Nakatayo lang doon si Emily, gulat na gulat, habang nakatingin kay Patrick at sa Rolls-royce na nakaparada sa tabi nito. Halata ang pagka-ilang.Pinilit niyang ngumiti, pinigilan niya ang sarili na maghukay ng butas at ilibing ang sarili. “Well, hindi na masama ang mister mo. At least, alam niya kung paano humanap ng tao para sunduin ka.”Ngumiti na lang si Chloe. “Napaka-unpredictable niya.”Hindi niya mabasa ang isip ni Joseph.Tinapik ni Emily ang balikat ni Chloe. “Sa tingin ko may pag-asa ka pa. Huwag ka lang sumuko.”“Huwag mong pagaanin ang loob ko. Noong nakaraan, muntik na akong mapalayas dahil sa payo mo!” Namula si Chloe at nagsalita gamit ang mahinang boses na si Emily lang ang makakarinig. “Nang maghubad ako sa harapan ng lalaking yub, hindi man lang siya tumingin. Wala ata siyang karanasan o baka impotent.”Anuman ang dahilan, hindi niya kinakaya ang lalaking yun.Gayunpaman, iba si Emily kay Chloe. Laging mas mainam ang practical action kaysa sa malalambing na sal
Medyo bukas ang box, at sa gitna nito ay nakalagay ang isang napakagandang diamond ring—isang bagay na dinala ng nanay ni Chloe mula sa bahay ng pamilya niya.Ngumiti si Chloe pero walang sinabi, hindi na nagulat sa ginawa ni Ava.‘Sa tingin niya ba talaga ay titigilan ko siya pagkatapos niyang ibalik sa akin ang isang item na ‘to? Nakakatawa.’Nang pumanaw ang nanay niya, bata pa si Chloe. Hindi niya maalala kung anong halaga ang iniwan nanay niya sa kaniya sa will nito. Hindi nakalagay ang eksaktong halaga sa kontrata, at matagal na niyang nararamdamang may mali.Pero dahil bata pa siya noon, hindi niya pa naiintindihan ang bigat ng sitwasyon. Ngayon, alam na niyang ninakaw sa kaniya ang pera, at kumbinsido siyang mas malaki pa yun kaysa sa inaalok sa kaniya ni Ava.“Ano? Gusto mo pa?” Ngumisi si Ava, nandidiri sa pagiging ganid ni Chloe.Nagdilim ang ekspresyon ni Chloe habang malinaw na sinasabing, “Siyempre, gusto ko pa. Lahat ng ito ay akin, at babawiin ko yung lahat. Huwag
Pinagmasdan ni Chloe ang galit na mukha ni Jake, kumikibot ang mata niya dahil sa matinding tuwa.Imbes na sumagot agad, kaswal niyang sinabit ang mga buhok na nasa noo niya papunta sa likod ng kaniyang tainga, “Alam mo na, huh?”Katulad ng hinala niya, nalaman na siguro ni Joseph ang relasyon niya dati kay Jake noong niligtas siya nito dati. Hindi niya lang maintindihan kung bakit niya niya yun binabanggit.Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kati sa puso niya si Chloe. Mas maganda pa ang resulta kaysa sa inaasahan niya.“Gaano ka ba kawalang-hiya?!” Sumasakit sa galit ang dibdib ni Jake. Dahil hindi niya makontrol ang emosyon niya, lumakas ang boses niya na dahilan para mapatingin sa kaniya ang ibang tao.“Bakit mo ako biglang sinisigawan?” Sabi ni Chloe, mukhang inosenteng kuneho.Hindi naiintindihan ng mga tao ang sitwasyon pero may ilang nakakakilala sa kaniya.“Hey, hindi ba’t bunso ‘yan ni Benjamin?”“Dalawa ang anak na babae ni Benjamin? Akala ko si Ava lang ang anak ni
Nag-isip sandali si Icarus bago seryosong sabihin, “Hindi pa sa ngayon, Chloe. Balang-araw, baka, pero hindi ngayon.”Kahapon, marami siyang nalaman, kasama na ang pagtrato ng mga Johnson kay Chloe sa mga nagdaang taon. Hindi niya binisita si Chloe sa ospital dahil wala siyang lakas ng loob na sabihing tito siya ni Jake.Nag-aalala siya na ang relasyon niya kay Jake ang magtutulak kay Chloe palayo sa kaniya. Wala siyang balak na pumunta sa engagement party, pero habang nasa lunch siya kanina, naisip niyang baka pumunta si Chloe kaya nagpunta siya para silipin ito. Sa gulat niya, talaga ngang nandoon siya.Hindi maintindihan ni Chloe ang pag-aalala ni Icarus. Nagkibit-balikat lang siya at sinabi, “Ayos lang. Anuman ang naging relasyon ko sa mga Johnson at kay Jake, nakaraan na yun. Hindi mo kailangan mag-alala.”At saka, magkaibigan lang sina Icarus at Chloe. Kahit na kamag-anak ni Icarus si Jake, hindi yun mahalaga dahil hindi naman na sila mag-uusap balang-araw. Ang hindi niya ala
Lahat ng guest ay naguguluhang napatingin kina Ava at Jake.Namula ang mukha ng couple dahil sa kahihiyan.“Patayin niyo na ‘yan ngayon na!” Sigaw ni Benjamin.Napagtanto ng emcee na may mali at agad na sinabihan ang staff na patayin ang big screen.Sa sumunod na segundo, may narinig na ingay mula sa mga speakers sa hall, at nagsimulang marinig ang pag-iyak ni Ava, “Coco, I’m sorry. Kasalanan ko lahat. Sobra kong mahal si Jake. Huwag mo siyang sisihin.”“Ava, huwag mong sabihin ‘yan. Hindi mo yun kasalanan. Hindi ko lang makontrol ang sarili ko at gusto kita. Ngayong alam na ng lahat, mas mabuti na rin. Matagal ko ng gustong makipaghiwalay kay Coco pero sobrang busy niya sa trabaho at hindi na ako nakapagpaliwanag sa kaniya. Mas bagay ka sa akin, Ava.”“Oh, my God…”Nagkagulo ang mga tao.“Seryoso? Dating couple sina Chloe at Jake?”“Holy Moly, ang galing niya. Naging girlfriend niya pareho ang mga anak ni Benjamin!”“Si Ava ang umagaw sa boyfriend ni Chloe. Kakaiba talaga an
Nagulat si Chloe at agad na napalingon.Pero, wala siyang nakitang bakas ni Joseph. Bagkus, nakita niya si Icarus. Tinapik niya ang dibdib at nakahinga nang maluwag. “Namamalik-mata ka siguro. Tinakot mo ako!”“Hindi ako namamalik-mata,” Sabi ni Emily, pero sa sumunod na sandali, naglaho na si Icarus bago pa niya ito maturo. Nagduda na rin siya sa sarili niya. “Namamalik-mata ba ako?”“Siyempre. Pabalik-balik ka sa ospital at sa opisina habang binibigyan ng oras ang boyfriend mo. Normal lang na magkaproblema ka sa mata,” Nakangiting sabi ni Chloe. “Sa oras na matapos ako sa ginagawa ko, hindi na kita pahihirapan.”“Sigurado ka bang wala dito ang tito ni Jake?” Tanong ni Emily, seryoso ang mukha niya.Pagkatapos ihatid si Chloe sa hotel, nakipagkita si Emily sa boyfriend niya. Nang bumalik siya, pinagmasdan niya ang mesa kung nasaan ang mga nakatatandang kamag-anak ni Jake pero hindi niya nakita si Icarus.“Hindi. Sigurado akong hindi siya nagpunta ngayon. Check-up ngayon ng lolo
Nanlaki ang mga mata ni Samuel sa gulat.“Ano?! Sinabi mo dapat sa akin agad! Hindi ko sana siya siningil ng lawyer fee!” Sigaw niya.“Lawyer fee?” Naningkit ang mga mata ni Joseph. “Nilapitan ka na niya?”Maaga siyang bumalik mula sa overseas business trip niya at marami siyang dapat asikasuhin. Plano niyang tapusin ang lahat at sabihin kay Samuel ang sitwasyon ni Chloe. Plano niya rin bayaran ang legal fees, pero hindi niya inaasahang nagmamadali si Chloe at kusang lumapit kay Samuel.“Tinawagan niya ako kahapon. Kung alam kong misis mo siya, hindi ko siya siningil,” Paliwanag ni Samuel.“Tulungan mo siya sa kaso niya. Sasabihan ko ang assistant ko na bayaran ka.”Mula sa pagkakagulat, tiningnan ni Nathan si Joseph at tinukso ito, “Sandali, ang sabi mo sa akin dati naiinis ka sa kaniya, pagkatapos, pinakasalan mo siya bigla nang hindi namin nalalaman. Hindi ka ganiyan, Joe.”Mukhang kakaiba ang ganda at abilidad ni Chloe na umakit ng lalaki. Kung hindi, paano mahuhulog sa kani
“Oh, please. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo. Wala kayong kwentang mga lalaki,” Insulto ni Chloe.“Anong gusto mo?” Tanong ni Jake, namumula ang kaniyang mga mata at ang kaniyang magandang suit ay gusot at magulo na. Malinaw na hindi nasunod ang plano ng engagement party nila ni Ava.“Gustong mabawi ang assets na iniwan ng nanay ko sa akin.”“Hindi mo pa ba nakuha yun?” Ngisi ni Jake.“Kailan ko yun nakuha?”Akala ni Jake ay nagsisinungaling siya at sinabi, “Nakita ko mismong binigay ni Ava sa iyo ang box.”Akala niya ay gusto lang ni Chloe ng parte ng kayamanan ng mga Johnson. Bakit pa siya nagpapanggap? Hindi niya maisip ang dahilan ng paulit-ulit nitong panggugulo.Nagulat sandali si Chloe. “Sa tingin mo, yun lang ang iniwan ng nanay ko sa akin?”“Oo.”“Please, gamitin mo ang utak mo,” Sagot ni Chloe, “Binabalik ba talaga sa akin ni Ava ang pag-aari ko? Hindi, iniinsulto niya ako! At isang tangang tulad mo lang ang maniniwala sa kaniay.”Nagsalubong ang mga kilay ni Jak