“Hi, nandito ako para tulungan si Chloe na i-deliver ang lunchbox ni Mr. Joseph. Nasa site inspection siya ngayon at hindi makaalis. Ako ang secretary ng boss sa opisina sa kabilang kalsada,” Pinakilala ni Melody ang sarili.Huminga nang malalim si Lucas, pakiramdam niya ay sumasakit ang kaniyang ulo. Kasasabi niya pa lang kay Joseph na darating si Chloe dala ang kaniyang lunchbox. Tinabi ni Joseph lahat ng dokumento sa kaniyang desk, at masungit nitong itsura ay medyo lumambot nang marinig ang sinabi ni Lucas. Pero, hindi si Chloe ang nakatayo ngayon sa harapan niya, at hindi mapakali si Lucas.Kahit nahihirapan ang loob niya, nanatiling kalmado at professional secretary si Lucas, sinigurado niyang hindi siya natrahidor ng emosyon sa mukha niya. Sinamahan niya si Wendy papunta sa opisina ni Joseph.“Sige, sumunod ka sa akin,” Sabi niya.‘Bahala na! Pasensya na, Miss, pero kailangan ko ng sasalo ng sisi at wala ng mas bagay sa trabahong yun kung hindi ikaw.’Habang nakasunod kay L
Dahil sa sobrang kahihiyan, tiningnan ni Melody si Joseph, inaasahan niyang pagagalitan nito ang empleyado nito para sa kaniya.Gayunpaman, madilim ang mukha ni Joseph, mas nakakatakot kaysa sa assistant na nakatayo sa harapan niya.Sa huli, tiningnan nang masama ni Melody si Lucas bago umalis.*Sa sobrang galit, bumalik si Melody sa site para hanapin si Chloe.“Sinadya mo ito, ano?” Kinompronta niya si Chloe habang umuusok sa galit.Inosenteng kumurap si Chloe. “Anong sinasabi mo? Hindi ko naiintindihan.”“Sinadya mo akong i-set up para magalit si Mr. Joseph at mapahiya ako!”“Pero ikaw ang nag-volunteer na magpunta doon para tulungan akong ma-deliver yun,” Sagot ni Chloe, sabay tingin sa developer at sinabing, “Hindi naman ako mali ng pagkakaalala, tama?”Naiilang na ngumiti ang developer at lumingon kay Melody. “Tama na ‘yan, Melody. Ikuha mo na lang kami ng kape.”‘Tito siya ni Melody?’Biglang may napagtanto si Chloe. Sa limitadong abilidad ni Melody, walang kumpanyan
Nang marinig ang sinabi ni Chloe nawalan na ng kontrol si Melody sa emosyon niya at sinimulang pagbabatuhin si Chloe.Mabilis na kumilos si Wendy, hinila niya sa braso si Chloe para lumayo sa gulo, habang ang developer naman ay pinigilan ang pagwawala ni Melody.Nang nasa labas na sila ng site, nakontrol na ulit ni Chloe ang emosyon niya at humingi ng pasensya kay Melody. “Pasensya na at nasira ko ang trabaho, Ms. Wendy. Personal kong kakausapin si Mr. Joseph at tatanggapin ko ang anumang nararapat na parusa.”Tumawa si Wendy at tinapik ang balikat ni Chloe. “Ayos lang yun. Hindi mo kailangang akuin ang sisi. Kanina ko pa napansin na may galit sa iyo ang secretary ng Moongazer. Tama ang ginawa mo. Kung hindi, lagi ka na lang sasamantalahin ng ibang tao.”Kumurap si Chloe at tumawa. “Akala ko pagagalitan mo agad ako.”“Kung may ginawa kang mali, oo. Pero dahil wala naman, bakit ako magagalit?” Sabi ni Wendy sabay start ng kotse pagkaupo sa driver’s seat. “Sige na, bumalik na tayo.
Sa gulat sa paghawak ni Joseph, bakas sa mukha ni Chloe ang pagkabigla sa paglalambing ni Joseph. Pero, nang sabihin nito na susuportahan nito ang desisyon niya, bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa tuwa.“Bakit bigla kang nagiging mabait sa akin?” Tanong niya.“Sinabi ko na sa iyo na hindi mo lang nirerepresenta ang sarili mo pero pati na rin ang buong pamilya Whitman.”“Pero sinabi mo rin sa akin na isikreto ang relasyon natin…”“Oo. Hindi mo pwedeng sabihin ang relasyon natin sa opisina, pero hindi ko sinabing hindi mo pwedeng gawin sa labas.”“Kapag nalaman ng mga tao sa labas ang tungkol sa relasyon natin, hindi magtatagal bago rin yun malaman ng staff sa opisina.”Sa era ng bid data, kahit ang pinakamagaling magtagong celebrity couple ay mabubulgar, lalo na sila. Natahimik si Joseph, naisip niyang baka hindi mainam na desisyon na ipaalam sa publiko ang relasyon nila. Dagdag pa dito, kailangan niya pang kilalanin nang mabuti si Chloe dahil sa palaban nitong katangian.La
Lumapit si Chloe at kinuha ang dokumento para tingnan ito.Isinantabi niya ang lahat ng hindi magandang nangyari.Tumaas ang timbre ng boses niya at halatang nagulat habang nagtatanong, “Ebidensya ba ‘to sa tax evasion ni Sebastian?”“Mm-hm.”“Gusto mo bang i-report ang mga Fox?” Nilapat ni Chloe ang mga kamay sa mesa. “Hindi ba’t kaibigan sila ng pamilya mo? Bakit mo ito gustong gawin?”“Naniniwala ka ba talaga sa superficial relationship na yun?” Kumibot ang mga labi ni Joseph at napuno ng panghahamak ang ekspresyon niya.Malinaw na malinaw ang ambisyon ni Jane, kaya naman hindi siya kailanman kinonsidera ni Mr. Harold noong nagpapakilala siya ng mga babae kay Joseph. Siyempre, mahalaga sa mga tao ang parehong social ranks pagdating sa pagpapakasal pero natatakot din sila na magdulot lang yun ng sakuna.Bahagyang nagulat si Chloe pero napagtanto niyang tama si Joseph. Maaaring gusto nga talaga ni Jane si Joseph, pero lagi niyang binabanggit ang interes at kita. Gaano katotooo
Nang makitang gising si Jake nang madaling araw,naisip niyang mukhang hindi maganda ang lagay nito pagkatapos ng hiwalayan nila ni Ava.Gayunpaman, walang pakialam si Chloe tungkol doon. Kinilabutan siya sa ideyang makipagbalikan sa ex niya. At saka, hindi niya naman yun gagawin kahit kailan.Hindi siya naapektuhan ng loyalty at passion umano ni Jake kapag madaling araw.Pagkatapos maglinis, bumaba si Chloe kasama ni Joseph.Maganda ang araw ngayon—--maliwanag at maaaraw. Malapit sa bintana ang work desk area ni Chloe. Binuksan niya ang bintana at ninamnam ang mahinang simoy ng hangin na nagpaganda naman ng mood niya.Masigla siyang nag-type sa keyboard niya, may ritmo ang nagagawa niyang tunog. “Chloe, may naghahanap sa iyo sa baba.”Pagkatapos ng hindi ilang oras ay tinawagan siya ng receptionist at naputol ang iniisip niya.Inalis ni Chloe ang suot na earphones at sandaling nagulat. “Okay, bababa na ako ngayon.”Nang makarating siya sa ground floor, nagsalubong ang mga kil
Pagkalabas ni Chloe sa elevator, pinagmasdan niya ang buong floor na inuukupahan ni Joseph.Bigla siyang may napagtanto. Kahit na mainitin ang ulo nito at masakit magsalita, hindi ito playboy. Sa tagal nilang magkasama, nalaman niyang matindi ang kontrol nito sa sarili.‘Mabait naman siyang lalaki…’Nang lumabas si Lucas, nakita niya si Chloe na nakatayo sa elevator at nakatulala. Tumatango-tango pa ito mag-isa.Kinaway niya ang kamay sa harapan nito at naputol ang iniisip niya. “Ms. Chloe, nandito ka ba para makita si Mr. Joseph?”“Ah… Oo. Nandito ba siya?”“Oo, nandito siya.”Pagkatapos nito, dinagdag ni Lucas. “Sabi ni Mr. Lucas ay pwede kayong dumiretso sa loob kapag pumupunta kayo dito. Mas madali kapag ganoon.”Tiningnan ni Chloe nang kakaiba si Lucas. Kailangan niya lang magpunta dito kapag nagde-deliver siya ng lunch kay Joseph araw-araw. Kaya, hindi na kailangan maging madali pa yun.Gayunpaman, magalang siyang sumagot kahit na natuwa siya.Nakakagulat naman na wala
Sa kwarto, nakakalat ang mga damit sa sahig. Isang babae ang nakahiga sa water bed, walang saplot at sumisigaw.Isa itong malinaw na ebidensya. Katulad noong araw na nahuli ni Chloe sina Ava at Jake sa kama. Nang maisip yun, hindi niya mapigilang masuka nang makita ang parehong eksena.Sa sumunod na sandali, nagsimula ang gulo. Kasabay nito, narinig niya ang pagsasagutan ng mga tao.Matagal ng nagtatrabaho si Lucas kay Joseph, kaya mabilis siyang kumilos. Agad niyang hiniwalay si Emily mula sa manloloko. Pagkatapos makumpirma ang katotohanan, nilabas niya ang kaniyang phone at kumuha ng mga litrato sa eksena para i-record ang ebidensya. Saka siya umalis kasama nina Chloe at Emily.Nang makababa sila, nakabalik na sa sarili si Emily. Habang puno ng luha ang mukha, nagtanong siya, “Bakit mo ako hinila? Hindi ko pa siya nabubugbog.”“Huwag mong sayangin ang oras mo sa walang kwentang bagay.”Napalingon si Chloe. Napagtanto niyang mayroong katulad na tao si Lucas.“Ms. Chloe, hinihi
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti