Nagising si Chloe sa daydream niya at habang nakokonsensya, mabilis na sinara ang web browser.“Nandiyan na,” Sagot niya.Sa first floor ng living room, nakasuot na rin ng pambahay si Joseph. Mas maamo siyang tingnan sa suot niyang navy blue na long-sleeved short at mahabang pants, mas mukha siyang madaling lapitan. Pero, parang hindi palakaibigan ang mapagtanong niyang tingin.“Bakit ang tagal mo sa kwarto mo?” Tanong niya.“Nagbibihis lang ako,” Sagot niya, nakatingin siya sa malinaw pero malayo nitong mukha. Naalala niya ang mga sinabi ni Jane pero pinigilan niya ang biglaang pagbusgo ng pait at pinilit na ngumiti. “Iba ang rules para sa lahat, tama?”May iisang bagay na pareho kina Chloe at Joseph. Pagkauwi, nagbibihis sila, hinuhubad ang sinuot nila sa labas nang buong araw. Pakiramdam nila ay hindi malinis ang suotin sa loob ng bahay ang panlabas na damit.Ngumisi si Joseph at sumagot, “Limang minuto lang ang tagal ng pagbibihis. Forty-two minutes kang nasa loob.”Ang sarc
Nakasuot ng maselang white dress si Ava, nakikipagtawanan at nakikipagbiruan sa isang lalaki. Nag-blush ang mukha ng lalaki dahil sa kaakit-akit niyang galaw.“Aasahan kita sa kasong ‘to.”“Walang problema. Maliit na bagay lang yun. Pero kaya mo ba ang alak mo? Mukhang hindi ka wild….”“Kaya ko naman. Mahirap siguro lagi ang trabaho ng mga abogadong tulad mo. Magandang araw ito ngayon para mag-relax ka.”“Kung ganoon, susundan kita. Salamat sa ulan sa labas, nagkaroon tayo ng pagkakataon. Karangalan kong makasama ka, Ms. Ava.”Sa loob lang ng ilang pangungusap, nakuha na agad ni Chloe ang buong sitwasyon. Nang walang pag-aalinlangan, matapang niyang nilapitan ang dalawa habang nakangisi.Nang makita ni Ava si Chloe, naging seryoso ang kaninang masaya niyang ekspresyon. Napansin ng lalaking nasa tabi niya ang pagbabago at napatanong, “Anong problema?”Naging isang linya ang mga labi ni Ava at bumulong, “Nakita ko ang kapatid ko.”Natigilan ang lalaki, sinundan niya ang tingin ni
Nang marinig ang mga salitang yun, bumugso ang galit sa buong pagkatao ni Chloe.Nanlamig ang boses niya sabay sigaw, “Ang lakas ng loob mong gawin ‘yan?!”“Malalaman mo rin.” Nagpalinga-linga si Ava, at may ideyang sumagi sa isipan niya. “Malapit na ang birthday party ni Daddy. Kapag pumunta ka, permanente ko nang sisirain lahat ng litrato ni Emily, at pwede tayong mag-usap nang maayos. Dahil magkapatid tayo, ayaw ko nang paabutin pa ‘to sa korte.”“Hindi ka ba natatakot na i-report kita sa awtoridad?” Pinigilan ni Chloe ang galit niya, nagliliyab ang kanyang mga mata.“Oo, natatakot ako. Pero pinapayuhan kita na huwag sirain ang buhay ni Emily para sa pansamantala mong kasiyahan. Baka may suicidal thoughts na ang babaeng nakaranas nang ganiyang bagay.”Namula ang mga mata ni Chloe, at nanliit ang mga pupil ng mata niya. Alam niya. Alam na alam niya lahat.Naiintindihan niya ang malaking epekto ng mga litratong yun kay Emily. Bukod sa nanay niya, si Emily ang pinakamalapit sa ka
Kapag hindi ka sumunod sa akin, sino pang pakikinggan mo?” Hindi pinansin ni Joseph ang unang parte ng sinabi ni Chloe, mahigpit niyang hinawakan ang baba nito habang malamig na kinukwestyon.Ayon sa nakagawian noong unang panahon, ang mister dapat ang sentro ng mundo ng isang misis, at inaasahan na sundin niya lagi ang kaniyang mister.Mas lalong tumindi ang aura ni Joseph dahilan para mapalunok si Chloe. “Ang ibig kong sabihin, hindi pantay ang relasyon natin. Tratuhin dapat natin nang may respeto ang isa’t-isa.”“Sige, basta magkapantay ang kakayahan natin.”“Kahit hindi tayo magkapantay, mayroon pa rin dapat humanity. Pinagluluto kita araw-araw at sinusunod ka na parang si Toto. Isa akong buhay at humihingang tao, at dapat lang na itrato ako nang may dignidad!”“Anong mali na maging katulad ni Toto?” Bahagyang tinaas ni Joseph ang baba. “Alam mo bang maraming tao sa mundo ang naiinggit sa buhay ni Toto?”Tiningnan ni Chloe ang Border Collie na nakahiga sa sahig, ang mamahalin
Nang marinig ang sinabi ni Lucas, nakaramdam si Chloe ng init sa kaniyang puso, kahit na alam niyang mula yun sa pagiging possessive ni Joseph. Kahit ano pa man, hindi niya maitatanggi na iniisip nito ang pangangailangan niya.“Well, nagpapasalamat ako sa kaniya,” Sagot niya.Ngumiti si Lucas at tumango bilang sagot.Sa loob ng banquet hall, elegante ang suot ng lahat. Nakatayo si Benjamin at Ava sa entrance, binabati ang lahat ng dumarating na bisita. Tila walang epekto sa kanila ang pagkawalang-bisa ng kasal ni Ava sa mga Cooper base sa kinikilos nila ngayon.Nang makita ni Ava si Coco, lumapit siya at niyakap niya ito. “Coco, nandito ka. Sasamahan na kita sa loob.”Lihim na tinulak ni Chloe si Ava, walang ekspresyon ang kaniyang mukha. “Kaya kong maglakad nang mag-isa.”Natigilan si Ava, itinago ang malisya sa kaniyang mahinhin na ngiti. “Sige, nasa loob din si Jake. Pwede kang tumabi sa kaniya.”Hindi pinansin ni Chloe ang instruction ni Ava at nakahanap ng bakanteng upuan a
Habang kagat ang mga labi, sinabi ni Chloe, “Sa tingin ko. Malaki ang tinulong niya sa akin, at hindi na ako pwedeng umatras ngayon.”Dahil pirmado na ang kontrata, wala ng silbi pa ang pumalag. Mas mabuti na lang na sumabay at umiwas na lang sa gulo. At saka, hindi naman siya mananalo sa lalaking yun.Nang marinig ang sagot niya, puno ng pagmamahal siyang pinagmasdan ni Icarus at sinabing, “Pwede mong sabihin sa akin. Tutulungan kita. Ayaw kitang makitang nahihirapan.”“Hindi, hindi, ayos lang. Kakayanin ko ‘to nang mag-isa,” Sagot niya.Hindi maikling panahon ang tatlong taon. Pero, bata pa siya at marami pa naman siyang oras.“Hindi mo ako kailangang tratuhin na parang ibang tao. Hindi man ako kasing yaman ni Mr. Joseph, mayroon akong assets. Kung mahirapan ka, pwede kitang tulungan kahit kailan, kahit saan, basta hindi mo….”‘Basta hindi mo ibaba ang sarili nang ganito.’Naantig ang puso ni Chooe, at isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mukha niya. “Ayos lang talaga ako. Sa
Kinuha ni Benjamin ang isang square box galing kay Karen at inabot yun kay Chloe.“Ito ang assets na ipinagkatiwala sa akin ng nanay mo para sa iyo. Mayroon itong liquid assets na nagkakahalaga ng 70 grand at alahas na nagkakahalaga ng 300 grand. Hindi ko ito binigay sa iyo agad dahil nag-aalala ako na baka gastusin mo lang ito kung saan-saan dahil bata ka pa. Pero, iba na ang sitwasyon ngayon. Matanda ka na at may sarili ng pag-iisip. Naniniwala akong mapagkakatiwalaan na kita.”“Coco, huwag ka na magalit sa tatay mo,” Dagdag ni Karen.“Oo, Coco. Mas mabuti sa pamilya ang magkasundo. Aalagaan ko si Daddy. Ang kailangan mo lang gawin ay huwag siyang galitin,” Sabi ni Ava.Sa sandaling yun, lumapit ang media, kinukuhanan ang eksena ng isang “Family reunion” sa kanilang mga cameras. Nabulag si Chloe sa matinding flash ng mga ito, dahilan para mapaatras siya. Sa sandali na yun, napansin niya ang diamond necklace sa leeg ni Ava.Hindi niya mapigilang matawa sa kapal ng mukha nila. Hin
Nang tawagan ni Joseph si Lucas, nakatayo pa rin si Lucas sa labas ng restaurant.“Sir, hindi pa lumalabas si Ms. Chloe. Tapos na ba kayo? Pupunta ba kayo?” Tanong ni Lucas.“Bakit hindi mo siya binabantayan? Anong ginagawa mo?” Narinig ang malamig na boses ni Joseph sa phone, mayroon itong dalang galit.“Sir…” Naramdaman agad ni Lucas ang matinding galit ni Joseph. Kinilabutan siya. “Naghihintay ako sa labas ng restaurant. Hindi ako umaalis.”“Sinong nagsabi sa iyo na maghintay ka sa labas? Anong makikita mo sa paghihintay mo diyan?”Natahimik si Lucas.‘Ikaw ang nagsabi sa akin na maghintay sa labas!’ Sigaw niya sa loob niya.“Papasok na ba ako ngayon?” Tanong niya.“Huwag mo siya hayaang magtagal sa loob,” Utos ni Joseph.Naiinis siyang makita ang babaeng yun na may kausap na ibang lalaki.Pagkapatay ng tawag, mabilis na tinapos ni Lucas ang video conference, mabilis na nagsalita gamit ang ibang lenggwahe bago tinapos ang usapan.*Pagkapasok ni Lucas sa restaurant, nak