Bahagyang namula si Chloe sa hiya.Inabutan siya ni Winnie ng isang mangkok ng oatmeal at magalang na sinabi, “Ms. Chloe, mag-share po kayo nito ni Mr. Joseph kapag umakyat na kayo.”“Oh…Okay.”Hindi na naglakas-loob si Chloe na pangakuan pa si Harold, kaya tumakas na siya dala ang mangkok ng oatmeal.Nasa kwarto si Joseph at nakahiga sa kama. Nang malaman ni Chloe na iisa lang ang kama sa kwarto, naiwan siyang nakatulala sa pinto bago huminga nang malalim.‘Walang hiya! Nakahiga na ang lalaking yun. Balak niya ba akong patulugin sa sahig?‘Hayaan mo na. May carpet naman sa sahig. Hindi yun masiyadong matigas.’“May hinandang oatmeal si Winnie para sa atin.”Minasahe ni Joseph ang sentido. “Hindi na, ayaw ko. Kailan ka matutulog?”“Kakain lang ako nito at matutulog na pagkatapos.”Ayaw naman tanggihan ni Chloe si Winne. Binuksan niya ang mangkok at gumamit ng kutsara para maglagay ng oatmeal sa mas maliit na mangkok.‘May prutas at mani sa oatmeal….masustansya lahat ng ingre
May kakaibang tanong si Chloe.Habang nasa gitna ng kadiliman, may kung anong pangamba ang lumitaw sa mukha ni Joseph. “Depende sa mga gagawin mo.”“Oohh..” Huminga nang malalim si Chloe at sinabing, “Na-inlove ka na ba sa akin?”Wala siyang maisip na ibang dahilan para isuko ni Joseph ang katawan nito bukod sa posibilidad na yun.Sa gulat, napasagot agad si Joseph. “Hindi.”Gusto niya lang bigyan ng pagkakataon si Chloe.“Bakit bigla kang pumayag na maging malapit ako sa iyo?”“Manahimik ka na. Matulog ka na lang!”Hindi nakapagsalita si Chloe.Sa unang pagkakataon, komportable silang magkayakap at nakahiga sa iisang kama.Dahil sa matinding pagod, nakatulog agad si Chloe. Pero, malikot siya matulog. Sinunggaban niya pa na parang bear si Joseph at kinikiskis ang katawan kay Joseph hanggang sa mag-init ang katawan nito.Mainit na pinagmasdan ni Joseph si Chloe na mahimbing na natutulog. Matapos makipagtalo sa sarili, huminga siya nang malalim at tinulak si Chloe palayo sa ka
Lumawak ang ngiti ni Chloe habang sumasagot, “Siyempre, hahanapan kita ng perfect na regalo pagkatapos ng trabaho ko mamaya. Paano mo gustong mag-celebrate? Pupunta ba tayo sa bahay ni lolo?”“Ikaw lang at ako,” Sagot niya.Medyo nagulat si Chloe at sinabing, “Okay, sige.”Bukas ang birthday ni Joseph, habang dalawang araw na lang bago matapos ang buwan. Napakabilis ng paglipas ng oras, papalapit na sila sa court hearing.*Ginanap ng marketing department ng Fairlight ang regular nilang morning meeting, at malungkot na binalita ni Ms. Wendy na sinesante si Jason. Nagtaka ang buong kwarto habang nagbubulungan nama ang mga team members.“Bakit nangyari yun?”“Nakita ko siyang nagtatrabaho nang overtime noong nakaraang gabi. Bakit bigla ‘to nangyari?”“Wala naman siyang pinangunahang malalaking projects nitong nakaraan. Anong nagawa niyang mali? Mukhang seryoso yun.”Umiling si Ms. Wendy. “Hindi ko alam ang detalye. Nanggaling sa higher-ups ang desisyon.”Nang dumating sila kani
Pagkatapos ng dalawampung minuto sa press conference, nagpunta si Joseph sa stage para magbigay ng speech.Nang tapos na siya, imbes na maupo ay dumiretso siya sa likod at sumakay sa kaniyang kotse. Habang tinitingnan ang kaniyang relo, nakita niyang lagpas na ng alas siyete nang gabi.‘Pauwi na dapat ang dumbo na yun.Alam niyang maaga itong umalis sa trabaho pero wala siyang ideya sa regalong binili nito para sa kanya.“Lucas, bumalik tayo sa villa,” Utos niya.“Sige po, sir,” Sagot ni Lucas. Tinapakan niya ang accelerator pedal, pero bigla niyang tinapakan ang brakes nang humarang si Jane sa daan nila.Sumilip siya sa bintana para tingnan si Joseph na nanatiling walang emosyon, hindi man lang tumingin. Kakaiba ang ekspresyon ni Jane nang sabihing, “Lumabas ka ng kotse. May sasabihin ako sa iyo.”Lumingon si Lucas sa walang pakialam na si Joseph, nakayuko lang ito. Habang nag-aalinlangan at sumasakit ang ulo, dahan-dahang binaba ni Lucas ang bintana.“Ms. Jane, pwede bang sa
‘Tapos na. Mamamatay na ako.’‘Kagagawan siguro ‘to ni Jane, baliw ang babaeng yun!’Hindi niya maintindihan ang ideya na pumatay ng tao para lang sa isang lalaki.Napakalamig ng tubig pero hindi pa namamanhid ang katawan ni Chloe, ibig sabihin ay hindi pa siya ganoon katagal na nakalubog. Pero, umabot na sa baywang niya ang tubig, ibig sabihin ay mabilis ang pagtaas ng tubig.Kung malalaman agad ni Joseph ang sitwasyon niya ngayon, baka may pagkakataon pa na makaligtas siya. Kung hindi, walang dudang katapusan na niya.Pagkatapos umiyak, pinilit niya ang sarili na kumalma. Ayaw niyang sumuko hanggang sa huli. Sa kaniya ang buhay niya, at hindi pa siya handang bumitaw.Habang humihikbi ay sumigaw niya nang malakas, “T-tulong! May tao ba diyan?!“Nasa tubig ako. Kung naririnig mo ako, iligtas mo ako, please!”Binati siya ng katahimikan. Umaalingawngaw ang tunog ng tubig sa buong reservoir, dahilan para maging katakot-takot ang paligid.Hindi naglakas-loob si Chloe na tumingin s
Nanigas ang katawan ni Joseph. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita ang basang-basang si Chloe.Basang-basa ang buong katawan nito, maputi na ito ngunit mas lalo pang namutla dahil sa lamig. Pero, nanatili ang kakaiba nitong ganda, ang mga kilay at mata nito ay may pinapakitang panghihina at lungkot.Habang pinagmamasdan siya ni Joseph, hindi siya makapaniwala, sandali siyang namanhid. Nagsimulang maglaho ang tensyon sa katawan niya, napalitan ng matinding pasasalamat. Sa sandaling yun, napagtanto niya kung gaano siya kasaya na makita si Chloe na nakatayo sa harap niya nang ligtas.Hinubad niya ang kaniyang coat at lumapit kay Chloe, marahan niya yung sinabit sa mga balikat niya. May lambing ang boses niya na hindi pa naririnig noon, “Paano ka nakatakas?”Tinuro ni Chloe si Richard na nakatayo sa tabi niya. “Niligtas niya ako.”Nanlaki sa galit ang mga mata ni Jane. “Dad, bakit mo sinira ang plano ko?”Sumabog ang galit ni Richard, malakas ang boses niya. “Naiintindihan mo ba ku
Natigilan si Joseph, tumikom nang mahigpit ang mga labi niya. “Hindi mo ‘to kailangang gawin.”“Naiintindihan ko, pero gusto kong may gawin para sa iyo,” Sagot niya. Kung may pagkakataon si Chloe na tulungan ang mga Whitman, kukunin niya ang pagkakataong yun.Bumugso ang iba’t-ibang emosyon sa mga mata ni Joseph habang humihigpit ang kapit niya sa balikat ni Chloe.Nang maharap sa kinabukasan ng anak niya, namutla ang mukha ni Richard at sa huli ay sumuko. Sa lahat ng bagay sa mundo, anong halaga ng pera ang maikukumpara sa kinabukasan ng anak niya?*Pagkatapos makipag-usap kay Joseph, nagdesisyon si Chloe na huwag sabihan si Harold tungkol sa insidente. Dahil sa kondisyon nito sa puso, pakiramdam niya ay mas magandang hindi na ito bigyan ng stress.“Bago ang lahat, pumunta muna tayo sa ospital para hindi ka magkalagnat.”“Okay, naiinitan ako at saka nilalamig. Hindi maganda ang pakiramdam ko.” Bumahing si Chloe at nakaramdam na bumibigat ang ulo niya.Pinagmasdan siya ni Jose
Magdamag na natulog si Chloe bago nagising, nakita niya ang isang nurse na inaasikaso ang kamay niya.“Hindi pa humuhupa ang lagnat mo, kaya itutuloy natin ang IV drip mo. Kailangan mong manatili sa ospital ngayong araw para maobserbahan, kaya hindi ka pa pwedeng madischarge,” Sabi sa kanya ng nurse.“Anong temperature ko?” Tanong ni Chloe.“102.2,” Sagot ni Emily, kinumutan niya si Chloe. “Mag-focus ka muna sa pagpapahinga sa mga susunod na araw at huwag mo pagurin ang sarili mo.”“Pero paano ang trabaho ko? At birthday ni Joseph? At saka sa susunod na araw na ang hearing…” Sinambit ni Chloe ang mga inaalala nya.“Si Joseph ang CEO ng Fairlight, kaya bakit ka nag-aalala sa trabaho? At saka, hindi naman one-time event ang birthday niya. May pagkakataon ka pa para bumawi sa kaniya sa susunod. Binigay ko na ang regalo mo sa kaniya. Para naman sa court hearing, matagal pa naman yun. Maayos na ang pakiramdam mo nun,” Sabi ni Emily sa kaniya.“Tama ka… Oo nga pala, nasaan si Joseph?”