Gustong sampalin ni Chloe ang sarili niya. ‘Bakit ko sinabi kay Lily na nagtatrabaho ako bilang maid?’Ngayong umabot na sa ganitong punto, siguradong iisipin ni Icarus na may kakaibang nangyayari sa pagitan namin ni Joseph.‘Sandali. Totoo na kailangan kong isikreto na kasal ako kay Joseph.;Nang maisip ito, nabawasan ang hiya ni Chloe. Ang totoo, nang masalubong nila si Joseph habang pababa ng hagdanan, nagkusa pa siyang imbitahin ito na samahan silang kumain.Pagkatapos ng lahat, pumunta pa dito sina Icarus at Lily, at nasa katwiran naman na imbitahan niya si Joseph na sumama sa kanila. Kung sasama siya sa iba para kumain sa labas at late na umuwi, siguradong magagalit si Joseph. Mas mabuti nang imbitahin na lang niya ito,Nang matanggap ang imbitasyon ni Chloe, naisip ni Joseph. ‘May progress na rin ang dumbo na ‘to.’Sinabihan niya na ito noong nakaraan na huwag sumama sa ibang lalaki, at hindi lang nito naalala ang utos niya pero inimbita rin siya nito na sumama sa kanilang
Doon lang napansin ni Chloe na maputla ang kulay nito, magkasalubong ang mga kilay at pinagpapawisan ang noo at ilong.Hindi na siya nag-alinlangang tumakbo papunta sa pinakamalapit na botika at bumalik dala ang gamot.Pagkatapos makainom ng gamot, unti-unti na rin bumalik ang kulay ni Joseph paglipas ng kalahating oras.Nang makauwi sila, mahin ang nagtanong si Chlo, “Kung hindi mo kayang kumain ng maanghang, bakit ka kumain ng crawfish?”Nagsisisi siya na sinama niya si Joseph.Si Joseph na pinagpapawisan pa rin ay tiningnan siya at ngumiti. “Kakain ka kasama ng ibang lalaki. Kung hindi ako sumunod sa iyo, gusto mo bang magutom ako?”Naglaho at walang naiwang bakas ang awa na nararamdaman ni Chloe kanina. Sa inis, sumagot siya, “Hindi kita pinilit na kumain, at walang sinasabi sa kontrata na hindi ako pwedeng lumabas kasama ng mga kaibigan ko.”“Wala yun sa kontrata? Salamat sa paalala, idadagdag ko bukas.”“Joseph, bakit napakasama mo sa akin?!”“Kung masama ako sa iyo, ika
”Kilala mo ang mga empleyadong ‘to galing sa Fairlight?” Tanong ng developer.Nagulat si Melody. “Galing siyang Fairlight?”‘Hindi ba’t sabi ni Ava ay umalis na si Chloe sa Fairlight at hindi na nagtatrabaho doon? Bakit siya bumalik?”“Oo. Nandito sila ngayon para mag-inspect sa site,” Kumpirma ng property developer.Nabalot ng selos at galit ang mukha ni Melody, pero pinigilan niya ang emosyon at nagpanggap na mabait. Habang pilit na nakangiti, sinabi niya, “Matagal ko na siyang kilala. Matagal na kaming magkaibigan.”Nanatiling tahimik si Chloe, umirap siya pero piniling hindi sabihin ang totoo. Gusto niya lang matapos agad ang trabaho niya.Naintindihan naman yun ng developer at binigyan pa sila ng kalahating oras para mag-usap. Pero, mabilis na tumanggi si Chloe at sinabing, “Hindi na. Dapat nakatuon tayo sa trabaho habang office hours. Pwede kaming mag-usap nang pribado pagkatapos ng trabaho.”May paghangang pinagmasdan ng property developer si Chloe.Halos lumuwa na ang m
“Hi, nandito ako para tulungan si Chloe na i-deliver ang lunchbox ni Mr. Joseph. Nasa site inspection siya ngayon at hindi makaalis. Ako ang secretary ng boss sa opisina sa kabilang kalsada,” Pinakilala ni Melody ang sarili.Huminga nang malalim si Lucas, pakiramdam niya ay sumasakit ang kaniyang ulo. Kasasabi niya pa lang kay Joseph na darating si Chloe dala ang kaniyang lunchbox. Tinabi ni Joseph lahat ng dokumento sa kaniyang desk, at masungit nitong itsura ay medyo lumambot nang marinig ang sinabi ni Lucas. Pero, hindi si Chloe ang nakatayo ngayon sa harapan niya, at hindi mapakali si Lucas.Kahit nahihirapan ang loob niya, nanatiling kalmado at professional secretary si Lucas, sinigurado niyang hindi siya natrahidor ng emosyon sa mukha niya. Sinamahan niya si Wendy papunta sa opisina ni Joseph.“Sige, sumunod ka sa akin,” Sabi niya.‘Bahala na! Pasensya na, Miss, pero kailangan ko ng sasalo ng sisi at wala ng mas bagay sa trabahong yun kung hindi ikaw.’Habang nakasunod kay L
Dahil sa sobrang kahihiyan, tiningnan ni Melody si Joseph, inaasahan niyang pagagalitan nito ang empleyado nito para sa kaniya.Gayunpaman, madilim ang mukha ni Joseph, mas nakakatakot kaysa sa assistant na nakatayo sa harapan niya.Sa huli, tiningnan nang masama ni Melody si Lucas bago umalis.*Sa sobrang galit, bumalik si Melody sa site para hanapin si Chloe.“Sinadya mo ito, ano?” Kinompronta niya si Chloe habang umuusok sa galit.Inosenteng kumurap si Chloe. “Anong sinasabi mo? Hindi ko naiintindihan.”“Sinadya mo akong i-set up para magalit si Mr. Joseph at mapahiya ako!”“Pero ikaw ang nag-volunteer na magpunta doon para tulungan akong ma-deliver yun,” Sagot ni Chloe, sabay tingin sa developer at sinabing, “Hindi naman ako mali ng pagkakaalala, tama?”Naiilang na ngumiti ang developer at lumingon kay Melody. “Tama na ‘yan, Melody. Ikuha mo na lang kami ng kape.”‘Tito siya ni Melody?’Biglang may napagtanto si Chloe. Sa limitadong abilidad ni Melody, walang kumpanyan
Nang marinig ang sinabi ni Chloe nawalan na ng kontrol si Melody sa emosyon niya at sinimulang pagbabatuhin si Chloe.Mabilis na kumilos si Wendy, hinila niya sa braso si Chloe para lumayo sa gulo, habang ang developer naman ay pinigilan ang pagwawala ni Melody.Nang nasa labas na sila ng site, nakontrol na ulit ni Chloe ang emosyon niya at humingi ng pasensya kay Melody. “Pasensya na at nasira ko ang trabaho, Ms. Wendy. Personal kong kakausapin si Mr. Joseph at tatanggapin ko ang anumang nararapat na parusa.”Tumawa si Wendy at tinapik ang balikat ni Chloe. “Ayos lang yun. Hindi mo kailangang akuin ang sisi. Kanina ko pa napansin na may galit sa iyo ang secretary ng Moongazer. Tama ang ginawa mo. Kung hindi, lagi ka na lang sasamantalahin ng ibang tao.”Kumurap si Chloe at tumawa. “Akala ko pagagalitan mo agad ako.”“Kung may ginawa kang mali, oo. Pero dahil wala naman, bakit ako magagalit?” Sabi ni Wendy sabay start ng kotse pagkaupo sa driver’s seat. “Sige na, bumalik na tayo.
Sa gulat sa paghawak ni Joseph, bakas sa mukha ni Chloe ang pagkabigla sa paglalambing ni Joseph. Pero, nang sabihin nito na susuportahan nito ang desisyon niya, bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa tuwa.“Bakit bigla kang nagiging mabait sa akin?” Tanong niya.“Sinabi ko na sa iyo na hindi mo lang nirerepresenta ang sarili mo pero pati na rin ang buong pamilya Whitman.”“Pero sinabi mo rin sa akin na isikreto ang relasyon natin…”“Oo. Hindi mo pwedeng sabihin ang relasyon natin sa opisina, pero hindi ko sinabing hindi mo pwedeng gawin sa labas.”“Kapag nalaman ng mga tao sa labas ang tungkol sa relasyon natin, hindi magtatagal bago rin yun malaman ng staff sa opisina.”Sa era ng bid data, kahit ang pinakamagaling magtagong celebrity couple ay mabubulgar, lalo na sila. Natahimik si Joseph, naisip niyang baka hindi mainam na desisyon na ipaalam sa publiko ang relasyon nila. Dagdag pa dito, kailangan niya pang kilalanin nang mabuti si Chloe dahil sa palaban nitong katangian.La
Lumapit si Chloe at kinuha ang dokumento para tingnan ito.Isinantabi niya ang lahat ng hindi magandang nangyari.Tumaas ang timbre ng boses niya at halatang nagulat habang nagtatanong, “Ebidensya ba ‘to sa tax evasion ni Sebastian?”“Mm-hm.”“Gusto mo bang i-report ang mga Fox?” Nilapat ni Chloe ang mga kamay sa mesa. “Hindi ba’t kaibigan sila ng pamilya mo? Bakit mo ito gustong gawin?”“Naniniwala ka ba talaga sa superficial relationship na yun?” Kumibot ang mga labi ni Joseph at napuno ng panghahamak ang ekspresyon niya.Malinaw na malinaw ang ambisyon ni Jane, kaya naman hindi siya kailanman kinonsidera ni Mr. Harold noong nagpapakilala siya ng mga babae kay Joseph. Siyempre, mahalaga sa mga tao ang parehong social ranks pagdating sa pagpapakasal pero natatakot din sila na magdulot lang yun ng sakuna.Bahagyang nagulat si Chloe pero napagtanto niyang tama si Joseph. Maaaring gusto nga talaga ni Jane si Joseph, pero lagi niyang binabanggit ang interes at kita. Gaano katotooo