Share

Kabanata 318 Iniiwan Ka Na ng Misis Mo Kumilos Ka

Nanigas ang ekspresyon ni Chloe. Sinubukan niyang ngumiti upang subukang paniwalain si Harold. “Lolo, anong sinasabi niyo?”

“Huwag ka na magpanggap!” Singhal ni Harold, gumagalaw ang bigote niya dahil sa galit. “Sa tingin mo ba dahil matanda na ako ay pwede ka ng makipagtulungan kay Joseph para lokohin ako?”

Matagal na niyang iniisip kung paano nakahanap si Joseph ng asawa na hindi lang mabait pero napakaganda rin. Marami siyang naisip na paliwanag, pero hindi niya inakalang magpapakasal ito nang peke para maloko siya.

Nahirapan magsalita si Chloe, aksidente niyang nalantad ang sarili ngayong maayos naman ang lahat.

Habang pinagmamasdan ang pananahimik ni Chloe, mas lalong nainis si Harold at binaling ang galit kay Joseph na kalmadong nakaupo sa tabi niya. “Mawawala na sa iyo ang misis mo. Kumilos ka at huwag kang maupo na lang diyan!”

Komportableng sumandal si Joseph sa sofa, magka-krus ang mga hita niya. Nakapatong ang kamay niya sa kaniyang noo, habang ang isa naman ay nasa arm
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhevz Bernardino Pincas
updated pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status