This is like the first time I'll be seeing Tita Korina again after a long time.” I licked my lips before biting it. I'm still worried that maybe until now, Tita Korina still hadn't forgiven me for ruining Rome's love story. I was stunned when we got into Roma's property. Nasa isang mamahaling subdivision iyon na kilala sa bansang ito bilang tirahan ng mga celebrity, businesspeople, at iba pa. Elevated ang location ng lugar kaya manghang-mangha ako sa overlook

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   08 Julie

    TINUPAD NGA NI Rome ang hiniling ko. Hindi na niya ako nilalapitan. Pero paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang malungkot na nakatingin sa akin tapos kapag nagtagpo ‘yong mga mata namin ay nagbababa agad siya ng tingin. I always went home straight after school. Hindi rin ako active sa mga extra-curricular activities sa school o mga program man lang. I'm doing it purposely to less interact with Rome and Prince. I kept telling myself that I'll get used to it very soon. Masasanay na akong wala si Rome hanggang sa tuluyan ko na siyang makalimutan. I verily believe that works that way. Sana nga... Successful ang naging heart surgery ni Jillian. May mga maintenance pa ring binigay sa amin para sa mas bumuti ang kondisyon niya. Todo-todo ‘yong dasal namin habang hinihintay na matapos iyong operasyon. Paglabas ng doktor sa operating room at pagbigay niya sa amin ng magandang balita ay nahimatay agad si nanay si tuwa. Buong araw n

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   09 Julie

    BINABA KO SI Jillian sa kuna niya matapos ko siyang patulugin. Hinanda ko na agad ang hapag para makakain na kami ng hapunan ni nanay. Kaming tatlo lang ngayong gabi ni Jillian dahil night shift si tatay. Pagkatapos kong maghanda ay kinatok ko agad sa kwarto niya si nanay. “Nay, kakain na po tayo.” “M-Mauna ka na, a-anak...” pumipiyok na tugon ni nanay. Natulala ako saglit sa seradula. Umiiyak na naman siya para kay Ate Julia. Lagi na lang... Ilang araw na... Nakakapagod nang makinig... Pinihit ko iyon kaya lumikha iyon ng ingay. Mabilis na pinunasan ni nanay ang mga luha niya bago ako nilingon. “Julie, hindi ba sinabi ko mauna ka nang kumain kung gusto mo?! Mamaya na ako!” Ilang araw na ring ganito si nanay. Madalas na niya kaming napagtataasan ng boses ni tatay kapag sinasabi naming magpahinga na muna siya o kumain. “Nay, kumain n

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   10 Julie

    DALAWANG LINGGO NA simula no'ng ilipat ng school ng parents niya si Prince. Walang may alam kung saan. Para bang lahat ng koneksyon niya rito sa amin ay talagang pinutol na ng mga magulang niya. Dalawang linggo na rin akong hindi nilalapitan ni tapunan man lang ng tingin ni Rome. Alam at ramdam ko naman, e. Sinisisi niya ako. Ayaw niya lang talagang manumbat dahil nga siya si Rome, ang mahinhin at mabait na si Rome. Pero mas gugustuhin ko pa ata iyong sumbatan at sampalin niya ako kaysa sa ganito. Iyon bang para lang akong hanging dinadaan-daanan niya. Alam din ng buong klase kung anong nangyari at kung sino ang may pakana ng lahat. Kaya nga maging sila ay lalong naging mailap sa akin. Of course, they will all side Rome and Prince who showed them nothing but kindness with the latter being our responsible leader. Sino ba naman ako kompara sa kanila? I wasn't bad but I wasn't exactly very good to my c

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   11 Julie

    WARNING: This chapter contains explicit scenes not suitable for readers under 18 years. Reader discretion is advised. EVERYTHING WENT SO fast that I just found myself lying naked beneath Roma inside my bedroom. A part of him was already inside of me as well. It was really painful for a first-timer like me. Gulat na napatitig siya sa akin pagdilat ko nang dahan-dahan mula sa pag-inda no'ng sakit. “Fuck... You're crying,” he pointed out. “Do you want me to stop? Are you hurt?” tanong niyang nahimigan ko ng pag-aalala o baka guni-guni ko lang iyon. Pinunasan ko ang mga luha ko at umiling. “K-Kaya ko.” He looked at me for a couple of minutes, finding something I couldn't name until he slowly nodded. Dahan-dahan ulit niyang pinasok. No one touched me there and in places he had touched me. I bit my lip firmly to control myself. “

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   12 Julie

    “IT'S A WRAP!” our director declared after shooting the last important scene of our expository docu film. “Congratulations, team!” he added. Matapos ang graduation ko ay kaagad akong nag-apply bilang screenplay writer ng isang public and current affairs show sa lugar namin. Kaagad naman akong na-hire dahil nga pasok naman ako sa qualification at magna cum laude pa ng isa sa kursong hinahanap nila. I was working my dream job. I was happy and satisfied but that wasn't the case for my family. Napansin ko agad ang pagdaan ng lungkot at disappointment sa mukha ni nanay matapos bilangin iyong sahod ko. Binigay ko sa kanila lahat dahil kailangan namin iyon para tubusin ang farm. They were so happy and proud when I graduated from college with flying colors. Hindi naman ako manhid para hindi malamang iyon ay dahil inaasahan nilang ako ang papalit na breadwinner ng pamilya namin dahil hindi

Latest chapter

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 03

    This is a very special chapter and announcement because the next two installments under Eraserheads Series will be led by Mutyang Marikit or ‘Mari’ and Maliksing Makisig or ‘Maki’, respectively. Pag-iisipan ko pa kung anong story naman ang ibibigay ko for Kundimang Bahaghari or ‘Hari’. I would also like to take this opportunity to thank all of you with all my heart and soul for your gems, reviews, and ratings. I hope you could give me one as it will help me in promoting this story and in sharing my advocacy regarding gender and sexuality with a bigger and greater audience here on GoodNovel. Thank you, thank you so much! I wouldn't make it this far without all of you. This will be the last part for Julie Tearjerky but see you in my upcoming stories under the Eraserheads Series. I hop

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 02

    This special chapter will chronicle the Buendia Twins' experiences while growing up. This will be told in third person point of view. MATINGKAD ANG SIKAT ng araw ng umagang iyon. Nagtipon-tipon ang mga preschool student sa gymnasium ng pribadong paaralan ng Roosevelt para sa isang espeyal na parangal. Tak... Tak... Tak... Iyan ang tunog na nililikha ng mga sapatos ni Maki na sadyang pinakintab ng kanyang ina para sa selebrasyon na iyon at sa tuwing ito ay tumatama sa sahig ng gymnasium kada padyak niya ng kanyang mga paa habang naghihintay na matawag ang pangalan niya. Ang kanyang mga kamay ay nakatuko pa sa may kandungan niya. Agad niyang tinaas ang mga iyon upang pumalakpak nang matawag na ang pangalan ng kakambal niyang siyang nangunguna sa buong klase nila. “Buendia, Mutyang Marikit D. First Honors.”

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 01

    NASA MAY PATIO dining area kami at nagtipon-tipon nina Rosella at Florence kasama ng mga batang naglalaro sa may backyard. Pinagsasaluhan namin ang gawang merienda ni Rosella habang nag-uusap. “Valentine's Day na bukas!” masayang bulalas ni Rosella. “Saan ang lakad niyong mag-asawa, mga mars?” “Sa bahay lang pero sigurado akong may pa-flowers at chocolates na naman si Tommy. Kayo ba?” “May date kami ni Marvin. He said he doesn't want to make a surprise for me this year. Sinabi niya na sa akin iyong plano niya para makapaghanda na ako kasi ang pangit kong magulat, e, nananapak nang bongga. Mukhang pagod na rin si Marvin na masapak ko.” We all laughed at that and when it died down, they both turned to me. “Ikaw ba, Julie?” asked Florence. “Hindi ko alam, e. Pero gusto ko sana this year, ako naman ang sumurprisa sa kay Roma.” That was

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   03 Roma

    HINDI MAGAWANG ALISIN ni Roma ang titig sa susunod na aplikanteng pumasok sa opisina niya na sasalang sa interview at upang mag-apply bilang isa sa mga chemical engineer niya. “How are you? It's been a long time.” “Prince...” ang tanging nausal ni Roma. “I thought you joined the Philippine Military,” dugtong naman niya nang makabawi. Prince gave him his small boyish smile. “I didn't push through it. That's not what I want. This... is what I want.” Nakatitig lang si Roma sa mukha ni Prince. It's really been a long time since they last saw each other. They didn't even have a proper breakup. They were just taken away from each other. The changes in him were noticeable as well. He grew taller, had some stubbles, and gained more muscles, very similar to Roma right now except for the facial hair. His skin was maintained clear, smooth, and pristine. Skincare was life for Rom

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   02 Roma

    ROME KNEW IN his heart that he really loved Prince, but he also couldn't deny the immense care he had for Julie. Handa siyang magpabugbog at masaksak masigurong ligtas at ayos lang ito na siyang naging dahilan nang pagkakaratay niya ngayon sa ospital. “Diyos ko, salamat Po...” usal agad ng mommy niya ang narinig niya pagdilat niya. Hawak-hawak pa nito ang rosaryong ginamit sa pagdadasal nang lumapit ito sa kanya saka hinaplos ang ulo niya. “Anak, kumusta ka na? Ano nang pakiramdam mo? Dalawang araw ka nang n-natutulog...” “My, tatawag ako ng nurse,” paalam naman ng kuya niyang si Philip bago lumabas ng kwarto nila. “T-Tubig po...” “Nauuhaw ka ba? Sandali lang. Heto na, heto na.” Agad-agad naman siyang pinaupo saka inalalayan ng ina niya sa pag-inom ng tubig. “Anak, huwag mo na ulit gawin iyon, please.”

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   01 Roma

    This is the first part of the epilogue, and this will be told in Roma's point of view in third person. Words are not enough to express how grateful I am that you have stumbled and have became an important part of Julie and Roma's adventures and misadventures since high school to their lives overseas and back to the Philippines where they raised their own modern unconventional family and sort out what they truly mean to each other. I hope you bring with you the lessons you have gotten from here about life, love, faith, and most especially about gender and sexuality. Respect everyone and never lose faith. God bless!♡ BATA PA LAMANG si Rome, ang junior ng OFW na si Borromeo Buendia, ay alam at ramdam na niyang may espesyal sa kanya. He was also very vocal with it towards his family who never failed to support him in anyway they can. Tumunog ang bell, hudyat nang pagsisimula ng unang klase. Mabibilis na yapak ng mga

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 55 | Roma & Julie

    WARNING: This chapter contains scenes not suitable for readers under 18 years of age. Reader discretion is advised. I JUST FOUND Roma and I in our bed sharing another round of intimate moment. Patagilid at parehong hubad kaming dalawa na nakahiga ngayon sa kama. He was hugging me tightly with his left arm while he was also moving quickly in and out of me. Nakatanday naman ang isang binti niya sa akin habang patuloy siya sa mabilis na paggalaw. I kept meeting him, too. Ginalaw niya iyong kanang braso niyang inuunan ko upang igiya ako palingon sa kanya sa likuran ko. When I turned to face him, he instantly sealed my mouth with his tongue and hot kisses. “Ah...” I moaned in between our kisses, especially when I felt his thumb and index fingers toying with my already hard nipples. Mula sa pagkakayakap sa akin ay binaba niya ang kaliwang braso niya at kamay sa mas

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 54 | Roma & Julie

    PINUNTAHAN NAMIN NI Roma ang Pamilya Escobar sa ospital nang makapag-ayos na kami. We left the kids under Lilo's watch. Tumayo agad si Klarissa pagkakita niya sa aming papalapit sa kanya saka kami sinalubong. “Kumusta na si Tito Mon?” I asked. “Ayos na siya sa awa ng Diyos.” She turned to Roma, her eyes were now tearful. “Roma, maraming-maraming salamat talaga sa pagliligtas sa kanya.” Roma caressed her arm to soothe her as he gave her one thoughtful smile. “It's okay, Issa. Huwag ka nang mag-alala sa mga gagastusin niyo. I already contacted Marvin's construction company as well to fix your house as soon as possible.” “Roma, maraming-maraming salamat talaga sa lahat pero... matatagalan pa siguro bago kami makapagbayad sa iyo...” “Huwag kang mag-aalala sa bayad. It can always wait but I'm not asking you to pay me for it, okay? I just really wanted to

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 53 | Roma & Julie

    THE MAHOGANY GANG clapped, cheered, and teased us because we were making such a scene on stage. Agad kong pinunasan ang mga luha ko habang marahang naghahalakhakan kami ni Roma. I called Klarissa next because I was her secret Santa. Tuwang-tuwa naman siya nang hindi lang ang regalo ko ang binigay ko kundi pati na rin iyong mamahaling sapatos na props ni Roma para sa surprise niyang ito. When everything was said and done, we proceeded and feasted on the banquet. Maganang-magana ang kain ng mga anak namin ni Roma. Pagkatapos nila ay nagpaalam naman silang maglalaro lang sa may stage. Alexa and Gelo promised and assured us that they will be watching out for all of the Mahogany kids. Sinamahan na rin sila ni Nicolette na mukhang gusto ring makipaglaro sa mga bata. Naiwan sa mahabang table kaming mga matatanda. Dylan was with us as well. Napatingin kami kay Tito Ramon nang biglang tumayo siya at tinaas ang c

DMCA.com Protection Status