Hindi nagsisinungaling si Chloe. Kahit may light makeup siya, halatang hindi maganda ang kaniyang kulay.“Tara ba,” Kalmadong sabi ni Joseph.Nagulat si Chloe na mabilis itong pumayag. Parang mas naging mabait na sa kaniya si Joseph simula nang malaglag ang tuwalya niya para akitin ito.Naupo siya sa passenger seat ng kotse. Nilabas niya ang kaniyang phone at binuksan ang navigation app para ilagay ang destination-Baxton.“Hindi na kailangan ng GPS. Alam ko ang daan,” Sabi ni Joseph.“Oh, okay.”Isang financial company ang Baxon. Dahil sa financial industry nagtatrabaho si Joseph, normal lang na alam niya ang location nito.Habang nasa biyahe, tinawagan si Chlose ng boss niya. Hindi niya nilagay sa speaker ang tawag, pero sa sobrang lapit nila ay naririnig ni Joseph ang kanilang usapan.“Chloe, napag-isipan mo na ba ang proposal na binanggit ko tungkol sa pakikipag-usap sa mga executive ng Fairlight tungkol sa bidding resources?”Tiningnan siya ni Joseph habang sumasagot siya.
Kinuha ni Joseph ang tissue at madiin na pinunasan ang mukha niya. Pero kahit anong inis niya, hindi matanggal ang lipstick ni Chloe kahit anong gawin niya.Si Lucas ang nakaisip ng solusyon. Lumabas siya para bumili ng makeup remover na gumana naman.Bilang resulta, madilim ang ekspresyon ni Joseph habang nasa meeting kasama ang high-level executives. Para siyang demonyo mula sa kailaliman ng impyerno dahil sa katakot-takot niyang aura, intimidated ang lahat at hindi makapagsalita.Pagkatapos ng meeting, sinabihan ni Joseph si Jack na magpaiwan.Pagkatapos ng sampung minuto, lumabas ng meeting room si Jack, litong-lito kung bakit siya nilipat sa ibang posisyon nang walang malinaw na dahilan…*Kinahapunan, parang masama ang timpla ng superior ni Chloe at pinapagalitan ang lahat. Iniwasan siya ng lahat sa takot na madamay.“Anong problema niya?” Tanong ni Chloe sa secretary nang pumunta siya sa pantry para kumuha ng tubig.Nagkibit-balikat ang secretary at hininaan ang b
“Hindi ko na maalala dahil sobrang tagal na nun.” Ilang beses na ngumiti nang peke si Miles. “I-check ko muna ang files sa office ko bukas at saka kita tatawagan.”Naguluhan si Chloe. “Hindi ba’t kinausap niyo ang tatay ko noong nakaraang buwan?”Bakit niya nakalimutan agad?Nang marinig ang tanong niya, sumungit bigla si Miles at sinabing, “Busy ako sa trabaho.”“Kung ganoon, magpalitan tayo ng numbers para pwede ko kayong direktang makausap kapag kailangan. Mas mabuting mag-lock in na ng date para sa asset handover.”Ayaw ibigay ni Miles ang number niya pero nagpumilit si Chloe.Habang pauwi, hindi mawala sa isip ni Chloe si Miles. Pakiramdam niya ay kakaiba ang reaksyon nito—-para bang ayaw siya nitong harapin.*Sa courtyard sa kanilang bahay, lumapit agad si Toto kay Chloe nang makauwi siya, malikot ang buntot nito habang binabati siya.“Nagugutom ka ba, Toto? Ikukuha kita ng pagkain.”"Woof, woof, woof!Nilakad ni Chloe si Toto sa doghouse nito at nakitang pun
“Anong engagement party?” Tanong ni Joseph, halata sa boses niya ang pagkalito.Kumurap si Chloe, nagtataka kung anong nangyayari.‘Hindi pa ba sinasabi ni Jake sa kaniya? Baka kaka-confirm pa lang nila ng date at hindi na makapaghintay si Ava na magyabang sa akin.’“Wala naman. Engagement party lang ng kaibigan ko ngayong weekend. Gusto mo bang sumama?” Nakangiting tanong ni Chloe.Diretsong sumagot si Joseph, “May business trip ako.Wala siyang oras para dumalo ng party kasama siya.“Okay, well, umalis ka at bumalik ka agad. Kumain ka sa tamang oras at kung wala kang importanteng gagawin, matulog ka nang maaga. Goodbye at goodnight.”Tinitigan siya ni Joseph. Para sa kaniya ay gusto ni Chloe na umalis na siya agad.Nagsimulang lumubo ang mga ugat sa boo niya at tinaas ang kamay para pigilang magsara ang pinto. Mahina niyang sinabi, “Tiningnan ko ang Fairlight para sa iyo. Natransfer na si Jack.”Tumaas ang mga kilay ni Chloe at ngumiti, “Alam ko, pero gusto ko pa rin p
Habang naniningkit ang mga mata, pinisil ni Joseph ang pisngi ni Chloe.“Ang hina mo,” Komento niya.Naniniwala si Chloe na hindi gaanong pamilyar si Joseph sa area dahil kababalik lang nito ng bansa, kaya nagpaliwanag siya, “Nasa Dixie Center ang Fairlight. Hindi ako nagkakamali.”Siya ang mahina.Nanatiling tahimik si Joseph, hindi mabasa ang mga mata niya. Napatitig si Chloe sa mga mata na yun, pakiramdam niya ay nakasilip siya sa kawalan.Mayroon naman biglang sumagi sa isipan niya, pero hindi niya yun gaanong maintindihan. Nag-isip siyang mabuti, pero hindi niya mahabol ang ideya na yun.*Mainit ang hapon na yun. Sumama si Chloe sa mga katrabaho niya para sa isang mabilis na lunch break sa baba bago bumalik sa kaniyang desk. Pagkakuha niya ng phone niya para mag-check ng mga messages, napagtanto niyang hindi pa rin sumasagot si Miles sa message niya kaninang umaga kahit limang oras na ang nakalipas.Habang nag-iisip kung tatawagan niya ba ito, nag-scroll siya sa Fa
Mabilis ang security guard at pinapasok agad sina Chloe.Mula sa loob ng kotse, pinanood niya ang pagtulong ni Adam kay Ava na makatayo at ang pagyakap ni Ava sa kaniya.Sinadyang maghintay ni Chloe, seryosong inoobserbahan ang dalawa habang nagpapalitan ng numbers. Lumabas lang siya ng kotse pagkaalis ni Ava.Dahil nagkaroon na siya ng parehong project abroad, mabilis ang naging diskusyon nila at mabilis na napagdesisyunan ang plano. Nang lumabas siya sa Patterson, oras na para mag-clock out.Dahil nasa business trip si Joseph, gumawa lang simpleng tuna sandwich si Chloe para sa dinner. Nilagay niya ang plato ng mga sandwhiches sa mesa at kinunan yun ng litrato bago isend kay Joseph.[Jojo, wala akong ganang kumain kapag wala ka. Ito lang ang dinner ko ngayon.]Nasa meeting si Joseph sa ibang bansa at naramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya na nasa mesa. Huminto sandali ang presenter at tiningnan siya, hinihintay ang permiso niya na magpatuloy.Hindi tinaas ni Jose
“Siyempre.”“Diyos ko. Bata pa siya, mayaman at gwapo. Ang swerte ng mga babaeng empleyado sa Fairlight at nakikita siya paminsan-minsan. Sinong nakakaalam? Baka nakakalapit pa sila sa kaniya.”“Walang binatbat ang mga babaeng empleyado na yun sa iyo. Manager sa Fairlight ang tito mo, at may pagkakataon pa na mapasa niya sa iyo ang department niya. Maganda ka, at sa kaunting effort, kaya mo siyang maakit….Oh, sandali, nakalimutan ko. Natanggal ang tito mo dahil kay Chloe.“Ikaw ang nalugi. Lumampas sa iyo ang pagkakataon na makapareha ang ganong lalaki…”Hindi mapigilan ni Melody ang sarili sa sobrang galit. “Hindi ko maintindihan kung anong maganda sa malanding yun. Bakit may mga taong nagtatanggol sa kaniya?”“Hindi lang siya pinagtatanggol. Maraming tao ang gusto siya. Naalala mo pa ba si Peter? College coursemate siya ni Chloe, at umamin siya kay Chloe noong nakaraan.”Sobrang naiinis si Melody dahil pakiramdam niya ay hindi patas ang mundo. Ang mga taong tulad niya na
Kumunot ang noo ni Chloe. “Anong sinasabi mo? Anong ibig mong sabihing ‘pakasalan si Peter?’ Anong kinalaman nito sa kaniya?”“Hindi na mahalaga kung hindi mo naiintindihan. Enjoy-in mo na lang ang susunod na mangyayari.”Ngumisi si Ava at dalawang maskuladong mga lalaki mula sa labas ang pwersahang tinali si Chloe sa isang upuan. Pagkatapos, pinainom nila ng isang mapait na likido si Chloe. Walang label ang bote—malinaw na hindi ito legal na produkto.Sinubukang magpumiglas ni Chloe, pero biglang nawalan ng lakas ang katawan niya at hindi niya na nadilat ang mga mata,Mabilis na nangyari ang lahat. Marami ng pinagdaanan si Chloe, pero hindi niya kailanman naisip na napakasama ni Ava at lalabag na ito sa batas!Sinubukan niyang buksan ang bibig niya, pero bumaligtad ang kaniyang sikmura, at nabalot siya ng takot na hindi pa niya nararamdaman kahit kailan.Habang pinapanood na magpumiglas si Chloe, dinukot ni Ava ang bag ni Chloe at kinuha ang phone nito bago ito basagin.Nang ma