Nakatayo doon si Chloe, nakanganga, habang pinapanood niya ang lalaki sa harap ng computer na abala na sa trabaho.Habang naglalaban-laban ang emosyon sa loob niya, pinulot niya ang mga nakakalat na dokumento sa sahig at binagsak ang pinto nang umalis siya.Ilang tao na lang ang naiwan sa marketing department, kasama na si Wendy. Pero, nagliligpit na siya para umalis. Tiningnan niya ang mga Estrenian documents sa kamay ni Chloe, at halatang naguluhan siya.“Kailangan mo ‘yan i-translate?” Tanong niya.“Opo, Ms. Wendy,” Sagot ni Chloe.“Pero hindi ba’t trabaho ‘yan ng Translations? Sino ang nagbigay sa iyo ng task na ‘yan?” Kwestyon ni Wendy.Nagngitngit si Chloe at pinilit na ngumiti. “Bukod kay Mr. Joseph, sino pa ba ang may awtoridad na iutos sa akin ‘to?”Naguguluhan pa rin si Wendy kaya nagtanong siya, “Hindi ba alam ni Mr. Joseph na nasa Marketing ka? Baka misunderstanding lang ‘to. Magpaliwanag ka lang sa kaniya.”“Alam niya.” Bumuntong-hininga si Chloe, ayaw na niyang p
Nang marinig ang pakiusap sa kabilang linya, nag-alinlangan sandali si Chloe bago pumayag.Sinundan niya ang binigay nitong instruction, lumabas ng Fairlight si Chloe, at agad naman siyang binugahan ng malakas na bugso ng malamig na hangin. Tumatagos sa damit niya ang lamig dahilan para kilabutan siya.Pagkatapos maglakad ng kalahating milya, dumating siya sa isang residential building. Kahit na maliwanag ito, hindi siya mapakali. Bakas ang pangangamba sa maganda niyang mukha. Mabilis siyang gumawa ng desisyon. Huminto siya at nagtiwala sa kaniyang kutob, binaba niya ang tawag. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at tumalikod na agad para bumalik sa Fairlight.Mabilis na naglakad si Chloe, tumatalsik ang tubig sa kalsada dahil sa suot niyang high heels. Sa pagmamadali niya, muntik na siyang matapilok, pero nagawa niya agad makabalanse.Gayunpaman, para bang may pwersang nakasundo sa kaniya kaya siya napalingon sa kaniyang likuran. Pinagsisihan niya yun dahil kinilabutan agad ang buo n
Nang marinig yun, huminto ang lahat sa ginagawa nila at lumingon lahat kay Joseph.Lumapit si Lucas at binuksan ang pinto ng cubicle, nakalabas na sina Chloe at Jake.Nagulat si Jake, hindi niya inaasahang si Joseph ang tagapagligtas na darating.Mabilis na tumakbo si Chloe palapit kay Joseph at nagreklamo, “Jojo, demonyo ang babaeng yan. Kung nahuli kang dumating, hindi na kita makikita pa.”“Manahimik ka! Hindi yun ang nangyari!” Sigaw ni Jane. Gusto niya lang turuan ng leksyon ang babaeng ‘to. Wala siyang delikadong binabalak.“Jojo, takot na takot ako. Naiinggit siya sa kung anong mayroon tayo. Naiinis siya na hindi niya yun makuha. Gusto niya akong sirain at palitan!” Hindi pinansin ni Chloe ang presensya ni Jane, nanginginig ang boses niya at halata ang takot sa mukha niya, nakakaawa siyang tingnan.Walang makakaalam sa mga posibleng mangyari. Gayunpaman, dahil malakas ang loob ni Jane na habulin si Chloe kasama ang mga nakakatakot na lalaki, ibig sabihin ay may kakayahan s
Mabilis na kumilos si Lucas, sa loob ng limang minuto ay dumating na ang kotse.Nanlaki ang mga mata ni Jake habang nakatitig sa Rolls-Royce na nasa harapan niya. ‘Pamilyar ang kotseng ‘to’Pagkatapos makipaghiwalay ni Chloe, lagi siyang nakasakay sa kotseng ito kasama ang isang matandang lalaki na nakaupo sa harapan. Ibig sabihin ay kay Joseph ang kotseng ito, at ang matandang lalaking nagmamaneho ay ang driver nila!Nakatingin lang si Jake kay Lucas na nasa driver’s seat. Hindi niya mapigilan ang pag-iisip, hinayaan niyang mabasa ng ulan ang mukha niya. Sa biglaang bugso ng inis, tinaas niya ang kamay at sinampal ng malakas ang sariling pisngi, nagulat si Lucas.Lumingon si Lucas na nakaupo sa likuran at nagtanong, “Sir, anong gagawin natin sa kaniya?”“Huwag mo siyang pansinin,” Utos ni Joseph nang hindi lumilingon.“Sige po.”Pagkatapak ni Lucas sa accelerator, mabilis na umandar ang sasakyan, dahilan para talsikan ng tubig si Jake, nabasa siya mula ulo hanggang paa. Pero, h
”Sir, nandito na tayo,” Sabi ni Lucas nang iparada niya ang kotse, naputol ang sasabihin ni Chloe.Naunang bumaba ng sasakyan si Joseph, at nang lumingon siya, napansin niya ang hindi komportableng sapatos ni Chloe.“Magpalit ka ng sapatos kapag nakapasok na tayo sa loob,” Utos niya.Nawala ang sapatos ni Chloe habang tumatakas siya kanina kay Jane. Suot niya ngayon ang isang pares na nakatabi sa trunk ng kotse ni Joseph.Dahil nagtataka, nagtanong siya, “Para sa akin ba ang sapatos na ‘to?”“Nagpabili si lolo ng mga pang-araw-araw mong kailangan para pwede kang pumunta dito at mag-stay kahit kailan mo gusto,” Paliwanag ni Joseph.Nagliwanag ang mga mata ni Chloe sa tuwa, ngumiti siya. “Napakabait talaga ni lolo.”Malamig na suminghal si Joseph. ‘Mabait? Parte lang yun ng plano niya para mabuntis ka!’Pagkahinto ng kotse, mabilis na pumasok si Jane sa bahay, ibang-iba sa mahinahong dating nina Joseph at Chloe. Nagmamadali niyang hinanap si Harold, gustong-gusto niyang sabihin a
“Dahil gusto kita!” Sigaw ni Jane, nakatitig siya sa magkahawak nilang mga kamay, puno ng galit ang mga mata niya. “Kung hindi kita gusto, bakit kita tutulungan?”Bumuntong-hininga si Chloe at minasahe ang kaniyang sentido, hindi siya makapaniwala. Ang silver lining lang sa lahat ng ito ay naka-kontrata lang ang koneksyon niya kay Joseph. Kung totoo talaga silang couple, kahit ang taong may pinakamahabang pasensya ay masusubukan nang ganitong provocation. Hindi nakakagulat kung mauwi sila sa mainit na bangayan ni Jane.“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo para kay Joseph, at dapat siyang matuwa dun. Pero, ang realidad ay aksal na siya. Wala kang kontrol sa kaniya. Marami pang lalaki sa mundo, at sigurado ako na makakahanap ka ng babagay sa iyo.”“Pero niloko niya si Joseph. Bakit mo siya hahayaan nang ganun-ganun na lang, lolo?”Kumunot ang noo ni Chloe, lumapit siya. “Tama na ‘yan, Jane. Hindi ko pa nga sinasabing humingi ka ng tawad sa akin, pero sinisiraan mo an ako sa harapan
Biglang tiningnan ni Jane si Joseph na para bang hindi siya makapaniwala. “Anong sinabi mo?”Ngumisi si Joseph at marahang sinabi, “Ayos lang sa akin na ulitin ang sinabi ko kung mahina ang pandinig mo.”Nag-iba ang ekspresyon ni Richard. Hindi na siya pwedeng maupo na lang. “Joseph, totoo nga na kasalanan ni Jane ‘to, pero hindi ka pwedeng sumobra!”‘Malaking kahihiyan sa pamilya ko kapag lumuhod ang anak kong babae at nagmakaawa para patawarin ng isang mahirap na babae. Kapag nalaman ito ng iba, kaya pa bang manirahan ng pamilya ko sa Aesper?’Para kay Harold ay medyo inappropriate ito, pero nanatili siyang tahimik.“Kaya mong gawin lahat ng ‘to para protektahan siya? Ano bang maganda sa kaniya? Ganito mo ako tratuhin para sa kaniya, pero ako ang kasama mong lumaki!”“Nagsinungaling ka at siniraan siya. Paulit-ulit mo rin siyang sinisiraan. Sa tingin mo ba ay madaling apihin ang pamilya ko?”Nang marinig ni Jane na tawagin ni Joseph si Chloe na isa sa pamilya niya, pakiramdam
Alam ni Harold na sinasadya ni Richard na gumawa ng isyu.Pero masiyado nga itong nakakainsulto para kay Richard, kaya mahirap sa kaniya na makaalis sa nakakahiyang sitwasyon na ito nang may dignidad.Pagkatapos ng gulo, suminag ang araw sa salaming bintana at bumagsak sa malamig at seryosong mukha ni Joseph. Naiinip niyang pinagmasdan si Harold.‘Gustong panatilihin ni lolo ang disenteng relasyon nila, pero ayaw niya rin malugi. Well, kung gusto niyang maging mabait, sige. Ako na ang magiging kontrabida.’“Lolo. Jojo.”Isang magandang boses ang nagmula sa taas. Lumingon si Joseph at nakita si Chloe na nakatayo sa taas ng hagdanan, napaka-charming pa din. Sa sandaling ito, nakangiti si Chloe. “Tapos na akong maligo.”Nawala ang inis ni Joseph dahil napakaganda ng ngiti niya. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan.Binaling ni Harold ang atensyon kay Chloe nang dumating ito. Nagtanong siya agad, “Chloe, kumusta ang check-up?”“Ayos lang ako.” Nakababa siya at lumapit sa tabi ni Jos