Share

05 Julie

last update Last Updated: 2021-06-13 00:18:20

GALIT NA HINAKLIT ni Prince ang braso ko nang makalapit siya sa akin. Hinarap niya rin ako sa kanya.

“Sinabi sa akin ni Tita Korina ang nangyari kay Rome,” madiing saad niya.

Absent si Rome ngayon dahil nagpapagaling pa sa ospital kung saan siya isinugod nina tatay at Ate Julia. Tita Korina was very mad too when she found out about it. Naiintindihan ko naman si tita. Siyempre, anak niya ‘yong nasaksak, e. She had all the right to be mad.

Binawi ko ang braso ko at hindi na lamang sumagot. Ayokong maging mapagmataas lalo na ngayong may nanganib ang buhay dahil sa akin. Sana naman sa pananahimik ko ay makuha agad ni Prince na inaako ko naman ‘yong pagkakamali ko.

“Alam mo, Julie... siguro mas mabuting layuan mo na lang si Rome. Kasi kung hindi mo siya iniinsulto ay pinapahamak mo naman siya,” aniyang tunog nang-aakusa.

Nagkaroon tuloy ako ng lakas ng loob na mag-angat ng tingin sa kanya. Hindi na dapat ako babanat pero para utusan niya akong gawin ‘yon ay para bang napakasama kong tao, na wala na akong maidudulot na maganda kay Rome.

“Bakit? Ginusto ko bang masaksak siya? Hiniling ko ba na manganib ang buhay niya? Hindi naman, ‘di ba?” matapang na sagot ko sa kanya.

Napapikit si Prince na para bang pinipigilan niya ang sarili niyang banggain din iyong tapang ko. Nang magdilat siya ay bumuntong-hininga siya saka sumagot.

“Julie, I really don't know how to tell you this without offending you. Pero please lang, umiwas ka na lang sa amin. Lagi na lang kasing may nangyayaring hindi maganda kay Rome sa tuwing nand'yan ka–”

“Wow, inuutusan mo ba ako?” putol ko sa kanya.

Naungot na siya sa inis. “‘Yan na nga ba ang sinasabi ko, e. Kahit anong sabihin namin, lagi mo kaming tinitingnang kontrabida.”

“Hoy, para lang malaman mo, ayoko rin namang nagdididikit sa inyo! Si Rome lang ‘tong lapit nang lapit sa akin...”

Pumalatak naman siya, halatang nauubusan na ng pasensya. Kung gano'n, pareho kaming dalawa. Alangan namang siya lang may karapatang mainis at magsabi nang hindi ko magugustuhan.

“Julie, ‘yon nga ‘yong point ko, e. Lapit nang lapit si Rome sa ‘yo because he's trying his best to reach out to you. He was hoping that you could still be friends just like before. Pero wala, e. Matigas ka...”

Natahimik ako pero pinanatili kong matapang ang ekspresyon ko. He actually had a point. Sinusubukan ni Rome na makipagkaibigan ulit sa akin pero ako naman ‘tong tulak nang tulak sa kanya palayo. Mayamaya ay umismid na ako at tinalikuran na lang siya. I don't want to argue with him anymore. I get it, he cared for Rome and so... was I. Nakakainis naman ‘to...

Ngayong araw dapat ang baking session namin sa T. L. E. kaso ay wala si Rome kaya pinagpaliban na lang muna ni Ma'am Uytengco ‘yong akin kasi wala rin naman akong kasama. Bilin niya ay saka na lang ako magpe-perform kung nand'yan na ang partner ko. I agreed because I don't want to leave Rome behind. Kahit dito man lang ay makabawi ako sa kanya. Ma'am Uytengco and the rest knew what happened to Rome.  Ramdam kong gusto nilang magtanong sa akin nang buong detalye kaso ay natatakot lamang silang lapitan ako dahil nga hindi naman ako ganoon kabait sa tingin nila. Lagi akong pinangingilagan sa classroom kaya hirap din akong humanap ng mga constant na kasamang matatawag kong kaibigan. Ngayon ay lalo ko nang naiintindihan kung bakit laging pinipilit ni Rome na kausapin ako at samahan... He pitied me for not having any companion. Mas nararamdaman ko tuloy ‘yong kawalan niya no'ng mga araw na absent siya.

When Rome attended our class, Prince was always checking him but he was noticeably cold towards him.

“Hindi na. Kainin mo na ‘yan para lumakas ka.”

Tahimik akong napairap sa aking upuan habang nakapangalumbaba gamit ang kaliwang palad nang umiling si Prince nang inalok ni Rome ang burger sa kanya. Akala niya naman kinagwapo niya ‘yong pagpapakipot niya.

Dumiretso na kami ni Rome sa room namin sa Bread and Pastry para magbake ng brownies. Kami lang dalawa ang naroon kaya sa isang mesa malayo sa kanya ko piniling ihanda iyong mga gagamitin namin. Iniwan na rin kasi kami ni Ma'am Uytengco roon nang matapos niya kaming i-orient sa gagawin dahil may meeting pa siya kasama ng mga faculty.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makausap. Ewan ko ba. Nahihiya ako na nangangamba na baka mag-iba na ang trato niya sa akin. Na gaya ni Prince ay sisihin niya rin ako sa nangyari sa kanya. Kung gagawin niya man ‘yon ay tatanggapin ko naman kasi kasalanan ko naman talaga iyon.

“Julie, bakit nand'yan ka?” pagtataka niya.

“Ah, ano kasi... ahmm...” Nangangapa ako nang isasagot sa kanya.

Ang totoo niyan ay may plano rin kasi ako. Dinagdagan ko iyong ingredients namin saka may dala rin akong ibang gamit.

“Ayos na ako rito. Mas komportable ako sa ganito. Sandali lang at dadalhin ko r‘yan ‘yong mga gamit at ingredients mo. Nahati ko na kagabi,” I told him.

Kahit na partner kami sa budgeting at pagbebake ay titingnan pa rin individually ang mga output namin. Pagkatapos ko sa akin ay pinuntahan ko na siya sa pwesto niya saka tinulungang maghanda.

“Thank you,” nakangiting aniya pagkatapos.

Tumango naman ako. Babalik na sana ako sa pwesto ko nang maisipan kong kausapin na talaga siya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago ako pumihit paharap at lumapit ulit sa kanya.

“Nga pala, Rome...” pagtawag ko sa kanya.

Nang matali na niya ang likuran ng apron niya ay binalingan niya ako. “Bakit, Julie?”

“I‘m sorry...”

Rome smiled at me thoughtfully. “Doon ba sa nangyari? Hindi mo naman ‘yon kas–”

“Sa lahat ng mga hindi magandang nasabi at pagtrato ko rin sa ‘yo,” I told him.

Napawi ‘yong ngiti niya dahil sa gulat.

“Alam mo no'ng absent ka. Doon ko lang narealize na ikaw lang ‘yong pinakamalapit sa talagang masasabi kong kaibigan ko rito...” pagpapatuloy ko.

Rome's the only friend I ever had. Simula't sapul ay siya lang ang mayro'n ako. This might be the reason why I'm harboring jealous feelings whenever I see him with Prince. Pakiramdam ko kasi ay naagawan ako...

Maunawaing ngumiti si Rome sa akin saka inabot at hinawakang maigi ang kamay ko.

“Kasama ko na si Prince pero nandito pa rin naman ako para sa ‘yo,” nakangiting sagot niya sa akin.

Kumibot ang labi ko hanggang sa tuluyan na akong napangiti dahil naantig ako sa sinabi niya. “T-Thank you...”

Bumalik na ako sa pwesto ko pagkatapos saka sinadyang tumalikod sa kanya para hindi niya makita ang ginagawa ko. May binili kasi akong heart-shaped na molder. Balak kong gumawa ng tatlong brownies na hugis puso at iyon ang ibibigay ko kay Rome... bilang pasasalamat sa ginawa niya. Gusto ko sana siyang surprisahin no'n kapag natapos na namin. Dali-dali kong isinalang iyong akin sa oven. Tinuro ko agad iyong isa pang oven kay Rome para hindi niya makita iyong ginawa ko. Iyon na lang ang ginamit niya.

Nasa kanya-kanyang mga pwesto namin kami at parehong tahimik. Ako naman ay nakatutok ang atensyon sa oven kung nasaan ‘yong nagawa kong mga brownies. Madalas napapangiti ako lalo na kapag dumadapo ‘yong mga mata ko sa hugis pusong mga brownies ko. Para akong sira kung titingnan pero ewan ko ba... may hindi maipaliwanag na excitement akong nararamdaman lalo na kapag iniisip ko kung paano ko ibibigay iyon sa kanya.

“Julie...”

Napaayos ako nang upo sa pwesto ko bago pumihit paharap kay Rome na pansin kong medyo malungkot.

“Bakit?”

“Pansin mo bang medyo malamig sa akin si Prince?” malungkot niyang tanong sa akin.

Saglit akong natigilan pero dahan-dahan ding tumango.

“Pinaliwanag ko naman sa kanya kung bakit ko ginawa ‘yon pero mukhang galit pa rin siya. Feeling ko ayaw niya pang tanggapin ‘yong rason ko...” dagdag niya pa sa mahinhing tinig.

He purposely met my gaze. Ang lungkot niya... Kumirot bigla ‘yong puso ko.

“Sa tingin mo, ano bang dapat kong gawin para magkaayos kami? Para maintindihan niya ako?” tanong niya sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Inabala ko na lang ang sarili sa paninitig sa ibabaw ng lamesa.

“Bakit si Prince?” biglaang tanong ko.

I didn't lift my eyes because I don't want to see his reaction.

“Dahil ba pareho kaming lalaki?” he asked back.

Umiling ako. “Gusto ko lang malaman kung bakit siya?” ang pinili mo...

Nasa dulo na nang dila ko ang gusto kong itanong pero pinigilan ko ang sarili. Naduduwag akong marinig ang isasagot niya kung sakaling papipiliin ko siya.

“Tanggap niya ako, Julie...”

“Kasi bakla rin siya?” I asked.

“Bisexual si Prince. May sinalihan kasi akong seminar about gender and sexuality. Doon ko mas naintindihan na iyong straight na lalaki ‘yong gender identity at expression na katulad ni Prince ay pwede palang ma-attract sa mga katulad ko. Kaya ‘yong sexual orientation nila ay tinatawag na bisexual.”

Nag-angat na ako ng tingin sa kanya. Naguguluhan pa rin ako, e. Siguro kapag naunawaan ko siya, silang dalawa ni Prince, ay baka matanggap ko na kung bakit hindi niya ako...

“So... lalaki talaga siya na attracted lang sa mga kagaya mo?”

He shook his head slowly. “Bisexual means being attracted to both men and women, or to any gender. Halimbawa, babae na attracted sa lalaki at isang lesbian. O ‘di naman kaya ay lalaking attracted sa bakla o babae. Mayro'n ding bakla na attracted sa lesbian at lalaki. You know, it can be vice-versa as long as classified siya na naa-attract sa dalawang magkaibang type ng gender.”

Tumango-tango ako. Bisexual... Maybe I should join those kind of seminars too so that I can learn and understand more about gender and sexuality. Susubukan ko ring magbasa ng mga articles sa library at internet.

“‘Di ba gusto ng papa niyang ipasok siya sa PMA? Paano na kayo n‘yan?” tanong ko.

Malungkot na ngumiti naman si Rome. “Ayos lang... naiintindihan ko naman. Saka mga bata pa naman kami, e. Marami pang magbabago. Siguro kung hindi talaga kami para sa isa't isa, matatanggap ko naman pero panghabambuhay na siyang magkakaroon ng puwang sa puso at buhay ko.”

“Mahal mo siya?” I asked him.

“Oo naman...” His response was so quick it made my heart ache.

“Alam mo ‘yong feeling na binabasa ko lang ‘to noon sa mga romance book... Iyong tipong may mag-aalaga sa akin, magpoprotekta, at higit sa lahat ay tatanggap sa kung sino talaga ako. Siya ‘yon Julie, e. Si Prince ‘yon lahat. Nakakagulat nga na magugustuhan ako ng isang top student at class president,” Rome said dreamily.

I looked at him intently. He was dreaming and wishing for a fairytale-like love story, just like anybody else. Ako rin naman, e... Pero kung gusto ng prince charming kong maging prinsesa, it's really okay for me to exchange roles. Napailing ako. Ano ba naman 'tong mga sinasabi ko?

Nang matapos ang bine-bake kong brownies ay napatitig ako sa tatlong heart-shaped na brownies na ginawa ko. I glanced at Rome who was still too preoccupied with his output. Binagsak ko ulit ang mga mata roon. Napabuntong-hininga ako at binalot na lamang iyong tatlong hugis pusong brownies sa isang maliit na plastic saka tinalian ko nang pulang maliit na ribbon. Nang matapos na ako sa akin ay nilapitan ko si Rome.

“Heto, oh. Ibinigay mo na lang kay Prince,” saad ko sabay abot sa kanya no'ng supot. “Para sana sa... nanay ko ‘yan pero baka lumala ‘yong diabetes niya kaya sa ‘yo na lang...” rason ko na lang.

Gulat na nag-angat naman ng tingin si Rome sa akin. “Julie, hindi. Sa ‘yo ‘yan, e. Kainin mo na lang o bigay mo sa ate mo.”

Napairap ako at kinuha na ang kamay niya saka binuksan ang palad niya at ipinatong doon iyon. “Aarte ka pa, e. Kunin mo na. Pang-peace offering do'n sa prinsipe mo. Isipin mo na lang na... pasasalamat ko ‘yan sa tinulong mo sa akin.”

Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Rome bago siya mahinang nagtitili. “Thank you talaga, Julie!”

Napangiti ako niyakap siya pabalik. Pagkakasyahin ko na lang ‘yong sarili ko sa ganito.

Pauwi na sana ako at hila iyong bisikleta ko pero nagtago ulit ako sa gilid ng building ng mga fourth year junior high school students. Sinilip ko ulit sina Rome at Prince na nakaupo sa bench no'ng maliit naming parang park sa campus. Mukhang naibigay na ni Rome iyong brownies.

“Galit ka pa ba?” nakangiti at mahinhing tanong ni Rome saka pinunasan ang gilid ng labi ni Prince, tinatanggal iyong crumbs doon.

“Rome, mangako ka nga sa akin na hindi mo na ipapahamak ang sarili mo sa susunod,” seryosong saad ni Prince sa kanya.

Napangiti si Rome na para bang naantig siya. He hugged him on his waist and rested his head on his shoulder. “Opo, nangangako na po.”

Prince hugged him too. “Kung may kailangan ka, magsabi ka sa akin. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nasasaktan ka.”

“I love you...” nakapikit na usal ni Rome.

Prince smiled before he kissed the top of his head. “I love you too.”

With those exchange of sincere ‘I love yous’, my young heart broke. Yumuko ako at bagsak ang mga balikat na tinalikuran na sila at hinila ang bike ko papunta sa gate ng school.

Kinuha ko iyong heart-shaped molder sa eco bag ko at tinapon sa gilid ng gate. Kung alam ko lang na kay Prince rin pala ‘yon mapupunta ay ‘yong star-shaped na lang sana ang binili ko. Feeling star kasi siya, e – laging bida-bida. Inis na sinipa ko muna ang bato sa malapit bago ako sumakay sa bisikleta ko.

Kung si Prince ‘yong prince charming sa fairytale-like love story ni Princess Rome ay sino naman ako?

“Malamang ‘yong witch na walang may gusto,” bulong ko sa sarili.

“Ang tanga mo, Julie! Magmamahal ka na nga lang ng bakla, ‘yon pang may jowa!” inis na sigaw ko habang nagbibisikleta sa walang katao-taong kalsada papasok sa barangay namin.

I TOOK MY phone out to video-call my family in the Philippines while we're waiting for our order. Dinala ako ni Roma sa isang five-star restaurant. Maigi na raw na roon kami kasi kakaonti lang ang mga customer at walang masyadong chismis.

Nagpaalam ako sa kanyang tatawagan muna ang pamilya ko. He just simply nodded. Mukhang busy din siya dahil panay ang tunog ng phone niya kaya panay din ‘yong sagot niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Mukhang naistorbo ko talaga siya.

I ran my gaze through him. He looked so expensive with his unbuttoned leopard-printed trench coat and black leather pants with black killer heels and shiny lariat necklace. Nagmukha tuloy akong katulong niya dahil sa gusot ko nang uniporme at buhok. I anxiously ran a hand through my hair to try to fix it. Ganito talaga siguro ‘yong kinakarma, naha-haggard...

Habang pinagmamasdan ko nang maigi si Roma ngayon ay lalong nadepina ang mga pagbabago niya. Dahil sa suot ay nakikita ko ang well-toned niyang pectoral muscles at abs. Payat lang siya noon na matangkad. Tapos tanned na rin siya, noon ay maputi siya.

Nag-iwas na lamang ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa pagtawag kina nanay. Balak kong ipaalam sa kanila ang nangyari sa akin kanina. Mukhang alanganin din ang lagay ko ngayon sa pinagtatrabahuan ko dahil sa insidenteng ‘yon. Baka ipag-leave muna ako o ipa-suspend. That would mean hindi muna ako makakapagpadala sa kanila.

“Nay, kumusta na kayo r‘yan?” pambungad ko agad kay nanay pagkasagot niya no'ng video-call.

Gabi na sa amin kaya umaga na sa kanila.

“Ayos naman kami rito, anak. Si Jillian matataas ‘yong mga grado, sa awa ng Diyos. Tapos ‘yong mga pamangkin mo, aba'y ang kukulit pero masipag namang mag-aral.”

Napangiti ako roon.

“Nga pala, anak, naniningil na ‘yong mga Escalante sa kulang natin sa bayad sa farm...” singit ni nanay sa usapan.

Nakuha ko naman agad ang ibig niyang sabihin. “Sige po, nay. Sa makalawa, magpapadala na po ako...”

“Nay–” Balak ko na sanang ikwento ang nangyari nang putulin niya ako.

“Ay, anak, may isa pa! Plano sana namin ng Ate Julia mo na magbukas ng kapehan at batchoy business para mapagkakitaan namin. Saka para hindi na rin pa magtrabaho ang tatay mo bilang sekyu. Baka naman pwede mo kaming bigyan nang pangkapital...”

Tahimik na napasinghap ako roon. Saan ako kukuha ng pera ngayon? Hirap na hirap na nga akong bayaran ang kuryente't tubig ko sa tinitirhan ko tapos...

“Nay... t-titingnan ko p-po...” pumipiyok na sagot ko.

“Sige po, ah. Magtatrabaho po muna ako,” I lied just to end the video-call.

Binaba ko ang phone sa ibabaw ng lamesa at hinilamos ang dalawang palad sa mukha ko. I didn't take off my hands from my face. I let them stay there. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon basta ang bigat-bigat.

“Hey, bish, are you okay?” Dinig kong tanong ni Roma sa akin.

Parang trigger iyon na nagpahagulgol sa akin. Nagtaas-baba na iyong mga balikat ko pero hindi ko pa rin tinanggal ang mga palad sa mukha ko. Ayokong makita niya akong ganito.

“Julie, what's wrong?” tanong niya ulit nang hindi ako sumagot. May pag-aalala na sa tono niya. Kaso agad din namang napalitan iyon nang nagpatuloy siya sa madiing boses. “Oh my gosh... bish, stop crying. The people around might think I'm fucking hurting you.”

“Hindi ako okay...” humahagulgol kong sagot.

He didn't say anything. I took that as a cue to continue bursting into tears and letting out my sentiments.

“Pagod na pagod na ako...” pag-amin ko.

Hindi pa rin siya nagsalita. Tinanggal ko na ang mga kamay sa mukha ko at hinarap siya. Nagpatuloy lang siya sa paninitig sa umiiyak kong pagmumukha.

“Bakit tingin nila sa mga OFW nagmimina ng ginto sa ibang bansa? Hingi dito, hingi doon... Iniisip ba nila ilang trabaho ang kailangan kong gawin sa isang araw para kumita ng dolyar na sapat lang para ipadala sa kanila?” I ranted as I cried more.

“Kahit anong kayod ko, pakiramdam ko ‘yong problema namin hindi naman matapos-tapos, e... Magkanda-kuba man ako sa pagtatrabaho rito, wala pa ring nangyayari sa buhay namin. Ultimo pangarap ko, binitawan ko pa para mag-abroad. Ano nga ba ‘yong napala ko sa pagiging OFW? Gutom? Pagod? Lungkot? Nasaan na ‘yong magandang buhay do'n?” Lalo pa akong humagulgol.

“Don't be silly, Julie. I'm already giving you an option to save you from all those. Bakit hindi ka na lang kasi pumayag?”

Sinubukan kong punasan ang mga luha ko ng mga kamay ko kahit hindi pa rin sila matigil-tigil sa pagbuhos.

“Roma, ang dami-dami namang mga babae r'yan pero bakit ako?”

“I knew you since we were kids, bish. You never ran away from your responsibilities. Kaya natitiyak kong hindi mo ako tatakbuhan.” Inabot niya ang kopitang may lamang wine saka sumimsim doon.

“Bakit hindi ka na lang mag-in vitro fertilization? 'Yong mga, ano ba ‘yon?! 'Yong mga test tube-test tube niyong mayayaman!”

Napairap naman siya sa hangin at nilapag ulit ang kopita sa pinagkuhanan niyang pwesto nito.

“I want to witness my baby develop and grow naturally and not in some sort of laboratory.”

“Bakit ba gustong-gusto mong magkapamilya ha?”

“Gosh, bish... You're making me lose the already zero percent fucking patience I have for you,” madiing wika niya.

Napalunok ako at nanahimik na lang.

“My brother already had a teenager and two other kids who are in primary education. Sydney, our youngest sister, will be expecting her second child soon. Just imagine the amount of jealousy I'm dealing with whenever our big family gather and whenever I see my nieces and nephews around my house playing, sleeping, and doing all the adorable stuff. I want to have someone I can call my own. I want to have my own mini-me,” he explained.

“Ayoko ngang magkapamilya. Hirap na nga akong pakainin ‘yong sarili ko, paano pa siya? Pagod na akong magpakaresponsable, Roma. ‘Yong responsibilidad mo bilang isang magulang, nakakabit na ‘yan do'n sa bata pagkasilang niya pa lang. Isa pa, ayokong iparamdam sa kanya lahat nang mga ipinaramdam ng pamilya ko sa akin. Hindi naman simpleng anak ‘yong tingin ng mga magulang ko sa akin, e, kundi breadwinner na tutubos sa kanila sa buhay,” sagot ko naman, ibinulgar ang mga pinaghuhugutan ko para sa ideyang ‘yon.

“That's exactly my point, Julie! Ayaw mong magkaanak, gusto kong magkaanak. It will not be difficult for you to give me the child's full custody. Ako na ang bahala sa anak ko pagkatapos nang nine months. I will give him or her everything he or she deserves. We'll have a no string attached setup.”

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot ko.

“I'll give you one million dollar once you signed the contract I had my lawyer prepared for this setup. Makakapagpatayo na ang nanay at ate mo niyan ng batchoyan at kapehan kahit ilan pa ang gusto nila,” he marketed.

“Matutubos mo na ang farm niyo, pwede nang tumigil sa pagtatrabaho si Tito Jaime, mapag-aaral mo pa ang mga kapatid at pamangkin mo, at lalong-lalo na sa lahat ay hindi mo na kailangan pang magkanda-kuba para magbigyan ng magandang buhay ang buong pamilya mo,” he added. I looked at him intently.

“Saan mo naman nalaman lahat nang ‘yan?” I asked.

“Oh, come on, bish. Of course, I did my research. Dadagdagan ko pa nang isang million after your labor. Paano ka pa malulugi sa setup natin niyan?”

His offer was really tempting. Gustong-gusto ko na lang kasing magpahinga. Iyong tipong pupunta ako sa beach at eenjoyin ang simoy ng hangin at pagtatampisaw sa dagat. Gusto kong sarili ko naman ang unahin ko. Pagod na ako na malungkot at sukong-suko na sa buhay. Maybe it's time to finally have my rest from all these struggles and battles, most especially to the ones I fought secretly and solo. Ako naman... sarili ko naman ang iisipin ko sa pagkakataong ito.

“So... what's your decision?” tanong ulit ni Roma.

“Wala ka bang sakit?” I asked.

Humalakhak si Roma. Buong akala ko ay nakakatawa iyon para sa kanya subalit napansin kong matalim iyong tingin niya. He clicked his tongue and sternly looked at me with a smirk I couldn't quite point if it was mocking or simply annoyed.

“You, bish...” mariing usal niya. “I always make sure my sexual partners are clean. You want me to test you as well?”

“I never ever had intimate encounters. I can assure you I'm a hundred percent clean without the test,” mahinang tugon ko.

“Very well, then. Meet me tomorrow morning. I want you to sign the contract because I want to have my own baby as soon as possible.”

•|• Illinoisdewriter •|•

Illinoisdewriter

I craft stories and furnish them with my advocacies. ♡

| Like

Related chapters

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   06 Julie

    PAGKATAPOS NAMING MAGPIRMAHAN ni Roma nang kontrata ay dinala niya ako sa mga establishment na pagmamay-ari niya. He said he'll give me a total makeover. “Roma, kailangan ba talaga ‘to?” Nauuna siyang maglakad sa akin kaya nilingon niya ako. He took his cat eye shades up on his head before he arched one delicate brow at me. “Of course!” Pagkatapos ay pinaraanan niya ako ng tingin. Ibang-iba ‘yong suot ko sa kanya ngayon na kahit na simple lang ay nagsusumigaw pa rin nang mamahalin. He was dressed more masculine today, or something in between. He was wearing a silk red sleeveless qipao style top which he paired with flared pants and black Chelsea boots. May sukbit din siyang Luis Vuitton pochette bag sa maskulado niyang balikat. Since he was donning a sleeveless, his tattoo was kind of visible. Pinaraanan ko rin ang akin. I was dressed in an oversized yellow graphic te

    Last Updated : 2021-06-14
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   07 Julie

    I WHISTLED WITHOUT sound repeatedly while we're driving to their mansion. I'm calming myself down. “Girl, what are you doing?” tanong ni Roma sabay sulyap saglit sa akin. “Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako magustuhan ni Tita Korina sa plano mo?” He snorted which eventually led to his laughter. “Bish, we're not fucking getting married. Loosen up, you're too uptight.” “Sorry, kinakabahan lang. This is like the first time I'll be seeing Tita Korina again after a long time.” I licked my lips before biting it. I'm still worried that maybe until now, Tita Korina still hadn't forgiven me for ruining Rome's love story. I was stunned when we got into Roma's property. Nasa isang mamahaling subdivision iyon na kilala sa bansang ito bilang tirahan ng mga celebrity, businesspeople, at iba pa. Elevated ang location ng lugar kaya manghang-mangha ako sa overlook

    Last Updated : 2021-06-15
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   08 Julie

    TINUPAD NGA NI Rome ang hiniling ko. Hindi na niya ako nilalapitan. Pero paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang malungkot na nakatingin sa akin tapos kapag nagtagpo ‘yong mga mata namin ay nagbababa agad siya ng tingin. I always went home straight after school. Hindi rin ako active sa mga extra-curricular activities sa school o mga program man lang. I'm doing it purposely to less interact with Rome and Prince. I kept telling myself that I'll get used to it very soon. Masasanay na akong wala si Rome hanggang sa tuluyan ko na siyang makalimutan. I verily believe that works that way. Sana nga... Successful ang naging heart surgery ni Jillian. May mga maintenance pa ring binigay sa amin para sa mas bumuti ang kondisyon niya. Todo-todo ‘yong dasal namin habang hinihintay na matapos iyong operasyon. Paglabas ng doktor sa operating room at pagbigay niya sa amin ng magandang balita ay nahimatay agad si nanay si tuwa. Buong araw n

    Last Updated : 2021-06-16
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   09 Julie

    BINABA KO SI Jillian sa kuna niya matapos ko siyang patulugin. Hinanda ko na agad ang hapag para makakain na kami ng hapunan ni nanay. Kaming tatlo lang ngayong gabi ni Jillian dahil night shift si tatay. Pagkatapos kong maghanda ay kinatok ko agad sa kwarto niya si nanay. “Nay, kakain na po tayo.” “M-Mauna ka na, a-anak...” pumipiyok na tugon ni nanay. Natulala ako saglit sa seradula. Umiiyak na naman siya para kay Ate Julia. Lagi na lang... Ilang araw na... Nakakapagod nang makinig... Pinihit ko iyon kaya lumikha iyon ng ingay. Mabilis na pinunasan ni nanay ang mga luha niya bago ako nilingon. “Julie, hindi ba sinabi ko mauna ka nang kumain kung gusto mo?! Mamaya na ako!” Ilang araw na ring ganito si nanay. Madalas na niya kaming napagtataasan ng boses ni tatay kapag sinasabi naming magpahinga na muna siya o kumain. “Nay, kumain n

    Last Updated : 2021-06-17
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   10 Julie

    DALAWANG LINGGO NA simula no'ng ilipat ng school ng parents niya si Prince. Walang may alam kung saan. Para bang lahat ng koneksyon niya rito sa amin ay talagang pinutol na ng mga magulang niya. Dalawang linggo na rin akong hindi nilalapitan ni tapunan man lang ng tingin ni Rome. Alam at ramdam ko naman, e. Sinisisi niya ako. Ayaw niya lang talagang manumbat dahil nga siya si Rome, ang mahinhin at mabait na si Rome. Pero mas gugustuhin ko pa ata iyong sumbatan at sampalin niya ako kaysa sa ganito. Iyon bang para lang akong hanging dinadaan-daanan niya. Alam din ng buong klase kung anong nangyari at kung sino ang may pakana ng lahat. Kaya nga maging sila ay lalong naging mailap sa akin. Of course, they will all side Rome and Prince who showed them nothing but kindness with the latter being our responsible leader. Sino ba naman ako kompara sa kanila? I wasn't bad but I wasn't exactly very good to my c

    Last Updated : 2021-07-03
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   11 Julie

    WARNING: This chapter contains explicit scenes not suitable for readers under 18 years. Reader discretion is advised. EVERYTHING WENT SO fast that I just found myself lying naked beneath Roma inside my bedroom. A part of him was already inside of me as well. It was really painful for a first-timer like me. Gulat na napatitig siya sa akin pagdilat ko nang dahan-dahan mula sa pag-inda no'ng sakit. “Fuck... You're crying,” he pointed out. “Do you want me to stop? Are you hurt?” tanong niyang nahimigan ko ng pag-aalala o baka guni-guni ko lang iyon. Pinunasan ko ang mga luha ko at umiling. “K-Kaya ko.” He looked at me for a couple of minutes, finding something I couldn't name until he slowly nodded. Dahan-dahan ulit niyang pinasok. No one touched me there and in places he had touched me. I bit my lip firmly to control myself. “

    Last Updated : 2021-07-04
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   12 Julie

    “IT'S A WRAP!” our director declared after shooting the last important scene of our expository docu film. “Congratulations, team!” he added. Matapos ang graduation ko ay kaagad akong nag-apply bilang screenplay writer ng isang public and current affairs show sa lugar namin. Kaagad naman akong na-hire dahil nga pasok naman ako sa qualification at magna cum laude pa ng isa sa kursong hinahanap nila. I was working my dream job. I was happy and satisfied but that wasn't the case for my family. Napansin ko agad ang pagdaan ng lungkot at disappointment sa mukha ni nanay matapos bilangin iyong sahod ko. Binigay ko sa kanila lahat dahil kailangan namin iyon para tubusin ang farm. They were so happy and proud when I graduated from college with flying colors. Hindi naman ako manhid para hindi malamang iyon ay dahil inaasahan nilang ako ang papalit na breadwinner ng pamilya namin dahil hindi

    Last Updated : 2021-07-05
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   13 Julie

    ILANG LINGGO NA ako sa bagong pinagtatrabahuan ko bilang part ng production staff pa rin na trainee na para maging parte ng creative team. Ilang linggo na ring may nangyayari sa amin ni Roma. Gabi-gabi rin kasi siyang umuuwi sa tiny house ko. Katunayan ay kasalukuyan kong tinutulungan ang mga kasamahan ko sa paghahanda ng set para sa exclusive interview na pinangako niya sa network na ‘to. Nando'n na tayo sa maganda iyong makukuha ka sa trabaho mo dahil sa talento, passion, at tiyaga, pero iba rin kasi talaga kapag may backer ka o kapit. Sa kaso ko naman ay si Roma iyon. Inaayusan ng mga dala niyang make-up at wardrobe artist si Roma. He was dressed humbly today. Naka-puting jabot blouse siya na nakatuck-in sa itim niyang slacks tapos black Chelsea boots at golden chain ear cuffs. May suot din siyang dark blue contact lens. Iyong buhok niya naman naka-brush back pa rin kagaya nang tipikal na estilo nito.

    Last Updated : 2021-07-06

Latest chapter

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 03

    This is a very special chapter and announcement because the next two installments under Eraserheads Series will be led by Mutyang Marikit or ‘Mari’ and Maliksing Makisig or ‘Maki’, respectively. Pag-iisipan ko pa kung anong story naman ang ibibigay ko for Kundimang Bahaghari or ‘Hari’. I would also like to take this opportunity to thank all of you with all my heart and soul for your gems, reviews, and ratings. I hope you could give me one as it will help me in promoting this story and in sharing my advocacy regarding gender and sexuality with a bigger and greater audience here on GoodNovel. Thank you, thank you so much! I wouldn't make it this far without all of you. This will be the last part for Julie Tearjerky but see you in my upcoming stories under the Eraserheads Series. I hop

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 02

    This special chapter will chronicle the Buendia Twins' experiences while growing up. This will be told in third person point of view. MATINGKAD ANG SIKAT ng araw ng umagang iyon. Nagtipon-tipon ang mga preschool student sa gymnasium ng pribadong paaralan ng Roosevelt para sa isang espeyal na parangal. Tak... Tak... Tak... Iyan ang tunog na nililikha ng mga sapatos ni Maki na sadyang pinakintab ng kanyang ina para sa selebrasyon na iyon at sa tuwing ito ay tumatama sa sahig ng gymnasium kada padyak niya ng kanyang mga paa habang naghihintay na matawag ang pangalan niya. Ang kanyang mga kamay ay nakatuko pa sa may kandungan niya. Agad niyang tinaas ang mga iyon upang pumalakpak nang matawag na ang pangalan ng kakambal niyang siyang nangunguna sa buong klase nila. “Buendia, Mutyang Marikit D. First Honors.”

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 01

    NASA MAY PATIO dining area kami at nagtipon-tipon nina Rosella at Florence kasama ng mga batang naglalaro sa may backyard. Pinagsasaluhan namin ang gawang merienda ni Rosella habang nag-uusap. “Valentine's Day na bukas!” masayang bulalas ni Rosella. “Saan ang lakad niyong mag-asawa, mga mars?” “Sa bahay lang pero sigurado akong may pa-flowers at chocolates na naman si Tommy. Kayo ba?” “May date kami ni Marvin. He said he doesn't want to make a surprise for me this year. Sinabi niya na sa akin iyong plano niya para makapaghanda na ako kasi ang pangit kong magulat, e, nananapak nang bongga. Mukhang pagod na rin si Marvin na masapak ko.” We all laughed at that and when it died down, they both turned to me. “Ikaw ba, Julie?” asked Florence. “Hindi ko alam, e. Pero gusto ko sana this year, ako naman ang sumurprisa sa kay Roma.” That was

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   03 Roma

    HINDI MAGAWANG ALISIN ni Roma ang titig sa susunod na aplikanteng pumasok sa opisina niya na sasalang sa interview at upang mag-apply bilang isa sa mga chemical engineer niya. “How are you? It's been a long time.” “Prince...” ang tanging nausal ni Roma. “I thought you joined the Philippine Military,” dugtong naman niya nang makabawi. Prince gave him his small boyish smile. “I didn't push through it. That's not what I want. This... is what I want.” Nakatitig lang si Roma sa mukha ni Prince. It's really been a long time since they last saw each other. They didn't even have a proper breakup. They were just taken away from each other. The changes in him were noticeable as well. He grew taller, had some stubbles, and gained more muscles, very similar to Roma right now except for the facial hair. His skin was maintained clear, smooth, and pristine. Skincare was life for Rom

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   02 Roma

    ROME KNEW IN his heart that he really loved Prince, but he also couldn't deny the immense care he had for Julie. Handa siyang magpabugbog at masaksak masigurong ligtas at ayos lang ito na siyang naging dahilan nang pagkakaratay niya ngayon sa ospital. “Diyos ko, salamat Po...” usal agad ng mommy niya ang narinig niya pagdilat niya. Hawak-hawak pa nito ang rosaryong ginamit sa pagdadasal nang lumapit ito sa kanya saka hinaplos ang ulo niya. “Anak, kumusta ka na? Ano nang pakiramdam mo? Dalawang araw ka nang n-natutulog...” “My, tatawag ako ng nurse,” paalam naman ng kuya niyang si Philip bago lumabas ng kwarto nila. “T-Tubig po...” “Nauuhaw ka ba? Sandali lang. Heto na, heto na.” Agad-agad naman siyang pinaupo saka inalalayan ng ina niya sa pag-inom ng tubig. “Anak, huwag mo na ulit gawin iyon, please.”

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   01 Roma

    This is the first part of the epilogue, and this will be told in Roma's point of view in third person. Words are not enough to express how grateful I am that you have stumbled and have became an important part of Julie and Roma's adventures and misadventures since high school to their lives overseas and back to the Philippines where they raised their own modern unconventional family and sort out what they truly mean to each other. I hope you bring with you the lessons you have gotten from here about life, love, faith, and most especially about gender and sexuality. Respect everyone and never lose faith. God bless!♡ BATA PA LAMANG si Rome, ang junior ng OFW na si Borromeo Buendia, ay alam at ramdam na niyang may espesyal sa kanya. He was also very vocal with it towards his family who never failed to support him in anyway they can. Tumunog ang bell, hudyat nang pagsisimula ng unang klase. Mabibilis na yapak ng mga

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 55 | Roma & Julie

    WARNING: This chapter contains scenes not suitable for readers under 18 years of age. Reader discretion is advised. I JUST FOUND Roma and I in our bed sharing another round of intimate moment. Patagilid at parehong hubad kaming dalawa na nakahiga ngayon sa kama. He was hugging me tightly with his left arm while he was also moving quickly in and out of me. Nakatanday naman ang isang binti niya sa akin habang patuloy siya sa mabilis na paggalaw. I kept meeting him, too. Ginalaw niya iyong kanang braso niyang inuunan ko upang igiya ako palingon sa kanya sa likuran ko. When I turned to face him, he instantly sealed my mouth with his tongue and hot kisses. “Ah...” I moaned in between our kisses, especially when I felt his thumb and index fingers toying with my already hard nipples. Mula sa pagkakayakap sa akin ay binaba niya ang kaliwang braso niya at kamay sa mas

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 54 | Roma & Julie

    PINUNTAHAN NAMIN NI Roma ang Pamilya Escobar sa ospital nang makapag-ayos na kami. We left the kids under Lilo's watch. Tumayo agad si Klarissa pagkakita niya sa aming papalapit sa kanya saka kami sinalubong. “Kumusta na si Tito Mon?” I asked. “Ayos na siya sa awa ng Diyos.” She turned to Roma, her eyes were now tearful. “Roma, maraming-maraming salamat talaga sa pagliligtas sa kanya.” Roma caressed her arm to soothe her as he gave her one thoughtful smile. “It's okay, Issa. Huwag ka nang mag-alala sa mga gagastusin niyo. I already contacted Marvin's construction company as well to fix your house as soon as possible.” “Roma, maraming-maraming salamat talaga sa lahat pero... matatagalan pa siguro bago kami makapagbayad sa iyo...” “Huwag kang mag-aalala sa bayad. It can always wait but I'm not asking you to pay me for it, okay? I just really wanted to

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 53 | Roma & Julie

    THE MAHOGANY GANG clapped, cheered, and teased us because we were making such a scene on stage. Agad kong pinunasan ang mga luha ko habang marahang naghahalakhakan kami ni Roma. I called Klarissa next because I was her secret Santa. Tuwang-tuwa naman siya nang hindi lang ang regalo ko ang binigay ko kundi pati na rin iyong mamahaling sapatos na props ni Roma para sa surprise niyang ito. When everything was said and done, we proceeded and feasted on the banquet. Maganang-magana ang kain ng mga anak namin ni Roma. Pagkatapos nila ay nagpaalam naman silang maglalaro lang sa may stage. Alexa and Gelo promised and assured us that they will be watching out for all of the Mahogany kids. Sinamahan na rin sila ni Nicolette na mukhang gusto ring makipaglaro sa mga bata. Naiwan sa mahabang table kaming mga matatanda. Dylan was with us as well. Napatingin kami kay Tito Ramon nang biglang tumayo siya at tinaas ang c

DMCA.com Protection Status