Natahimik si Chloe, binalikan niya ang lahat ng suportang binigay sa kaniya ni Icarus.Nagdesisyon siyang sabihin ang lahat ng panloloko ni Ava.Nang marinig ni Icarus ang detalye, nabuo ang galit sa loob niya.“Ang tanga ng pamangkin ko!” Sigaw ni Icarus, halata ang galit niya.Nagkibit-balikat si Chloe at sumagot, “Sabihin mo sa kaniya. Kung ako ang magsasabi sa kaniya, baka isipin niyang sinisiraan ko lang si Ava.”Ito ang dahilan kung bakit nag-aalinlangan siyang komprontahin si Jake, dahil mawawalan ng silbi ang efforts niya, at dagdag pa dito, malalagay lang siya sa magulong sitwasyon.“Salamat, Chloe. Siguradong pagsisisihan ni Jake ang mga ginagawa niya,” Nagpasalamat si Icarus.“Hindi na mahalaga sa akin kung magsisi man siya o hindi,” Walang ganang sagot ni Chloe.Masayang pinagmasdan ni Icarus ang kawalan ng pakialam ni Chloe. Anuman ang mangyari, wala na siyang nararamdaman pa kay Jake. Pero, naniniwala siyang hindi magandang desisyon ang umamin sa ngayon.Nang mag
Naguluhan si Icarus. “Anong problema?”Nang aalisin na sana ni Chloe ang kamay ni Joseph, mabilis na bumitaw si Joseph, naguluhan naman si Chloe.“Wala. Mauuna na ako.” Inayos ni Joseph ang necktie niya, nagpanggap na parang walang nangyari. Bumaling ang astig at mala-phoenix niyang mga mata kay Icarus. “Lucas, bakit hindi ka muna makipag-usap kay Mr. Icarus?”Halata ang pag-aalinlangan sa mukha ni Lucas. Nakatuon ang mga mata niya kay Mr. Joseph, habang si Mr. Joseph naman ay nakatingin lang kay Ms. Chloe. Well, isa lang itong pagkakamali.Sa loob-loob ni Icarus ay nanatili siyang tahimik, hindi niya mahanap ang tamang salita.‘Hindi na talaga kailangan, Umalis ka na lang agad.’Pagkaalis nina Chloe at Joseph, bumalik ang waiter dala ang flowers.Pinagmasdan ni Lucas ang mga bulaklak, natigilan siya. Maingat siyang nagtanong, “Mr. Icarus, balak mo bang umamin kay Ms. Chloe?”Ngumiti lang si Icarus, hindi siya umamin o tumanggi.*Sumakay si Chloe sa elevator at balak sanang
“Uuwi na ako!”“Ah, what a coincidence. Tara na?”Huminga nang malalim si Chloe, pinilit niyang ngumiti at sinabi, “Joseph, ayaw mo ba akong paalisin dahil gusto mo ang katawan ko?”“Hah, hindi ko ba pwedeng gamitin ang parehong excuse iyo? Lalo na, hindi ka naman tumanggi, at mukhang nag-enjoy ka,” Sagot ni Joseph.Sandaling natahimik si Chloe, nagulat sa mabilis na sagot ni Joseph. Nakaramdam siya ng hiya at inis, napakatuso ni Joseph. Ngumisi siya at sumagot, “Oo. Lalo na, ikaw ang nagkusa ngayon.”Nang marinig yun, biglang hindi napakali ang ekspresyon ni Joseph, suminghal siya. “As you wish.”Sa sagutan nila, wala sa kanila ang nanalo.Tiningnan siya nang masama ni Chloe bago pumunta sa banyo ng opisina para pakalmahin angs arili. Sa harapan ng salamin, kasing pula ng peach blossom ang mukha niya, kumikinang ang kaniyang mga mata. Medyo nagulo ang kwelyo ng damit niya, at ang kumalat na lipstick sa mga labi niya ay may dalang ganda na mahirap ipaliwanag.Nakaramdam siya ng
“Hindi ko ‘yan sinabi.”“Pero yun ang iniisip mo.”Suminghal si Ava. “Sige. Kung titingnan mo lang naman ako nang masama, wala na dapat tayong pag-usapan. Umalis ka na lang, please.”Pagkasabi nun, mabilis na lumapit ang housekeeper ng mga Johnson at sinamahan si Jake palabas ng villa. Kasing bilis ng ipo-ipo ang mga nangyari, at napansin ni Jake na tumawag ang tatay niya, minamadali siyang i-finalize ang investment funds.“Dad, may nangyaring hindi ko inaasahan. Bigyan mo ako nang ilang araw. Aayusin ko lahat.”“Ni hindi mo makuha ang opportunity na nasa harapan mo na. Paano kung bigyan kita ng isang taon para asikasuhin ‘yan? Sapat na ba yun? Huwag ka nang mag-abalang pumunta sa opisina bukas.”Nahirapang huminga si Jake, nanginig ang kamay niya at nabitawan niya ang kaniyang phone. Para bang gumuguho ang mundo sa harapan niya.*Hindi nagtagal, naglabas ng pasabog si Ava sa internet.Naglabas siya ng mahabang thread na tungkol sa tatlong bagay.Ang una ay ang one-sided bre
“Bakit ako matatakot?”“Baka komprontahin ka niya.”“Hindi mo ba ako tutulungan?”Nanatiling walang emosyon si Joseph. Pumikit siya para ipahinga ang mga mata, hindi niya pinansin ang paghingi nito ng tulong. Malinaw na wala siyang balak na mangialam.Tinitigan ni Chloe ang gwapong mukha nito at napairap sa inis.‘Come on, kahit siya na ang pinakamagaling, hindi niya mapapantayan ang napakaraming magagandang babae. Kung si Jane lang, madali lang yun, pero sa mga kakampi nito, nasa disadvantage ako.‘Hayaan mo na, ayaw ko nang isipin. Titingan ko na lang kung anong mangyayari at doon na ako magsisimula.’Sa front seat, si Patrick ang nag-maneho papunta sa art exhibition center na nasa malayong area. Dumungaw si Chloe sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang tanawin, at napapikit. Nagpahinga siya pagkatapos ng nakakapagod na araw.Boses ni Patrick ang gumising sa kaniya, sumunod siya kay Joseph at bumaba sa sasakyan, medyo wala pa rin sa sarili.Maraming tao ang nagtipon-tipon sa
Natahimik si Chloe, napagtanto niyang isa ulit itong pang-iinsulto sa kaniya.“Hindi na kailangan. Hindi ako interesado sa iyo, at ayaw ko ng autograph mo,” Sabi ni Chloe habang matamis na nakangiti. “Oo nga pala, si Aiden Knight ag paborito kong artista.”Para makaganti, sinadya niyang banggitin ang pangalan ng karibal nito, alam niya ang epekto nito.Katulad ng inaasahan niya, agad na nagdilim ang ekspresyon ni Sebastian. Binitawan niya si Chloe at sarkastikong ngumisi. “Well, ang pangit ng taste mo, kung ganoon.”Nagkibit-balikat lang si Chloe, sabay talikod para ipakitang wala siyang interes para makipag-away sa isang taong hindi sibilisado. Doon naman, bumalik si Joseph kasama si Jane na parehong hindi maganda ang itsura tulad ni Sebastian. Mapula ang mga mata niya, halatang mayroong hindi magandang nangyari.Nagsalubong ang mga kilay ni Chloe bago ayusin ang kaniyang ekspresyon. Tiningnan niya si Joseph at nagtanong, “Kailan magsisimula ang party?”“Malapit na,” Sagot ni Jo
Marami siyang paraan para mapatahimik ang mga taong ‘to.Kumurap si Chloe at sinabi, “Hindi ito tungkol sa pag-aagawan ng kapirasong tinapay, tungkol ito sa dignidad. Sagutin mo lang ang tanong ko.‘Mapahiya?’Tumawa si Joseph at sumagot, “Masiyado kang nag-iisip. Kung mayroon man mapapahiya, ikaw yun.”Bumara sa lalamunan niya ang mga gusto niyang sabihin. Hindi makasagot si Chloe. Kung ganoon, hindi na niya kailangang mag-alala pa. Habang nag-aalinlangan ang host kung dapat ba niyang lagpasan ang parteng ito at tapusin na ang event, tumayo si Chloe.“Pwede ba akong humingi ng 5 minutes para mag-prepare?”Matamis at malambing ang boses niya nang marinig ito sa buong exhibition hall.Natigilan sandali ang host bago ngumiti. “Siyempre.”Habang nanonood nang maigi ang audience, naupo si Chloe sa harapan ng piano. Huminga siya nang malalim, marahang tinipa ang mga keys, at sinimulang maging pamilyar sa instrumento.“Hah, poser. Walang silbi pa ang magpanggap.” Pinigilan ni Jane n
“Hindi.”“Kung ganoon, bakit sila….”“Misis kita. Kapag hindi ka nila nirespeto, hindi ba’t parang hindi na rin nila nirerespeto ang mga Whitman?” Sagot niya.Dagdag pa dito, hindi siya pinahiya ni Chloe.Natapos ang bid sa piano sa halang 2,000,000 dollars na si Joseph ang mismo ang tumawag. Hindi sa wala ng pera ng iba, pero hindi na sila naglakas-loob pa.Pagkatapos ng lahat, misis niya ang tumugtog, at palabas lang ang participation nila. Hindi na tama ang makipaglaban pa sila sa bidding.Habang pauwi, tinanong ni Joseph si Chloe, “Bakit isa lang ang alam mong piyesa?’Natigilan si Chloe, at saka nilalait ang sariling sumagot, “Noong high school ako, gusto kong matutong tumugtog. Pero, pinilit ng tatay ko na si Ava dapat ang matuto, naniniwala siyang hindi ko kailangan magsayang ng pera sa ganoong mga bagay. Para patunayan ang sarili ko, pumupunta ako sa bahay ng kaklase ko tuwing hapon para mag-practice sa piano niya. Dahil limitado lang ang access ko sa instrument, isang p