Biglang tiningnan ni Jane si Joseph na para bang hindi siya makapaniwala. “Anong sinabi mo?”Ngumisi si Joseph at marahang sinabi, “Ayos lang sa akin na ulitin ang sinabi ko kung mahina ang pandinig mo.”Nag-iba ang ekspresyon ni Richard. Hindi na siya pwedeng maupo na lang. “Joseph, totoo nga na kasalanan ni Jane ‘to, pero hindi ka pwedeng sumobra!”‘Malaking kahihiyan sa pamilya ko kapag lumuhod ang anak kong babae at nagmakaawa para patawarin ng isang mahirap na babae. Kapag nalaman ito ng iba, kaya pa bang manirahan ng pamilya ko sa Aesper?’Para kay Harold ay medyo inappropriate ito, pero nanatili siyang tahimik.“Kaya mong gawin lahat ng ‘to para protektahan siya? Ano bang maganda sa kaniya? Ganito mo ako tratuhin para sa kaniya, pero ako ang kasama mong lumaki!”“Nagsinungaling ka at siniraan siya. Paulit-ulit mo rin siyang sinisiraan. Sa tingin mo ba ay madaling apihin ang pamilya ko?”Nang marinig ni Jane na tawagin ni Joseph si Chloe na isa sa pamilya niya, pakiramdam
Alam ni Harold na sinasadya ni Richard na gumawa ng isyu.Pero masiyado nga itong nakakainsulto para kay Richard, kaya mahirap sa kaniya na makaalis sa nakakahiyang sitwasyon na ito nang may dignidad.Pagkatapos ng gulo, suminag ang araw sa salaming bintana at bumagsak sa malamig at seryosong mukha ni Joseph. Naiinip niyang pinagmasdan si Harold.‘Gustong panatilihin ni lolo ang disenteng relasyon nila, pero ayaw niya rin malugi. Well, kung gusto niyang maging mabait, sige. Ako na ang magiging kontrabida.’“Lolo. Jojo.”Isang magandang boses ang nagmula sa taas. Lumingon si Joseph at nakita si Chloe na nakatayo sa taas ng hagdanan, napaka-charming pa din. Sa sandaling ito, nakangiti si Chloe. “Tapos na akong maligo.”Nawala ang inis ni Joseph dahil napakaganda ng ngiti niya. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan.Binaling ni Harold ang atensyon kay Chloe nang dumating ito. Nagtanong siya agad, “Chloe, kumusta ang check-up?”“Ayos lang ako.” Nakababa siya at lumapit sa tabi ni Jos
Bumuntong-hininga si Harold. “Sikat ang batang ‘yan. Pero huwag ka mag-alala, Chloe. Mukha lang niya ang gusto nila. Kapag tumanda na siya ng ilang taon, wala ng susubok na agawin siya sa iyo.”Binitwan ni Chloe ang braso ni Joseph at tumawa. “Lolo, hindi tataba si Jojo. Tumatakbo siya tuwing umaga, at nilalakad niya si Toto gabi-gabi. Marami siyang ginagawang exercise.”Kahanga-hanga ang disiplina ni Joseph sa sarili. Tinitigan ni Joseph ang braso niya na hawak lang ni Chloe kanina. May namuong inis sa puso niya. Bakit pakiramdam niya ay ginamit siya ng dumbo na ‘to para galitin si Jane?May gusto sanang sabihin si Harold pero nakita niyang umakyat sa hagdanan si Joseph. Sumigaw siya, “Saan ka pupunta?”“Baka may gagawin siyang trabaho. Hayaan mo na siya, lolo. Sasamahan ko kayo.” Sabi ni Chloe, walang ideya sa nararamdaman ni Joseph.Masaya si Harold sa narinig. “Sige, hayaan na natin siya. Ayaw kong makita ang masungit niyang mukha.”*Hinubad ni Joseph ang damit para mag-hot
Bahagyang namula si Chloe sa hiya.Inabutan siya ni Winnie ng isang mangkok ng oatmeal at magalang na sinabi, “Ms. Chloe, mag-share po kayo nito ni Mr. Joseph kapag umakyat na kayo.”“Oh…Okay.”Hindi na naglakas-loob si Chloe na pangakuan pa si Harold, kaya tumakas na siya dala ang mangkok ng oatmeal.Nasa kwarto si Joseph at nakahiga sa kama. Nang malaman ni Chloe na iisa lang ang kama sa kwarto, naiwan siyang nakatulala sa pinto bago huminga nang malalim.‘Walang hiya! Nakahiga na ang lalaking yun. Balak niya ba akong patulugin sa sahig?‘Hayaan mo na. May carpet naman sa sahig. Hindi yun masiyadong matigas.’“May hinandang oatmeal si Winnie para sa atin.”Minasahe ni Joseph ang sentido. “Hindi na, ayaw ko. Kailan ka matutulog?”“Kakain lang ako nito at matutulog na pagkatapos.”Ayaw naman tanggihan ni Chloe si Winne. Binuksan niya ang mangkok at gumamit ng kutsara para maglagay ng oatmeal sa mas maliit na mangkok.‘May prutas at mani sa oatmeal….masustansya lahat ng ingre
May kakaibang tanong si Chloe.Habang nasa gitna ng kadiliman, may kung anong pangamba ang lumitaw sa mukha ni Joseph. “Depende sa mga gagawin mo.”“Oohh..” Huminga nang malalim si Chloe at sinabing, “Na-inlove ka na ba sa akin?”Wala siyang maisip na ibang dahilan para isuko ni Joseph ang katawan nito bukod sa posibilidad na yun.Sa gulat, napasagot agad si Joseph. “Hindi.”Gusto niya lang bigyan ng pagkakataon si Chloe.“Bakit bigla kang pumayag na maging malapit ako sa iyo?”“Manahimik ka na. Matulog ka na lang!”Hindi nakapagsalita si Chloe.Sa unang pagkakataon, komportable silang magkayakap at nakahiga sa iisang kama.Dahil sa matinding pagod, nakatulog agad si Chloe. Pero, malikot siya matulog. Sinunggaban niya pa na parang bear si Joseph at kinikiskis ang katawan kay Joseph hanggang sa mag-init ang katawan nito.Mainit na pinagmasdan ni Joseph si Chloe na mahimbing na natutulog. Matapos makipagtalo sa sarili, huminga siya nang malalim at tinulak si Chloe palayo sa ka
Lumawak ang ngiti ni Chloe habang sumasagot, “Siyempre, hahanapan kita ng perfect na regalo pagkatapos ng trabaho ko mamaya. Paano mo gustong mag-celebrate? Pupunta ba tayo sa bahay ni lolo?”“Ikaw lang at ako,” Sagot niya.Medyo nagulat si Chloe at sinabing, “Okay, sige.”Bukas ang birthday ni Joseph, habang dalawang araw na lang bago matapos ang buwan. Napakabilis ng paglipas ng oras, papalapit na sila sa court hearing.*Ginanap ng marketing department ng Fairlight ang regular nilang morning meeting, at malungkot na binalita ni Ms. Wendy na sinesante si Jason. Nagtaka ang buong kwarto habang nagbubulungan nama ang mga team members.“Bakit nangyari yun?”“Nakita ko siyang nagtatrabaho nang overtime noong nakaraang gabi. Bakit bigla ‘to nangyari?”“Wala naman siyang pinangunahang malalaking projects nitong nakaraan. Anong nagawa niyang mali? Mukhang seryoso yun.”Umiling si Ms. Wendy. “Hindi ko alam ang detalye. Nanggaling sa higher-ups ang desisyon.”Nang dumating sila kani
Pagkatapos ng dalawampung minuto sa press conference, nagpunta si Joseph sa stage para magbigay ng speech.Nang tapos na siya, imbes na maupo ay dumiretso siya sa likod at sumakay sa kaniyang kotse. Habang tinitingnan ang kaniyang relo, nakita niyang lagpas na ng alas siyete nang gabi.‘Pauwi na dapat ang dumbo na yun.Alam niyang maaga itong umalis sa trabaho pero wala siyang ideya sa regalong binili nito para sa kanya.“Lucas, bumalik tayo sa villa,” Utos niya.“Sige po, sir,” Sagot ni Lucas. Tinapakan niya ang accelerator pedal, pero bigla niyang tinapakan ang brakes nang humarang si Jane sa daan nila.Sumilip siya sa bintana para tingnan si Joseph na nanatiling walang emosyon, hindi man lang tumingin. Kakaiba ang ekspresyon ni Jane nang sabihing, “Lumabas ka ng kotse. May sasabihin ako sa iyo.”Lumingon si Lucas sa walang pakialam na si Joseph, nakayuko lang ito. Habang nag-aalinlangan at sumasakit ang ulo, dahan-dahang binaba ni Lucas ang bintana.“Ms. Jane, pwede bang sa
‘Tapos na. Mamamatay na ako.’‘Kagagawan siguro ‘to ni Jane, baliw ang babaeng yun!’Hindi niya maintindihan ang ideya na pumatay ng tao para lang sa isang lalaki.Napakalamig ng tubig pero hindi pa namamanhid ang katawan ni Chloe, ibig sabihin ay hindi pa siya ganoon katagal na nakalubog. Pero, umabot na sa baywang niya ang tubig, ibig sabihin ay mabilis ang pagtaas ng tubig.Kung malalaman agad ni Joseph ang sitwasyon niya ngayon, baka may pagkakataon pa na makaligtas siya. Kung hindi, walang dudang katapusan na niya.Pagkatapos umiyak, pinilit niya ang sarili na kumalma. Ayaw niyang sumuko hanggang sa huli. Sa kaniya ang buhay niya, at hindi pa siya handang bumitaw.Habang humihikbi ay sumigaw niya nang malakas, “T-tulong! May tao ba diyan?!“Nasa tubig ako. Kung naririnig mo ako, iligtas mo ako, please!”Binati siya ng katahimikan. Umaalingawngaw ang tunog ng tubig sa buong reservoir, dahilan para maging katakot-takot ang paligid.Hindi naglakas-loob si Chloe na tumingin s