Nag-bus si Chloe papunta sa Baxon, lumilipad ang isipan niya.Isang araw bago siya ulit magtrabaho.Nag-uusap ang security guard at janitor sa ground floor.“Kumusta na ang kamag-anak mo? Nakipag-divorce na ba siya?”“Oo. Naging mahirap na ang buhay niya. Kahit hindi nakapag-aral, mag-isa na niyang pinapalaki ang dalawa niyang anak. Naaalala ko dati na pinayuhan ko siyang huwag umalis, pero hindi siya nakinig. Nagsisisi na siya sa naging desisyon niya, pero wala na siyang magagawa ngayon.”“Hay, para sa akin, lagpas 150 grand ang kinikita ng mister niya sa isang taon. Kahit na mainitin ang ulo niya, wala naman siyang ginawang malaking pagkakamali na sisira ng relasyon nila. Kung hindi sila nag-divorce, hindi sila mahihirapan sa pinansyal. Ang mga bata ang mahihirapan.”“Ganoon talaga. Padalus-dalos ang mga kabataan. Mahirap naman silang kumbinsihin.”Habang nagpapatuloy sila sa kanilang malalim na usapan, si Chloe na nasa likod nila ay umabot na sa limitasyon niya. Napakuyom ang
“Hindi na, salamat. Nakahanap na ako ng trabaho na maganda ang sweldo,” Sagot ni Chloe habang umiinom ng tubig.“Ganoon kabilis? Anong kumpanya?” Nagulat si Icarus.“Maliit na kumpanya lang…”“Ang ganda ng qualifications mo. Bakit ka papasok sa maliit na kumpanya?” Pagsingit ni Harry. “Pwede kitang i-connect sa magagandang job opportunities. Huwag mo sayangin ang prine mo.”“Tama siya. Kahit na pwedeng maging stepping stones ang maliliit na kumpanya, mas maganda ang potensyal para sa long term growth kung sa malaking korporasyon ka papasok.”“Oo, Chloe. Huwag kang magpadalus-dalos.”Nang marinig ang mga payo nila, sumaya ang puso ni Chloe. Pero, sa loob-loob niya, naiitindihan niyang dahil hindi niya kayang magpadalus-dalos kaya niya tinanggap ang arrangement ni Joseph. Gayunpaman, pinapahalagahan niya ang pag-aalala nila sa kaniya.“Oo at pinag-isipan ko talaga yun nang mabuti. Hindi ako magpapadalus-dalos,” Sagot ni Chloe, isang ngiti ang lumitaw sa mukha niya habang kumikinan
Tumawa si Icarus, nagulat siya nang makita si Lucas at naisip na baka namalik-mata lang siya.Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili at tinuloy ang paglapit sa front desk.“Hi, na-settle na ang payment sa Table 8,” sabi ng staff kay Icarus na ikinagulat niya. Ang una niyang naisip ay baka si Chloe yun, pero nang bumalik siya sa upuan, hindi niya na ito nakita.“Nasaan si Chloe?” Tanong ni Icarus, halata sa boses niya ang pag-aalala.Nagkibit-balikat si Harry, hindi niya rin alam. “Inaalam ni Lily.”“Pero nandito ka kanina, Lily, hindi ba?”“Naiinitan ako, kaya pumunta ako sa kabilang store para bumili ng ice cream. Nang bumalik ako, wala na si Chloe,” Paliwanag ni Lily, nilabas niya ang kaniyang phone. “Tatawagan ko siya. Baka nagpunta siya sa banyo.”Bahagyang naningkit ang mga mata ni Icarus. “Nakainom na si Chloe. Baka tinamaan na siya.”*Sa highway.Ninanamnam ni Chloe ang comfort ng backseat ng kotse, kasing ingay ng tren ang utak niya. Parang buhay na painting
Hinanda ni Chloe ang sarili dahil sa sama ng pakiramdam ng tiyan niya at umupo nang diretso para basahin ang kontrata.Pero, dahil sa mabilis na galaw ng sasakyan, kasunod pa ang biglaang pag-preno ni Lucas, muntik na siyang masuka.Inabot ni Chloe ang overhead light. Yumuko siya, tinakpan ang bibig ng isang kamay, habang binubuklat ang huling page ng kontrata. Kahit na madilim ang ilaw, nahanap niya ang signature area at mabilis na pumirma.Bilang isang babaeng mag-isa lang sa buhay, wala siyang maiiaalok sa mga taong may mga sakim na intensyon. At saka, kahit na may balak si Joseph na maglagay ng mga hindi patas na kondisyon, wala rin yun silbi. Lalo na at napagkasunduan na nila ang terms ng kaniyang sweldo.Inabot ni Chloe ang kontrata, mabilis na pumikit para pigilan ang kaniyang suka. Mabilis siyang gumalaw na para bang umiiwas siya kay Joseph.Nagdilim ang gwapo nitong mukha. ‘Ayaw niya ba sa akin?’Tahimik ang buong biyahe. Kahit na mainit ang buwan ng June, malamig ang lo
Pamangkin?Nagkasalubong ang mga kilay ni Joseph habang sumasagot, “Wala akong pamangkin.”Sa sandaling yun, para bang isang mahigpit na string ang naputol sa isipan ni Chloe. Naging blangko ang isip niya, nawalan ng laman ang kaniyang tingin, wala siyang ekspresyon. Nakatulala lang siya doon, naguguluhan.Parang isang carousel na umikot sa utak niya ang tatlong buwan niyang alaala. Napansin niya ang maraming bagay na nag-iwan ng bakas at ebidensya. Hindi lang niya yun pinansin dahil sa pagiging desperada niya.‘Bakit binanggit ni Jake ang relasyon namin ng tito niya?’Habang umiikot ang isipan niya, sumagi sa isipan niya ang pangalang Icarus.‘Malayong magkamag-anak….‘Senior…Hindi nakahinga si Chloe, at gusto niyang sampalin nang malakas ang sarili dahil sa katangahan.Napansin ni Joseph ang kakaibang kilos ni Chloe, hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. “Anong problema? Masama ba ang pakiramdam mo?”“A…ayos lang ako,” Nauutal niyang sagot.“Kung masama ang pakiramda
Parang tinatamad na nakaupo si Joseph sa sofa, bahagyang natatakpan ang mukha niya dahil sa anggulo ng litrato.Pero, kahit kalahati lang ng mukha niya ang nakikita, sapat na ang kaakit-akit niyang presensya para mabighani ang sinumang mapatingin sa kaniya.Nang makita ang gwapong lalaki, luminaw nang kaunti ang isip ni Emily, “Hindi ba ‘to yung gwapong lalaki na nakita natin sa bar na kasama ng tito ni Jake?”Halata ang galit sa mukha ni Chloe. “Anong sinabi mo?”Habang naguguluhan, inulit ni Emily ang sinabi, “Anong problema? Siya yung lalaking nakita natin sa bar. Nakita ko rin siya sa class reunion noong nakaraan. Ang totoo, pwede mo siyang pormahan kung hindi ka lang determinadong maghiganti sa demonyong couple na yun.”Kahit sa sandaling encounter nila sa bar, hindi maitatanggi ang karisma ni Joseph. Elegante ang kaniyang dating. Habang ang iba ay mabilis makakalimutan, kaya niyang mag-iwan ng matagal na impresyon.“Tama na.” Naiiyak na si Chloe. Akala niya ay nagkamali si
“Inatake sa puso si lolo. Pumunta ka sa ospital ngayon.”Nanlaki ang mga mata ni Chloe. Wala na siyang inisip pa at agad na sumang-ayon, “Okay.”Paglipas ng apatnapung minuto, dumating siya sa ospital. Sa glass window, nakikita niya si Harold na nakahiga sa emergency room habang may oxygen tube na nakapasok sa ilong, maputla din ang kulay nito.Nanikip ang dibdib ni Chloe sa nakita niya. “Bakit biglang inatake sa puso si lolo?”Nanatiling walang ekspresyon si Joseph at sinabing, “Pumunta siya sa isang escape room kasama ang mga kaibigan niya, at natakot siya.”“Yun lang?”“Mm-hm.”“Hay…” Hinawakan ni Chloe ang ilong at sumagot, “Parang bata pa rin ang puso ni lolo.”“Nasaan ang pamilya ng pasyente? Gising na siya,” Sabi ng isang nurse na lumabas mula sa ward.Tiningnan ni Joseph si Chloe. “Pumasok na tayo.”“Okay.”Magkasunod silang pumasok sa ward. Nang makita sila ni Harold, isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mukha niya. “Ayos lang ako. Paranoid lang si Patrick kaya pin
“Bakit mo ako tinitingnan nang ganiyan?” Tanong ni Chloe, hindi niya maintindihan ang tingin ni Joseph.“Pinaalalahanan na kita nang mahigit isang beses na lumayo sa mga lalaking kwestyonable ang pagkatao,” Sabi ni Joseph.“Kaibigan ko siya,” Sagot ni Chloe, hindi natutuwa.“Hindi ka na single ngayon. Asawa kita, at hindi mo lang nirerepresenta ang sarili mo pero pati na rin ang mga Whitman at ang Fairlight,” Istriktong sabi ni Joseph.Kinilabutan si Chloe. Yumuko siya at mahinang sumagot, “Kinikilala mo na ako ngayong daughter-in-law ng mga Whitman? Bakit hindi mo sinabi sa akin dati? Natatakot ka ba na pera lang ng pamilya mo ang habol ko?”“Mayroon ba akong tinago sa inyo o sinadya ko bang hindi ipaalam sa iyo?” Naiinis na sagot ni Joseph.‘Katangahan mo nang hindi maisip yun.’“Well…hindi mo sinabing…”Suminghal si Joseph at sinabing, “Kumilos ka base sa kakayahan mo, at huwag kang sumobra. Makakahanap ka ba ng mas maganda pa kaysa sa Fairlight?”‘Makakahanap ka pa ba ng l
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti