Nang maabutan ni Ava si Adam, narinig niyang tinawag nitong ate si Chloe.Tinitigan niya nang masama si Chloe. Sa takot, kinilabutan siya. “Anong tinawag mo sa kaniya.”“Ate. Mas matanda siya sa akin, kaya dapat ko siyang igalang.”Tama ang sinabi ni Adam. Nakasuot siya ng sports attire at drealicks, para siyang rebeldeng bata. Kaya naman, nakakagulat na magalang niyang tawaging ate si Chloe.Pero, umirap lang si Chloe. Hindi ganoon ang sinabi nito nang kulitin siya nito noong nakaraang araw.“Paano kayo nagkakilala?”Umiwas ng tingin si Adam. “Nakilala ko si Ava sa kumpanya ni Dad. Bakit ang dami mong tanong?”Umaliwalas ang mukha ni Ava. Pinigilan niya ang gulat sa loob niya at pinilit na kumalma. “Sigurado akong hindi mo alam na ate ako ni Chloe.”“Alam ko ‘yun.”“Alam ko rin na binully niyo si Chloe at pinalayas siya.”Siyempre, si Alexander ang nagsabi kay Adam ng tungkol doon pagkatapos malaman ni Alexander na nakakausap ng anak niya si Ava.Nang marinig yun, nawala an
Tumayo ang mga balahibo ni Chloe dahil sa hindi mapaliwanag na takot.Umiling siya at tinakpan ang tiyan. “Mauna ka na. Kailangan kong pumunta sa washroom.”“May washroom sa kwarto.”“Hindi, sanay ako sa —-”Pero bago pa matapos ni Chloe ang sinasabi niya, bigla siyang napatili.Bigla siyang binuhat ni Joseph. Nawalan siya ng balanse at napahawak sa leeg nito.Halata ang kapilyuhan sa gwapong mukha ni Joseph. Nilapit niya ang maninipis na labi sa tainga ni Chloe at mahinang bumulong. “Gustong-gusto mo akong patulan ka. Well, tutuparin ko ang hiling mo ngayon. Tinganan natin kung magagawa ko o hindi.”Nabalot si Chloe ng masculine na amoy ni Joseph habang nakikiliti ang tainga niya sa mainit nitong hininga. Agad siyang namula. Kahit ang loob ng tainga niya ay namumula. Hindi siya gumagalaw habang nakatitig kay Joseph, pero hindi niya makita sa mga mata nito kung nagbibiro ba ito o tinatakot siya.Matagal na niyang sinusubukang akitin si Joseph. Pero kung may mangyayari nga sa ka
Sa sandaling malapit na silang malunod sa kanilang pagnanasa, biglang nag-ring ang phone sa bedside cabinet.Luminaw ang kaninang mapagnasang mga mata ni Joseph. Pinagmasdan niya ang babaeng pinunitan niya ng damit bago biglang bumalik sa wisyo. Umalis siya ng kama at pumasok sa banyo dala ang phone niya.Kasunod ng malakas na tunog, nagsara ang pinto. Parang yumanig ang buong pader kasunod nito. Puno ito ng hindi maipaliwanag na galit.Hindi niya inaasahan ang eksenang yun.Sa gulat, matagal na nanatili si Chloe sa kama. Yumuko siya para tumingin nang marinig niyang magbukas ang shower.‘Anong problema niya? Hindi ba siya natuwa? Hindi ba ako magaling?’Bigla siyang nabalot ng hiya at pagkatalo nang maalala niya kung paano siya nagkusa kanina. Namula ang mga mata niya habang inaayos ang kaniyang damit at saka lumabas ng kwarto.Umalis na si Harold at wala na sa baba.Mabigat ang paghinga niya. Bumalik siya sa kwarto niya, nilubog ang sarili sa ilalim ng kumot. Pero, hindi siya
Nag-bus si Chloe papunta sa Baxon, lumilipad ang isipan niya.Isang araw bago siya ulit magtrabaho.Nag-uusap ang security guard at janitor sa ground floor.“Kumusta na ang kamag-anak mo? Nakipag-divorce na ba siya?”“Oo. Naging mahirap na ang buhay niya. Kahit hindi nakapag-aral, mag-isa na niyang pinapalaki ang dalawa niyang anak. Naaalala ko dati na pinayuhan ko siyang huwag umalis, pero hindi siya nakinig. Nagsisisi na siya sa naging desisyon niya, pero wala na siyang magagawa ngayon.”“Hay, para sa akin, lagpas 150 grand ang kinikita ng mister niya sa isang taon. Kahit na mainitin ang ulo niya, wala naman siyang ginawang malaking pagkakamali na sisira ng relasyon nila. Kung hindi sila nag-divorce, hindi sila mahihirapan sa pinansyal. Ang mga bata ang mahihirapan.”“Ganoon talaga. Padalus-dalos ang mga kabataan. Mahirap naman silang kumbinsihin.”Habang nagpapatuloy sila sa kanilang malalim na usapan, si Chloe na nasa likod nila ay umabot na sa limitasyon niya. Napakuyom ang
“Hindi na, salamat. Nakahanap na ako ng trabaho na maganda ang sweldo,” Sagot ni Chloe habang umiinom ng tubig.“Ganoon kabilis? Anong kumpanya?” Nagulat si Icarus.“Maliit na kumpanya lang…”“Ang ganda ng qualifications mo. Bakit ka papasok sa maliit na kumpanya?” Pagsingit ni Harry. “Pwede kitang i-connect sa magagandang job opportunities. Huwag mo sayangin ang prine mo.”“Tama siya. Kahit na pwedeng maging stepping stones ang maliliit na kumpanya, mas maganda ang potensyal para sa long term growth kung sa malaking korporasyon ka papasok.”“Oo, Chloe. Huwag kang magpadalus-dalos.”Nang marinig ang mga payo nila, sumaya ang puso ni Chloe. Pero, sa loob-loob niya, naiitindihan niyang dahil hindi niya kayang magpadalus-dalos kaya niya tinanggap ang arrangement ni Joseph. Gayunpaman, pinapahalagahan niya ang pag-aalala nila sa kaniya.“Oo at pinag-isipan ko talaga yun nang mabuti. Hindi ako magpapadalus-dalos,” Sagot ni Chloe, isang ngiti ang lumitaw sa mukha niya habang kumikinan
Tumawa si Icarus, nagulat siya nang makita si Lucas at naisip na baka namalik-mata lang siya.Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili at tinuloy ang paglapit sa front desk.“Hi, na-settle na ang payment sa Table 8,” sabi ng staff kay Icarus na ikinagulat niya. Ang una niyang naisip ay baka si Chloe yun, pero nang bumalik siya sa upuan, hindi niya na ito nakita.“Nasaan si Chloe?” Tanong ni Icarus, halata sa boses niya ang pag-aalala.Nagkibit-balikat si Harry, hindi niya rin alam. “Inaalam ni Lily.”“Pero nandito ka kanina, Lily, hindi ba?”“Naiinitan ako, kaya pumunta ako sa kabilang store para bumili ng ice cream. Nang bumalik ako, wala na si Chloe,” Paliwanag ni Lily, nilabas niya ang kaniyang phone. “Tatawagan ko siya. Baka nagpunta siya sa banyo.”Bahagyang naningkit ang mga mata ni Icarus. “Nakainom na si Chloe. Baka tinamaan na siya.”*Sa highway.Ninanamnam ni Chloe ang comfort ng backseat ng kotse, kasing ingay ng tren ang utak niya. Parang buhay na painting
Hinanda ni Chloe ang sarili dahil sa sama ng pakiramdam ng tiyan niya at umupo nang diretso para basahin ang kontrata.Pero, dahil sa mabilis na galaw ng sasakyan, kasunod pa ang biglaang pag-preno ni Lucas, muntik na siyang masuka.Inabot ni Chloe ang overhead light. Yumuko siya, tinakpan ang bibig ng isang kamay, habang binubuklat ang huling page ng kontrata. Kahit na madilim ang ilaw, nahanap niya ang signature area at mabilis na pumirma.Bilang isang babaeng mag-isa lang sa buhay, wala siyang maiiaalok sa mga taong may mga sakim na intensyon. At saka, kahit na may balak si Joseph na maglagay ng mga hindi patas na kondisyon, wala rin yun silbi. Lalo na at napagkasunduan na nila ang terms ng kaniyang sweldo.Inabot ni Chloe ang kontrata, mabilis na pumikit para pigilan ang kaniyang suka. Mabilis siyang gumalaw na para bang umiiwas siya kay Joseph.Nagdilim ang gwapo nitong mukha. ‘Ayaw niya ba sa akin?’Tahimik ang buong biyahe. Kahit na mainit ang buwan ng June, malamig ang lo
Pamangkin?Nagkasalubong ang mga kilay ni Joseph habang sumasagot, “Wala akong pamangkin.”Sa sandaling yun, para bang isang mahigpit na string ang naputol sa isipan ni Chloe. Naging blangko ang isip niya, nawalan ng laman ang kaniyang tingin, wala siyang ekspresyon. Nakatulala lang siya doon, naguguluhan.Parang isang carousel na umikot sa utak niya ang tatlong buwan niyang alaala. Napansin niya ang maraming bagay na nag-iwan ng bakas at ebidensya. Hindi lang niya yun pinansin dahil sa pagiging desperada niya.‘Bakit binanggit ni Jake ang relasyon namin ng tito niya?’Habang umiikot ang isipan niya, sumagi sa isipan niya ang pangalang Icarus.‘Malayong magkamag-anak….‘Senior…Hindi nakahinga si Chloe, at gusto niyang sampalin nang malakas ang sarili dahil sa katangahan.Napansin ni Joseph ang kakaibang kilos ni Chloe, hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. “Anong problema? Masama ba ang pakiramdam mo?”“A…ayos lang ako,” Nauutal niyang sagot.“Kung masama ang pakiramda