Share

Kabanata 152 Sinong Gumalit kay Mr. Joseph

Kinuha ni Benjamin ang isang square box galing kay Karen at inabot yun kay Chloe.

“Ito ang assets na ipinagkatiwala sa akin ng nanay mo para sa iyo. Mayroon itong liquid assets na nagkakahalaga ng 70 grand at alahas na nagkakahalaga ng 300 grand. Hindi ko ito binigay sa iyo agad dahil nag-aalala ako na baka gastusin mo lang ito kung saan-saan dahil bata ka pa. Pero, iba na ang sitwasyon ngayon. Matanda ka na at may sarili ng pag-iisip. Naniniwala akong mapagkakatiwalaan na kita.”

“Coco, huwag ka na magalit sa tatay mo,” Dagdag ni Karen.

“Oo, Coco. Mas mabuti sa pamilya ang magkasundo. Aalagaan ko si Daddy. Ang kailangan mo lang gawin ay huwag siyang galitin,” Sabi ni Ava.

Sa sandaling yun, lumapit ang media, kinukuhanan ang eksena ng isang “Family reunion” sa kanilang mga cameras. Nabulag si Chloe sa matinding flash ng mga ito, dahilan para mapaatras siya. Sa sandali na yun, napansin niya ang diamond necklace sa leeg ni Ava.

Hindi niya mapigilang matawa sa kapal ng mukha nila. Hin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status