“Anong engagement party?” Tanong ni Joseph, halata sa boses niya ang pagkalito.Kumurap si Chloe, nagtataka kung anong nangyayari.‘Hindi pa ba sinasabi ni Jake sa kaniya? Baka kaka-confirm pa lang nila ng date at hindi na makapaghintay si Ava na magyabang sa akin.’“Wala naman. Engagement party lang ng kaibigan ko ngayong weekend. Gusto mo bang sumama?” Nakangiting tanong ni Chloe.Diretsong sumagot si Joseph, “May business trip ako.Wala siyang oras para dumalo ng party kasama siya.“Okay, well, umalis ka at bumalik ka agad. Kumain ka sa tamang oras at kung wala kang importanteng gagawin, matulog ka nang maaga. Goodbye at goodnight.”Tinitigan siya ni Joseph. Para sa kaniya ay gusto ni Chloe na umalis na siya agad.Nagsimulang lumubo ang mga ugat sa boo niya at tinaas ang kamay para pigilang magsara ang pinto. Mahina niyang sinabi, “Tiningnan ko ang Fairlight para sa iyo. Natransfer na si Jack.”Tumaas ang mga kilay ni Chloe at ngumiti, “Alam ko, pero gusto ko pa rin p
Habang naniningkit ang mga mata, pinisil ni Joseph ang pisngi ni Chloe.“Ang hina mo,” Komento niya.Naniniwala si Chloe na hindi gaanong pamilyar si Joseph sa area dahil kababalik lang nito ng bansa, kaya nagpaliwanag siya, “Nasa Dixie Center ang Fairlight. Hindi ako nagkakamali.”Siya ang mahina.Nanatiling tahimik si Joseph, hindi mabasa ang mga mata niya. Napatitig si Chloe sa mga mata na yun, pakiramdam niya ay nakasilip siya sa kawalan.Mayroon naman biglang sumagi sa isipan niya, pero hindi niya yun gaanong maintindihan. Nag-isip siyang mabuti, pero hindi niya mahabol ang ideya na yun.*Mainit ang hapon na yun. Sumama si Chloe sa mga katrabaho niya para sa isang mabilis na lunch break sa baba bago bumalik sa kaniyang desk. Pagkakuha niya ng phone niya para mag-check ng mga messages, napagtanto niyang hindi pa rin sumasagot si Miles sa message niya kaninang umaga kahit limang oras na ang nakalipas.Habang nag-iisip kung tatawagan niya ba ito, nag-scroll siya sa Fa
Mabilis ang security guard at pinapasok agad sina Chloe.Mula sa loob ng kotse, pinanood niya ang pagtulong ni Adam kay Ava na makatayo at ang pagyakap ni Ava sa kaniya.Sinadyang maghintay ni Chloe, seryosong inoobserbahan ang dalawa habang nagpapalitan ng numbers. Lumabas lang siya ng kotse pagkaalis ni Ava.Dahil nagkaroon na siya ng parehong project abroad, mabilis ang naging diskusyon nila at mabilis na napagdesisyunan ang plano. Nang lumabas siya sa Patterson, oras na para mag-clock out.Dahil nasa business trip si Joseph, gumawa lang simpleng tuna sandwich si Chloe para sa dinner. Nilagay niya ang plato ng mga sandwhiches sa mesa at kinunan yun ng litrato bago isend kay Joseph.[Jojo, wala akong ganang kumain kapag wala ka. Ito lang ang dinner ko ngayon.]Nasa meeting si Joseph sa ibang bansa at naramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya na nasa mesa. Huminto sandali ang presenter at tiningnan siya, hinihintay ang permiso niya na magpatuloy.Hindi tinaas ni Jose
“Siyempre.”“Diyos ko. Bata pa siya, mayaman at gwapo. Ang swerte ng mga babaeng empleyado sa Fairlight at nakikita siya paminsan-minsan. Sinong nakakaalam? Baka nakakalapit pa sila sa kaniya.”“Walang binatbat ang mga babaeng empleyado na yun sa iyo. Manager sa Fairlight ang tito mo, at may pagkakataon pa na mapasa niya sa iyo ang department niya. Maganda ka, at sa kaunting effort, kaya mo siyang maakit….Oh, sandali, nakalimutan ko. Natanggal ang tito mo dahil kay Chloe.“Ikaw ang nalugi. Lumampas sa iyo ang pagkakataon na makapareha ang ganong lalaki…”Hindi mapigilan ni Melody ang sarili sa sobrang galit. “Hindi ko maintindihan kung anong maganda sa malanding yun. Bakit may mga taong nagtatanggol sa kaniya?”“Hindi lang siya pinagtatanggol. Maraming tao ang gusto siya. Naalala mo pa ba si Peter? College coursemate siya ni Chloe, at umamin siya kay Chloe noong nakaraan.”Sobrang naiinis si Melody dahil pakiramdam niya ay hindi patas ang mundo. Ang mga taong tulad niya na
Kumunot ang noo ni Chloe. “Anong sinasabi mo? Anong ibig mong sabihing ‘pakasalan si Peter?’ Anong kinalaman nito sa kaniya?”“Hindi na mahalaga kung hindi mo naiintindihan. Enjoy-in mo na lang ang susunod na mangyayari.”Ngumisi si Ava at dalawang maskuladong mga lalaki mula sa labas ang pwersahang tinali si Chloe sa isang upuan. Pagkatapos, pinainom nila ng isang mapait na likido si Chloe. Walang label ang bote—malinaw na hindi ito legal na produkto.Sinubukang magpumiglas ni Chloe, pero biglang nawalan ng lakas ang katawan niya at hindi niya na nadilat ang mga mata,Mabilis na nangyari ang lahat. Marami ng pinagdaanan si Chloe, pero hindi niya kailanman naisip na napakasama ni Ava at lalabag na ito sa batas!Sinubukan niyang buksan ang bibig niya, pero bumaligtad ang kaniyang sikmura, at nabalot siya ng takot na hindi pa niya nararamdaman kahit kailan.Habang pinapanood na magpumiglas si Chloe, dinukot ni Ava ang bag ni Chloe at kinuha ang phone nito bago ito basagin.Nang ma
Bago pa mag-ring ang phone sa kabilang linya, mabilis na binaba ni Joseph ang tawag at saka bumalik sa normal ang walang ekspresyon niyang mukha.Anong silbi ng pagtawag niya? Busy man siya o sinasadyang magpaka-hard to get, hindi siya mahuhulog sa tricks nito.“Ipa-check mo kay Patrick si Toto,” Utos niya.Hindi maintindihan ni Lucas ang intensyon ni Joseph, kaya wala na siyang sinabi at sumunod na lang.Paglipas ng isang oras, tumawag si Patrick at sinabing sumusuka at walang gana si Toto. Dinala niya na ito sa vet kung saan makikita sa preliminary diagnosis na mayroon itong gastrointestinal irritation.Mas lalong tumitindi ang inis ni Joseph sa paglipas ng oras. Hindi ba pinansin ng babaeng yun ang paalala niya at hinayaang magdusa si Toto? Hindi lang niya dinala si Toto sa vet ngayong araw, pero hindi rin siya nito sinabihan man lang.Buong maghapon, parang air conditioner ang lamig ni Joseph. Si Lucas na kasama niya sa kwarto ay ilang beses nabahing pero hindi makapag-reklam
“Anong ginagawa mo, Peter?!” Napasinghap si Chloe, sinusubukang itulak palayo ang lalaki.“Chloe, ang sama ng pakiramdam ko. Tulungan mo ako. Pakakasalan kita kapag nakalabas tayo dito,” Pagmamakaawa ni Peter.“Huwag mo ako hawakan, Peter! Gumising ka!” Sigaw ni Chloe.“Napakaganda mo. Hindi ko mapigilang hawakan ka. Pumayag ka na lang na maging akin.”“Pero ayaw ko sa iyo! Kapag hinawakan mo ako ulit, tatawag ako ng pulis!” Banta ni Chloe.Pak!Sinampal nang malakas ni Peter si Chloe sa mukha, naiwan ang marka ng kamay niya sa pisngi nito. Saka niya pwersahang pinunit ang damit ni Chloe, halata ang pananabik sa kaniyang mukha.“Hindi na mahalaga yun. Pagkatapos ng lahat, wala ng ibang magkakagusto sa iyo kung hindi ako.”Habang tinitiis ang pisikal at mental na paghihirap, pinilit ni Chloe na lunukin ang makalawang na lasa sa lalamunan niya. Nawala ang ekspresyon sa mukha niya habang pinapanood na isa-isang maalis ang damit niya. Para bang nawalan na siya ng pag-asa, huminto s
Ngumisi si Icarus at tinapon ang surveillance footage na nakuha niya mula sa bahay ni Jake. “Tingnan mo kung anong ginawa ng girlfriend mo!”Pinanood ni Jake ang video sa phone at kinakabahang napalunok. “Tito Icarus, hayaan niyo akong magpaliwanag. Mabait at inosente si Ava. Imposibleng magawa niya ‘to. Siguradong may hindi lang pagkakaintindihan.”“Nasa harapan mo na ang ebidensya, at hindi ka pa rin naniniwala! Bulag ka ba?!”“Kahit na ginawa yun ni Ava, siguradong may ginawa si Coco. Hindi niyo siya kilala. Hindi niyo siya ganoon kakilala. Mapaghiganti siya at matalim ang dila. Baka gusto lang siyang takutin ni Ava.”Makikita lang sa video ang eksena sa courtyard. Sinong nakakaalam kung anong nangyari pagkatapos pumasok ni Chloe sa kwarto? Kaya niyang lumapit sa isang mayamang lalaki, kaya siguradong may relasyon din sila ni Peter. At saka, si Melody ang nagtulak kay Peter sa kwarto. Anong kinalaman nito kay Ava?Halos matawa na si Icarus sa hangal niyang pamangkin. “Hindi ko