Share

06 Julie

last update Huling Na-update: 2021-06-14 15:43:35

PAGKATAPOS NAMING MAGPIRMAHAN ni Roma nang kontrata ay dinala niya ako sa mga establishment na pagmamay-ari niya. He said he'll give me a total makeover.

“Roma, kailangan ba talaga ‘to?”

Nauuna siyang maglakad sa akin kaya nilingon niya ako. He took his cat eye shades up on his head before he arched one delicate brow at me.

“Of course!”

Pagkatapos ay pinaraanan niya ako ng tingin. Ibang-iba ‘yong suot ko sa kanya ngayon na kahit na simple lang ay nagsusumigaw pa rin nang mamahalin. He was dressed more masculine today, or something in between. He was wearing a silk red sleeveless qipao style top which he paired with flared pants and black Chelsea boots. May sukbit din siyang Luis Vuitton pochette bag sa maskulado niyang balikat. Since he was donning a sleeveless, his tattoo was kind of visible.

Pinaraanan ko rin ang akin. I was dressed in an oversized yellow graphic tee shirt of the Eraserheads' members. It was tucked in my wide leg pants then paired with simple white sneakers. A simple brown crossbody bag was also slung across my body.

“Ayos lang naman ‘yong suot ko, ah...” saad ko sa maliit na boses.

Roma grimaced as if he was disgusted at the mere sight of me. “Bish, just don't complain, okay? You will be getting everything for free. Isa pa, I don't want you to meet my mother later tonight with that– ugh, look.”

“Okay...”

Wala rin naman akong nagawa at sumunod na lang sa kanya. He had taken me first to a salon. They initially smoothened my frizzy hair then curled them the beach waves style. I heard one attendant suggested of doing some highlights but Roma said it was fine as natural black. He did my makeup too. Oo, siya mismo... Para akong maduduling sa kaba at kabog ng puso ko sa tuwing nilalapit niya ang mukha niya sa akin para tingnan iyong nilalagay niya. Nang matapos siya ay ngumisi siya at tumayo nang maayos saka inikot ang silya ko paharap sa salamin. I was surprised to see my reflection. Hindi ko inaasahang may gano'n pala akong tinatagong ganda. Siguro ay dahil hindi ko na naaasikaso ang sarili ko kaya kahit ako man ay nagugulat sa mga pagbabagong kagaya nito. The makeup was just soft but it was enough to highlight my features.

“Rose gold makeup style suits you,” Roma commented.

Nasa likuran ko siya nakatayo pero nilebel niya ang mukha niya sa gilid ng mukha ko habang pareho kaming nakatingin sa salamin.

We went to a high-end boutique afterwards. Sa kanya iyon, alam ko. The people gathered right away to greet him. Swabe siyang pumili ng mga outfits sa bawat madaanan namin. He then gestured for an attendant to usher and help me while dressing up.

Unang labas ay mukha akong mag-oopisina sa suot ko dahil napakapormal. Roma just glanced at me for second, returned his eyes to the magazine he was reading, and shooed me with his right hand to change. He didn't like it. Mabuti naman kasi ako rin.

Sunod naman akong lumabas bihis ang isang spaghetti strap glitter dress. Above-the-knee iyon at hindi ako masyadong komportable kaya panay ang hatak ko pataas ng straps. Nakikita kasi iyong cleavage ko... Nasapo ni Roma ang noo niya pagkapansin sa ginagawa ko.

“It's horrible! If you're uncomfortable with it, then don't choose it!” mataray niyang saad.

“Fashion is always about how you present yourself comfortably and confidently to the crowd. Go back!” dugtong niya pa.

Nakailang labas na ako at ikot sa harapan ni Roma pero mukhang wala talagang bumagay sa akin para sa kanya. Tuluyan na siyang tumayo sa inis nang lumabas ako suot iyong kulay gray na balloon style dress na may iilang pulang sequins.

“Goddamnit, bish! You look like a walking ebola virus!” sigaw niyang agad na nagpatiklop sa akin.

Nahihiyang napayuko na lamang ako. Kasalanan ko ba kung wala talagang bumabagay sa akin.

“Here, take this,” aniya sabay abot sa akin ng isang puting bestida.

Tahimik na kinuha ko iyon at pumasok na sa fitting room. It was a white above-the-knee off-shoulder dress na malaki iyong pagkaka-puff ng sleeves hanggang palapulsuhan ko. It was also bodycon na may ruffles sa dulo. It surprised me a lot because it emphasized the curves I didn't really know existed, and it felt... comfortable.

Paglabas ko nang fitting room ay handa na ako sa insulto na naman ni Roma. Napatitig siya nang ilang saglit sa akin hanggang sa nagtaas na siya ng kilay.

“Do you feel beautiful?” he asked.

“Ahmm... It's comfortable...”

Nahihiya akong sumagot nang totoo sa kanya. Baka kasi mapahiya lang ako...

“Bish, that wasn't my question. Do you feel beautiful?” pag-uulit niya.

Marahan akong tumango. “I feel... beautiful.”

He smirked. “Very well, then.”

He turned to the attendant and ordered, “Get me a pair of red stilettos. Size?” baling niya ulit sa akin. I told him my size.

Hindi ako mahilig sa mga ganoon pero ayoko nang magreklamo kasi bayad niya ‘to lahat. Pagkasuot ko no'ng stilettos ay tumayo agad ako at sinubukang maglakad-lakad. Kaya ko naman pala.

“Julie...” Roma called so I spun around to face him.

Kahit na naka-stiletto na ay mas matangkad pa rin siya sa akin kaya hindi na siya nahirapan pang ipitin sa likod ng kanang tainga ko ang takas ng buhok saka sinunod ang isang fabric rose bilang pang-adorno. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Pigil-hininga rin ang ginawa ko dahil gahibla lang ang layo namin. Pinihit niya ulit ako patalikod sa kanya at paharap sa full-length mirror. I saw how an attendant handed him a rectangular velvet box. Binuksan niya iyon at kinuha mula roon ang isang magarang uri ng kwintas. It was a silver necklace with Swarovski teardrop-shape pendant that perfectly rested right below my collarbone. Tinalunton ko ng mga daliri ko iyon. Ang ganda...

“Beautiful...” Roma remarked while still standing behind me and while looking at my reflection as well.

He was smiling. My heart tugged as I recalled the memories we shared from the yesteryears.

SERYOSO ANG MGA tinging ipinupukol ni Prince sa akin. It wasn't stabbing, it was warning me of something. Inirapan ko na siya at hinarap na ang kaparehas ko sa cotillion para sa darating na JS Prom namin na si Rome. As usual, magka-partner na naman kami.

Pinalitan ko na ng puting tee shirt na may print na pangalan ng paborito kong banda, ang Eraserheads, ang uniform blouse ko. Hinayaan ko na lang ‘yong uniporme kong palda dahil wala naman akong dalang pamalit doon, at mukhang ganoon din ang partner ko kaya pang-itaas lang ‘yong napalitan niya.

“From the top!” sigaw ng teacher na naka-assign sa pagtuturo sa amin no'ng sayaw.

Nang hawakan ni Rome ang mga kamay ko at ipinatong sa balikat niya saka tinaas naman ‘yong isa ay pansin kong hindi pa rin maalis-alis ni Prince ang atensyon niya sa amin. Kinailangan pa siyang tawagin ng partner niya para hawakan din ito. I looked at Rome, or more of like, tiningala siya. Tutok siya sa pagkabisado ng steps at mukhang hindi niya rin pansin ang paninitig ng jowa niyang parang nagseselos.

“Problema no'ng jowa mo?” tanong ko.

“Ha? Ayos naman kami. Bakit?”

“Kanina pa tingin nang tingin, e. May problema ba siya sa akin?”

Napabuntong-hininga naman si Rome. “Pasensya ka na. Kakausapin ko na lang mamaya.”

True to his words, Rome talked to his boyfriend during break. Nakaupo ako katabi no'ng mga kasama naming magsasayaw din sa cotillion pero ang mga mata ko ay nasa kanila. Mukhang sinusuyo ni Rome ‘yong nagtatampo niyang boyfriend hanggang sa mayamaya pa ay hindi na napigilan pa ni Prince na ngumiti rin. Hinawakan ni Prince sa palapulsuhan si Rome at hinila papunta sa gitna naming lahat. Biglang nagkantiyawan iyong mga kasamahan namin sa kilig kaya mahinhing nahampas ni Rome sa dibdib si Prince. The latter just guided his boyfriend's hand into his shoulder then held one up.

“Mark, pakisuyo naman, oh. Pwede mong i-play ‘yong music natin?” si Prince sa kasama naming pinakamalapit sa ginagamit naming speaker at sound system.

“Walang problema, bro!” anito at pli-nay nga ang tugtog.

Lalo pang umingay ang mga kasama namin sa panunukso sa kanila habang nagsasayaw sila sa gitna. It wasn't the kind of tease that's mocking nor insulting. It was the type that's supportive. Maging ang mga nanonood ay kinikilig sa kanila. I looked at them again and watched as they performed the dance without missing any step and while warmly smiling at each other. Even their eyes were reflecting genuine happiness. Nag-iwas ako ng tingin at tumayo na para kuhanin ang bag ko at kaagad na isinukbit iyon sa mga balikat ko.

“Oy, Julie, saan ka pupunta?” tawag ng isang kasama namin sa akin nang mapansin ako.

Hindi ko na siya pinansin at dire-diretso na lamang akong naglakad nang mabilis hanggang sa tinakbo ko na ang distansya ko papunta sa kung saan nakaparke ang bisikleta ko. Dali-dali kong tinanggal ang pagkakabuhol ng tali no'n at sinakyan iyon. Papatakbuhin ko na sana iyon pero hindi ko na ituloy dahil hinarangan ako ni Rome na mukhang nag-aalala.

“Julie, saan k–bakit ka umiiyak?” he asked.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha at nginitian siya. “Rome, sorry, ah. Kailangan ko nang umalis. May emergency kasi sa bahay...” pagsisinungaling ko.

“Ihahatid ka na namin ni Prince,” alok niya pang maagap ko namang inilingan.

“Hindi na... Kaya ko na ‘to,” I replied as I tried my best to show him my smile.

“Sigurado ka? Pwede ka naman nami–”

“Ayos lang. Kaya ko na,” putol ko sa kanya.

Ilang saglit niya pa muna akong tiningnan na para bang naninimbang bago siya tumango at pumagilid na para makadaan ako.

“Mag-iingat ka, Julie,” he reminded me.

Tumango ako at tahimik na nagpedal na ng bisikleta palabas ng gate. Nang makalabas ako ay natanto kong hindi magandang magbisikleta sa gitna ng daan lalo na at nanlalabo pa rin ang mga mata ko. Dinala ko sa gilid ang bisikleta at bumaba muna roon saka hinila na lamang iyon habang naglalakad ako at humihikbi.

Kung noon ay pinagsasawalang-bahala ko lang ang nararamdaman ko, ngayon ay hindi ko na talaga maipagkakaila pa. Since the night he came to my rescue up to those days that he was missing, I have finally understood and recognized what I am truly feeling for Rome...

Kaso ang hirap lang sabihin iyon sa kanya lalo na kapag nakikita kong masaya siya kasama ni Prince. Para bang... Para bang ayokong sirain ‘yong saya niya sa tuwing magkasama sila. Tama naman siya, e... Prince accepted and loved the whole of him. Walang tinapon si Prince. E, ako? Ni hindi ko man lang siya matrato nang maayos noon at mukhang hindi pa iyon magbabago kung hindi niya pa sinuong ang panganib para sa akin noong gabing ‘yon. Para bang no'ng panahon lang na iyon ako natauhan sa lahat-lahat. Ayokong mawala siya... Rome's the only friend and secret beloved I have apart my family.

Pagdating ko sa bahay namin ay agad kong napansin ang katahimikan. Dali-dali akong pumasok at hinanap ang pamilya ko. Ate Julia emerged from the bathroom. Pinunasan niya ng kwelyo ng tee shirt niya ang bibig bago lumabas doon. Namumugto ang mga mata at namumutla rin siya kaya nag-aalalang sinundan ko siya ng tingin.

“Sinugod ni nanay sa ospital si Jillian. Hindi matigil sa kaiiyak, e. Tapos napansin naming unti-unti na siyang nagkukulay blue... Natakot kami...” naiiyak na paliwanag niya.

“Saang ospital, ate?! Kumusta nang kalagayan niya?! Anong sabi nang doktor?!” sunod-sunod na tanong ko sa gulat at pag-aalala.

“Nando'n na rin si tatay. Pinauwi ako ni nanay dahil wala kang kasama rito. Si Jillian naman may...” Suminghap muna si Ate Julia bago nagpatuloy. “May sakit siya puso. Kailangan niyang dumaan sa surgery sabi no'ng d-doktor...”

Nanginig ang mga labi at humikbi. “Ate, bakit naman gano'n? Ang bata-bata pa ni Jillian. Kaya niya ba ‘yong surgery na ‘yan?”

“‘Yon nga isa sa mga pinag-aalala nila, Julie, e. Kahit isangla natin ‘yong farm para sa surgery niya, hindi pa rin natin masisigurong magiging maayos si–”

Hindi ko na pinatapos pa si Ate Julia sa pagsasalita dahil tumakbo na ako palabas ng bahay at kumaripas papunta sa simbahan sa purok namin. Humahangos at umiiyak na pumasok ako sa loob at lumuhod sa may hamba ng entrance. I made the sign of the cross and offered a solemn prayer to God.

“Lord, iligtas Niyo naman Po ‘yong kapatid ko, oh. Ang bata-bata niya pa Po, e. Ang dami niya pang pwedeng gawin, maranasan, at maramdaman dito sa mundo. Promise Po magsusumikap Po ako sa pag-aaral at sa buhay. Hindi ko Po pababayaan ‘yong buong pamilya ko kahit anong mangyari. Iligtas Niyo lang Po siya. Parang awa Niyo na Po...”

Kahit mabigat ang kalooban ko ay pumasok pa rin ako sa eskwelahan kinabukasan. Nangako ako sa Diyos na magsusumikap ako sa pag-aaral para sa pamilya ko kaya gagawin ko ‘yong pinangako ko. Nagpaalam na rin ako sa guro naming hindi na tutuloy sa prom. Iyong gagastuhin kasi ay balak ko na lang idagdag sa budget para sa operasyon ni Jillian. Naiintindihan naman niya ‘yong sitwasyon namin kaya pinayagan niya ako at bibigyan na lang daw ng ibang project.

I was usually silent in class, pero ngayon ay mas tahimik ako at madalas nakatulala. Nag-aalala pa rin ako kay Jillian. Kanina naman ay nakausap na ni tatay iyong rerematahan namin no'ng farm. The Escalantes gave us the amount we needed for the surgery immediately. Kaso ay nakikinita ko na ngayon pa lang na mahihirapan kaming tubusin iyong farm ni Lola Doray. Hindi naman gano'n kalakihan ang sweldo ni tatay sa pagsesekyu. Tapos may tuition pa silang binabayaran para kay Ate Julia sa kolehiyo. Kulang na kulang iyong sahod ni tatay para sa lahat nang mga gastusin namin.

Pagkatapos ng klase namin ay kaagad kong sinikop ang mga gamit ko para umalis.

“Julie...”

Matamlay na nag-angat ako ng tingin sa nag-aalalang mukha ni Rome na nakalapit na pala sa akin.

“Hindi ka na raw sasali sa prom?”

Tumango ako. Pinalitan na rin naman na iyong partner niya sa cotillion. Bigla ko tuloy naalala iyong nirason ko sa kanya kahapon para makaalis na sa practice — may emergency. Sa kaloob-looban ko ay napaismid ako. Ang bilis talaga ng karma mo, Julie. Nagkatotoo tuloy ‘yon.

Napalunok si Rome at mas lumapit pa sa akin. “Pwede bang malaman kung bakit?”

Nanlalabo na naman iyong mga mata ko sa luha kaya mabilis na umiwas ako ng tingin sa kanya at pinunasan iyon.

“Dahil ba ‘to sa sinasabi mong emergency kahapon?” tanong niya ulit. Tumango lang ako.

Hindi ko magawang magsalita kahit na kaninuman simula nang makauwi ako mula sa simbahan kagabi. Iyong nakausap ko nga lang ngayong araw ay iyong guro namin para magpaalam tungkol sa prom. Pagkatapos kong sabihin iyong rason ko ay puro tango saka iling na ang isinasagot ko sa mga follow-up na tanong ng guro namin.

Isinukbit ko sa mga balikat ang backpack at nilampasan na si Rome nang mapatigil ako at matingin sa mga kamay naming magkahawak. Gulat na nag-angat ako ng tingin sa kanya. Pinisil niya ang mga kamay ko saka ako nginitian.

“Nandito ako ha if kailangan mo nang tulong o makakausap. Gagawin ko ‘yong best ko para matulungan ka,” aniya.

Nanginit lalo iyong gilid ng mga mata ko sa sinabi niya. Binuka ko ang bibig pero isinara rin naman agad iyon nang wala pa rin akong kahit na anong maisaboses. I just smiled at him and nodded.

Pagkatapos naming mamitas ng mga gulay ni nanay mula sa farm ay nagbihis na kami para magbenta ng mga iyon sa palengke. Si Ate Julia naman muna ang nagbabantay kay Jillian sa ospital. Pareho kaming nagulat ni nanay pag-uwi namin dahil naabutan namin si Rome na naghihintay sa may gate namin.

“Rome, hijo! May kailangan ka ba?” tawag ni nanay sa kanya bago ako binalingan para utusan. “Julie, bumili ka muna ng tinapay do’n sa tindahan.”

“Good noon po, Tita Gina. Huwag na po, tita. Hindi naman po ako magtatagal. May sasabihin lang po sana ako sa inyong dalawa ni Julie kung papayag kayo,” nakangiting ani Rome.

“Sige, hijo, ano ‘yon?”

“Napakiusapan ko na po si mommy. Pumayag at willing po siyang sagutin lahat nang gastos kay Julie sa prom para makasali siya. Naisip ko po kasi na... minsan lang ‘yon mangyari kaya po sana gusto kong ma-experience ni Julie ‘yong isa sa mga highlight ng high school namin,” paliwanag niya.

Nagkatinginan kami ni nanay bago niya hinarap ulit si Rome at ngumiti nang taos-puso. “Hindi ko alam ang sasabihin ko para sa kabutihan niyo, hijo... Maraming-maraming salamat.”

Hindi na tumanggi pa si nanay sa alok ni Rome. Aayaw sana ako kaso natanto ko ring may parte talaga sa aking gustong dumalo at maranasan iyong prom. Pagkatapos ng klase namin, dalawang araw bago ang prom, ay sinama ako ni Rome papunta sa isang boutique na nakontak daw ni Tita Korina.

“Sasama siya?” tanong ko kay Rome nang mapansin si Prince na nakabuntot sa amin.

“Okay lang ba sa ‘yo? He insisted kasi. Para raw may bodyguard tayo...” sagot Rome bago mahinhing humagikhik.

May kung anong kumirot sa dibdib ko habang pinagmamasdan siyang ganoon. I looked away. Rome was just too good and pure. Ayokong sirain ‘yong kasiyahan niya para lang sa pansariling kagustuhan ko. Prince was civil to me too. Hindi na iyong pupukulin niya ako ng mga tingin na pasimpleng nagseselos. Maybe because he was confident that Rome really loves him. Ano bang laban ko ro'n?

Ilang minuto na akong nakatayo sa tapat ng mga gown pero wala pa rin akong mapili-pili. Rome and Prince had already picked their outfits. Matching pa sila ng style pero iba lang ang kulay. Black tuxedo iyong kay Prince tapos puti naman iyong kay Rome.

“Julie, may napili ka na?” tanong ni Rome paglapit niya sa tabi ko.

I bit my lower lip and looked at him before I slowly shook my head.

“Hindi ako marunong...” pag-amin ko.

This was my first time picking a formal outfit for myself. I don't know how...

He smiled assuringly at me. “Sige, I'll choose for you na lang.”

Sinundan ko siya habang namimili siya sa mga nakahanay doon. Panay din ang pabalik-balik niya ng tingin sa akin na para bang sinusuri kung bagay ang mga iyon sa akin.

“Maputi ka, Julie. Soft din ‘yong features mo kaya I think light or pastel colors will suit you,” aniya.

He picked a pink long sleeves off-shoulder long gown with some white flower embroidery on the skirt part. Namangha ako kasi simple lang iyon pero talagang ang ganda.

“This is perfect sa ‘yo!” tili ni Rome habang hawak-hawak iyon at hinarap sa akin.

On the day of our prom, I went to Rome's house early in the morning. Ang sabi niya kasi ay siya na ang mag-aayos sa akin. Nakakahiya naman kung male-late pa ako gayong siya na halos gumawa at nagbayad ng lahat. I was surprised that Tita Korina still warmly invited me inside their home after the incident involving Rome. Pero siguro ay talagang mabait lang ‘yong pamilya nila para tumulong sa mga nangangailan gaya ko. Kung gano'n ay may pinagmanahan pala talaga si Rome sa kabaitan niya.

Rome made me sit in front of his vanity mirror. Pansin kong suportado si Rome ng pamilya niya. Ang swerte niya talaga sa buhay. Indeed, some people just keep winning in life even without trying, and I am just really jealous of them...

Rome did my makeup. Grabe ‘yong pagpipigil ko nang hininga at kaba sa puso ko sa tuwing inilalapit niya sa akin ang mukha niya. Soft lang din iyong ginawa niyang style para sa akin kasi iyon daw ang bagay talaga sa akin. He then tied my hair in a crown braid. May ilang hibla siyang iniwan at bahagyang kinulot sa gilid ng mukha ko. My mouth silently went agape when I looked at my reflection. Hindi ko inaasahan ang makikita ko. Suot iyong prom dress ko at buong ayos ay namangha ako sa itsura ko.

Rome smiled, gently held my shoulders, crouched to level his face beside mine as we looked at our reflection at the vanity mirror.

“Ang ganda mo, Julie...” usal niya at marahang pinisil ako sa mga balikat.

I smiled back at him. “Thank you...”

Hinatid kami ng nakakatandang kapatid ni Rome na si Kuya Philip sa venue sakay iyong kotse niya. Pagbaba namin ay kaagad na ngumiti si Prince at sinalubong kami... si Rome lang pala. He smiled casually at me.

“Picture tayo, by,” nakangiting aya ni Prince kay Rome.

Rome smiled so Prince took him to the red carpet wherein the photographers were stationed. The couple posed and smiled at them.

Nang mahuli ni Rome ang tingin ko ay agad niya akong inaya. “Julie! Halika, picture tayo!”

I smiled but didn't move from where I was standing. Nginitian ako ni Prince as if assuring me it was fine. Lumapit si Rome sa akin saka ako hinila papunta roon sa kanila. Prince stood on the right, me on the left, and Rome in between us.

“One... two... three... Smile!” Naramdaman kong hinawakan bigla ni Rome ang kamay ko kaya pagka-click no'ng kamera ay napangiti ako.

I can really say that I had enjoy the prom night. Hindi ko maitago ang ngiti habang pinapanood ang cotillion. Lalo na kapag napapansin kong ngumingiti at mahinang napahalakhak si Rome habang kasayaw iyong partner niya. Siguro... magtitiis na lang akong ganito. Iyong talagang hanggang magkaibigan lang kami.

Nang matapos ang buong program, kainan, at doon na sa sayawan ay hinanap ko sina Rome at Prince. Prom naman ngayon at minsan lang kung mangyari kaya kakapalan ko na ang mukha ko at aayain si Rome na sumayaw. Kahit isang beses lang. Kahit sandali lang...

Napangiti ako nang mapansin ko siya sa ‘di kalayuan at nakatalikod malapit sa corridor papuntang restroom. Naglakad ako palapit sa kanya. Konti na lang sana at makakalapit na ako sa kanya nang matigilan ako sa nasaksihan. His arms were snaked around Prince's neck while the latter's hands were on his waist, and they were... kissing.

My eyes stung so I immediately looked up and blinked the tears. Suminghap ako at mabilis na tumalikod saka naglakad palayo roon.

“Excuse me. Excuse, excuse...” paulit-ulit kong sambit habang nakikisiksik sa mga nagsasayawan para makaalis doon.

Kinuha ko muna ang mga gamit ko sa lamesa namin. Paglapit ko sa entrance ay hinatak ko pataas iyong long gown ko at mas binilisan pa ang paglalakad palabas. Kaagad kong di-nial ang number ni tatay para masundo na ako. Ayoko na rito...

“Julie, tapos na ba ‘yong prom niyo?”

“T-Tay...” Tinakpan ko ang bibig upang hindi kumawala ang hikbi ko.

Pumipiyok na rin kasi ako kaya nangangamba akong baka mapansin niya iyon. I swallowed the lump in my throat before telling him to come fetch me.

“Julie!”

Gulat na napalingon ako sa tumawag sa akin. Kabababa ko lang no'ng tawag. Nandoon si Rome na nakatuko ang mga palad sa tuhod niya at naghahabol ng hininga. Bakit nandito siya? Bakit...

“R-Rome? Anong ginagawa mo rito?”

Tumayo siya at nag-aalalang nilapitan ako. “I was looking for you everywhere. Nawala ka na lang bigla kaya nag-alala ako at baka napa'no ka.”

Lumunok ako sabay iwas ng tingin sa kanya. Bakit ang bait-bait mo, Rome? You kept caring for me and I hate it because it made me hope for something else.

“Uuwi na ako,” malamig na sagot ko sa kanya.

He stepped closer to me. “Bakit? May problema ba? Ihahatid ka na namin ni Princ–”

“Huwag na!” pasigaw na baling ko sa kanya.

Maging siya ay nagulat sa pagtataas ko ng boses. After all his help, iyon pa ang makukuha niya mula sa akin. Galing mo, Julie! Ang galing-galing mo talaga!

“I‘m sorry...” pambawi ko. “Susunduin na ako ni tatay,” dugtong ko na lang.

I don't want to lie anymore. Baka matulad na naman no'ng huling ginawa ko at magkakatotoong may emergency sa bahay. Ayoko na. Pagod na pagod na akong magsinungaling...

“Julie... do we have a problem?” tanong niya.

Umiling ako. “Rome, maraming-maraming salamat sa lahat. Hindi ko makakalimutan ‘to at panghabambuhay kong tatanawing malaking utang na loob ito.”

I licked my lips before continuing. I have to do this so that we'll all become at peace.

“Pwede bang humingi ng pabor?”

Maagap naman siyang tumango. “Sige... Kahit ano.”

“Pwede bang pagkatapos ng gabing ‘to, magkalimutan na tayo? Ibig kong sabihin, huwag mo na akong ituring na kaibigan pa. Huwag ka nang mag-alala pa para sa akin...”

Nangilid na ang mga luha sa mga mata ko.

“Kaya ko namang mag-isa, e... Sanay naman akong walang kasama. Kaya hindi mo na kailangan pang mag-alala sa akin,” I added.

“B-Bakit? May nagawa ba akong mali? Ayaw mo ba talaga sa akin?” tanong niyang pansin ko ay nangingislap na rin ang mga mata.

“‘Julie, okay naman tayo no'ng mga bata pa tayo, ah. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit biglang... ayaw mo na sa akin?”

“‘Yon na nga, e...” Gusto kita.

I want to tell him that but I just stared at him. Nagkatinginan lang kami hanggang sa dumating na si tatay sakay iyong lumang motor niya.

“Aalis na ako. Salamat talaga sa lahat pero... sana hanggang dito na lang ‘yon.”

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Ang dami kong gustong sabihin pero pinili kong huwag na lamang isatinig ang mga iyon. Masaya na siya, e. Panira lang naman ako kung aamin pa ako. Maybe for him, we can still be friends, but for me... I just really can't. Sa tuwing magkasama sila, lulunukin ko na lang ba parati ‘yong selos ko sa kanila ni Prince? Mahirap ‘yon, lalo na kapag mapuno ako at sumabog.

“Bye, Rome...” pabulong na paalam ko sa kanya.

Narinig kong humikbi siya at niyakap rin ako pabalik, mahigpit na mahigpit. “Aayain sana kitang sumayaw... Sana naisayaw man lang kita...”

Nagulat ako roon at mas tahimik na naiyak. “A-Ayos lang...”

“Aalis na ako,” paalam ko sa kanya pagbuwag ko sa yakapan naming dalawa.

“Mag-iingat ka. Mag-iingat kayo ni Tito Jaime.”

Tumango ako. “Ikaw din... Kayo ni Prince.”

Pagkasakay ko nang motor ni tatay ay hindi ko na siya nilingon pa. Kahit na no'ng tinawag niya ang pangalan ko habang papalayo na kami sa kanya.

•|• Illinoisdewriter •|•

Illinoisdewriter

I craft stories and furnish them with my advocacies. ♡

| Like
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ner Garabel II
ang hirap talaga , yung andami mo gustong sabihin pero d mogawa huhuhu i feel you julie
goodnovel comment avatar
Ner Garabel II
nakakaiyak naman hehehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   07 Julie

    I WHISTLED WITHOUT sound repeatedly while we're driving to their mansion. I'm calming myself down. “Girl, what are you doing?” tanong ni Roma sabay sulyap saglit sa akin. “Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako magustuhan ni Tita Korina sa plano mo?” He snorted which eventually led to his laughter. “Bish, we're not fucking getting married. Loosen up, you're too uptight.” “Sorry, kinakabahan lang. This is like the first time I'll be seeing Tita Korina again after a long time.” I licked my lips before biting it. I'm still worried that maybe until now, Tita Korina still hadn't forgiven me for ruining Rome's love story. I was stunned when we got into Roma's property. Nasa isang mamahaling subdivision iyon na kilala sa bansang ito bilang tirahan ng mga celebrity, businesspeople, at iba pa. Elevated ang location ng lugar kaya manghang-mangha ako sa overlook

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   08 Julie

    TINUPAD NGA NI Rome ang hiniling ko. Hindi na niya ako nilalapitan. Pero paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang malungkot na nakatingin sa akin tapos kapag nagtagpo ‘yong mga mata namin ay nagbababa agad siya ng tingin. I always went home straight after school. Hindi rin ako active sa mga extra-curricular activities sa school o mga program man lang. I'm doing it purposely to less interact with Rome and Prince. I kept telling myself that I'll get used to it very soon. Masasanay na akong wala si Rome hanggang sa tuluyan ko na siyang makalimutan. I verily believe that works that way. Sana nga... Successful ang naging heart surgery ni Jillian. May mga maintenance pa ring binigay sa amin para sa mas bumuti ang kondisyon niya. Todo-todo ‘yong dasal namin habang hinihintay na matapos iyong operasyon. Paglabas ng doktor sa operating room at pagbigay niya sa amin ng magandang balita ay nahimatay agad si nanay si tuwa. Buong araw n

    Huling Na-update : 2021-06-16
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   09 Julie

    BINABA KO SI Jillian sa kuna niya matapos ko siyang patulugin. Hinanda ko na agad ang hapag para makakain na kami ng hapunan ni nanay. Kaming tatlo lang ngayong gabi ni Jillian dahil night shift si tatay. Pagkatapos kong maghanda ay kinatok ko agad sa kwarto niya si nanay. “Nay, kakain na po tayo.” “M-Mauna ka na, a-anak...” pumipiyok na tugon ni nanay. Natulala ako saglit sa seradula. Umiiyak na naman siya para kay Ate Julia. Lagi na lang... Ilang araw na... Nakakapagod nang makinig... Pinihit ko iyon kaya lumikha iyon ng ingay. Mabilis na pinunasan ni nanay ang mga luha niya bago ako nilingon. “Julie, hindi ba sinabi ko mauna ka nang kumain kung gusto mo?! Mamaya na ako!” Ilang araw na ring ganito si nanay. Madalas na niya kaming napagtataasan ng boses ni tatay kapag sinasabi naming magpahinga na muna siya o kumain. “Nay, kumain n

    Huling Na-update : 2021-06-17
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   10 Julie

    DALAWANG LINGGO NA simula no'ng ilipat ng school ng parents niya si Prince. Walang may alam kung saan. Para bang lahat ng koneksyon niya rito sa amin ay talagang pinutol na ng mga magulang niya. Dalawang linggo na rin akong hindi nilalapitan ni tapunan man lang ng tingin ni Rome. Alam at ramdam ko naman, e. Sinisisi niya ako. Ayaw niya lang talagang manumbat dahil nga siya si Rome, ang mahinhin at mabait na si Rome. Pero mas gugustuhin ko pa ata iyong sumbatan at sampalin niya ako kaysa sa ganito. Iyon bang para lang akong hanging dinadaan-daanan niya. Alam din ng buong klase kung anong nangyari at kung sino ang may pakana ng lahat. Kaya nga maging sila ay lalong naging mailap sa akin. Of course, they will all side Rome and Prince who showed them nothing but kindness with the latter being our responsible leader. Sino ba naman ako kompara sa kanila? I wasn't bad but I wasn't exactly very good to my c

    Huling Na-update : 2021-07-03
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   11 Julie

    WARNING: This chapter contains explicit scenes not suitable for readers under 18 years. Reader discretion is advised. EVERYTHING WENT SO fast that I just found myself lying naked beneath Roma inside my bedroom. A part of him was already inside of me as well. It was really painful for a first-timer like me. Gulat na napatitig siya sa akin pagdilat ko nang dahan-dahan mula sa pag-inda no'ng sakit. “Fuck... You're crying,” he pointed out. “Do you want me to stop? Are you hurt?” tanong niyang nahimigan ko ng pag-aalala o baka guni-guni ko lang iyon. Pinunasan ko ang mga luha ko at umiling. “K-Kaya ko.” He looked at me for a couple of minutes, finding something I couldn't name until he slowly nodded. Dahan-dahan ulit niyang pinasok. No one touched me there and in places he had touched me. I bit my lip firmly to control myself. “

    Huling Na-update : 2021-07-04
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   12 Julie

    “IT'S A WRAP!” our director declared after shooting the last important scene of our expository docu film. “Congratulations, team!” he added. Matapos ang graduation ko ay kaagad akong nag-apply bilang screenplay writer ng isang public and current affairs show sa lugar namin. Kaagad naman akong na-hire dahil nga pasok naman ako sa qualification at magna cum laude pa ng isa sa kursong hinahanap nila. I was working my dream job. I was happy and satisfied but that wasn't the case for my family. Napansin ko agad ang pagdaan ng lungkot at disappointment sa mukha ni nanay matapos bilangin iyong sahod ko. Binigay ko sa kanila lahat dahil kailangan namin iyon para tubusin ang farm. They were so happy and proud when I graduated from college with flying colors. Hindi naman ako manhid para hindi malamang iyon ay dahil inaasahan nilang ako ang papalit na breadwinner ng pamilya namin dahil hindi

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   13 Julie

    ILANG LINGGO NA ako sa bagong pinagtatrabahuan ko bilang part ng production staff pa rin na trainee na para maging parte ng creative team. Ilang linggo na ring may nangyayari sa amin ni Roma. Gabi-gabi rin kasi siyang umuuwi sa tiny house ko. Katunayan ay kasalukuyan kong tinutulungan ang mga kasamahan ko sa paghahanda ng set para sa exclusive interview na pinangako niya sa network na ‘to. Nando'n na tayo sa maganda iyong makukuha ka sa trabaho mo dahil sa talento, passion, at tiyaga, pero iba rin kasi talaga kapag may backer ka o kapit. Sa kaso ko naman ay si Roma iyon. Inaayusan ng mga dala niyang make-up at wardrobe artist si Roma. He was dressed humbly today. Naka-puting jabot blouse siya na nakatuck-in sa itim niyang slacks tapos black Chelsea boots at golden chain ear cuffs. May suot din siyang dark blue contact lens. Iyong buhok niya naman naka-brush back pa rin kagaya nang tipikal na estilo nito.

    Huling Na-update : 2021-07-06
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   14 Julie

    WARNING: This chapter contains explicit scenes not suitable for readers under eighteen years old. Reader discretion is advised. SA KWARTO KO dinala ang mga tulugan nina Bayani at Ponkan sa gabing iyon dahil habang nanonood kami ng palabas ay nauwi na naman sa ibang bagay ang ginagawa namin ni Roma sa couch. “Rome...” I moaned as I held tightly onto his shoulders, my nails digging into his skin, and as he kept pushing his length inside of me. Mula sa pagkakahalik sa leeg ko ay sinapo niya ng kanang kamay niya ang baba ko at hinarap ako sa kanya. He licked his lips before he bent down to kiss me deeply and hungrily. He bit my lower lip, asking for an access. I parted them to grant his request. His tongue plunged into my mouth and it engaged in a duel with mine. I moved my hands to entangle them around his neck while alternately caressing and grasping his curly hair as we continue

    Huling Na-update : 2021-07-07

Pinakabagong kabanata

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 03

    This is a very special chapter and announcement because the next two installments under Eraserheads Series will be led by Mutyang Marikit or ‘Mari’ and Maliksing Makisig or ‘Maki’, respectively. Pag-iisipan ko pa kung anong story naman ang ibibigay ko for Kundimang Bahaghari or ‘Hari’. I would also like to take this opportunity to thank all of you with all my heart and soul for your gems, reviews, and ratings. I hope you could give me one as it will help me in promoting this story and in sharing my advocacy regarding gender and sexuality with a bigger and greater audience here on GoodNovel. Thank you, thank you so much! I wouldn't make it this far without all of you. This will be the last part for Julie Tearjerky but see you in my upcoming stories under the Eraserheads Series. I hop

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 02

    This special chapter will chronicle the Buendia Twins' experiences while growing up. This will be told in third person point of view. MATINGKAD ANG SIKAT ng araw ng umagang iyon. Nagtipon-tipon ang mga preschool student sa gymnasium ng pribadong paaralan ng Roosevelt para sa isang espeyal na parangal. Tak... Tak... Tak... Iyan ang tunog na nililikha ng mga sapatos ni Maki na sadyang pinakintab ng kanyang ina para sa selebrasyon na iyon at sa tuwing ito ay tumatama sa sahig ng gymnasium kada padyak niya ng kanyang mga paa habang naghihintay na matawag ang pangalan niya. Ang kanyang mga kamay ay nakatuko pa sa may kandungan niya. Agad niyang tinaas ang mga iyon upang pumalakpak nang matawag na ang pangalan ng kakambal niyang siyang nangunguna sa buong klase nila. “Buendia, Mutyang Marikit D. First Honors.”

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 01

    NASA MAY PATIO dining area kami at nagtipon-tipon nina Rosella at Florence kasama ng mga batang naglalaro sa may backyard. Pinagsasaluhan namin ang gawang merienda ni Rosella habang nag-uusap. “Valentine's Day na bukas!” masayang bulalas ni Rosella. “Saan ang lakad niyong mag-asawa, mga mars?” “Sa bahay lang pero sigurado akong may pa-flowers at chocolates na naman si Tommy. Kayo ba?” “May date kami ni Marvin. He said he doesn't want to make a surprise for me this year. Sinabi niya na sa akin iyong plano niya para makapaghanda na ako kasi ang pangit kong magulat, e, nananapak nang bongga. Mukhang pagod na rin si Marvin na masapak ko.” We all laughed at that and when it died down, they both turned to me. “Ikaw ba, Julie?” asked Florence. “Hindi ko alam, e. Pero gusto ko sana this year, ako naman ang sumurprisa sa kay Roma.” That was

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   03 Roma

    HINDI MAGAWANG ALISIN ni Roma ang titig sa susunod na aplikanteng pumasok sa opisina niya na sasalang sa interview at upang mag-apply bilang isa sa mga chemical engineer niya. “How are you? It's been a long time.” “Prince...” ang tanging nausal ni Roma. “I thought you joined the Philippine Military,” dugtong naman niya nang makabawi. Prince gave him his small boyish smile. “I didn't push through it. That's not what I want. This... is what I want.” Nakatitig lang si Roma sa mukha ni Prince. It's really been a long time since they last saw each other. They didn't even have a proper breakup. They were just taken away from each other. The changes in him were noticeable as well. He grew taller, had some stubbles, and gained more muscles, very similar to Roma right now except for the facial hair. His skin was maintained clear, smooth, and pristine. Skincare was life for Rom

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   02 Roma

    ROME KNEW IN his heart that he really loved Prince, but he also couldn't deny the immense care he had for Julie. Handa siyang magpabugbog at masaksak masigurong ligtas at ayos lang ito na siyang naging dahilan nang pagkakaratay niya ngayon sa ospital. “Diyos ko, salamat Po...” usal agad ng mommy niya ang narinig niya pagdilat niya. Hawak-hawak pa nito ang rosaryong ginamit sa pagdadasal nang lumapit ito sa kanya saka hinaplos ang ulo niya. “Anak, kumusta ka na? Ano nang pakiramdam mo? Dalawang araw ka nang n-natutulog...” “My, tatawag ako ng nurse,” paalam naman ng kuya niyang si Philip bago lumabas ng kwarto nila. “T-Tubig po...” “Nauuhaw ka ba? Sandali lang. Heto na, heto na.” Agad-agad naman siyang pinaupo saka inalalayan ng ina niya sa pag-inom ng tubig. “Anak, huwag mo na ulit gawin iyon, please.”

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   01 Roma

    This is the first part of the epilogue, and this will be told in Roma's point of view in third person. Words are not enough to express how grateful I am that you have stumbled and have became an important part of Julie and Roma's adventures and misadventures since high school to their lives overseas and back to the Philippines where they raised their own modern unconventional family and sort out what they truly mean to each other. I hope you bring with you the lessons you have gotten from here about life, love, faith, and most especially about gender and sexuality. Respect everyone and never lose faith. God bless!♡ BATA PA LAMANG si Rome, ang junior ng OFW na si Borromeo Buendia, ay alam at ramdam na niyang may espesyal sa kanya. He was also very vocal with it towards his family who never failed to support him in anyway they can. Tumunog ang bell, hudyat nang pagsisimula ng unang klase. Mabibilis na yapak ng mga

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 55 | Roma & Julie

    WARNING: This chapter contains scenes not suitable for readers under 18 years of age. Reader discretion is advised. I JUST FOUND Roma and I in our bed sharing another round of intimate moment. Patagilid at parehong hubad kaming dalawa na nakahiga ngayon sa kama. He was hugging me tightly with his left arm while he was also moving quickly in and out of me. Nakatanday naman ang isang binti niya sa akin habang patuloy siya sa mabilis na paggalaw. I kept meeting him, too. Ginalaw niya iyong kanang braso niyang inuunan ko upang igiya ako palingon sa kanya sa likuran ko. When I turned to face him, he instantly sealed my mouth with his tongue and hot kisses. “Ah...” I moaned in between our kisses, especially when I felt his thumb and index fingers toying with my already hard nipples. Mula sa pagkakayakap sa akin ay binaba niya ang kaliwang braso niya at kamay sa mas

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 54 | Roma & Julie

    PINUNTAHAN NAMIN NI Roma ang Pamilya Escobar sa ospital nang makapag-ayos na kami. We left the kids under Lilo's watch. Tumayo agad si Klarissa pagkakita niya sa aming papalapit sa kanya saka kami sinalubong. “Kumusta na si Tito Mon?” I asked. “Ayos na siya sa awa ng Diyos.” She turned to Roma, her eyes were now tearful. “Roma, maraming-maraming salamat talaga sa pagliligtas sa kanya.” Roma caressed her arm to soothe her as he gave her one thoughtful smile. “It's okay, Issa. Huwag ka nang mag-alala sa mga gagastusin niyo. I already contacted Marvin's construction company as well to fix your house as soon as possible.” “Roma, maraming-maraming salamat talaga sa lahat pero... matatagalan pa siguro bago kami makapagbayad sa iyo...” “Huwag kang mag-aalala sa bayad. It can always wait but I'm not asking you to pay me for it, okay? I just really wanted to

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 53 | Roma & Julie

    THE MAHOGANY GANG clapped, cheered, and teased us because we were making such a scene on stage. Agad kong pinunasan ang mga luha ko habang marahang naghahalakhakan kami ni Roma. I called Klarissa next because I was her secret Santa. Tuwang-tuwa naman siya nang hindi lang ang regalo ko ang binigay ko kundi pati na rin iyong mamahaling sapatos na props ni Roma para sa surprise niyang ito. When everything was said and done, we proceeded and feasted on the banquet. Maganang-magana ang kain ng mga anak namin ni Roma. Pagkatapos nila ay nagpaalam naman silang maglalaro lang sa may stage. Alexa and Gelo promised and assured us that they will be watching out for all of the Mahogany kids. Sinamahan na rin sila ni Nicolette na mukhang gusto ring makipaglaro sa mga bata. Naiwan sa mahabang table kaming mga matatanda. Dylan was with us as well. Napatingin kami kay Tito Ramon nang biglang tumayo siya at tinaas ang c

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status