Pamangkin?Nagkasalubong ang mga kilay ni Joseph habang sumasagot, “Wala akong pamangkin.”Sa sandaling yun, para bang isang mahigpit na string ang naputol sa isipan ni Chloe. Naging blangko ang isip niya, nawalan ng laman ang kaniyang tingin, wala siyang ekspresyon. Nakatulala lang siya doon, naguguluhan.Parang isang carousel na umikot sa utak niya ang tatlong buwan niyang alaala. Napansin niya ang maraming bagay na nag-iwan ng bakas at ebidensya. Hindi lang niya yun pinansin dahil sa pagiging desperada niya.‘Bakit binanggit ni Jake ang relasyon namin ng tito niya?’Habang umiikot ang isipan niya, sumagi sa isipan niya ang pangalang Icarus.‘Malayong magkamag-anak….‘Senior…Hindi nakahinga si Chloe, at gusto niyang sampalin nang malakas ang sarili dahil sa katangahan.Napansin ni Joseph ang kakaibang kilos ni Chloe, hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. “Anong problema? Masama ba ang pakiramdam mo?”“A…ayos lang ako,” Nauutal niyang sagot.“Kung masama ang pakiramda
Parang tinatamad na nakaupo si Joseph sa sofa, bahagyang natatakpan ang mukha niya dahil sa anggulo ng litrato.Pero, kahit kalahati lang ng mukha niya ang nakikita, sapat na ang kaakit-akit niyang presensya para mabighani ang sinumang mapatingin sa kaniya.Nang makita ang gwapong lalaki, luminaw nang kaunti ang isip ni Emily, “Hindi ba ‘to yung gwapong lalaki na nakita natin sa bar na kasama ng tito ni Jake?”Halata ang galit sa mukha ni Chloe. “Anong sinabi mo?”Habang naguguluhan, inulit ni Emily ang sinabi, “Anong problema? Siya yung lalaking nakita natin sa bar. Nakita ko rin siya sa class reunion noong nakaraan. Ang totoo, pwede mo siyang pormahan kung hindi ka lang determinadong maghiganti sa demonyong couple na yun.”Kahit sa sandaling encounter nila sa bar, hindi maitatanggi ang karisma ni Joseph. Elegante ang kaniyang dating. Habang ang iba ay mabilis makakalimutan, kaya niyang mag-iwan ng matagal na impresyon.“Tama na.” Naiiyak na si Chloe. Akala niya ay nagkamali si
“Inatake sa puso si lolo. Pumunta ka sa ospital ngayon.”Nanlaki ang mga mata ni Chloe. Wala na siyang inisip pa at agad na sumang-ayon, “Okay.”Paglipas ng apatnapung minuto, dumating siya sa ospital. Sa glass window, nakikita niya si Harold na nakahiga sa emergency room habang may oxygen tube na nakapasok sa ilong, maputla din ang kulay nito.Nanikip ang dibdib ni Chloe sa nakita niya. “Bakit biglang inatake sa puso si lolo?”Nanatiling walang ekspresyon si Joseph at sinabing, “Pumunta siya sa isang escape room kasama ang mga kaibigan niya, at natakot siya.”“Yun lang?”“Mm-hm.”“Hay…” Hinawakan ni Chloe ang ilong at sumagot, “Parang bata pa rin ang puso ni lolo.”“Nasaan ang pamilya ng pasyente? Gising na siya,” Sabi ng isang nurse na lumabas mula sa ward.Tiningnan ni Joseph si Chloe. “Pumasok na tayo.”“Okay.”Magkasunod silang pumasok sa ward. Nang makita sila ni Harold, isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mukha niya. “Ayos lang ako. Paranoid lang si Patrick kaya pin
“Bakit mo ako tinitingnan nang ganiyan?” Tanong ni Chloe, hindi niya maintindihan ang tingin ni Joseph.“Pinaalalahanan na kita nang mahigit isang beses na lumayo sa mga lalaking kwestyonable ang pagkatao,” Sabi ni Joseph.“Kaibigan ko siya,” Sagot ni Chloe, hindi natutuwa.“Hindi ka na single ngayon. Asawa kita, at hindi mo lang nirerepresenta ang sarili mo pero pati na rin ang mga Whitman at ang Fairlight,” Istriktong sabi ni Joseph.Kinilabutan si Chloe. Yumuko siya at mahinang sumagot, “Kinikilala mo na ako ngayong daughter-in-law ng mga Whitman? Bakit hindi mo sinabi sa akin dati? Natatakot ka ba na pera lang ng pamilya mo ang habol ko?”“Mayroon ba akong tinago sa inyo o sinadya ko bang hindi ipaalam sa iyo?” Naiinis na sagot ni Joseph.‘Katangahan mo nang hindi maisip yun.’“Well…hindi mo sinabing…”Suminghal si Joseph at sinabing, “Kumilos ka base sa kakayahan mo, at huwag kang sumobra. Makakahanap ka ba ng mas maganda pa kaysa sa Fairlight?”‘Makakahanap ka pa ba ng l
Napakurap si Chloe, halata ang pagkalito sa mukha niya habang nagtatanong, “Ibig sabihin ba ay tineterminate mo na ang kontrata ko?”“May mga pagbabago sa responsibilities mo,” Mariin niyang dagdag. “Sa custodial department ka na magre-report bukas.”Nanlaki ang mga mata ni Chloe, at pinilit niyang ngumiti. “Niloloko mo ako, hindi ba?”“Hindi kita niloloko,” Sagot ni Joseph.‘Masiyado akong mabait sa kaniya. Kailangan siyang turuan ng leksyon sa pag-alis sa trabaho niya nang walang dahilan!’Nanigas ang ekspresyon ni Chloe.“Gusto mo akong magtrabaho bilang janitor?!” Tanong niya, halata sa boses niya na hindi siya makapaniwala.‘Seryoso? Nababaliw na ba siya?’Kahit na tanggap niya ang pagbabago ng role niya, nahihirapan siyang tanggapin ang ideya na magiging janitor siya.“Well, may pagkakataon na bumalik ka sa original mong department, pero nakadepende yun sa performance mo,” Kaswal na sabi ni Joseph, namamangha sa unti-unting nagbabagong ekspresyon ni Chloe. Kumurba ang ma
Nag-isip sandali si Joseph at sumagot. “Siyempre, hindi.”Gumaan ang pakiramdam ni Chloe, bumalik ang sigla niya. “Talaga?”“Oo, mas masipag at mas masunurin ang isang kasambahay kaysa sa iyo.”Hindi nakapagsalita si Chloe.Tumawa si Joseph. ‘Pero mas mataas nang kaunti ang posisyon mo kaysa sa isang kasambahay.’Sa madaling salita, mas mababa pa sa kasambahay ang turing niya sa kaniya. Ang isang kasambahay ay isang taong nagluluto at masipag.Ang sama ng unang pagkain na niluto niya. Naospital pa siya pagkatapos niyang kainin yun.Pagkatapos nito, nag-enroll siya sa culinary class. Matalino siya, at nagawa niyang makapagluto ng masasarap na pagkain nang wala pang isang buwan. At ngayon, nasanay na si Joseph sa luto niya.Bata pa lang si Joseph ay masasarap na pagkain na ang kinakain niya, at ang totoo, hindi ganoon kasarap ang luto ni Chloe. Pero, sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa tuwing kakainin niya ang pagkain na luto ni Chloe, natutuwa siya.Walang ideya si Chloe sa ku
Mapait na ngumiti si Chloe. “Well, alam kong mayaman si Joseph, pero hindi ko alam na siya ang CEO ng Fairlight.”“Hmm, naiintindihan ko ang nararamdaman mo.”Katulad nga ng inaasahan ni Lucas. Parang isa yung malaking pie na nahuhulog mula sa langit, dahilan para kwestyunin ng isang tao ang realidad!*Siyempre, hindi alam ni Chloe kung anong tumatakbo sa isip ni Lucas. Naglakad siya papunta sa custodial department at magalang na kumatok nang tatlong beses sa pinto.Hindi nagtagal, isang middle-aged na babae na nakasuot ng cleaner’s uniform ang nagbukas ng pinto, mukhang naguguluhan. “May kailangan ka ba?”“Madam, ako po ang bagong staff.”“Ikaw pala.” Nag-alinlangan sandali ang cleaner bago siya papasukin. “Akala ko matanda ang darating, pero dalaga pala. Nakapagtataka…”“May ginawa akong pagkakamali. Galit sa akin ang superior ko, kaya pinaparusahan niya ako na magtrabaho dito nang ilang araw,” Paliwanag ni Chloe habang nagbibihis sa kaniyang work uniform. “Madam, anong area
Natigilan si Chloe sa biglang sampal. Habang sumasakit at namumula ang kaniyang pisngi, naayos niya ang kaniyang isipan at nakilala ang lalaking nasa kaniyang harapan.Ang kaniyang mukha ay walang takot na ngumiti, "Ito lang ba ang mayroon ka? Umalis ka at ihanda ang iyong sarili para sa notice of trial.""Notice of trial? Anong ibig mong sabihin?""Lalabanan kita sa korte para sa pamana ni mama. Wala akong ibibigay ni isa sa kaniya" sabi ni Chloe, nababalot ng emosyon ang boses sa pagbanggit ng kanyang ina. "Wala kayong deserve sa mga pamanang ito!"Dahil sa maraming napagdaanang pagsubok ay nagbago na si Chloe. Wala na ang maliit na batang babae na nananabik sa pagmamahal ng kanyang ama. Nakita niya ang pagiging malupit ng lalaking nakatayo sa harapan niya. Ibinigay sa kanya ng kanyang ina ang lahat, pati na ang sarili niyang buhay, ngunit hindi niya ito pinahalagahan.Kaya naman ay aalisin na niya ang pakialam sa lalaking ito.Isang kirot ng pagkabalisa ang umalingawngaw sa di