“Oh, please. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo. Wala kayong kwentang mga lalaki,” Insulto ni Chloe.“Anong gusto mo?” Tanong ni Jake, namumula ang kaniyang mga mata at ang kaniyang magandang suit ay gusot at magulo na. Malinaw na hindi nasunod ang plano ng engagement party nila ni Ava.“Gustong mabawi ang assets na iniwan ng nanay ko sa akin.”“Hindi mo pa ba nakuha yun?” Ngisi ni Jake.“Kailan ko yun nakuha?”Akala ni Jake ay nagsisinungaling siya at sinabi, “Nakita ko mismong binigay ni Ava sa iyo ang box.”Akala niya ay gusto lang ni Chloe ng parte ng kayamanan ng mga Johnson. Bakit pa siya nagpapanggap? Hindi niya maisip ang dahilan ng paulit-ulit nitong panggugulo.Nagulat sandali si Chloe. “Sa tingin mo, yun lang ang iniwan ng nanay ko sa akin?”“Oo.”“Please, gamitin mo ang utak mo,” Sagot ni Chloe, “Binabalik ba talaga sa akin ni Ava ang pag-aari ko? Hindi, iniinsulto niya ako! At isang tangang tulad mo lang ang maniniwala sa kaniay.”Nagsalubong ang mga kilay ni Jak
Nagpantay ang mga tingin nila, at napansin ni Joseph na pumayat si Chloe pagkatapos maospital nang ilang araw.“Oo nga pala. Sinabi sa akin ni Mr. Samuel kanina na hindi ko na kailangang magbayad sa service niya. Tinulungan mo ba akong magbayad?”“Oo.”Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Chloe nang marinig niya ang sagot. Hindi siya mapakali at nahihiyang sinabi, “Sobra-sobra na yun. Hindi kita mababayaran. Sabihin mo kay Mr. Samuel na huwag na siyang mag-abala. Hahanap ako ng mas murang abogado.”“Hindi mo ako kailangang bayaran.”“Hindi. Hindi nahulog mula sa langit ang pera mo. Ang laki na ng perang ginastos mo sa akin, at hindi ko agad mababayaran ang 1,200,000 dollars. Ilang taon ko yun gugugulin, baka habang-buhay pa,” Sabi ni Chloe.Ang utang na loob ang pinakamahirap bayaran sa lahat. Gusto niyang maging misis nito, hindi isang walang emosyong money-making machine.Tinitigan siya ni Joseph, at makalipas ang ilang minuto, kumurba ang manipis niyang mga labi. “Kapag nagi
Sa maliwanag na ilaw, parang walang katapusang hukay ang itim na mga mata ni Joseph. “Ganiyan ba ang tingin mo sa akin?”Napaatras nang kaunti si Chloe at bumulong, “Hindi…”Pero, malinaw na hindi siya sincere.Kumibot ang noo ni Joseph at kinuha ang phone niya at saka tinawagan ang mga pulis.Nataranta si Chloe at sinubukan siyang pigilan. “Huwag, malalaman ng tito mo!”Huminto sandali si Joseph bago napagtanto na tinutukoy ni Chloe si Tyson.“Ano naman kung malaman niya? Ikaw ang biktima dito. Maliban na lang kung gusto mong magpakaduwag at magpanggap na wala kang nakita.”“Bullsh*t, nag-aalala lang ako sa iyo. Kapag nalaman ni Tyson, anong magiging tingin sa iyo ng pamilya mo?”Asawa siya ni Joseph. Ayaw niyang idamay ito sa mga problema niya.“Ayusin mo muna ang problema mo bago mo isipin ang iba.”“Huh?” Nagulat si Chloe. Nasurpresa siya na malaman na ang isang lalaking parang walang pakialam ay makatao rin pala.Makalipas ang labinlimang minuto, dumating ang mga pulis.
Halata ang gulat sa magandang mukha ni Ava nang magtanong, “Sino nagsabi sa iyo niyan? Si Coco ba?”“Sagutin mo na lang ang tanong ko,” Marahang nagsalita si Jake, “Ginagawa ko ito para sa kinabukasan natin.”“Kung ginagawa mo ito para sa kinabukasan natin, hindi mo dapat ako tinatanong nang ganiyan!” Sabi ni Ava, napuno agad ng luha ang kaniyang mga mata.Nang makita siyang umiiyak, agad na naghanap ng tissue si Jake para punasan ang luha niya at nagtanong, “Anong problema?”“Sinabi ba sa iyo ni Coco na kinuha ko ang perang iniwan sa kaniya ng nanay niya?” Tanong ni Ava habang humihikbi.Natahimik sandali si Jake bago sumagot, “Oo, sinabi niya na basta ibalik mo ang pera—-”“Naniniwala ka sa kaniya kaysa sa akin?” Nanginginig ang boses ni Ava, “Mukha ba akong sakim na tao na kukuhanin ang mana ng ibang tao?”“Hindi yun ang ibig kong sabihin. Mali ka ng pagkakaintindi. Hindi ko—-” Sinubukang magpaliwanag ni Jake, pero pinutol ni Ava ang sasabihin niya.“Huwag ka nang magsalita.
Hindi mapigilan ni Chloe na matawa. “Base sa edad natin, dapat “ate” ang tawag mo sa akin.”Pinalitan ni Adam ng dreadlocks ang buhok niya simula nang huli niya itong makita, mas nagmukha siyang sigang tingnan. Pero, mayroong youthful at malambot na kalidad sa maganda niyang facial features na nagsasabing nasa nineteen hanggang twenty-one-years old siya.Siguradong mas bata siya kaysa kay Ava, at hindi alam ni Chloe kung alam ba nito ang edad ni Ava o mas gusto lang nito ng mas matatandang babae.“Ibibigay mo ba sa akin ang number mo kapag tinawag kitang “ate?”“Hindi ko hilig na tawaging kapatid ang ibang tao,” Sagot ni Chloe bago ibalik ang atensyon niya sa trabaho, hindi niya pinansin si Adam na parang isang bata. “Umalis ka na. May trabaho pa kami. Kapag nakita ka ng tatay mo dito, siguradong papagalitan ka niya.”Matagal na simula nang may maglakas-loob na paalisin siya nang ganito. Kumibot ang sulok ng mga labi ni Adam habang sinasabi, “Walang pakialam sa akin ang dad ko. Ma
Nagulat si Samuel.Ang Joseph na kilala niya ay walang interes sa babae pero ngayon ay humarap ito sa publiko at nagpakabayani para iligtas ang dalaga na nasa gulo. Bakit niya tinulungan ang babae na ito?”‘Teka lang muna! Hindi lang niya tinulungan ang babae. Inamin din niya na siya ang bata, gwapo, mayamang lalaki na tinutukoy ng babae na ito! Hindi makatotohanan na isa-sakripisyo niya ang pride niya para iligtas siya. Masyadong malakas ang paniniwala niya sa kaniyang sarili.‘Pero teka lang… Parang may hindi tama dito. Si Chloe ba ang babae na ito?’Nakumpirma ang pagdududa ni Samuel habang tinitingnan si Joseph at Chloe.Sabay na lumingon si Chloe at Adam. Nakasuot ng mamahalin na itim na suit ang lalaki sa unahan nila. Matangkad siya at mapayat na may manipis na kilay na kahugis ng buwan. Ang matangos niyang ilong, nakatikom na bibig ang naging dahilan para mag mukha siyang masungit, at hindi dapat lapitan. Madilim at walang emosyon ang malalim niyang mata pero malamig ang ti
Kumurap si Chloe at nagkatinginan sila ni Lily.“Pinagluluto ko siya kasi kasambahay niya ako,” Paliwanag niya.Nakatira sila sa iisang bubong. Hindi nila mahal ang isa’t-isa tulad ng isang mag-asawa, pero ginagawa nila ang mga simpleng pang-araw-araw na gawain. Hindi ba’t ganun ang kasambahay?Kung hindi siya kasambahay, ano siya?Nagulat si Lily. “Kasambahay ka niya?” Pag-ulit niya.“Oo. Hindi ba halata sa akin?”Alam ni Lily na istrikto ang requirements ng mga mayayamang pamilya sa pagkuha ng kasambahay, pero bihira ang makahanap ng kasing ganda ni Chloe. Hindi niya mapigilang madismaya. Siguradong may espesyal sa isang taong kayang palabasin ang magiging CEO ng Patterson para batiin sila nang personal.At saka, ang tangkad niya at napakagwapo. Kakaiba rin ang dating niya. Siya ang pangarap na lalaki ng lahat ng babae sa mundo.Pero nga lang, hindi siya boyfriend ni Chloe.“Bakit hindi mo binigay kay Adam ang number mo? Kung magiging girlfriend ka niya, hindi mo na kailanga
Tiningnan ni Chloe ang phone niya at sinabing, “Huh? Hindi ko pa na-confirm ang ride ko.”“Dumating kasi ako agad. Hindi ako late,” Sabi ni Icarus.Napanganga ang mapupulang labi ni Chloe. “Pumunta ka talaga dito para sunduin ako?”“Mhmm.” Tumango siya.Nang makita ang naguguluhang ekspresyon sa mukha ni Chloe, huminto muna si Icarus at nagpaliwanag, “Kasama ko si Harry kanina mag-dinner, malapit lang din dito. Nakita niya sa social media na nasa area ka rin.”“Ganoon ba…”“Naisip ko na baka mahirapan ka maghanap ng masasakyan nang ganitong oras, kaya nagpunta ako dito para ihatid ka pauwi,” Sabi ni Icarus.“Sobrang gabi na, madaling araw na tayo makakarating sa bahay ko,” Sabi ni Chloe.“Ayos lang. Hirap ako makatulog nitong mga nakaraang araw kaya late na ako nakakatulog,” Sabi ni Icarus.Sa puntong yun, wala ng dahilan pa si Chloe para tanggihan ang alok nito.*Nilabas ni Joseph si Toto para maglakad, pero nang makaalis sila sa villa, naupo sa lapag si Toto, hinihingal a
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti