Sa gulat sa paghawak ni Joseph, bakas sa mukha ni Chloe ang pagkabigla sa paglalambing ni Joseph. Pero, nang sabihin nito na susuportahan nito ang desisyon niya, bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa tuwa.“Bakit bigla kang nagiging mabait sa akin?” Tanong niya.“Sinabi ko na sa iyo na hindi mo lang nirerepresenta ang sarili mo pero pati na rin ang buong pamilya Whitman.”“Pero sinabi mo rin sa akin na isikreto ang relasyon natin…”“Oo. Hindi mo pwedeng sabihin ang relasyon natin sa opisina, pero hindi ko sinabing hindi mo pwedeng gawin sa labas.”“Kapag nalaman ng mga tao sa labas ang tungkol sa relasyon natin, hindi magtatagal bago rin yun malaman ng staff sa opisina.”Sa era ng bid data, kahit ang pinakamagaling magtagong celebrity couple ay mabubulgar, lalo na sila. Natahimik si Joseph, naisip niyang baka hindi mainam na desisyon na ipaalam sa publiko ang relasyon nila. Dagdag pa dito, kailangan niya pang kilalanin nang mabuti si Chloe dahil sa palaban nitong katangian.La
Lumapit si Chloe at kinuha ang dokumento para tingnan ito.Isinantabi niya ang lahat ng hindi magandang nangyari.Tumaas ang timbre ng boses niya at halatang nagulat habang nagtatanong, “Ebidensya ba ‘to sa tax evasion ni Sebastian?”“Mm-hm.”“Gusto mo bang i-report ang mga Fox?” Nilapat ni Chloe ang mga kamay sa mesa. “Hindi ba’t kaibigan sila ng pamilya mo? Bakit mo ito gustong gawin?”“Naniniwala ka ba talaga sa superficial relationship na yun?” Kumibot ang mga labi ni Joseph at napuno ng panghahamak ang ekspresyon niya.Malinaw na malinaw ang ambisyon ni Jane, kaya naman hindi siya kailanman kinonsidera ni Mr. Harold noong nagpapakilala siya ng mga babae kay Joseph. Siyempre, mahalaga sa mga tao ang parehong social ranks pagdating sa pagpapakasal pero natatakot din sila na magdulot lang yun ng sakuna.Bahagyang nagulat si Chloe pero napagtanto niyang tama si Joseph. Maaaring gusto nga talaga ni Jane si Joseph, pero lagi niyang binabanggit ang interes at kita. Gaano katotooo
Nang makitang gising si Jake nang madaling araw,naisip niyang mukhang hindi maganda ang lagay nito pagkatapos ng hiwalayan nila ni Ava.Gayunpaman, walang pakialam si Chloe tungkol doon. Kinilabutan siya sa ideyang makipagbalikan sa ex niya. At saka, hindi niya naman yun gagawin kahit kailan.Hindi siya naapektuhan ng loyalty at passion umano ni Jake kapag madaling araw.Pagkatapos maglinis, bumaba si Chloe kasama ni Joseph.Maganda ang araw ngayon—--maliwanag at maaaraw. Malapit sa bintana ang work desk area ni Chloe. Binuksan niya ang bintana at ninamnam ang mahinang simoy ng hangin na nagpaganda naman ng mood niya.Masigla siyang nag-type sa keyboard niya, may ritmo ang nagagawa niyang tunog. “Chloe, may naghahanap sa iyo sa baba.”Pagkatapos ng hindi ilang oras ay tinawagan siya ng receptionist at naputol ang iniisip niya.Inalis ni Chloe ang suot na earphones at sandaling nagulat. “Okay, bababa na ako ngayon.”Nang makarating siya sa ground floor, nagsalubong ang mga kil
Pagkalabas ni Chloe sa elevator, pinagmasdan niya ang buong floor na inuukupahan ni Joseph.Bigla siyang may napagtanto. Kahit na mainitin ang ulo nito at masakit magsalita, hindi ito playboy. Sa tagal nilang magkasama, nalaman niyang matindi ang kontrol nito sa sarili.‘Mabait naman siyang lalaki…’Nang lumabas si Lucas, nakita niya si Chloe na nakatayo sa elevator at nakatulala. Tumatango-tango pa ito mag-isa.Kinaway niya ang kamay sa harapan nito at naputol ang iniisip niya. “Ms. Chloe, nandito ka ba para makita si Mr. Joseph?”“Ah… Oo. Nandito ba siya?”“Oo, nandito siya.”Pagkatapos nito, dinagdag ni Lucas. “Sabi ni Mr. Lucas ay pwede kayong dumiretso sa loob kapag pumupunta kayo dito. Mas madali kapag ganoon.”Tiningnan ni Chloe nang kakaiba si Lucas. Kailangan niya lang magpunta dito kapag nagde-deliver siya ng lunch kay Joseph araw-araw. Kaya, hindi na kailangan maging madali pa yun.Gayunpaman, magalang siyang sumagot kahit na natuwa siya.Nakakagulat naman na wala
Sa kwarto, nakakalat ang mga damit sa sahig. Isang babae ang nakahiga sa water bed, walang saplot at sumisigaw.Isa itong malinaw na ebidensya. Katulad noong araw na nahuli ni Chloe sina Ava at Jake sa kama. Nang maisip yun, hindi niya mapigilang masuka nang makita ang parehong eksena.Sa sumunod na sandali, nagsimula ang gulo. Kasabay nito, narinig niya ang pagsasagutan ng mga tao.Matagal ng nagtatrabaho si Lucas kay Joseph, kaya mabilis siyang kumilos. Agad niyang hiniwalay si Emily mula sa manloloko. Pagkatapos makumpirma ang katotohanan, nilabas niya ang kaniyang phone at kumuha ng mga litrato sa eksena para i-record ang ebidensya. Saka siya umalis kasama nina Chloe at Emily.Nang makababa sila, nakabalik na sa sarili si Emily. Habang puno ng luha ang mukha, nagtanong siya, “Bakit mo ako hinila? Hindi ko pa siya nabubugbog.”“Huwag mong sayangin ang oras mo sa walang kwentang bagay.”Napalingon si Chloe. Napagtanto niyang mayroong katulad na tao si Lucas.“Ms. Chloe, hinihi
Nakakuyom ang mga kamao ni Chloe na nasa gilid ng katawan niya at pekeng ngumiti. “Bakit?”Lumalim ang ngiti ni Jane habang lumalapit kay Chloe. “Dahil nasa abroad ang babaeng mahal niya. Matagal siyang hindi nagpakasal dahil hinihintay niya itong bumalik. Kapag bumalik na siya, oras na para umalis ka.“Pinakasalan ka niya kasi pakiramdam niya ay masunurin ka at madaling ma-bully. Madali ka lang niyang mapapaalis balang-araw, at hindi rin siya magkakaproblema.“Sa kabilang banda, magkaibigan ang mga Fox at mga Whitman. Kung mayroong kasal, mayroong alliance. Hindi yun maliit na bagay at hindi kami pwedeng basta na lang mag-divorce.” Tinitigan ni Jane si Chloe at ininsulto siya, “Pero iba ka. Maagang namatay ang nanay mo, at galit sa iyo ang tatay mo. Tinakwil ka ng pamilya mo, kaya walang magtatanggol sa iyo. Hindi malaki ang halaga para maglaho ka.“Negosyante si Joseph. Alam niya kung paano paliitin ang lugi niya.”Natigilan si Chloe. Siya ang pinaka nakakaalam sa dahilan ng kas
Nagising si Chloe sa daydream niya at habang nakokonsensya, mabilis na sinara ang web browser.“Nandiyan na,” Sagot niya.Sa first floor ng living room, nakasuot na rin ng pambahay si Joseph. Mas maamo siyang tingnan sa suot niyang navy blue na long-sleeved short at mahabang pants, mas mukha siyang madaling lapitan. Pero, parang hindi palakaibigan ang mapagtanong niyang tingin.“Bakit ang tagal mo sa kwarto mo?” Tanong niya.“Nagbibihis lang ako,” Sagot niya, nakatingin siya sa malinaw pero malayo nitong mukha. Naalala niya ang mga sinabi ni Jane pero pinigilan niya ang biglaang pagbusgo ng pait at pinilit na ngumiti. “Iba ang rules para sa lahat, tama?”May iisang bagay na pareho kina Chloe at Joseph. Pagkauwi, nagbibihis sila, hinuhubad ang sinuot nila sa labas nang buong araw. Pakiramdam nila ay hindi malinis ang suotin sa loob ng bahay ang panlabas na damit.Ngumisi si Joseph at sumagot, “Limang minuto lang ang tagal ng pagbibihis. Forty-two minutes kang nasa loob.”Ang sarc
Nakasuot ng maselang white dress si Ava, nakikipagtawanan at nakikipagbiruan sa isang lalaki. Nag-blush ang mukha ng lalaki dahil sa kaakit-akit niyang galaw.“Aasahan kita sa kasong ‘to.”“Walang problema. Maliit na bagay lang yun. Pero kaya mo ba ang alak mo? Mukhang hindi ka wild….”“Kaya ko naman. Mahirap siguro lagi ang trabaho ng mga abogadong tulad mo. Magandang araw ito ngayon para mag-relax ka.”“Kung ganoon, susundan kita. Salamat sa ulan sa labas, nagkaroon tayo ng pagkakataon. Karangalan kong makasama ka, Ms. Ava.”Sa loob lang ng ilang pangungusap, nakuha na agad ni Chloe ang buong sitwasyon. Nang walang pag-aalinlangan, matapang niyang nilapitan ang dalawa habang nakangisi.Nang makita ni Ava si Chloe, naging seryoso ang kaninang masaya niyang ekspresyon. Napansin ng lalaking nasa tabi niya ang pagbabago at napatanong, “Anong problema?”Naging isang linya ang mga labi ni Ava at bumulong, “Nakita ko ang kapatid ko.”Natigilan ang lalaki, sinundan niya ang tingin ni