Lumitaw sa isip ni Icarus ang imahe ni Chloe at napangiti siya, "Isang taong masungit pero matalino."Bihira lang si Icarus mag-rate ng babae nang ganoon kataas, at dahil sa curiosity ay nagtanong si Jake, "Galing ba siya sa Aesper?""Siguro."Lalong naguluhan si Jake. Mahigit dalawampung taon na siyang naninirahan sa Aesper, ngunit wala siyang impresyon sa isang babae tulad ng binanggit ni Icarus."I-uuwi ko siya para makilala ang pamilya pagdating ng tamang panahon," paniniguro ni Icarus sa kanya."Okay. Magiging mabait ako sa kaniya," sagot ni Jake.*Ang matayog na skyscraper ng Fairlight ay nakatayong mataas sa sentro ng lungsod, ang pangalan nito ay nakaabang sa mga ulap sa itaas.Kinahapunan, nagkaroon ng financial forum sa sentro ng lungsod.Bilang isang espesyal na panauhin, ginawa ni Joseph ang final appearance, nakatayo sa mataas na plataporma na ang lahat ng mga ilaw ay nagniningning sa kanya, na nakakuha ng atensyon ng lahat. Saglit siyang nagsalita at saka pumunt
Napansin ni Joseph ang reaksyon niya at napangiti.Inunat nito ang braso at kinurot ang pisngi nito."Hoy! Hoy! Hoy!" Biglang dumilat ang mata ni Chloe at inalis ang kamay nito.Akala niya talaga hahalikan siya nito.Isang banayad na ngiti ang naglaro sa mga labi ni Joseph habang siya ay naka-upo sa sofa, ang kanyang mga daliri ay nakasabit sa kanyang dibdib habang siya ay nakatitig sa kanya nang mapaglaro.“‘Hoy’ ano?” pang-aasar niya.'Putcha naman!' Nagmura si Chloe sa kaloob-looban nang mapagtantong tinutukso na naman siya ni Joseph.Huminga nang malalim si Chloe, sinusubukang pakalmahin ang tumitibok na puso."Wala," sabi ni Chloe at nagpapanggap na parang wala lang.Pinanood siya ni Joseph na umalis na may dismayadong ekspresyon. Hindi niya alam kung bakit pero nakita niyang medyo cute siya.Samantala, bumalik si Chloe sa kanyang kwarto, bumagsak sa kama sa pagkabigo. Kailan kaya niya magagawang manalo kay Joseph? Sinadya niya ba talaga noong sinabi niyang impotent siya
Nakita ni Chloe ang ginawa niya at napakuyom ang mga kamao sa kaba.Natatakot siya kung magkakaroon man siya ng reaksyon o hindi. Lalo na at ito ang unang beses niyang gawin ang ganitong bagay. Natatakot siya. Namula ang kaniyang mga pisngi, para bang kaya niyang magpakulo ng isang kalderong tubig dahil sa init na nararamdaman niya.Nang malunod na siya sa kaniyang kaba, binato ni Joseph ang woolen shirt nito sa ulo niya!Nagulat si Chloe at dumilim ang paligid niya.“Kapag ginawa mo ulit ‘yan, may kapalit na.”Umalingawngaw ang boses nito sa mga tainga niya, wala itong anumang init o emosyon. Katunog talaga ito ng sasabihin ni Joseph—kasing tigas ng bato at kasing lamig ng yelo.Nahiya si Chloe, pero matapos ang ilang segundo, naglaho ang init sa katawan niya, naiwan siyang nanginginig na para bang dumaan siya sa apoy at yelo.Inalis niya ang woolen shirt sa ulo niya at mabilis na nagsuot ng damit bago tumakbo papunta sa kwarto. Tinawag niya si Emily at nilabas ang inis niya sa
“Hindi ako makapaniwala. Model couple kayong dalawa.”“Totoo ka ba? Nagbibiro ka, tama?”“Napaka gwapo at devoted ni Jake. Bakit kayo naghiwalay?”Hindi makapaniwala ang grupo. Sa sandaling yun, sumingit naman ang sarkastikong sagot ni Emily. “Oo, nagloko lang naman ang devoted niyong Jake, at ang kabit niya ay ang half-sister ni Chloe.”Nagpalitan ng tingin ang grupo at hindi makapaniwala, hanggang sa ang ex-class monitor na si Peter ay binago ang usapan, inudyok niya ang lahat na ituon ang atensyon sa pagkain. Natigil na rin ang usapan, pero may mga ilang coursemates nila ang lumapit para pagaanin ang loob ni Chloe.Pagkatapos makainom ng tubig, tumayo si Chloe para magpunta sa banyo. Napansin yun ni Peter at sinundan siya. Nang lumabas siya sa banyo, nakita niya si Peter na naghihintay sa hallway. Tinanong niya ‘to, “Magba-banyo ka rin ba, Peter?”“Hindi, hinihintay kita.”“Hinihintay mo ako?”Nakainom na rin si Peter, at mabagal na ang pagsasalita niya habang sinasabi, “Chl
Laging Nandiyan si Joseph para iligtas si Chloe.Kung hindi mainitin ang ulo nito at hindi masakit magsalita, baka nahulog na si Chloe sa kaniya. Kahit na impotent pa siya.Malamig na suminghal si Joseph at umiwas ng tingin, ayaw niyang tingnan si Chloe. “Napadaan lang ako. Ayaw kong isipin ng iba na pwede nilang makuha ang misis ko.”“Anong sinasabi mo? Hindi ko naman gustong maging popular.” Sumimangot si Chloe, pakiramdam niya ay hindi tama ang inaakusa sa kaniya.‘Hindi ko kasalanan na talented ako at maraming nagkakagusto sa akin. Napaka-wala niya sa katwiran.’“Ikaw ang pinakawalang-hiyang babae na nakilala ko,” Sarkastikong komento ni Joseph,Kahit na hindi naman mali ang sinabi ni Chloe, hindi niya gusto ang attitude nito. Kahit na mayroong umamin sa kaniya, pwede naman niya sabihing kasal na siya. Kailangan pa bang pahabain ang usapan?Diyos lang ang nakakaalam kung gaano kagalit si Joseph nang makita niyang nakikipaglandian ito sa ibang lalaki habang tirik ang araw. Um
Mas maliit ng si Emily kay Chloe, kaya madaling nakita ni Joseph ang nasa likuran niya.Maraming mga bakanteng upuan, at wala doon si Chloe. Umuwi na siguro ito,.Binawi niya ang tingin at saka nagsalita gamit ang malallim niyang boses, “Pasensya na. Nagkamali ata ako.”“Okay.” Tumango si Emily, hindi na siya nagulat sa sagot nito.*Naghihintay na si Lucas sa driver’s seat. Nang makita niya si Joseph, kinuha niya ang payong at lumabas para salubungin ito. Habang papalapit siya, napansin niyang may dala ng payong si Joseph.Naisip ni Lucas na baka binigay ito ng isa sa mga business partners niya na nakakitang umuulan sa labas.Pagkatapos ng apatnapung minuto, nakauwi na si Joseph at pinindot ang password para makapasok sa living room. Agad siyang napatingin sa basang women’s sports shoes na nakalagay sa hallway, dahilan para magsalubong ang mga kilay niya.‘Pinili niya bang magpaulan kaysa maghintay sa akin?’Pagkatapos mag-shower, dumaan si Joseph sa kwarto ni Chloe. Hindi nak
Nagkatinginan sila habang nakahiga sa kama.Nagkasalubong ang mga kilay ni Joseph, naguguluhan din siya kung paano siya napunta sa kama ni Chloe. Bago pa siya makapagpaliwanag, mabilis na nagsalita si Chloe, “Hindi ako yun! Hindi ko alam kung paano ka napunta sa kama ko. Nakadamit din tayo pareho, kaya huwag mo akong pagalitan!”Hindi mapigilan ni Joseph na ngumisi dahil sa pagkataranta ni Chloe.“Hah, ngayon alam mo na kung paano maging matinong babae?0Sumimangot si Chloe at sumagot, “Matagal na akong matinong babae…”“Huwag mo na subukan,” Sagot ni Joseph.Dahil determinado siyang ipagtanggol ang sarili, sinabi ni Chloe, “Dahil sa iyo yun lahat. Kapag may nakilala kang gusto mo, natural lang na masira ang mga prinsipyo mo.”Hindi niya mapigilang purihin ang sarili sa galing niyang lumandi at magsabi ng matatamis na salita.Nang mawala ang tensyon sa pagitan nila, walang lakas na binutones ni Joseph ang damit niya, punong-puno ng pang-aakit ang bawat galw niya. Namula ang muk
Hindi nagsisinungaling si Chloe. Kahit may light makeup siya, halatang hindi maganda ang kaniyang kulay.“Tara ba,” Kalmadong sabi ni Joseph.Nagulat si Chloe na mabilis itong pumayag. Parang mas naging mabait na sa kaniya si Joseph simula nang malaglag ang tuwalya niya para akitin ito.Naupo siya sa passenger seat ng kotse. Nilabas niya ang kaniyang phone at binuksan ang navigation app para ilagay ang destination-Baxton.“Hindi na kailangan ng GPS. Alam ko ang daan,” Sabi ni Joseph.“Oh, okay.”Isang financial company ang Baxon. Dahil sa financial industry nagtatrabaho si Joseph, normal lang na alam niya ang location nito.Habang nasa biyahe, tinawagan si Chlose ng boss niya. Hindi niya nilagay sa speaker ang tawag, pero sa sobrang lapit nila ay naririnig ni Joseph ang kanilang usapan.“Chloe, napag-isipan mo na ba ang proposal na binanggit ko tungkol sa pakikipag-usap sa mga executive ng Fairlight tungkol sa bidding resources?”Tiningnan siya ni Joseph habang sumasagot siya.
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti