Nakapatong ang magandang kamay ni Joseph sa manibela ng sasakyan habang nakatingin sa passenger seat sa kaniyang rearview mirror. Inobserbahan niya ang itsura ni Chloe, sunod-sunod ang pagbabago sa features nito. Parang alon ang emosyon nito, dahilan para maintriga siya pero nag-iingat pa rin.Habang nakataas ang mga kilay, naging isang linya ang mga labi niya. Malinaw na naabot na ni Chloe ang isang importanteng desisyon.‘Kung ganun nga katindi ang pagnanais ni lolo na magka-apo, paano kung talagang dala-dala ni Xavia ang anak ni Joseph? Sa senaryo na yun, makakapasok siya sa pamilya Whitman dahil sa kasal, kasama ang anak na isang hindi maitatangging koneksyon. Kahit na ayaw man ni lolo kay Xavia, hindi naman niya ipagpipilitan ang abortion, hindi ba? Ang rebelasyon na yun ang posibleng makapagpapawalang-bisa sa three-month cooling-off period.’Nag-isip nang mabuti si Chloe at sinabing, “Nakasalubong ko si Jane kahapon.”Nanatiling seryoso ang mukha ng lalaki, halata ang paghihi
Naningkit ang mga mata ni Joseph. “Oo.”“May kutob akong nagsasabi ng totoo si Jane.”“Sinasabi mo bang talagang buntis si Xavia?”“Posible.”Nawala ang palabirong tono ng boses ni Nathan at seryosong sinabi, “Hindi ito nakakatawa.”Tumingala nang bahagya si Gabriel at sinabing, “Malalaman lang natin ang totoo kung titingnan natin ang surveillance footage. Kung nandoon talaga siya, siguradong may naiwang bakas.”Natahimik si Joseph. Kung talaga ngang buntis si Xavia, kailangan niya itong bigyan ng proper status. Yun ay isang bagay na ayaw niyang harapin o mangyari. Ayaw niya rin mag-imbestiga pa.Lahat ng naroon ay naiintindihan ang iniisip ni Joseph, at nag-desisyon silang lahat na huwag nang ituloy pa ang usapan, bukod kay Gabriel.Nag-desisyon si Gabriel na mag-isang kumilos, nagpadala siya ng tao para mag-imbestiga sa Cloude Hospital. Sa loob ng isang linggo, nakatanggap siya ng surveillance footage mula sa obstetrics and gynecology department ng ospital.Sinimulan niya it
Nagdilim ang ekspresyon ni Joseph. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Chloe at hinila siya papasok sa kotse niya. Dahil sa kaniyang inis, hindi niya pinansin ang lakas niya, nag-iwan ito ng marka sa kaniyang balat.Suminghap si Chloe dahil sa sakit. “Ouch! Nasasaktan mo ako!”Nang marinig yun, niluwagan ni Joseph ang hawak niya, pero hawak niya pa rin si Chloe, hindi siya makatakas. Kahit ayaw niya ay sumunod na lang siya sa kotse nito, umaasang maibsan ang sakit.“Inimbita ka ni Noah, ano?” Malamig na tanong ni Joseph, magkasalubong ang mga kilay niya.“Oo, anong problema?” Sagot ni Chloe, halata sa boses niya ang pagka-irita.Tinuon ni Joseph ang tingin sa mukha ni Chloe, pinansin niya ang layer ng makeup sa mukha niyo. Bakas ang panlalait sa boses niya habang nakangisi, “Ilang bilyon ang halaga ng mga bisitang nakakatanggap ng invitations sa mga ganung event, at gusto ni Noah na pumunta ang isang advertising spokesperson na tulad mo sa okasyon na yun. Nandun ka ba para mag-
Gayunpaman, sinumang kayang maikasal sa pamilya Whitman ay siguradong hindi ordinaryong tao, kaya pakiramdam niya ay hindi na niya kailangan mag-imbestiga pa.“Ikinagagalak kong makilala kayo, Mr. Desmod. Ako po si Chloe Johnson,” Pakilala ni Chloe kay Desmond.Nasiyahan si Desmond sa composure ni Chloe at sinenyasan niya itong maupo at uminom ng tsaa. Hindi niya alam ang intensyon ni Desmond, tinaas ni Chloe ang teacup at uminom, ninamnam ang bango at kakaiba nitong lasa. Kahit kaunti lang ang alam niya sa tsaa, masasabi niyang napakaganda ng kalidad nito.“So, kasal ka sa panganay na apo ni Harold?” Tanong ni Desmod.Bahagyang kumibot ang mukha ni Chloe. “O..opo.”Huminto sandali si Desmond, at mabait na ngumiti. “Normal lang para sa mga batang mag-asawa na mag-away. Isang remarkable talent si Joseph sa henerasyon niya. Karapat-dapat mo siyang pagkatiwalaan.”Hindi magawang tumanggi ni Chloe kaya naiilang na lang siyang tumango.Sa sumunod na kalahating oras, kaswal na nakipag
Ngumisi si Chloe sa salitang “na naman”, hindi siya makapaniwala. Laging kinakampihan ng mga tao ang mas mahinang party at sila ang tinatrato nang mabuti. Kitang-kita ito sa naaawang tingin ng mga tao kay Ava at matalim na tingin kay Chloe.Pagkatapos ng lahat, kilala nilang lahat si Calvin at wala masyadong impresyon kay Chloe kahit na medyo pamilyar ito sa kanila. Akala nila ay kilalang artista si Chloe.“Hindi ako makapaniwalang kayang maging bayolente ng ganiyang kagandang babae.”“Nakakaloko talaga ang itsura. Maraming dalaga ang nagpapanggap at iba ang ginagawa kapag sarado na ang pinto.”“Sinong nag-imbita sa kaniya? Ang lakas ng loob niyang i-bully ang inaanak ni Mr. Calvin.”Habang tuloy-tuloy ang mga komento na yun, naningkit ang mga mata ni Joseph, nagdilim ang ekspresyon niya. Nakatingin siya kay Chloe, hinihintay niya itong magmakaawa sa tulong niya. Pero, hindi siya pinansin ni Chloe.Hindi natinag si Chloe, kalmado siya at marahang kinagat ang pulang mga labi na na
Napalingon nang bahagya si Chloe at sinabing, “Mag-ingat ka. Kapag hindi maganda ang sitwasyon, pwede tayong tumakbo.”Nang makita ang determinasyon ni Joseph, tinawag ni Calvin ang isang grupo ng mga maskuladong bodyguards na walang takot na lumapit.Kinuyom ni Joseph ang kamao niya, kitang-kita ang kaniyang mga ugat, naka-arko ang likod niya na parang isang leopard, handang sugurin ang mga kalaban niya anumang sandali.Sumigaw si Calvin, “Turuan niyo siya ng leksyon.”Pagkasabi nito, isa sa mga bodyguard ang sumugod kay Joseph.Isang malakas na kalabog ang narinig nang mabilis na sipain ni Joseph ang sumugod sa kaniya, bumagsak ito sa pinto ng banyo.Tumahimik ang buong hallway, pati na rin si Calvin ay nanahimik.Sa galit, sumigaw si Ava, “Anong tinatayo-tayo niyo diyan? Sugurin niyo siya!”Sunod-sunod nilang sinugod si Joseph.Isa, dalawa, tatlo…Natatarantang pinanood ni Chloe ang nangyayaring gulo, at sa kritikal na sandali, dumapo ang tingin niya sa binatang pababa ng
Tumagilid nang bahagya ang ulo ni Noah at kalmadong sumagot, “Sa tingin ko.”Tumawa si Joseph, parang tumutusok sa lahat ang malamig niyang mga mata.Habang nagpapatuloy ang banquet, hindi na nakita pa sina Ava at Calvin. Nagtaka si Chloe. Pagkatapos ng lahat, nag-effort silang pumunta dito, kaya nakakapagtaka na hindi na sila magpakita dahil lang sa nangyari. Sa tila espesyal na relasyon ni Calvin sa mga Sullivan, hindi ba dapat ay mas alalahanin niya ang event na ito?Nanatili muna si Desmond sa event at nakipagpalitan ng pleasantries sa iba bago humarap kay Joseph at tanungin ang kondisyon ni Harold.“Well, hindi maiiwasan na magkaganito kapag tumatanda ka na. Nag-aalala kami sa mga anak namin at sa susunod na henerasyon. Katulad ni Harold, kay Noah na ako umaasa ngayon.” Komento ni Desmond.Tumango si Joseph. “Ngayong nagtutulungan ang pamilya natin, tutulungan ko siya sa future. Huwag kayong mag-alala, Mr. Desmond.”Maliban na lang kung mayroong mangyayaring hindi nila inaas
Nang makarating sa bahay ni Joseph, nagpalit si Chloe ng isang disposable slippers na kadalasang sinusuot ng mga bisita. Pumasok siya sa kusina at inabala ang sarili sa pagluluto.Dumapo ang tingin ni Joseph sa white cartoon slippers sa loob ng wardrobe, dahilan para muling magsalubong ang mga kilay niya.“Bakit hindi mo suot ang original pair mo?” Tanong niya.Nagulat si Chloe sa tanong na yun habang kumikilos siya sa kusina. Natigilan siya sandali bago kaswal na sumagot, “Ayaw kong isuot. Itatapon ko din ito pag-alis ko.”“Bakit mo itatapon?” Tanong ni Joseph, kahit na alam na niya ang sagot.“Hindi na ako dito nakatira. Gusto mo bang itabi ko ito bilang keepsake?” Sagot ni Chloe. Walang pasabing binagsak ni Joseph ang pinto at pumasok sa study. Makalipas ang kalahating oras, lumabas siya sa kwarto at tiningnan ang pagkaing nasa kusina. Kumuha siya ng tinidor, nagsimula siyang kumain.Naguluhan si Chloe. “Hindi ba’t para kay lolo ang pagkain na ‘to?”“Nakatulog daw siya sabi