Huminga nang malalim si Ava at makahulugang sinabi, “Hindi mo ba talaga alam?”“Wala akong alam. Sabihin mo na.”“May abnormal na relasyon ang tatay mo at si Chloe.”“Anong abnormal doon?”“Bakit wala kang kaalam-alam?” Seryoso ang tono ni Ava. “Nagsimula ba sa tatay mo ang relasyon mo kay Chloe?”Inalis ni Adam ang kumot niya at kinusot ang mga mata. “Oo, tama.”Hihingin sana niya ang contact number ni Chloe kung hindi napansin ng tatay niya na couple sina Chloe at Joseph. Siyempre, lahat naman ay gusto ng mga magaganda at charming na mga babae.Mali naman ang pagkakaintindi ni Ava sa relasyon ni Alexander kay Chloe. Pagkatapos mag-isip, hindi siya naglakas ng loob na diretso itong sabihin.“Kasama kong lumaki si Chloe, kaya kilalang-kilala ko siya. Nakita ko siya dati na lumabas sa kotse ng isang matandang lalaki. Kumplikado ang relasyon niya sa iba.”Sandaling natigilan si Adam. Noong una ay hindi ganoon ang naisip niya.“Anong pinagsasabi mo? Magsalita ka nang naiintintin
Nagbago ang ekspresyon ni Jake. Agad niyang pinatahan si Ava. “Huwag kang magmadali. Sabihin mo sa akin lahat.”Humikbi si Ava na para bang sobra siyang inapi. Hindi siya makapagsalita nang maayos. “Nag-photoshop si Chloe ng mga litrato para bantaan ako.”Pagkasabi niya nito, binuksan niya ang kaniyang phone para ipakita ang chat logs na pinadala sa kaniya ni Chloe.Pagkatapos itong basahin ni Jake, hindi siya makapaniwala. “Parang hindi naman photoshop ang chat log…”“So, sa tingin mo ganito akong klaseng tao?” Umiyak si Ava. “Alam naman ng lahat na playboy si Mr. Adam. Bakit ako makikipag-relasyon sa kaniya?”Lumambot ang puso ni Jake sa mga sinabi ni Ava. Pagkatapos mag-isip nang ilang segundo, pinili niyang maniwala kay Ava. Pagkatapos niyang pagaanin ang loob nito, sinabi niya ang mga bagay na ilang araw na niyang kinikimkim.“Alam mong gusto ng dad ko na magtayo ng kumpanya para sa akin, pero kailangan namin ng pera ngayon. Pwede mo bang gamitin ang dowry mo para tulungan m
Natahimik si Chloe, binalikan niya ang lahat ng suportang binigay sa kaniya ni Icarus.Nagdesisyon siyang sabihin ang lahat ng panloloko ni Ava.Nang marinig ni Icarus ang detalye, nabuo ang galit sa loob niya.“Ang tanga ng pamangkin ko!” Sigaw ni Icarus, halata ang galit niya.Nagkibit-balikat si Chloe at sumagot, “Sabihin mo sa kaniya. Kung ako ang magsasabi sa kaniya, baka isipin niyang sinisiraan ko lang si Ava.”Ito ang dahilan kung bakit nag-aalinlangan siyang komprontahin si Jake, dahil mawawalan ng silbi ang efforts niya, at dagdag pa dito, malalagay lang siya sa magulong sitwasyon.“Salamat, Chloe. Siguradong pagsisisihan ni Jake ang mga ginagawa niya,” Nagpasalamat si Icarus.“Hindi na mahalaga sa akin kung magsisi man siya o hindi,” Walang ganang sagot ni Chloe.Masayang pinagmasdan ni Icarus ang kawalan ng pakialam ni Chloe. Anuman ang mangyari, wala na siyang nararamdaman pa kay Jake. Pero, naniniwala siyang hindi magandang desisyon ang umamin sa ngayon.Nang mag
Naguluhan si Icarus. “Anong problema?”Nang aalisin na sana ni Chloe ang kamay ni Joseph, mabilis na bumitaw si Joseph, naguluhan naman si Chloe.“Wala. Mauuna na ako.” Inayos ni Joseph ang necktie niya, nagpanggap na parang walang nangyari. Bumaling ang astig at mala-phoenix niyang mga mata kay Icarus. “Lucas, bakit hindi ka muna makipag-usap kay Mr. Icarus?”Halata ang pag-aalinlangan sa mukha ni Lucas. Nakatuon ang mga mata niya kay Mr. Joseph, habang si Mr. Joseph naman ay nakatingin lang kay Ms. Chloe. Well, isa lang itong pagkakamali.Sa loob-loob ni Icarus ay nanatili siyang tahimik, hindi niya mahanap ang tamang salita.‘Hindi na talaga kailangan, Umalis ka na lang agad.’Pagkaalis nina Chloe at Joseph, bumalik ang waiter dala ang flowers.Pinagmasdan ni Lucas ang mga bulaklak, natigilan siya. Maingat siyang nagtanong, “Mr. Icarus, balak mo bang umamin kay Ms. Chloe?”Ngumiti lang si Icarus, hindi siya umamin o tumanggi.*Sumakay si Chloe sa elevator at balak sanang
“Uuwi na ako!”“Ah, what a coincidence. Tara na?”Huminga nang malalim si Chloe, pinilit niyang ngumiti at sinabi, “Joseph, ayaw mo ba akong paalisin dahil gusto mo ang katawan ko?”“Hah, hindi ko ba pwedeng gamitin ang parehong excuse iyo? Lalo na, hindi ka naman tumanggi, at mukhang nag-enjoy ka,” Sagot ni Joseph.Sandaling natahimik si Chloe, nagulat sa mabilis na sagot ni Joseph. Nakaramdam siya ng hiya at inis, napakatuso ni Joseph. Ngumisi siya at sumagot, “Oo. Lalo na, ikaw ang nagkusa ngayon.”Nang marinig yun, biglang hindi napakali ang ekspresyon ni Joseph, suminghal siya. “As you wish.”Sa sagutan nila, wala sa kanila ang nanalo.Tiningnan siya nang masama ni Chloe bago pumunta sa banyo ng opisina para pakalmahin angs arili. Sa harapan ng salamin, kasing pula ng peach blossom ang mukha niya, kumikinang ang kaniyang mga mata. Medyo nagulo ang kwelyo ng damit niya, at ang kumalat na lipstick sa mga labi niya ay may dalang ganda na mahirap ipaliwanag.Nakaramdam siya ng
“Hindi ko ‘yan sinabi.”“Pero yun ang iniisip mo.”Suminghal si Ava. “Sige. Kung titingnan mo lang naman ako nang masama, wala na dapat tayong pag-usapan. Umalis ka na lang, please.”Pagkasabi nun, mabilis na lumapit ang housekeeper ng mga Johnson at sinamahan si Jake palabas ng villa. Kasing bilis ng ipo-ipo ang mga nangyari, at napansin ni Jake na tumawag ang tatay niya, minamadali siyang i-finalize ang investment funds.“Dad, may nangyaring hindi ko inaasahan. Bigyan mo ako nang ilang araw. Aayusin ko lahat.”“Ni hindi mo makuha ang opportunity na nasa harapan mo na. Paano kung bigyan kita ng isang taon para asikasuhin ‘yan? Sapat na ba yun? Huwag ka nang mag-abalang pumunta sa opisina bukas.”Nahirapang huminga si Jake, nanginig ang kamay niya at nabitawan niya ang kaniyang phone. Para bang gumuguho ang mundo sa harapan niya.*Hindi nagtagal, naglabas ng pasabog si Ava sa internet.Naglabas siya ng mahabang thread na tungkol sa tatlong bagay.Ang una ay ang one-sided bre
“Bakit ako matatakot?”“Baka komprontahin ka niya.”“Hindi mo ba ako tutulungan?”Nanatiling walang emosyon si Joseph. Pumikit siya para ipahinga ang mga mata, hindi niya pinansin ang paghingi nito ng tulong. Malinaw na wala siyang balak na mangialam.Tinitigan ni Chloe ang gwapong mukha nito at napairap sa inis.‘Come on, kahit siya na ang pinakamagaling, hindi niya mapapantayan ang napakaraming magagandang babae. Kung si Jane lang, madali lang yun, pero sa mga kakampi nito, nasa disadvantage ako.‘Hayaan mo na, ayaw ko nang isipin. Titingan ko na lang kung anong mangyayari at doon na ako magsisimula.’Sa front seat, si Patrick ang nag-maneho papunta sa art exhibition center na nasa malayong area. Dumungaw si Chloe sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang tanawin, at napapikit. Nagpahinga siya pagkatapos ng nakakapagod na araw.Boses ni Patrick ang gumising sa kaniya, sumunod siya kay Joseph at bumaba sa sasakyan, medyo wala pa rin sa sarili.Maraming tao ang nagtipon-tipon sa
Natahimik si Chloe, napagtanto niyang isa ulit itong pang-iinsulto sa kaniya.“Hindi na kailangan. Hindi ako interesado sa iyo, at ayaw ko ng autograph mo,” Sabi ni Chloe habang matamis na nakangiti. “Oo nga pala, si Aiden Knight ag paborito kong artista.”Para makaganti, sinadya niyang banggitin ang pangalan ng karibal nito, alam niya ang epekto nito.Katulad ng inaasahan niya, agad na nagdilim ang ekspresyon ni Sebastian. Binitawan niya si Chloe at sarkastikong ngumisi. “Well, ang pangit ng taste mo, kung ganoon.”Nagkibit-balikat lang si Chloe, sabay talikod para ipakitang wala siyang interes para makipag-away sa isang taong hindi sibilisado. Doon naman, bumalik si Joseph kasama si Jane na parehong hindi maganda ang itsura tulad ni Sebastian. Mapula ang mga mata niya, halatang mayroong hindi magandang nangyari.Nagsalubong ang mga kilay ni Chloe bago ayusin ang kaniyang ekspresyon. Tiningnan niya si Joseph at nagtanong, “Kailan magsisimula ang party?”“Malapit na,” Sagot ni Jo