Mayabang na tinaas ni Jane ang noo at sinabing, “Hindi yun maiintindihan ng isang tulad mong walang kwenta. Kilala ko ang vice president ng Cloude hospital. Siyempre, malalaman ko ang ganung bagay.”Base sa asta ni Jane, mukhang hindi siya nagsisinungaling. Gayunpaman, kung totoo man yun, maraming hindi maipaliwanag na aspeto sa sitwasyong ito tulad ng kung bakit ito tinatago ni Xavia kay Joseph. Sa kasalukuyan kondisyon ng katawan niya, malaking risk ang dala ng pagbubuntis. At saka, bakit sa Cloude City siya pumunta? Wala masyadong tourist attraction sa maliit na lugar na yun.Sa sandaling yun, isang batang couple ang dumaan sa harap nila.“Sinabi ko na sa iyo. Hindi ako pwedeng magpa-abort kung anim na buwan na akong buntis. Sinusubukan mo bang takasan ang pagbabayad ng dowry?” Sigaw ng babae.“Hindi, sweetheart. Magpapakasal din tayo. Pangako na mababayaran ko ang dowry balang-araw…”Inobserbahan ni Chloe ang couple hanggang sa mawala na ang ito sa paningin niya. Bigla siyang
Umangat ang tingin ng binata at tiningnan siya, puno ng init ng spring ang mga mata nito. “Ms. Chloe, nandito ka rin ba para bisitahin si Mr. Harold?”“Oo, mag-isa ka lang?”“Oo, busy ang mga elders ng pamilya ko.”“Pwede mo ba akong humiling ng pabor sa iyo?”“Sure. Sabihin mo lang sa akin ang kailangan mo, Ms. Chloe.”“Una, pumasok ka sa loob at tingnan mo kung may ibang tao sa ward. Kung wala, i-message mo ako at saka ako papasok.”Isang ngiti ang unti-unting lumitaw sa sulok ng mga mata ni Noah. “Ang “ibang tao” ba na sinasabi mo ay si Mr. Joseph?”“Oo….”“Okay, Ms. Chloe. Hintayin mo ang message ko.”“Hindi mo ako kailangang tawaging Ms. Chloe. Tawagin mo na lang akong Coco, o dahil mas bata ka sa akin, ate Coco na lang. Siyempre, hindi yun para samantalahin ka o anuman!”Ngumiti ang binata, sasagot na sana siya nang isang batang lalaki na may hawak na ice cream ang aksidenteng bumangga sa kaniya mula sa likuran. Mabilis na humingi ng tawad ang bata kay Noah, sinabi nit
Pinakita ni Chloe ang pagdududa niya, nagtanong siya, “Yun lang po ba?”Dahil hindi na siya nakatira sa villa, madali niyang matatanggap ang three-month buffer. Mabilis lang lumipas ang oras.“Oo, pero may isa akong kondisyon.”Makikita sa ekspresyon ni Chloe na hindi ito magiging madali katulad ng inaakala niya kanina.“Huwag kang matakot. Gusto ko lang bisitahin mo ako paminsan-minsan at i-check si Toto sa villa. Ang laki ng nabawas sa timbang ni Toto simula nang umalis ka.”Nasa dilemma si Chloe. Ibig sabihin ay hindi niya maiiwasang makita si Joseph. Ayaw niya itong makita sa ngayon, at hindi niya rin gustong magkaroon ng anumang contact sa kaniya.“Kung hindi pa rin kayo magkakaayos pagkatapos ng tatlong buwan, susuko na ako. Kung hindi, hindi ako mapapanatag dito sa ospital. Paano kung bigla akong mamatay?”Nangamba si Chloe sa sinabi ni Harold, “Lolo, huwag niyong sabihin ‘yan!”“Kung ganoon, pumapayag ka ba?”“Well…”“Ack, ack, ack!”Biglang nagsimulang umubo si Haro
“Sakay.” Walang bahid ng negosasyon ang tono ni Joseph.Bumagsak ang puso ni Chloe. Dahil pumayag siya sa hiling ni lolo, alam niyang kailangan niya itong harapin. Huminga siya nang malalim, binuksan niya ang pinto ng kotse at sumakay.“Nakausap ka na ba ni lolo tungkol doon?”“Mm.”“Tatlong buwan simula ngayon. Pero huwag mong asahan na patatawarin kita,” Malamig na sabi ni Joseph.Ngumiti nang maliit si Chloe. “Parang ako dapat ang nagsasabi sa iyo niyan.”‘Isang gago na nakipagtalik sa dalawang babae sa isang babae.’Tiningnan siya ni Joseph at mapanghamak na ngumisi. “Kung ganun, bakit ka pumayag sa sinabi ni lolo?”“Isa akong taong may damdamin at emosyon. Nagpapasalamat ako sa kabutihan na pinapakita sa akin ni lolo. Anong mali kung papayag ako sa hiling niya? Kailangan bang maging kasing sama at kawalang-puso kami katulad mo?”Suminghal si Joseph, tila kumbinsidong may tinatagong motibo si Chloe.Ayaw na niyang bigyan pa ng atensyon pa si Joseph, humalukipkip si Chloe
Nakapatong ang magandang kamay ni Joseph sa manibela ng sasakyan habang nakatingin sa passenger seat sa kaniyang rearview mirror. Inobserbahan niya ang itsura ni Chloe, sunod-sunod ang pagbabago sa features nito. Parang alon ang emosyon nito, dahilan para maintriga siya pero nag-iingat pa rin.Habang nakataas ang mga kilay, naging isang linya ang mga labi niya. Malinaw na naabot na ni Chloe ang isang importanteng desisyon.‘Kung ganun nga katindi ang pagnanais ni lolo na magka-apo, paano kung talagang dala-dala ni Xavia ang anak ni Joseph? Sa senaryo na yun, makakapasok siya sa pamilya Whitman dahil sa kasal, kasama ang anak na isang hindi maitatangging koneksyon. Kahit na ayaw man ni lolo kay Xavia, hindi naman niya ipagpipilitan ang abortion, hindi ba? Ang rebelasyon na yun ang posibleng makapagpapawalang-bisa sa three-month cooling-off period.’Nag-isip nang mabuti si Chloe at sinabing, “Nakasalubong ko si Jane kahapon.”Nanatiling seryoso ang mukha ng lalaki, halata ang paghihi
Naningkit ang mga mata ni Joseph. “Oo.”“May kutob akong nagsasabi ng totoo si Jane.”“Sinasabi mo bang talagang buntis si Xavia?”“Posible.”Nawala ang palabirong tono ng boses ni Nathan at seryosong sinabi, “Hindi ito nakakatawa.”Tumingala nang bahagya si Gabriel at sinabing, “Malalaman lang natin ang totoo kung titingnan natin ang surveillance footage. Kung nandoon talaga siya, siguradong may naiwang bakas.”Natahimik si Joseph. Kung talaga ngang buntis si Xavia, kailangan niya itong bigyan ng proper status. Yun ay isang bagay na ayaw niyang harapin o mangyari. Ayaw niya rin mag-imbestiga pa.Lahat ng naroon ay naiintindihan ang iniisip ni Joseph, at nag-desisyon silang lahat na huwag nang ituloy pa ang usapan, bukod kay Gabriel.Nag-desisyon si Gabriel na mag-isang kumilos, nagpadala siya ng tao para mag-imbestiga sa Cloude Hospital. Sa loob ng isang linggo, nakatanggap siya ng surveillance footage mula sa obstetrics and gynecology department ng ospital.Sinimulan niya it
Nagdilim ang ekspresyon ni Joseph. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Chloe at hinila siya papasok sa kotse niya. Dahil sa kaniyang inis, hindi niya pinansin ang lakas niya, nag-iwan ito ng marka sa kaniyang balat.Suminghap si Chloe dahil sa sakit. “Ouch! Nasasaktan mo ako!”Nang marinig yun, niluwagan ni Joseph ang hawak niya, pero hawak niya pa rin si Chloe, hindi siya makatakas. Kahit ayaw niya ay sumunod na lang siya sa kotse nito, umaasang maibsan ang sakit.“Inimbita ka ni Noah, ano?” Malamig na tanong ni Joseph, magkasalubong ang mga kilay niya.“Oo, anong problema?” Sagot ni Chloe, halata sa boses niya ang pagka-irita.Tinuon ni Joseph ang tingin sa mukha ni Chloe, pinansin niya ang layer ng makeup sa mukha niyo. Bakas ang panlalait sa boses niya habang nakangisi, “Ilang bilyon ang halaga ng mga bisitang nakakatanggap ng invitations sa mga ganung event, at gusto ni Noah na pumunta ang isang advertising spokesperson na tulad mo sa okasyon na yun. Nandun ka ba para mag-
Gayunpaman, sinumang kayang maikasal sa pamilya Whitman ay siguradong hindi ordinaryong tao, kaya pakiramdam niya ay hindi na niya kailangan mag-imbestiga pa.“Ikinagagalak kong makilala kayo, Mr. Desmod. Ako po si Chloe Johnson,” Pakilala ni Chloe kay Desmond.Nasiyahan si Desmond sa composure ni Chloe at sinenyasan niya itong maupo at uminom ng tsaa. Hindi niya alam ang intensyon ni Desmond, tinaas ni Chloe ang teacup at uminom, ninamnam ang bango at kakaiba nitong lasa. Kahit kaunti lang ang alam niya sa tsaa, masasabi niyang napakaganda ng kalidad nito.“So, kasal ka sa panganay na apo ni Harold?” Tanong ni Desmod.Bahagyang kumibot ang mukha ni Chloe. “O..opo.”Huminto sandali si Desmond, at mabait na ngumiti. “Normal lang para sa mga batang mag-asawa na mag-away. Isang remarkable talent si Joseph sa henerasyon niya. Karapat-dapat mo siyang pagkatiwalaan.”Hindi magawang tumanggi ni Chloe kaya naiilang na lang siyang tumango.Sa sumunod na kalahating oras, kaswal na nakipag