Mariin siyang tinitigan ni Joseph, tumataas ang galit niya habang sarkastikong tumatawa. “Nagpasundo ka ba sa akin?”“Gagawin mo ba kung sinabi ko?” Sagot niya.Natahimik si Joseph. Hindi ang sagot. Pero kung alam niyang walang masakyan si Chloe at kailangang magpahatid sa ibang lalaki, pupuntahan niya ito. Lalo na at masyadong manhid ang babaeng ‘to para maramdaman kung may balak manakit sa kaniya.Nang makitang hindi sumagot si Joseph. Nakuha na ni Chloe ang sagot niya. Mapait siyang ngumiti, tumalikod at naglakad papunta sa residential area.Kumunot ang noo ni Joseph at inabot sa kaniya ang leash.Tiningnan ni Chloe ang leash at nagtanong, “Anong ibig mong sabihin?”“Hindi ko pa nalalakad ang aso ngayon,” Sabi niya.“Hindi mo pa nalalakad ang aso nang ganitong oras?!” Sigaw ni Chloe.“Well, umuwi ka dapat nang maaga,” Sagot ni Joseph.Huminga nang malalim si Chloe at pinigilan ang sarili na makipagsagutan kay Joseph. Kinuha niya ang leash at naglakad papunta sa garden sa li
Tahimik ang paligid kahit na nasa loob ng abalang area. Walang tao sa paligid nito lalo na sa gabi.Ang totoo, wala siyang magagawa kung magdesisyon ang lalaking ‘to na may gawin sa kaniya.Nagpapawis ang palad ni Chloe, pero hindi siya sumuko. “Anong gagawin mo sa akin kapag sinabi ko ulit? Wala akong ginawang mali. Ikaw ang hindi nagbabantay sa aso mo, at ngayon ang lakas ng loob mong ipasa ang sisi sa akin. Sa regulations ng Aesper, bawal ang mag-alaga ng German Shepherd. May karapatan akong i-report ka.”Pagkasabi ni Chloe na irerepot niya ang lalaki, napaatras ito at hindi na nagsalita. Hinila niya ang aso palayo at mabilis na umalis.Nakahinga nang maluwag si Chloe at tinawag si Joseph para papuntahin.Paglipas ng limang minuto, dumating si Joseph. Nakasuot siya ng cotton shirt, at madilim at nakakatakot ang ekspresyon niya sa ilalim ng madilim na gabi.“Hindi mo tinali si Toto?” Tanong niya.“Tinali ko siya. Tinanggal ko lang sandali sa likod ng garden,” Sagot niya.“Tan
Nablangko ang isip ni Chloe nang ilang segundo, at nang bumalik siya sa sarili niya, ang una niyang naisip ay baka mayroong hindi pagkakaintindihan.“Wala akong ginaya. Baka nagkamali kayo, sir?”“Kahit na nagkamali ako, sa tingin mo ba ay magkakamali din ang Patterson? Tinawagan nila ako ngayong umaga para sabihan ako,” Sagot ng superior niya.“Imposible yan, wala akong ginaya. Ang latest version ay binago ko base sa requirements nila. Wala akong pagkakataon para mag-plagiarize,” Sabi ni Chloe.“Ang proposal na pinasa mo sa Patterson ay may fifty percent similarity sa proposal na nasa internet. Anong masasabi mo tungkol doon?” sabi ng superior niya, malinaw na hindi naniniwala sa kaniya.“Pinasa….” May biglang naalala si Chloe at kinuha ang folder na may mantsa na ng kape para basahin yun. Pagkatapos mabasa, hindi siya makapaniwala sa nakita niya. “Hindi iro ang proposal na nirevise ko.”“Hindi ikaw ang nagsulat, malamang may ibang sumasabotahe sa iyo, tama?” Ngumisi ang superio
Sumakay si Chloe sa taxi at sinabi sa driver kung saan pupunta.“Oh, sa Patterson ka pupunta. Kabisado ko ang area na yun,” Sagot ng driver.“Bilisan niyo magmaneho. May importante akong gagawin,” Hiling ni Chloe.“Sige, makakarating kayo agad doon!” Sagot ng driver.Sa sumunod na segundo, isang kotse ang biglang lumiko papunta sa kanila. Nanlaki ang mga mata ng driver at mabilis na tumapak sa brakes. Sa kasamaang palad, masyado silang mabilis at hindi agad nakahinto.Malakas ang tunog nang magbanggaan ang dalawang sasakyan.Mabuti na lamang ay mabilis ang reaksyon ng dalawang driver. Napaabante kaunti ang katawan ni Chloe, pero hindi siya tumama sa bintana.‘Akala ko ba professional daw siya…’“Nababaliw ka na ba?! Bakit ang bilis mo magmaneho? May sakit sa puso ang amo ko. Kaya mo bang magbayad kung may mangyari?!” Galit na kinwesyon ni Mateo ang driver nang lumabas siya sa kotse.Alam ng taxi driver na kasalanan niya. Nang hihingi na sana siya ng pasensya, namutla ang mukha
“Yes, ma’am,” tiningnan ng secretary si Chloe at sinabing, “Pwede ba kayong maghintay nang ilang minuto?”Kahit hindi naiintindihan ni Chloe kung bakit, tumango siya.Hinila ng secretary ang project manager sa gilid at may binulong sa kaniya. Halata ang gulat sa mukha niya at nagbago ang kaniyang itsura, pero paulit-ulit siyang tumango, sinasabing alam niya ang kailangan niyang gawin.Pagkatapos nilang mag-usap ng secretary, nilapitan niya si Chloe at sobrang laki ng pinagbago ng attitude niya.“Pasensya na sa sinabi ko kanina, Ms. Chloe. Pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon para pag-usapan ‘to?”Nagulat si Chloe bago sumagot, “Siyempre naman!”Pagkatapos mag-usap ng mga sampung minuto para i-review ang bagong proposal, mariin sinabi ng project manager, “Magaling. Ito na ang version na sundin natin.”“S-sigurado ka?” Hindi makapaniwala si Chloe.“May tiwala ako sa kakayahan mo,” Sagot nito.Tuwang-tuwa si Chloe, nagpapasalamat nang sobra sa tiwala ng manager sa kaniya. “Sal
Noong una, tinanggi ni David ang lahat, sinabi niyang may tinitingnan lang siyang information. Pero, diniin siya ng kanilang superior, at umamin din siya sa huli.Nagseselos siya sa promotion ni Chloe bilang team leader kahit sandali pa lang ito sa kumpanya kaya niya nagawa ang desisyon na yun.Galit na galit ang superior sumigaw, “Kailangan natin makipag-cooperate sa mga kliyente mula sa Estre buong taon, at dahil sa top-notch Estrenian language skills niya at experience sa paghawak ng isang team, mas qualified at mas magaling si Chloe sa iyo. Walang puntong makipag-kompetensya sa kaniya!”Galit si David, pero wala siyang magagawa. Malinaw ang ebidensya at lumabas na ang katotohanan.Dahil limang taon ng nagtatrabaho si David sa Baxon, sinesante lang siya ng superior nila. Umalis siya sa Baxon dala ang mga gamit niya, nakayuko at talunan.Napatunayan ni Chloe na wala siyang kasalanan. Mabilis siyang pinalibutan ng mga katrabaho niya, pinapaulanan siya ng papuri. Sinagot niya lama
“Anong ebidensya mo na makapagpapatunay na nagsinungaling ako sa iyo?”Natahimik nang ilang segundo si Jake bago kampanteng sumagot, “At anong ebidensya mo na makapagpapatunay na kinuha ni Ava ang perang iniwan sa iyo ng nanay mo?”“Ang diamond necklace sa leeg niya at si Miles Upshaw sa Sterling Law Associates ang magpapatunay!”Natatawa siya na kailangan niyang patunayan na sa kaniya nga talaga ang isang bagay na pagmamay-ari niya.Hindi nakasagot si Jake. Malinaw na hindi siya pupunta sa law firm para alamin kung nagsisinungaling nga si Ava o hindi. Ang inaalala lang niya ay kung kailan sila magkakabati ni Ava. Matagal na siyang hinihingan ng start-up capital ng magulang niya,Nang wala ng marinig sa kabilang linya, binaba na ni Chloe ang tawag.Tinitigan ni Jake ang disconnected na tawag, bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. Huminga siya nang malalim, alam niyang bukod sa mga Johnson, ang tanging taong makakatulong sa kaniya ngayon ay ang tito niya, Pero nag-aalala siya
Sumimangot si Joseph. Inunat niya ang kamay, kitang-kita ang kaniyang knuckles habang tinuturo si Chloe. “Ipagluto mo ako.”Masakit ang tiyan ni Chloe at ayaw niyang magluto, kaya sinabi niya, “Mag-order tayo ng takeout.”“Sure, ikaw ang magbayad. Gusto ko ng seafood ng Floria.” Sabi ni Joseph, nakatitig siya kay Chloe dahil nabasa niya agad ang intensyon nito.Sikat na seafood restaurant sa Aesper ang Floria. Marami itong fresh at cured seafood dishes, habang oysters naman ang kanilang specialty. Mataas ang presyo nito, pero maliit lang ang portion.Natulala si Chloe at hindi makapaniwalang sinabi, “Paano mo nalaman na sumweldo ako ngayon?”“Talaga?” Tumaas ang kilay ni Joseph dahil nasurpresa din siya. “Kung ganoon, mag-order dapat ako ng madami.”Binuksan ni Chloe ang takeout app at inabot ang phone niya kay Joseph. “Orderin mo kung anong gusto mo.”Nag-order siya ng ilang items. Nasasaktan si Chloe habang binabayaran yun at nag-order siya ng isang bowl ng clam chowder. Nang
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti