Tumagilid nang bahagya ang ulo ni Noah at kalmadong sumagot, “Sa tingin ko.”Tumawa si Joseph, parang tumutusok sa lahat ang malamig niyang mga mata.Habang nagpapatuloy ang banquet, hindi na nakita pa sina Ava at Calvin. Nagtaka si Chloe. Pagkatapos ng lahat, nag-effort silang pumunta dito, kaya nakakapagtaka na hindi na sila magpakita dahil lang sa nangyari. Sa tila espesyal na relasyon ni Calvin sa mga Sullivan, hindi ba dapat ay mas alalahanin niya ang event na ito?Nanatili muna si Desmond sa event at nakipagpalitan ng pleasantries sa iba bago humarap kay Joseph at tanungin ang kondisyon ni Harold.“Well, hindi maiiwasan na magkaganito kapag tumatanda ka na. Nag-aalala kami sa mga anak namin at sa susunod na henerasyon. Katulad ni Harold, kay Noah na ako umaasa ngayon.” Komento ni Desmond.Tumango si Joseph. “Ngayong nagtutulungan ang pamilya natin, tutulungan ko siya sa future. Huwag kayong mag-alala, Mr. Desmond.”Maliban na lang kung mayroong mangyayaring hindi nila inaas
Nang makarating sa bahay ni Joseph, nagpalit si Chloe ng isang disposable slippers na kadalasang sinusuot ng mga bisita. Pumasok siya sa kusina at inabala ang sarili sa pagluluto.Dumapo ang tingin ni Joseph sa white cartoon slippers sa loob ng wardrobe, dahilan para muling magsalubong ang mga kilay niya.“Bakit hindi mo suot ang original pair mo?” Tanong niya.Nagulat si Chloe sa tanong na yun habang kumikilos siya sa kusina. Natigilan siya sandali bago kaswal na sumagot, “Ayaw kong isuot. Itatapon ko din ito pag-alis ko.”“Bakit mo itatapon?” Tanong ni Joseph, kahit na alam na niya ang sagot.“Hindi na ako dito nakatira. Gusto mo bang itabi ko ito bilang keepsake?” Sagot ni Chloe. Walang pasabing binagsak ni Joseph ang pinto at pumasok sa study. Makalipas ang kalahating oras, lumabas siya sa kwarto at tiningnan ang pagkaing nasa kusina. Kumuha siya ng tinidor, nagsimula siyang kumain.Naguluhan si Chloe. “Hindi ba’t para kay lolo ang pagkain na ‘to?”“Nakatulog daw siya sabi
Nang maharap sa umaasang tingin ni Xavia, umiwas ng tingin si Joseph at kalmadong sinabi, “Maghintay muna tayo na umabot ng apat na buwan ang fetus para magawa ang amniocentesis bago tayo mag-desisyon.”Nagsisimula pa lang ang masayang emosyon ni Xavia bago siya ulit masabuyan ng malamig na tubig. Tumaas ang boses niya, “Anong ibig mong sabihin?”Walang emosyong sumagot si Joseph, “Gusto mo ba talagang sabihin ko pa sa iyo?”Natahimik si Xavia.‘Imposible. Imposibleng alam niya. Walang mali sa plano ko. Nagsusupetya lang siguro siya ngayon. Tama. Wala siyang ebidensya. Kailangan ko lang maging kalmado.’Nang maisip yun, sinubukan ni Xavia na abutin ang kamay ni Joseph, pero nabasa nito ang intensyon niya at umiwas sa kaniyang hawak.“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Kung may tanong ka, sabihin mo lang nang direkta. Matagal na tayong magkakilala. Sabihin mo lang ang nasa isip mo,” Sabi niya.Sa sinabi niya, biglang tumawa si Joseph. Totoo nga, matagal na silang magkakilala,
Metikulosang nireport ni Xavia ang nangyari sa Fairlight kaninang umaga sa taong “S” ang nakasave na pangalan sa kaniyang phone.S: [Magaling. Mag-ingat ka na huwag mag-expose ng anuman at putulin mo na agad ang contact mo kay Eustace.]Xavia: [Sa tingin ko ay hindi agad papayag si Eustace na makipaghiwalay. At saka, anong gagawin natin kung kailangan nating gawin ang amniocentesis?]S: [Huwag ka mag-alala. Kapag apat na buwan na ang fetus, bibigyan kita ng instructions. Para naman kay Eustace, ngayong wala na siyang silbi, humanap ka ng paraan para mawala na siya.]Alam ni Xavia ang kahulugan ng salitang “mawala,” at bakas ang takot sa kaniyang mukha.Naging abala si Chloe sa trabaho niya para maiwasang ma-overwhelm sa anumang emosyon. Tinanggihan niya pa ang alok ni Emily na kumain sa labas.Nagdesisyon na lang si Emily na magpunta sa mall at bumili ng isang serving ng paboritong crab cakes ni Chloe bago pumunta sa Johnson Group.“Huwag mong sobrang pagurin ang sarili mo. Kung
Natigilan sandali si Joseph, binaba niya ang bintana ng sasakyan pero maliit lang. “Magsalita ka na. Anong gusto mo?”Nag-alinlangan si Emily, hindi sigurado kung paano sasagot.“Anong ginagawa mo dito?” Si Lucas na kababalik lang dala ang kaniyang almusal ay nakaramdam ng kaba nang makita niya si Emily. Nitong nakaraan ay lagi siyang pinapaulanan ng text ni Emily at unti-unting naging malapit sila sa isa’t-isa.Tinago ni Emily ang itim na bag sa likuran niya at ngumiti. “Nope. Wala.”Habang binubuksan ni Lucas ang pinto ng kotse, mabilis siyang tinulak ni Emily at pwersahang hinagis ang laman ng black bag kay Joseph. Mabilis na kumilos si Joseph at kinuha ang katabing dyaryo para takpan ang sarili. Kahit na nagawa niyang maharang ang karamihan sa laman ng bag, may kaunti pa rin na dumikit sa suit niya.Sa loob ng kotse, nabalot ng nakakasulasok at nakakasukang amoy ang loob, may halong sibuyas, blue cheese at hindi makilalang kulay gray na likido na mayroong masangsang na amoy.
“Mrs. Regina, nakipagkita kami ni Icarus sa pinakamagaling na dermatologist. Gagaling din ang sugat. Sa kasal naman niya… Hindi kailangan magmadali,” magalang na sabi ni Chloe.“Matatagalan bago gumaling ang sugat niua at nasa thirties na siya. Hindi ‘to pwedeng isantabi.”“Oo, matatagalan bago mawala ang sugat,” maingat na sabi ni Chloe, “Pero hindi dapat minamadali ang relasyon.”May ibang dating kay Regina Martin ang mga salita ni Chloe. “Anong problema? Minamaliit mo ba ang anak ko?”“Mrs. Regina, hindi yun ang ibig kong sabihin. Nararamdaman ko lang na hindi kami para sa isa't isa.”“Ang mahalaga alam mo na hindi ka nararapat sa anak ko. Masaya akong napagtanto mo yan pero hindi mahalaga sa pamilya namin ang social status ng ibang tao. Hindi mo kailangan manliit. Samahan mo lang ang anak ko.”Kinamot ni Chloe ang noo niya at napagdesisyunan na sabihin ang totoo.Sa oras na yun, dumating si Icarus. “Mom, anong ginagawa mo rito?”Hindi siya sumangayon doon. Nakasuot pa siya
Mapang-asar na ngumisi si Chloe. “Ano naman kung ikakasal ako? Wala kang kinalaman doon.”“Sagutin mo ako.” Diniinan ni Joseph ang hawak niya. Galit, malamig at masama ang ekspresyon niya.“Huwag kang mangialam sa ginagawa ko. Magiging tatay ka na. Hindi ba't mali na hawakan mo ako?” Namula ang maputing baba ni Chloe. Napakunot siya sa sakit.Alam niya ang totoo. Hindi niya sinubukan na itago ito sa kaniya o talagang hindi niya binalak. Kung hindi niya anak yun, hahayaan niya ba manatili si Xavia sa villa?“May kakaiba dito. Hinihintay ko ang resulta ng amniocentesis mga apat na buwan mula ngayon.” Hindi siya makasigurado nang walang ebidensya.“Ano hihintayin kita? Para saan?” Inangat ni Chloe ang kamay niya para punasan ang luha niya. Wala na siya sa mood makipag usap sa kaniya. “Pwede bang umalis ka?”Nakaramdam ng sakit sa puso si Joseph nang makita niya ang pagod at walang pakialam na tingin ni Chloe. Parang matagal na nang makita niya ang ngiti ni Chloe. Noon, masayahin si
Gumamit siya ng matinding lakas, at nanigas ang katawan ni Chloe dahil sa sakit. Sinipa niya ito pero hinawakan nito ang paa niya at madali siyang nakontrol.Napatingin siya sa madugong marka ng ngipin sa leeg ni Chloe at natuwa. “Gusto mo ba ng mga ganitong klaseng regalo?”“Walang hiya ka!” Hindi magawang matanggap ni Chloe ang ganitong klaseng kahihiyan, kaya sinubukan niya ang lahat ng makakaya para pigilan ito.Bigla naman pumasok si Emily sa kwarto kasunod ni Lucas. Nang makita nila ang eksena, nanlaki sa gulat ang kanilang mga mata. Galit na tinulak ni Emily si Joseph palayo at hinarangan si Chloe.Hindi na ginulo pa ni Joseph si Chloe, malamig niya lang itong tiningnan at umalis. Bumalik naman sa sarili si Lucas at mabilis na sumunod kay Joseph. Pagkaalis nila, nakahinga nang maluwag si Emily bago lagyan ng plaster ang sugat ni Chloe.“Aso ba siya? Bakit niya ito ginawa?”Hinawakan ni Chloe ang leeg niya at yumuko. “Huwag na natin siyang pag-usapan.”Sa baba, ibang kotse