Kapag hindi ka sumunod sa akin, sino pang pakikinggan mo?” Hindi pinansin ni Joseph ang unang parte ng sinabi ni Chloe, mahigpit niyang hinawakan ang baba nito habang malamig na kinukwestyon.Ayon sa nakagawian noong unang panahon, ang mister dapat ang sentro ng mundo ng isang misis, at inaasahan na sundin niya lagi ang kaniyang mister.Mas lalong tumindi ang aura ni Joseph dahilan para mapalunok si Chloe. “Ang ibig kong sabihin, hindi pantay ang relasyon natin. Tratuhin dapat natin nang may respeto ang isa’t-isa.”“Sige, basta magkapantay ang kakayahan natin.”“Kahit hindi tayo magkapantay, mayroon pa rin dapat humanity. Pinagluluto kita araw-araw at sinusunod ka na parang si Toto. Isa akong buhay at humihingang tao, at dapat lang na itrato ako nang may dignidad!”“Anong mali na maging katulad ni Toto?” Bahagyang tinaas ni Joseph ang baba. “Alam mo bang maraming tao sa mundo ang naiinggit sa buhay ni Toto?”Tiningnan ni Chloe ang Border Collie na nakahiga sa sahig, ang mamahalin
Nang marinig ang sinabi ni Lucas, nakaramdam si Chloe ng init sa kaniyang puso, kahit na alam niyang mula yun sa pagiging possessive ni Joseph. Kahit ano pa man, hindi niya maitatanggi na iniisip nito ang pangangailangan niya.“Well, nagpapasalamat ako sa kaniya,” Sagot niya.Ngumiti si Lucas at tumango bilang sagot.Sa loob ng banquet hall, elegante ang suot ng lahat. Nakatayo si Benjamin at Ava sa entrance, binabati ang lahat ng dumarating na bisita. Tila walang epekto sa kanila ang pagkawalang-bisa ng kasal ni Ava sa mga Cooper base sa kinikilos nila ngayon.Nang makita ni Ava si Coco, lumapit siya at niyakap niya ito. “Coco, nandito ka. Sasamahan na kita sa loob.”Lihim na tinulak ni Chloe si Ava, walang ekspresyon ang kaniyang mukha. “Kaya kong maglakad nang mag-isa.”Natigilan si Ava, itinago ang malisya sa kaniyang mahinhin na ngiti. “Sige, nasa loob din si Jake. Pwede kang tumabi sa kaniya.”Hindi pinansin ni Chloe ang instruction ni Ava at nakahanap ng bakanteng upuan a
Habang kagat ang mga labi, sinabi ni Chloe, “Sa tingin ko. Malaki ang tinulong niya sa akin, at hindi na ako pwedeng umatras ngayon.”Dahil pirmado na ang kontrata, wala ng silbi pa ang pumalag. Mas mabuti na lang na sumabay at umiwas na lang sa gulo. At saka, hindi naman siya mananalo sa lalaking yun.Nang marinig ang sagot niya, puno ng pagmamahal siyang pinagmasdan ni Icarus at sinabing, “Pwede mong sabihin sa akin. Tutulungan kita. Ayaw kitang makitang nahihirapan.”“Hindi, hindi, ayos lang. Kakayanin ko ‘to nang mag-isa,” Sagot niya.Hindi maikling panahon ang tatlong taon. Pero, bata pa siya at marami pa naman siyang oras.“Hindi mo ako kailangang tratuhin na parang ibang tao. Hindi man ako kasing yaman ni Mr. Joseph, mayroon akong assets. Kung mahirapan ka, pwede kitang tulungan kahit kailan, kahit saan, basta hindi mo….”‘Basta hindi mo ibaba ang sarili nang ganito.’Naantig ang puso ni Chooe, at isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mukha niya. “Ayos lang talaga ako. Sa
Kinuha ni Benjamin ang isang square box galing kay Karen at inabot yun kay Chloe.“Ito ang assets na ipinagkatiwala sa akin ng nanay mo para sa iyo. Mayroon itong liquid assets na nagkakahalaga ng 70 grand at alahas na nagkakahalaga ng 300 grand. Hindi ko ito binigay sa iyo agad dahil nag-aalala ako na baka gastusin mo lang ito kung saan-saan dahil bata ka pa. Pero, iba na ang sitwasyon ngayon. Matanda ka na at may sarili ng pag-iisip. Naniniwala akong mapagkakatiwalaan na kita.”“Coco, huwag ka na magalit sa tatay mo,” Dagdag ni Karen.“Oo, Coco. Mas mabuti sa pamilya ang magkasundo. Aalagaan ko si Daddy. Ang kailangan mo lang gawin ay huwag siyang galitin,” Sabi ni Ava.Sa sandaling yun, lumapit ang media, kinukuhanan ang eksena ng isang “Family reunion” sa kanilang mga cameras. Nabulag si Chloe sa matinding flash ng mga ito, dahilan para mapaatras siya. Sa sandali na yun, napansin niya ang diamond necklace sa leeg ni Ava.Hindi niya mapigilang matawa sa kapal ng mukha nila. Hin
Nang tawagan ni Joseph si Lucas, nakatayo pa rin si Lucas sa labas ng restaurant.“Sir, hindi pa lumalabas si Ms. Chloe. Tapos na ba kayo? Pupunta ba kayo?” Tanong ni Lucas.“Bakit hindi mo siya binabantayan? Anong ginagawa mo?” Narinig ang malamig na boses ni Joseph sa phone, mayroon itong dalang galit.“Sir…” Naramdaman agad ni Lucas ang matinding galit ni Joseph. Kinilabutan siya. “Naghihintay ako sa labas ng restaurant. Hindi ako umaalis.”“Sinong nagsabi sa iyo na maghintay ka sa labas? Anong makikita mo sa paghihintay mo diyan?”Natahimik si Lucas.‘Ikaw ang nagsabi sa akin na maghintay sa labas!’ Sigaw niya sa loob niya.“Papasok na ba ako ngayon?” Tanong niya.“Huwag mo siya hayaang magtagal sa loob,” Utos ni Joseph.Naiinis siyang makita ang babaeng yun na may kausap na ibang lalaki.Pagkapatay ng tawag, mabilis na tinapos ni Lucas ang video conference, mabilis na nagsalita gamit ang ibang lenggwahe bago tinapos ang usapan.*Pagkapasok ni Lucas sa restaurant, nak
Pinatong n Joseph ang baba niya sa isa niyang kamay, matalim ang tingin niya kay Chloe.Mariin ang tono niya habang sinasabi, “Simula ngayon, lumayo ka na kay Icarus.”Dahil nalilito, nagprotesta si Chloe, “Pero bakit? Walang nangyayari sa aming dalawa, at wala akong nararamdaman para sa kaniya.”“Wala nag siguro, pero malinaw kong nakikita na may nararamdaman siya sa iyo.” Nagsalubong ang mga kilay ni Joseph, walang emosyon ang kaniyang tingin. “O nag-eenjoy ka lang talaga na may nagkakagusto sa iyo?”“Kung nakikita mo na wala akong nararamdaman para kay Icarus, bakit hindi mo ako mapagkatiwalaan?”“Hah!” Ngumisi si Joseph, umuusok ang ilong niya sa inis. “Kung wala nga talagang namamagitan sa inyo, dumistansya ka dapat sa kaniya. Huwag mong isipin na hindi ko alam ang binabalak mo. Backup plan mo siya, handa kang pumunta sa kaniya sa oras na iwan mo ako. Patunay lang ang paminsan-minsan niyong date.”Pinantayan ni Chloe ang malamig na tingin ni Joseph, halata ang inis niya haba
Nakatayo doon si Chloe, nakanganga, habang pinapanood niya ang lalaki sa harap ng computer na abala na sa trabaho.Habang naglalaban-laban ang emosyon sa loob niya, pinulot niya ang mga nakakalat na dokumento sa sahig at binagsak ang pinto nang umalis siya.Ilang tao na lang ang naiwan sa marketing department, kasama na si Wendy. Pero, nagliligpit na siya para umalis. Tiningnan niya ang mga Estrenian documents sa kamay ni Chloe, at halatang naguluhan siya.“Kailangan mo ‘yan i-translate?” Tanong niya.“Opo, Ms. Wendy,” Sagot ni Chloe.“Pero hindi ba’t trabaho ‘yan ng Translations? Sino ang nagbigay sa iyo ng task na ‘yan?” Kwestyon ni Wendy.Nagngitngit si Chloe at pinilit na ngumiti. “Bukod kay Mr. Joseph, sino pa ba ang may awtoridad na iutos sa akin ‘to?”Naguguluhan pa rin si Wendy kaya nagtanong siya, “Hindi ba alam ni Mr. Joseph na nasa Marketing ka? Baka misunderstanding lang ‘to. Magpaliwanag ka lang sa kaniya.”“Alam niya.” Bumuntong-hininga si Chloe, ayaw na niyang p
Nang marinig ang pakiusap sa kabilang linya, nag-alinlangan sandali si Chloe bago pumayag.Sinundan niya ang binigay nitong instruction, lumabas ng Fairlight si Chloe, at agad naman siyang binugahan ng malakas na bugso ng malamig na hangin. Tumatagos sa damit niya ang lamig dahilan para kilabutan siya.Pagkatapos maglakad ng kalahating milya, dumating siya sa isang residential building. Kahit na maliwanag ito, hindi siya mapakali. Bakas ang pangangamba sa maganda niyang mukha. Mabilis siyang gumawa ng desisyon. Huminto siya at nagtiwala sa kaniyang kutob, binaba niya ang tawag. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at tumalikod na agad para bumalik sa Fairlight.Mabilis na naglakad si Chloe, tumatalsik ang tubig sa kalsada dahil sa suot niyang high heels. Sa pagmamadali niya, muntik na siyang matapilok, pero nagawa niya agad makabalanse.Gayunpaman, para bang may pwersang nakasundo sa kaniya kaya siya napalingon sa kaniyang likuran. Pinagsisihan niya yun dahil kinilabutan agad ang buo n