Natigilan si Chloe, bahagyang nagulat. Kahit na nagtataka siya tungkol sa maternal grandparent nila, nanatili siyang maingat at tinanong, “Sinasabi mo ba na alam mo kung sino sila?”‘Walang nabanggit na kahit ano si mom tungkol sa magulang niya, kaya paano niya nalaman?’“Kung gusto mo sila hanapin, kausapin mo si Alexander,” sagot niya.Habang may mayabang na ekspresyon, dinala ni Benjamin palayo sa convenience store si Ava. Nang makalabas sila, nagtatakang tinanong ni Ava, “Daddy, kilala mo ba talaga ang tungkol sa maternal grandparent ni Coco?”“Nang pinakasalan ako ng mom niya, hindi na niya kinausap ang pamilya niya pero alam ko kung paano sila hahanapin,” sabi ni Benjamin habang nakatingin sa diamond na kwintas na suot niya. “Kunin mo ang kwintas na ‘to at pumunta ka sa Jade Street sa timog na parte ng siyudad. Makikita mo sila doon.”Ito ang mga salita na ibinilin ng yumaong nanay ni Chloe kay Benjamin, na sinabihan siya na hintayin na tumanda si Chloe bago sabihin ang tot
Nahihiyang tinakpan ni Chloe ang mukha niya, habang nagngangalit ang ngipin ay nagreklamo siya, ‘Anong problema ng lalaki na ito? Sobrang insensitive niya. Hindi na nagpakita ng pag aalala pero ang mang insulto sa pagkukumpara sa mukha ko sa baboy ngayon?”Pumasok si Joseph sa study at sinara ang pinto bago tinawagan ang number ni Samuel.Kakaiba para kay Samuel na makatanggap ng tawag mula kay Joseph kaya naman agad niyang binaba ang file sa kamay niya para sumagot. “Hey, anong problema?”“Pwede ba natin madaliin ang court hearing sa kaso ni Chloe?” Diniretso na Joseph at hindi na nagsayang ng salita.Kakaibang ekspresyon ang makikita sa mukha ni Samuel. “Ito ang rason kung bakit mo ako tinawagan?”“Oo.”“Hindi ka naman nahulog sa kaniya, ano?”Saglit na nagulat si Joseph. Agad siyang tumanggi, “Gusto ko lang siya tulungan.”Natahimik si Samuel, iniisip niya ang sitwasyon. Business genius ang matalik niyang kaibigan pero pagdating sa pag-ibig, wala siyang alam. Hindi niya ala
Kinilabutan si Chloe habang hawak ang ilong niya at sumagot, “Well, baka sobra ang salita ko pero totoo ang feelings ko sa Fairlight.”Tumawa si Joseph, wala siyang emosyon habang paakyat sa hagdan.‘Totoong feelings para sa Fairlight? Hindi ba dapat sa akin? Itong tanga na ito nakahanap ng paraan para mapunta sa kama ko at sa kadalasan namin na pagkikita sigurado ako na masaya siya.’Marami na siyang nakilalang babae katulad ni Chloe pero hindi niya nakikita na mapilit si Chloe. Kung masunurin lang siya at nagagawa ng dapat niyang gawin, mataas ang tiyansa na maging totoong asawa siya ni Joseph.*Pagkatapos mag shower, nakatanggap ng tawag si Chloe mula kay Emily.“Kailan mo planong lumipat? May house for rent yung katrabaho ko at malapit sa bahay ko. Pwede ka rin tumira dito kung gusto mo. Wala naman ang boyfriend ko,” sabi ni Emily.Sandaling nag dalawang isip si Chloe bago bumulong, “Napagdesisyunan ko na dito tumira at wag mag renta ng bahay.”“Huh? Pero bakit?”“Pakiram
Pagkatapos manahimik nang saglit, medyo nahihiyang sinabi ni Adam, “Hindi ko alam na kakilala mo si Mr. Joseph. Gusto kitang pormahan nang makita kung gaano ka kaganda. Siyempre, wala na akong lakas ng loob na gawin yun sa iyo ngayon.”Pinagbawalan siya ni Joseph, lalo na ng tatay niya.Nang marinig yun, komplikadong mga emosyon ang bumugso kay Chloe. Hindi niya masabi ang nararamdaman niya.Tama ang hula niya. Katulad ng inaasahan niya, dahil nga ito kay Joseph.*Pagkatapos ibaba ni Joseph ang tawag, mabilis niyang pinadala kay Chloe ang mga screenshots ng conversation nila ni Ava. Kahit na mukhang mahinhin at mabait ang itsura ni Ava, nagpapadala siya ng mga malalaswang messages kay Adam.Kinaawaan ni Chloe si Jake nang makita niya kung gaano kalala ang panloloko ni Ava sa kaniya.. Nagkataon lang na nakita niya sina Ava at Adam. Baka mayroon pang ibang lalaki na nilandi si Ava na hindi alam ni Jake.Pagkatapos niyang basahin ang final chat log. Pinadalhan siya ni Adam ng cont
Pagkatapos nang ilang sandali, naalis na rin ang tingin ni Joseph sa kaniyang computer screen at kinuha ang dokumento para basahin.Mabilis niyang pinirmahan ang dulo ng dokumento.“Walang problema. Pwede na ‘yang gawin.”Tumango si Chloe at kinuha ang dokumento bago magalang na sumagot, “Okay, aalis na ako ngayon, sir.”Pero isang malakas na pwersa ang nagbukas sa pinto bago niya pa naabot yun.Isang dominante at magandang babae ang nakatayo sa labas. Lumakad ito papasok sa opisina suot ang kaniyang high heels.Metikulosa ang pananamit ng babae. Customized designs ng mga sikat na designer ang mga damit niya, kaya napakamahal nito.Mayroong apat na bodyguard na malalaki ang katawan na nakatayo sa likuran niya. Sa unang tingin pa lang ay alam ng well-trained sila.Natakot si Chloe at agad na napaatras.“Joseph, kasal ka na daw sabi ng lolo mo sa akin!” Hindi makapaniwala ang ekspresyon ni Jane Fox habang nakatingin kay Joseph, halata ang lungkot niya. “Sabihin mong hindi totoo
“Manahimik ka, malandi!”Nanginginig ang buong katawan ni Jane sa sobrang galit. Sinampal niya na sana si Chloe kung hindi lang siya yakap-yakap ni Joseph.Tinitigan ni Joseph si Jane at kumunot ang noo. “Ayusin mo ang mga sinasabi mo. Tama ang misis ko.”“Gusto mo ba siyang ii-spoil?”“May problema ba kung gusto kong ii-spoil ang misis ko?”Nahirapang huminga si Jane, Puno ng inggit niyang tiningnan si Chloe. “Anong klaseng gayuma ang ginamit mo para akitin si Joseph?”Gusto na ni Jane si Joseph simula pagkabata. Kahit na hindi nito sinusuklian ang nararamdaman niya, mabait ang trato nito sa kaniya dahil sa relasyon ng kanilang pamilya.Ito ang unang pagkakataon na pinoprotektahan nito ang ibang tao.Napailing ang ulo ni Chloe. Hindi siya nagalit, seryoso siyang sumagot. “Wala akong ginamit na gayuma. Hiningi ko lang ang number ni Jojo, at niyaya niya akong magpakasal. Baka nahulog siya sa akin sa unang tingin pa lang.”‘Totoo naman yun, hindi ba?‘Pinormahan ko nga siya, pe
Huminga nang malalim si Ava at makahulugang sinabi, “Hindi mo ba talaga alam?”“Wala akong alam. Sabihin mo na.”“May abnormal na relasyon ang tatay mo at si Chloe.”“Anong abnormal doon?”“Bakit wala kang kaalam-alam?” Seryoso ang tono ni Ava. “Nagsimula ba sa tatay mo ang relasyon mo kay Chloe?”Inalis ni Adam ang kumot niya at kinusot ang mga mata. “Oo, tama.”Hihingin sana niya ang contact number ni Chloe kung hindi napansin ng tatay niya na couple sina Chloe at Joseph. Siyempre, lahat naman ay gusto ng mga magaganda at charming na mga babae.Mali naman ang pagkakaintindi ni Ava sa relasyon ni Alexander kay Chloe. Pagkatapos mag-isip, hindi siya naglakas ng loob na diretso itong sabihin.“Kasama kong lumaki si Chloe, kaya kilalang-kilala ko siya. Nakita ko siya dati na lumabas sa kotse ng isang matandang lalaki. Kumplikado ang relasyon niya sa iba.”Sandaling natigilan si Adam. Noong una ay hindi ganoon ang naisip niya.“Anong pinagsasabi mo? Magsalita ka nang naiintintin
Nagbago ang ekspresyon ni Jake. Agad niyang pinatahan si Ava. “Huwag kang magmadali. Sabihin mo sa akin lahat.”Humikbi si Ava na para bang sobra siyang inapi. Hindi siya makapagsalita nang maayos. “Nag-photoshop si Chloe ng mga litrato para bantaan ako.”Pagkasabi niya nito, binuksan niya ang kaniyang phone para ipakita ang chat logs na pinadala sa kaniya ni Chloe.Pagkatapos itong basahin ni Jake, hindi siya makapaniwala. “Parang hindi naman photoshop ang chat log…”“So, sa tingin mo ganito akong klaseng tao?” Umiyak si Ava. “Alam naman ng lahat na playboy si Mr. Adam. Bakit ako makikipag-relasyon sa kaniya?”Lumambot ang puso ni Jake sa mga sinabi ni Ava. Pagkatapos mag-isip nang ilang segundo, pinili niyang maniwala kay Ava. Pagkatapos niyang pagaanin ang loob nito, sinabi niya ang mga bagay na ilang araw na niyang kinikimkim.“Alam mong gusto ng dad ko na magtayo ng kumpanya para sa akin, pero kailangan namin ng pera ngayon. Pwede mo bang gamitin ang dowry mo para tulungan m