“Yes, ma’am,” tiningnan ng secretary si Chloe at sinabing, “Pwede ba kayong maghintay nang ilang minuto?”Kahit hindi naiintindihan ni Chloe kung bakit, tumango siya.Hinila ng secretary ang project manager sa gilid at may binulong sa kaniya. Halata ang gulat sa mukha niya at nagbago ang kaniyang itsura, pero paulit-ulit siyang tumango, sinasabing alam niya ang kailangan niyang gawin.Pagkatapos nilang mag-usap ng secretary, nilapitan niya si Chloe at sobrang laki ng pinagbago ng attitude niya.“Pasensya na sa sinabi ko kanina, Ms. Chloe. Pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon para pag-usapan ‘to?”Nagulat si Chloe bago sumagot, “Siyempre naman!”Pagkatapos mag-usap ng mga sampung minuto para i-review ang bagong proposal, mariin sinabi ng project manager, “Magaling. Ito na ang version na sundin natin.”“S-sigurado ka?” Hindi makapaniwala si Chloe.“May tiwala ako sa kakayahan mo,” Sagot nito.Tuwang-tuwa si Chloe, nagpapasalamat nang sobra sa tiwala ng manager sa kaniya. “Sal
Noong una, tinanggi ni David ang lahat, sinabi niyang may tinitingnan lang siyang information. Pero, diniin siya ng kanilang superior, at umamin din siya sa huli.Nagseselos siya sa promotion ni Chloe bilang team leader kahit sandali pa lang ito sa kumpanya kaya niya nagawa ang desisyon na yun.Galit na galit ang superior sumigaw, “Kailangan natin makipag-cooperate sa mga kliyente mula sa Estre buong taon, at dahil sa top-notch Estrenian language skills niya at experience sa paghawak ng isang team, mas qualified at mas magaling si Chloe sa iyo. Walang puntong makipag-kompetensya sa kaniya!”Galit si David, pero wala siyang magagawa. Malinaw ang ebidensya at lumabas na ang katotohanan.Dahil limang taon ng nagtatrabaho si David sa Baxon, sinesante lang siya ng superior nila. Umalis siya sa Baxon dala ang mga gamit niya, nakayuko at talunan.Napatunayan ni Chloe na wala siyang kasalanan. Mabilis siyang pinalibutan ng mga katrabaho niya, pinapaulanan siya ng papuri. Sinagot niya lama
“Anong ebidensya mo na makapagpapatunay na nagsinungaling ako sa iyo?”Natahimik nang ilang segundo si Jake bago kampanteng sumagot, “At anong ebidensya mo na makapagpapatunay na kinuha ni Ava ang perang iniwan sa iyo ng nanay mo?”“Ang diamond necklace sa leeg niya at si Miles Upshaw sa Sterling Law Associates ang magpapatunay!”Natatawa siya na kailangan niyang patunayan na sa kaniya nga talaga ang isang bagay na pagmamay-ari niya.Hindi nakasagot si Jake. Malinaw na hindi siya pupunta sa law firm para alamin kung nagsisinungaling nga si Ava o hindi. Ang inaalala lang niya ay kung kailan sila magkakabati ni Ava. Matagal na siyang hinihingan ng start-up capital ng magulang niya,Nang wala ng marinig sa kabilang linya, binaba na ni Chloe ang tawag.Tinitigan ni Jake ang disconnected na tawag, bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. Huminga siya nang malalim, alam niyang bukod sa mga Johnson, ang tanging taong makakatulong sa kaniya ngayon ay ang tito niya, Pero nag-aalala siya
Sumimangot si Joseph. Inunat niya ang kamay, kitang-kita ang kaniyang knuckles habang tinuturo si Chloe. “Ipagluto mo ako.”Masakit ang tiyan ni Chloe at ayaw niyang magluto, kaya sinabi niya, “Mag-order tayo ng takeout.”“Sure, ikaw ang magbayad. Gusto ko ng seafood ng Floria.” Sabi ni Joseph, nakatitig siya kay Chloe dahil nabasa niya agad ang intensyon nito.Sikat na seafood restaurant sa Aesper ang Floria. Marami itong fresh at cured seafood dishes, habang oysters naman ang kanilang specialty. Mataas ang presyo nito, pero maliit lang ang portion.Natulala si Chloe at hindi makapaniwalang sinabi, “Paano mo nalaman na sumweldo ako ngayon?”“Talaga?” Tumaas ang kilay ni Joseph dahil nasurpresa din siya. “Kung ganoon, mag-order dapat ako ng madami.”Binuksan ni Chloe ang takeout app at inabot ang phone niya kay Joseph. “Orderin mo kung anong gusto mo.”Nag-order siya ng ilang items. Nasasaktan si Chloe habang binabayaran yun at nag-order siya ng isang bowl ng clam chowder. Nang
Nagkaroon ng kaliwanagan sa mga mata ni Chloe habang nakatingin sa mukha ni Joseph.Maingat siyang nagtanong, “Gusto ba ni lolo na pumasok ako sa kumpanya mo?”“Ganoon na nga.”“Binanggit niya na yun sa akin noon, pero tumanggi ako at nagdahilan.”Ang ibig niyang sabihin ay hindi na yun problema ni Chloe.Malamig siyang tiningnan ni Joseph. “Well, ang bilis mo umiwas sa responsibilidad.”“Wala yun kinalaman sa akin, kaya bakit hindi ako dapat umiwas sa responsibilidad?” Seryosong sagot ni Chloe.Masiyadong mabait si Harold, at nahihirapan siyang tanggapin yun. Hindi sa hindi niya yun kaya. Hindi lang siya totoong granddaughter-in-law ng Whitman family.Ayaw niyang magsinungaling kay Harold sa tuwing magkikita sila dahil napakabait nito sa kaniya. Kaya naman, nakokonsensya siya.Kumuha ng tissue si Joseph at pinunasan ang kaniyang mga labi bago magaang magtanong, “Sobrang busy mo ba sa Baxon?”“Oo, medyo busy ako.”“Napapagod ka ba?”“Kaya ko ang pisikal na pagod, pero napap
Pagkatapos magpahinga nang ilang araw, lumipas na ang period ni Chloe.Kinabukasan ang huling araw ng holiday niya. Plano niyang pumunta sa shopping at kumain kasama ni Emily. Bago siya umalis, sinabihan niya si Joseph at sinabihang mag-dinner na lang ito nang mag-isa.Nang mabasa ni Joseph ang message, suminghal siya. ‘Kare-recover pa lang niya, pero hindi siya agad mapakali. Kailangan niya talagang lumabas.’Nilapag ni Samuel ang draft ng kontrata sa harapan ni Joseph. “Basahin mo. Tingnan mo kung may gusto kang idagdag.”Kinuha ni Joseph ang dokumento at mabilis yung binasa. Dumating naman si Lucas dala ang dalawang box ng cookies. Nang mapansin niyang naroon si Samuel, ngumiti siya at binati si Samuel.“Mr. Joseph, kinasal si Liam ng data department kay Tina sa translation department. Ito ang mga pinamigay nilang cookies.”Nang marinig yun, tiningnan ni Joseph ang mga box ng cookies. Lumamig ang boses niya. “Magdagdag ka ng condition. Bawal siyang makisali sa mga workplace lo
Nang maabutan ni Ava si Adam, narinig niyang tinawag nitong ate si Chloe.Tinitigan niya nang masama si Chloe. Sa takot, kinilabutan siya. “Anong tinawag mo sa kaniya.”“Ate. Mas matanda siya sa akin, kaya dapat ko siyang igalang.”Tama ang sinabi ni Adam. Nakasuot siya ng sports attire at drealicks, para siyang rebeldeng bata. Kaya naman, nakakagulat na magalang niyang tawaging ate si Chloe.Pero, umirap lang si Chloe. Hindi ganoon ang sinabi nito nang kulitin siya nito noong nakaraang araw.“Paano kayo nagkakilala?”Umiwas ng tingin si Adam. “Nakilala ko si Ava sa kumpanya ni Dad. Bakit ang dami mong tanong?”Umaliwalas ang mukha ni Ava. Pinigilan niya ang gulat sa loob niya at pinilit na kumalma. “Sigurado akong hindi mo alam na ate ako ni Chloe.”“Alam ko ‘yun.”“Alam ko rin na binully niyo si Chloe at pinalayas siya.”Siyempre, si Alexander ang nagsabi kay Adam ng tungkol doon pagkatapos malaman ni Alexander na nakakausap ng anak niya si Ava.Nang marinig yun, nawala an
Tumayo ang mga balahibo ni Chloe dahil sa hindi mapaliwanag na takot.Umiling siya at tinakpan ang tiyan. “Mauna ka na. Kailangan kong pumunta sa washroom.”“May washroom sa kwarto.”“Hindi, sanay ako sa —-”Pero bago pa matapos ni Chloe ang sinasabi niya, bigla siyang napatili.Bigla siyang binuhat ni Joseph. Nawalan siya ng balanse at napahawak sa leeg nito.Halata ang kapilyuhan sa gwapong mukha ni Joseph. Nilapit niya ang maninipis na labi sa tainga ni Chloe at mahinang bumulong. “Gustong-gusto mo akong patulan ka. Well, tutuparin ko ang hiling mo ngayon. Tinganan natin kung magagawa ko o hindi.”Nabalot si Chloe ng masculine na amoy ni Joseph habang nakikiliti ang tainga niya sa mainit nitong hininga. Agad siyang namula. Kahit ang loob ng tainga niya ay namumula. Hindi siya gumagalaw habang nakatitig kay Joseph, pero hindi niya makita sa mga mata nito kung nagbibiro ba ito o tinatakot siya.Matagal na niyang sinusubukang akitin si Joseph. Pero kung may mangyayari nga sa ka
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti