Share

Kabanata 332 Pag-entertain ng mga Tao

Nagdilim ang ekspresyon ni Joseph. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Chloe at hinila siya papasok sa kotse niya. Dahil sa kaniyang inis, hindi niya pinansin ang lakas niya, nag-iwan ito ng marka sa kaniyang balat.

Suminghap si Chloe dahil sa sakit. “Ouch! Nasasaktan mo ako!”

Nang marinig yun, niluwagan ni Joseph ang hawak niya, pero hawak niya pa rin si Chloe, hindi siya makatakas. Kahit ayaw niya ay sumunod na lang siya sa kotse nito, umaasang maibsan ang sakit.

“Inimbita ka ni Noah, ano?” Malamig na tanong ni Joseph, magkasalubong ang mga kilay niya.

“Oo, anong problema?” Sagot ni Chloe, halata sa boses niya ang pagka-irita.

Tinuon ni Joseph ang tingin sa mukha ni Chloe, pinansin niya ang layer ng makeup sa mukha niyo. Bakas ang panlalait sa boses niya habang nakangisi, “Ilang bilyon ang halaga ng mga bisitang nakakatanggap ng invitations sa mga ganung event, at gusto ni Noah na pumunta ang isang advertising spokesperson na tulad mo sa okasyon na yun. Nandun ka ba para mag-
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status