Share

Kabanata 316 Hindi Kita Pipilitin na Bigyan ng Kahulugan ang Relasyon Natin

“Hindi!” Walang pag-aalinlangang tumanggi si Chloe.

Ngumisi si Joseph. “Pero papayag ka kung si Icarus?”

Kumunot ang noo ni Chloe at tiningnan niya nang masama si Joseph. “Sinong nagbigay sa iyo ng karapatan na pagbintangan ako?”

“Pero, hindi ba’t ganoon ka naman talaga?” Sagot ni Joseph.

Mas lalong tumindi ang inis ni Chloe, dahilan para umiwas siya ng tingin at tumingin na lang sa bintana.

Nakita yun ni Joseph bilang pag-amin ni Chloe, dahil dito ay nabalot siya ng galit. Tumayo siya agad at malakas na binagsak ang pinto.

Unti-unting naglaho ang tunog ng mga hakbang niya.

Bumaluktot si Chloe, mahigpit na niyayakap ang sarili. Halata ang pait sa kaniyang maputlang mukha.

Pagkaalis ni Joseph, hindi na ulit ito nagpakita hanggang sa makalabas siya ng hospital.

Sa isang kisapmata, isang buwan na ang lumipas. Ang caregiver na nag-aalaga sa kaniya ay sinamahan siya papunta sa Aesper at dalawang araw siyang sinamahan sa bahay niya. Gumaan lang ang pakiramdam nito nang makita niyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status