Share

Kabanata 296 Huwag Ka ng Magpanggap Na Inosente

Pagkatapos dalhin ng mga pulis si Benjamin, bumagsak na ang responsibilidad sa pamamahala ng kumpanya ng pamilya sa mga balikat ni Chloe.

Dati ay si Benjamin ang nagbibigay ng tasks sa kaniya, at hindi siya nangingialam sa internal matters. Kahit na mas involved na siya nitong nakaraang mga araw, wala na siyang sapat na oras para asikasuhin ito.

Matapos makauwi galing sa ospital, ni-lock ni Chloe ang sarili sa opisina. Nagulat siya sa nadiskubre niyang katotohanan—-hindi nagsinungaling si Benjamin sa kaniya. Dalawang magkasunod na quarter na ang nalugi sa opisina, at kapag nagpatuloy ito, maaari silang ma-bankrupt.

Ang tanging project lang na maaaring makabaligtad sa resulta ay ang collaboration sa Graham Group. Na-overwhelm si Chloe sa sitwasyon. Kung hindi sila nag-divorce ni Joseph, baka handa pang tulungan ng mga Graham ang mga Johnson. Pero ngayon….

Naging abala si Chloe buong gabi, umisip siya ng mga paraan para mabaligtad ang sitwasyon. Binalewala niya ang plano ni Benjamin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status