Nagdilim ang ekspresyon ni Joseph at pinaikot niya ang daliri niya para pigilan ang sarili niya. “Kung gusto mong umiyak, sige lang. Nakita ko naman na ‘yan dati.Bahagyang ngumuso si Chloe nang tiningnan niya si Joseph, naghahalo halo ang emosyon niya.“Paano mo ako nahanap?” tanong niya, puno ng pagtataka ang boses niya.“Tinawagan ako ni Emily at naisip ko na si Calvin yon.”Naalala ni Chloe ang mga sinabi sa kaniya ni Calvin at tinanong, “Sabi ni Calvin kumuha ka ng maraming tauhan para saktan si Ava. Totoo ba yon?”“Oo, ginawa ko,” walang emosyon niyang sagot dahilan para tumaas ang balahibo ni Chloe.Mas malupit pa ang lalaking ‘to kaysa sa inaakala niya.Mas lumalim ang tingin ni Joseph habang tinitingnan ang pag iiba ng emosyon ni Chloe. Habang palapit, nilagay niya ang kamay niya sa gilid ni Chloe, nasa harap niya mismo ang presensya ni Joseph.“Natakot ka ba?” tanong niya.“Hindi. Ginawa mo ‘yon kay Ava dahil sa akin,” sabi ni Chloe, nakatitig siya kay Joseph. “Sinag
“Hindi!” Walang pag-aalinlangang tumanggi si Chloe.Ngumisi si Joseph. “Pero papayag ka kung si Icarus?”Kumunot ang noo ni Chloe at tiningnan niya nang masama si Joseph. “Sinong nagbigay sa iyo ng karapatan na pagbintangan ako?”“Pero, hindi ba’t ganoon ka naman talaga?” Sagot ni Joseph.Mas lalong tumindi ang inis ni Chloe, dahilan para umiwas siya ng tingin at tumingin na lang sa bintana.Nakita yun ni Joseph bilang pag-amin ni Chloe, dahil dito ay nabalot siya ng galit. Tumayo siya agad at malakas na binagsak ang pinto.Unti-unting naglaho ang tunog ng mga hakbang niya.Bumaluktot si Chloe, mahigpit na niyayakap ang sarili. Halata ang pait sa kaniyang maputlang mukha.Pagkaalis ni Joseph, hindi na ulit ito nagpakita hanggang sa makalabas siya ng hospital.Sa isang kisapmata, isang buwan na ang lumipas. Ang caregiver na nag-aalaga sa kaniya ay sinamahan siya papunta sa Aesper at dalawang araw siyang sinamahan sa bahay niya. Gumaan lang ang pakiramdam nito nang makita niyang
Natigilan ang kamay niya.“Naka-secure ako ng appointment sa isang kilalang skin specialist sa bansa. Sasamahan kita dun, at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para masigurado na maaayos ang mukha mo.”Napakuyom ang kamao ni Icarus, naintindihan niya ang intensyon ni Chloe. Ayaw nitong magkautang sa kanya.Mukhang mayroong mga importanteng bisita sa loob ng opisina ni Alexander, kaya sinabihan ng secretary niya si Chloe na maghintay muna sa lounge.“Sige,” Sabi ni Chloe.Pagkatapos ng mga labinlimang minuto, bumukas ang pinto at nakita ang mukha ni Lucas.‘So, ang importanteng bisita na sinasabi ng secretary ni Mr. Alexander ay si Joseph?’“Kasama ko si Mr. Joseph. May pinag-uusapan sila ni Mr. Alexander,” Paliwanag ni Lucas.Natahimik si Chloe. Pakiramdam niya ay sinadya ni Alexander na pagsabayin ang schedule nila.Tila mayroon namang inaalala si Lucas. “Ms. Chloe, pwede niyo bang kausapin si Emily?”“Huh?”“Araw-araw niya akong pinapadalhan ng text messages. Hindi ako ma
Nanigas ang ekspresyon ni Chloe. Sinubukan niyang ngumiti upang subukang paniwalain si Harold. “Lolo, anong sinasabi niyo?”“Huwag ka na magpanggap!” Singhal ni Harold, gumagalaw ang bigote niya dahil sa galit. “Sa tingin mo ba dahil matanda na ako ay pwede ka ng makipagtulungan kay Joseph para lokohin ako?”Matagal na niyang iniisip kung paano nakahanap si Joseph ng asawa na hindi lang mabait pero napakaganda rin. Marami siyang naisip na paliwanag, pero hindi niya inakalang magpapakasal ito nang peke para maloko siya.Nahirapan magsalita si Chloe, aksidente niyang nalantad ang sarili ngayong maayos naman ang lahat.Habang pinagmamasdan ang pananahimik ni Chloe, mas lalong nainis si Harold at binaling ang galit kay Joseph na kalmadong nakaupo sa tabi niya. “Mawawala na sa iyo ang misis mo. Kumilos ka at huwag kang maupo na lang diyan!”Komportableng sumandal si Joseph sa sofa, magka-krus ang mga hita niya. Nakapatong ang kamay niya sa kaniyang noo, habang ang isa naman ay nasa arm
Nasa baba si Harold, nakaupo nang diretso, pakiramdam niya ay wala siya sa elemento niya pagdating sa pag-aayos ng mga romantic issues ng mga kabataan.Yumuko si Chloe at mahinang sumagot, “Ano po yun, lolo?”“Huwag kang mag-alala. Sinisigurado kong hindi na ulit magpapakita si Xavia sa inyo. Mag-focus na lang kayong dalawa ni Joseph sa buhay niyo,” Sabi ni Harold sa kaniya.Nanlaki ang mga mata ni Chloe sa gulat. “Lolo…”Dahil sundalo siya buong buhay niya, nabilad na sa araw ang mukha ni Harold, maitim ang kaniyang kulay. Habang tinitingnan nang ganito, namula siya, “Tapos na ito. Nangangak sa bahay ang pusa ng comrade ko, kailangan kong pumunta doon. Bye.”Kahit na aksidente lang yun, hindi maikakaila na may kasalanan si Joseph, dahilan para mailang si Harold na ipagtanggol siya. Walang makakapantay sa hiyang nararamdaman niya ngayon.Tinawag siya ni Chloe, “Lolo, nagpapasalamat po akong kinakampihan niyo ako, pero hindi na kami makakabalik sa dati ni Joseph.”“Hindi! Huwag m
Marahang binuksan ni Chloe ang pinto at pumasok sa study. Nakatalikod pa rin si Joseph, nakatingin lang siya sa computer screen. Madilim at seryoso ang kaniyang gwapong mukha, dahil ito sa inis niya sa ilang buwan ng lugi ng Whitman Group. Gustong-gusto niyang hilain si Jonathan at gulpihin ito.Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Jonathan, bakas sa boses niya ang matindi niyang inis. “I-terminate mo agad lahat ng projects na nag-invest ka nitong nakaraan quarter. Gusto ko rin kusa kang bumaba mula sa board of directors. Mag-focus ka sa role mo bilang administrative director at huwag kang mangialam sa anumang senior-level projects.”Bumilis ang tibok ng puso ni Chloe. Hindi niya mapigilang magtaka kung gaano kalaking damage ang dinulot ni Jonathan sa Whitman Group para magalit ang isang maimpluwensya at malakas na si Joseph. Napakalaki siguro ng lugi nila para mainis nang sobra si Joseph.“Hindi! Hindi mo itong pwedeng gawin sa akin, Joe! Bilang Whitman, natural lang na nasa
Pinagbawalan n Harold si Chloe na umuwi nang gabing yun at binigyan siya ng sariling kwarto para hindi siya mapilitang makasama si Joseph.Nagtago siya sa kwarto. Matapos makuha ang approval ni Harold, mas gumaan ang pakiramdam niya. Hindi niya dinala ang laptop niya sa office, kaya nag-scroll na lang siya sa kaniyang phone para mabawasan ang pagka-inip.Nang sandaling yun, nag-reply si Icarus sa message niya.[Naglalaro kami ng golf ng mga kaibigan ko malapit dun. Pauwi na ako nang makasalubong kita.]Binuksan ni Chloe ang map application sa phone niya at sinearch ang area sa paligid ng City Hall. Totoo nga na mayroong malapit na golf course doon. Medyo nahiya siya na pinag-isipan niya nang masama si Icarus.Tinext siya ulit ni Icarus. Link ito sa isang article.[Chloe, alam kong makikita mo rin ito, kaya mas mabuting sabihin ko na agad sa iyo. Hindi dapat sumama ang loob mo dahil sa akin o sa mga internet trolls na ito.]Binuksan niya ang link at nakitang mayroong sikretong ku
Habang nakatingin kay Joseph, napalitan ng hiya at galit ang gulat sa mata ni Chloe. Nahulog na siya sa kadiliman. Sa loob lang ng ilang segundo, nawalan na siya ng pag-asa.Parang isang robot siyang nahiga sa malamig na desk. Na-expose ang maputi at payat niyang mga hita mula sa kaniyang silk pajamas. Kasabay nito, puno ng lungkot ang kaniyang maliit na mukha. Ngunit kahit ganun, napakaganda at kaakit-akit pa rin siya. Ito ang klase ng charm na na nagmumula lang sa matinding dalamhati.Nang makita ni Joseph si Chloe sa ganitong sitwasyon, hindi niya mapigilan ang matindi niyang inggit. Tinakpan niya ang ibabaw ni Chloe at minarkahan ang buo nitong katawan bilang pagmamay-ari niya. Pinanganak na sensitibo sa ganitong aspeto ang mga lalaki.Pagkatapos ng isang round, pinisil niya ang malambot na mga pisngi ni Chloe. “Hindi ba’t ito ang first time mo?”Hindi huminga si Chloe. Kumurap siya at maluha-luhang tinitigan si Joseph. Para bang narinig niya ang pinaka nakakatawang biro sa mun