Nang matuto na siya, tumalikod siya at bumulong habang palabas ng opisina, “Tingnan natin kung malakas ang loob ko.”Baka dahil sa imahinasyon niya, pakiramdam ni Chloe ay may sumusunod sa kaniya habang pauwi. Nang makarating siya sa bahay niya, nawala ang takot niya dahilan para tanungin niya ang kaniyang sarili kung sumusobra na ang pag-aalala niya.*Kinabukasan, dumating ang private car ng Exotic Star para sunduin siya. Dinala ni Chloe ang laptop niya, plano niya magtrabaho habang nasa biyahe. Sinabihan siya ni Noah na naging maayos ang lahat at kaya nilang tapusin ang shoot sa loob ng tatlong araw.Bilang bago lang sa industriya, kailangan niya aralin at intindihin ang mga kailangan. Pero, dahil sa mabilis siya makaintindi at masanay ay nagawa niyang magawa nang maayos lahat, naging maayos ang shooting process nila.Lumipas ang dalawang araw, at kahit na may maliit na problema, naging maayos naman ang lahat. Isang araw na lang at matatapos na nila ang project.Pagkatapos ma
Napuno ng gulat ang mata ni Noah, isang saglit na liwanag ang makikita sa kaniyang tingin. Pero, agad niyang inayos ang kaniyang sarili at kalmado na sumagot, “Makakahanap ka ng mas mabuti.”Wala nga sa lalaki na ito ang yaman ni Joseph pero panigurado na mas maganda ang ugali niya kaysa sa kaniya.“Salamat, Noah,” sagot ni Chloe.“Kukuha ako ng sasakyan para ihatid ka pero baka abutin pa ng kalahating oras,” alok ni Noah."Huwag mo na abalahin ang sarili mo. Tumawag na ako ng cab. Magkita na lang tayo ulit kapag may pagkakataon,” pagtanggi ni Chloe.Tumango si Noah. “Sige, sa susunod na lang.”Pagkatapos nila maghiwalay ni Noah, bumalik ang pakiramdam ni Chloe na may nakasunod sa kaniya. Binilisan niya ang lakad niya at biglang lumingon. Isang mahabang kalsada, maraming tao na mukhang officer worker at lalaking nakasuot ng headphone. Dahil wala siyang napansin na kakaiba, nagsimula siyang maglakad papunta sa hotel.Ang kwarto na hinanda ni Noah kay Chloe ay isang deluxe suite n
Nag-isip sandali si Lucas at sinabing, “Baka busy siya. Tawagan ko ba at tanungin?”Malamig ang mukha ni Joseph at halos madurog na ang phone sa hawak niya. “Hindi na kailangan.”Masyado siyang umaasa kay Chloe nitong mga nakaraan. Oras na para mapagtanto niya na maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya. Ngayon, gusto niyang makaramdam siya ng pagmamadali at maintindihan kung kailan siya babalik.Sa Docwood, sa Walker mansion.Nakasuot si Joseph ng kakaibang black tailcoat, nagpapakita ng pamang utos at seryosong dating na parang prinsipe. Nakaupo sa tabi niya si Natalie Walker, ang apo ni Arthur Walker. Maayos na nakunan ng isang journalist ang pagkikita nila sa dance floor noon at hindi na nakakagulat kung makikita ni Chloe ang balita na yon bukas.Namula si Natalie at nahihiyang sinabi, “Mr. Joseph, bakit mo ako inimbita bilang plus-one mo? Sinabi sa akin ng lolo ko na kasal ka na pero ayaw ko maniwala.”Gwapong gwapo ang mukha ni Joseph habang tinatago ang pagkainip niya at
Dumura ng dugo mula sa kaniyang bibig si Calvin at sinabing, “Huwag ka mag alala. Hindi ako kasing sama mo.”Plano niya nung una ipatikim kay Chloe ang mga ginawa niya pero hindi niya nagawa dahil kahawig niya sI Luciana.Kumalma ang puso ni Joseph. Binuhat niya si Chloe sa braso niya at pumunta sa exit. Nang papunta sila sa pinto, bigla siyang lumingon, madilim ang tingin niya. “Naniniwala ka talaga matatapos lang ang lahat nang ganoon kadali?”Kumunot ang kilay ni Calvin sa galit at puno ng inis ang boses niya. “Ano pa bang gusto mo? Huwag mong kalimutan, ikaw ang unang gumalaw kay Ava! Malala ang ginawa mo sa kaniya. Lalaki ka ba talaga?!Sa puso niya, inosente nga si Chloe pero sumobra si Joseph. Mabuti na lang malakas ang loob ni Ava at walang ginawang katangahan. Kung ikukumpara, nagpakita na siya ng awa kay Chloe.Malamig ang mukha ni Joseph habang sinasabing, “Ginawa yon ni Ava sa sarili niya.”Pagkatapos ng medical assessment, may apat na tahi si Chloe sa ulo niya. Malal
Nagdilim ang ekspresyon ni Joseph at pinaikot niya ang daliri niya para pigilan ang sarili niya. “Kung gusto mong umiyak, sige lang. Nakita ko naman na ‘yan dati.Bahagyang ngumuso si Chloe nang tiningnan niya si Joseph, naghahalo halo ang emosyon niya.“Paano mo ako nahanap?” tanong niya, puno ng pagtataka ang boses niya.“Tinawagan ako ni Emily at naisip ko na si Calvin yon.”Naalala ni Chloe ang mga sinabi sa kaniya ni Calvin at tinanong, “Sabi ni Calvin kumuha ka ng maraming tauhan para saktan si Ava. Totoo ba yon?”“Oo, ginawa ko,” walang emosyon niyang sagot dahilan para tumaas ang balahibo ni Chloe.Mas malupit pa ang lalaking ‘to kaysa sa inaakala niya.Mas lumalim ang tingin ni Joseph habang tinitingnan ang pag iiba ng emosyon ni Chloe. Habang palapit, nilagay niya ang kamay niya sa gilid ni Chloe, nasa harap niya mismo ang presensya ni Joseph.“Natakot ka ba?” tanong niya.“Hindi. Ginawa mo ‘yon kay Ava dahil sa akin,” sabi ni Chloe, nakatitig siya kay Joseph. “Sinag
“Hindi!” Walang pag-aalinlangang tumanggi si Chloe.Ngumisi si Joseph. “Pero papayag ka kung si Icarus?”Kumunot ang noo ni Chloe at tiningnan niya nang masama si Joseph. “Sinong nagbigay sa iyo ng karapatan na pagbintangan ako?”“Pero, hindi ba’t ganoon ka naman talaga?” Sagot ni Joseph.Mas lalong tumindi ang inis ni Chloe, dahilan para umiwas siya ng tingin at tumingin na lang sa bintana.Nakita yun ni Joseph bilang pag-amin ni Chloe, dahil dito ay nabalot siya ng galit. Tumayo siya agad at malakas na binagsak ang pinto.Unti-unting naglaho ang tunog ng mga hakbang niya.Bumaluktot si Chloe, mahigpit na niyayakap ang sarili. Halata ang pait sa kaniyang maputlang mukha.Pagkaalis ni Joseph, hindi na ulit ito nagpakita hanggang sa makalabas siya ng hospital.Sa isang kisapmata, isang buwan na ang lumipas. Ang caregiver na nag-aalaga sa kaniya ay sinamahan siya papunta sa Aesper at dalawang araw siyang sinamahan sa bahay niya. Gumaan lang ang pakiramdam nito nang makita niyang
Natigilan ang kamay niya.“Naka-secure ako ng appointment sa isang kilalang skin specialist sa bansa. Sasamahan kita dun, at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para masigurado na maaayos ang mukha mo.”Napakuyom ang kamao ni Icarus, naintindihan niya ang intensyon ni Chloe. Ayaw nitong magkautang sa kanya.Mukhang mayroong mga importanteng bisita sa loob ng opisina ni Alexander, kaya sinabihan ng secretary niya si Chloe na maghintay muna sa lounge.“Sige,” Sabi ni Chloe.Pagkatapos ng mga labinlimang minuto, bumukas ang pinto at nakita ang mukha ni Lucas.‘So, ang importanteng bisita na sinasabi ng secretary ni Mr. Alexander ay si Joseph?’“Kasama ko si Mr. Joseph. May pinag-uusapan sila ni Mr. Alexander,” Paliwanag ni Lucas.Natahimik si Chloe. Pakiramdam niya ay sinadya ni Alexander na pagsabayin ang schedule nila.Tila mayroon namang inaalala si Lucas. “Ms. Chloe, pwede niyo bang kausapin si Emily?”“Huh?”“Araw-araw niya akong pinapadalhan ng text messages. Hindi ako ma
Nanigas ang ekspresyon ni Chloe. Sinubukan niyang ngumiti upang subukang paniwalain si Harold. “Lolo, anong sinasabi niyo?”“Huwag ka na magpanggap!” Singhal ni Harold, gumagalaw ang bigote niya dahil sa galit. “Sa tingin mo ba dahil matanda na ako ay pwede ka ng makipagtulungan kay Joseph para lokohin ako?”Matagal na niyang iniisip kung paano nakahanap si Joseph ng asawa na hindi lang mabait pero napakaganda rin. Marami siyang naisip na paliwanag, pero hindi niya inakalang magpapakasal ito nang peke para maloko siya.Nahirapan magsalita si Chloe, aksidente niyang nalantad ang sarili ngayong maayos naman ang lahat.Habang pinagmamasdan ang pananahimik ni Chloe, mas lalong nainis si Harold at binaling ang galit kay Joseph na kalmadong nakaupo sa tabi niya. “Mawawala na sa iyo ang misis mo. Kumilos ka at huwag kang maupo na lang diyan!”Komportableng sumandal si Joseph sa sofa, magka-krus ang mga hita niya. Nakapatong ang kamay niya sa kaniyang noo, habang ang isa naman ay nasa arm
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti