Share

Kabanata 303 Isang Dolyar

Paulit-ulit siyang sinampal ng lalaki. Nakatali ang mga paa at kamay ni Chloe, kaya hindi siya makapalag. Kaya naman, kailangan niyang tiisin ang brutal na torture.

Nagtatago si Icarus sa likod ng damuhan, sobra siyang naaawa kay Chloe. Pero, alam niyang hindi pa siya pwedeng magpakita ngayon. Hindi niya kayang talunin ang apat na lalaki, at mawawalan siya ng pagkakataon na humingi ng tulong sa iba.

Dahil sa paulit-ulit na sampal, sobrang namaga ang mukha ni Chloe. Ilang beses din sinipa ang katawan niya. Nabalot ng matinding sakit ang internal organs niya.

Napangiti sa tuwa si Ava, pinagmasdan niya si Chloe na parang siya na ang panalo. “Appetizers pa lang ang mga sampal na yan. Masyado ka kasing pakialamera. Bakit ka nagsumbong kay Jonathan?”

Ilang araw na siyang hindi pinapansin ni Jonathan at gusto pa nitong makipaghiwalay sa kaniya. Matapos ang ilang interrogation, nalaman niyang kagagawan yun ni Chloe. Si Chloe ang nagsabi kay Jonathan na engaged dati si Ava kay Jake.

Bilang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status