Pinagmasdan ni Chloe ang galit na mukha ni Jake, kumikibot ang mata niya dahil sa matinding tuwa.Imbes na sumagot agad, kaswal niyang sinabit ang mga buhok na nasa noo niya papunta sa likod ng kaniyang tainga, “Alam mo na, huh?”Katulad ng hinala niya, nalaman na siguro ni Joseph ang relasyon niya dati kay Jake noong niligtas siya nito dati. Hindi niya lang maintindihan kung bakit niya niya yun binabanggit.Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kati sa puso niya si Chloe. Mas maganda pa ang resulta kaysa sa inaasahan niya.“Gaano ka ba kawalang-hiya?!” Sumasakit sa galit ang dibdib ni Jake. Dahil hindi niya makontrol ang emosyon niya, lumakas ang boses niya na dahilan para mapatingin sa kaniya ang ibang tao.“Bakit mo ako biglang sinisigawan?” Sabi ni Chloe, mukhang inosenteng kuneho.Hindi naiintindihan ng mga tao ang sitwasyon pero may ilang nakakakilala sa kaniya.“Hey, hindi ba’t bunso ‘yan ni Benjamin?”“Dalawa ang anak na babae ni Benjamin? Akala ko si Ava lang ang anak ni
Nag-isip sandali si Icarus bago seryosong sabihin, “Hindi pa sa ngayon, Chloe. Balang-araw, baka, pero hindi ngayon.”Kahapon, marami siyang nalaman, kasama na ang pagtrato ng mga Johnson kay Chloe sa mga nagdaang taon. Hindi niya binisita si Chloe sa ospital dahil wala siyang lakas ng loob na sabihing tito siya ni Jake.Nag-aalala siya na ang relasyon niya kay Jake ang magtutulak kay Chloe palayo sa kaniya. Wala siyang balak na pumunta sa engagement party, pero habang nasa lunch siya kanina, naisip niyang baka pumunta si Chloe kaya nagpunta siya para silipin ito. Sa gulat niya, talaga ngang nandoon siya.Hindi maintindihan ni Chloe ang pag-aalala ni Icarus. Nagkibit-balikat lang siya at sinabi, “Ayos lang. Anuman ang naging relasyon ko sa mga Johnson at kay Jake, nakaraan na yun. Hindi mo kailangan mag-alala.”At saka, magkaibigan lang sina Icarus at Chloe. Kahit na kamag-anak ni Icarus si Jake, hindi yun mahalaga dahil hindi naman na sila mag-uusap balang-araw. Ang hindi niya ala
Lahat ng guest ay naguguluhang napatingin kina Ava at Jake.Namula ang mukha ng couple dahil sa kahihiyan.“Patayin niyo na ‘yan ngayon na!” Sigaw ni Benjamin.Napagtanto ng emcee na may mali at agad na sinabihan ang staff na patayin ang big screen.Sa sumunod na segundo, may narinig na ingay mula sa mga speakers sa hall, at nagsimulang marinig ang pag-iyak ni Ava, “Coco, I’m sorry. Kasalanan ko lahat. Sobra kong mahal si Jake. Huwag mo siyang sisihin.”“Ava, huwag mong sabihin ‘yan. Hindi mo yun kasalanan. Hindi ko lang makontrol ang sarili ko at gusto kita. Ngayong alam na ng lahat, mas mabuti na rin. Matagal ko ng gustong makipaghiwalay kay Coco pero sobrang busy niya sa trabaho at hindi na ako nakapagpaliwanag sa kaniya. Mas bagay ka sa akin, Ava.”“Oh, my God…”Nagkagulo ang mga tao.“Seryoso? Dating couple sina Chloe at Jake?”“Holy Moly, ang galing niya. Naging girlfriend niya pareho ang mga anak ni Benjamin!”“Si Ava ang umagaw sa boyfriend ni Chloe. Kakaiba talaga an
Nagulat si Chloe at agad na napalingon.Pero, wala siyang nakitang bakas ni Joseph. Bagkus, nakita niya si Icarus. Tinapik niya ang dibdib at nakahinga nang maluwag. “Namamalik-mata ka siguro. Tinakot mo ako!”“Hindi ako namamalik-mata,” Sabi ni Emily, pero sa sumunod na sandali, naglaho na si Icarus bago pa niya ito maturo. Nagduda na rin siya sa sarili niya. “Namamalik-mata ba ako?”“Siyempre. Pabalik-balik ka sa ospital at sa opisina habang binibigyan ng oras ang boyfriend mo. Normal lang na magkaproblema ka sa mata,” Nakangiting sabi ni Chloe. “Sa oras na matapos ako sa ginagawa ko, hindi na kita pahihirapan.”“Sigurado ka bang wala dito ang tito ni Jake?” Tanong ni Emily, seryoso ang mukha niya.Pagkatapos ihatid si Chloe sa hotel, nakipagkita si Emily sa boyfriend niya. Nang bumalik siya, pinagmasdan niya ang mesa kung nasaan ang mga nakatatandang kamag-anak ni Jake pero hindi niya nakita si Icarus.“Hindi. Sigurado akong hindi siya nagpunta ngayon. Check-up ngayon ng lolo
Nanlaki ang mga mata ni Samuel sa gulat.“Ano?! Sinabi mo dapat sa akin agad! Hindi ko sana siya siningil ng lawyer fee!” Sigaw niya.“Lawyer fee?” Naningkit ang mga mata ni Joseph. “Nilapitan ka na niya?”Maaga siyang bumalik mula sa overseas business trip niya at marami siyang dapat asikasuhin. Plano niyang tapusin ang lahat at sabihin kay Samuel ang sitwasyon ni Chloe. Plano niya rin bayaran ang legal fees, pero hindi niya inaasahang nagmamadali si Chloe at kusang lumapit kay Samuel.“Tinawagan niya ako kahapon. Kung alam kong misis mo siya, hindi ko siya siningil,” Paliwanag ni Samuel.“Tulungan mo siya sa kaso niya. Sasabihan ko ang assistant ko na bayaran ka.”Mula sa pagkakagulat, tiningnan ni Nathan si Joseph at tinukso ito, “Sandali, ang sabi mo sa akin dati naiinis ka sa kaniya, pagkatapos, pinakasalan mo siya bigla nang hindi namin nalalaman. Hindi ka ganiyan, Joe.”Mukhang kakaiba ang ganda at abilidad ni Chloe na umakit ng lalaki. Kung hindi, paano mahuhulog sa kani
“Oh, please. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo. Wala kayong kwentang mga lalaki,” Insulto ni Chloe.“Anong gusto mo?” Tanong ni Jake, namumula ang kaniyang mga mata at ang kaniyang magandang suit ay gusot at magulo na. Malinaw na hindi nasunod ang plano ng engagement party nila ni Ava.“Gustong mabawi ang assets na iniwan ng nanay ko sa akin.”“Hindi mo pa ba nakuha yun?” Ngisi ni Jake.“Kailan ko yun nakuha?”Akala ni Jake ay nagsisinungaling siya at sinabi, “Nakita ko mismong binigay ni Ava sa iyo ang box.”Akala niya ay gusto lang ni Chloe ng parte ng kayamanan ng mga Johnson. Bakit pa siya nagpapanggap? Hindi niya maisip ang dahilan ng paulit-ulit nitong panggugulo.Nagulat sandali si Chloe. “Sa tingin mo, yun lang ang iniwan ng nanay ko sa akin?”“Oo.”“Please, gamitin mo ang utak mo,” Sagot ni Chloe, “Binabalik ba talaga sa akin ni Ava ang pag-aari ko? Hindi, iniinsulto niya ako! At isang tangang tulad mo lang ang maniniwala sa kaniay.”Nagsalubong ang mga kilay ni Jak
Nagpantay ang mga tingin nila, at napansin ni Joseph na pumayat si Chloe pagkatapos maospital nang ilang araw.“Oo nga pala. Sinabi sa akin ni Mr. Samuel kanina na hindi ko na kailangang magbayad sa service niya. Tinulungan mo ba akong magbayad?”“Oo.”Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Chloe nang marinig niya ang sagot. Hindi siya mapakali at nahihiyang sinabi, “Sobra-sobra na yun. Hindi kita mababayaran. Sabihin mo kay Mr. Samuel na huwag na siyang mag-abala. Hahanap ako ng mas murang abogado.”“Hindi mo ako kailangang bayaran.”“Hindi. Hindi nahulog mula sa langit ang pera mo. Ang laki na ng perang ginastos mo sa akin, at hindi ko agad mababayaran ang 1,200,000 dollars. Ilang taon ko yun gugugulin, baka habang-buhay pa,” Sabi ni Chloe.Ang utang na loob ang pinakamahirap bayaran sa lahat. Gusto niyang maging misis nito, hindi isang walang emosyong money-making machine.Tinitigan siya ni Joseph, at makalipas ang ilang minuto, kumurba ang manipis niyang mga labi. “Kapag nagi
Sa maliwanag na ilaw, parang walang katapusang hukay ang itim na mga mata ni Joseph. “Ganiyan ba ang tingin mo sa akin?”Napaatras nang kaunti si Chloe at bumulong, “Hindi…”Pero, malinaw na hindi siya sincere.Kumibot ang noo ni Joseph at kinuha ang phone niya at saka tinawagan ang mga pulis.Nataranta si Chloe at sinubukan siyang pigilan. “Huwag, malalaman ng tito mo!”Huminto sandali si Joseph bago napagtanto na tinutukoy ni Chloe si Tyson.“Ano naman kung malaman niya? Ikaw ang biktima dito. Maliban na lang kung gusto mong magpakaduwag at magpanggap na wala kang nakita.”“Bullsh*t, nag-aalala lang ako sa iyo. Kapag nalaman ni Tyson, anong magiging tingin sa iyo ng pamilya mo?”Asawa siya ni Joseph. Ayaw niyang idamay ito sa mga problema niya.“Ayusin mo muna ang problema mo bago mo isipin ang iba.”“Huh?” Nagulat si Chloe. Nasurpresa siya na malaman na ang isang lalaking parang walang pakialam ay makatao rin pala.Makalipas ang labinlimang minuto, dumating ang mga pulis.