Share

Chapter 26

Author: jaydeeace
last update Last Updated: 2021-08-09 20:08:35

"Daddy!"

Sinalubong agad ako ni Syrah ng mahigpit na yakap pagkabukas niya ng gate ng bahay nila. Nakabihis na siya at mukhang ready na silang mag ina na umalis.

Syrah is wearing her simple white jumper shorts partnered with her pink off shoulder blouse. Naka white Adidas rubber shoes siya, at naka braid na dalawa ang buhok niya.

Nasa Caloocan na naman kasi ako ngayon dahil nangako ako sa kanila na ngayon kami bibili ng mga furniture para sa bagong bahay namin.

Bumitaw siya sa pagkakayakap para harapin ang mukha ko, "Daddy, we will buy furniture, diba po?"

Ngumiti ako sa kanya saka hinimas ang uluhan niya, "Yes baby. We will buy things for out new house."

Naaptingin ako sa gate ng bahay nila nang biglang bumukas ito. It turns out that it was Chelsy. She is wearing her simple white lace dress partnered with her brown sandals. Nakalugay ang buhol niya kaya kita ang pagka wavy ng buhok niya.

"Lets go?" Nakangiting tanong niya sa akin habang nilalagay ang susi ng bahay nila sa maliit na brown shoulder bag niya na gold chains ang strap.

Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa, saka ako tumango, "Yes, lets go."

"Daddy, I want those pink stuffs sa room ko. Because I want na kulay pastel pink and white ang kulay ng room ko," tinignan ako ni Syrah habang karga ko siya, "what do you think daddy? I that okay?"

Ngumiti ako sa kanya, "Of course it's okat, princess."

Naramdaman kong humawak sa braso ko si Chelsy kaya tinignan ko siya, "Are you sure? You can say no to Syrah," bulong niya sa akin.

Pasimple akong dumukwang para mabulungan ko siya, "As long as she's happy, I'm okay with that."

Nang makarating kami sa department store, sa lugar kung saan puro furniture, agad na nag pababa si Syrah para makatingin daw siya ng mga gamit na ilalagay sa kwarto niya.

"How about this, hon?" Tanong ko kay Chelsy habang parehas namin pinagmamasdan ang glass table na sa tingin ko ay babagay para sa dining table.

Gulat na nag angat ng tingin si Chelsy sa akin, "H-hon?"

Palihim akong napanagiti sa itsura niya. Gulat na gulat siya sa tinawag ko sa kanya, but I find it cute.

Imbes na sumagot sa kanya, nag tawag ako ng mag assistant para sabihin na kukunin namin ang mesa.

"Daddy!"

Napalingon ako kay Syrah nang hatak hatakin niya ang kamay ko para papuntahin sa kung saan.

Hinarap ko ang assist, "Wait lang ah," paalam ko at tumango naman ito sa akin kaya nag pahatak na ako kay Syrah.

"Tada!"

Tinignan ko ang tinuturo ni Syrah. Queen size bed siya n amay comforter na pink, vanity chair na pink, closet na puti, maliit na sofa na kulay puti na may unan na pink.

"Daddy," hinarap ako ni Syrah at pinagsiklop ang mga kamag niya, "Can I have those things sa room ko?"

"Syrah," rinig kong sabi ni Chelsy sa likod ko pero nanatili ang tingin ni Syrah sa akin.

Namulsa ako saka nag kibit balikat, "Sure baby."

"Yehey!"

Agad kong naramdaman ang pagsiko ni Chelsy sa likuran ko kaya tinignan ko sjya, at nag thumbs up ako sa kanya saka tumango. Nakita ko ang pag irap niya, kaya natawa ako.

Natapos kami sa pamimili ng mga gamit. Mula sa mga gamit sa kwarto, dining area, living room, cr at ultimo pati mga gamit sa terrace ay tinapos na namin. Ma dedeliver daw ang mga gamit sa bahay within two weeks.

"Daddy, bankrupt ka na po?"

Napatingin ako kay Syrah na nasa tabi ko habang kumakain ng ice cream niya.

"No baby," nilagay ko ang kamay ko sa uluhan niya, "Bakit mo namam naitanong iyan?"

"Kasi po, lahat po ng furniture ay binili niyo na po ngayon. As in, agad agad po," sabi niya kaya natawa ako.

"Daddy has a lot of savings okay, so don't worry," sabi ko at ngintian siya kaya ngumiti na rin siya.

"Baby here," abot ni Chelsy ng tissue kay Syrah para punasan ang bibig niya na may ice cream.

Inabot ito ni Syrah saka pinunasan ang bibig, "Thanks, mommy."

Sandali kaming nag ikot hanggang sa mag aya si Syrah na pumasok sa isang pet shop.

"Wow! Daddy look oh, it's so cute!" Turo ni Syrah sa isang tuta na Corgi ata ang lahi.

Nilapitan siya ni Chelsy at sumunod ako sa kanya. Nakita kong tinignan ni Chelsy ang presyo na nakalagay sa kulungan ng aso.

"Puta, ang mahal," rinig kong bulong niya kaya natawa ako ng bahagya.

"Ay daddy, mas cute po ito," turo ni Syrah sa Husky puppy na nakakulong sa cage rin.

Lumuhod ako sa tabi niya, "Do you like that? Do you want one?"

"Sebastian, no," rinig kong sabi ni Chelsy sa likod ko pero hindi ko siya pinansin.

I saw how Syrah pursed her lips at unti unting umiling, "I can have that cute puppy, soon po," nag angat ng tingin si Syrah kay Chelsy at nakita kong ngumiti ito sa kanya.

Nag aya na rin si Chelsy na umuwi dahil baka raw kung ano pa makita ni Syrah at mag pabili ito. Hinatid ko na ang mag ina ko sa bahay, at nag stay ako sandali dahil nag iinarte si Syrah.

"Daddy, look oh," pinakita niya sa akin ang notebook niya sa Math, "Lahat po perfect! Sabi nga po ni teacher, sobrang talino ko nga raw po eh."

Napansin ko rin na ngiting ngiti si Chelsy sa tabi ko habang nag tatanggal ng sapatos niya. Hindi ko siya masisisi kung proud siya sa anak niya na matalino. Mukhang namana ni Syrah ang talino ni Chelsy pagdating sa Math.

"Wow!" Kinuha ko ang notebook niya at tinignan ito. Lahat ng seat work at homework niya, perfect. Kung hindi perfect, one to two mistakes lang siya.

"Tapos ito pa po daddy oh. Best in Math," inabot niya sa akin ang medal niya at kinuha ko naman ito, "Best in Science," inabot niya ulit ang medal niya, "At, best in History po."

Namamangha ko tinignan ang mga medalya na binigay niya sa akin. Ang award niya na ito ay nakuha niya last year, and hindi na ako mag tataka kung pati ngayon ay marami siyang awards.

"Wow naman, you're so intelligent baby," hinalikan ko siya sa ulo niya, "Keep up the good work anak, but remember, don't pressure yourself okay. Kahit wala ng awards and recognition, ayos lang sa amon ni mommy," nag angat ako ng tingin kay Chelsy, "Right, hon?"

Tumango si Chelsy at niyakap si Syrah, "I don't care kung wala kang mga awards, ang importante you did your best."

"Thanks mom," hinalikan ni Syrah ang pisngi ni Chelsy, "Thanks dad," ako naman ang hinalikan niya.

Dito na ako nag palipas ng gabi sa bahay nila. Mabuti nalang ag may dala akong damit na pambahay at pang alis. Tabi-tabi kaming tatlo sa kama nila. Magkabilan dulo kmai ni Chelsy, habang si Syrah ay nasa gitna namin at yakap namin dalawa pareho.

"I love you," inabot ko si Chelsy para mahalikan ko siya sa noo niya.

"I love you too," pabulong na sagot niya sa akin.

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Dahan dahan akong umalis mula sa pagkakahiga ko, sinisigurado kong walang ingay na magagawa. Pagkalabas ko ng kwarto, doon ko sinagot ang tawag.

[Anak! Bakit ang tagal mo sagutin?]

Napakamot ako sa noo ko, "Mom, I was sleeping. What do you expect, maririnig ko kaagad ang tawag mo?"

[Oh my son, palabiro ka pa rin hanggang ngayon.]

Naupo ako sa sofa habang humihikab pa, "Bakit ka po napatawag?"

[I heard that you already gave the ring you bought 9 years ago for that same girl. I want to meet her today.]

Nawala bigla ang antok ko at agad akong napatayo mula sa pagkakaupo, "What? Today? As in, today," tinignan ko ang orasan dito sa salas nila, alas-sais na pala ng umaga.

[Of course! Ayaw mo ba, or you're busy right now? Teka, nasaan ka ba?]

Napakamot ako sa ulo ko at naupo ulit, "Nasa bahay po nila Chelsy."

[Great! Then wake her up para makilala ko siya.]

Bumuntong hininga ako, "Mom, Chelsy has a daughter already. She's a single mother," alanganin kong sabi.

[Sebastian, anong akala mo sa akin, huhusgahan siya?]

Napangiti ako sa kawalan nang marinig ko ang sinabi ng aking ina.

"Okay lang po sayo? I mean, I'm okay with it, but how about you and dad?" Tanong ko ulit habang pinaglalaruan ko ang pang ibabang labi.

[Of course we're okay with it. Hindi naman sarado isip namin, anak.]

Sandali pa kaming nag usap hanggang sa marinig ko ang pag bukas ng pintuan ng kwarto. Napatingin ako doon, at nakita ko si Chelsy na bagong gising. She mouthed the word sino kausap mo?

"Chelsy is here po," sabi ko at nilahad kay Chelsy ang telepono.

"H-hello po?" Takang tanong ni Chelsy at dahan dahan naupo sa tabi ko.

"Ay! Good morning po, tita. Kumusta po kayo," bati ni Chelsy at tinignan ako ng alanganin kaya nginitian ko lang siya tumango.

"Ngayon po? Mga anong oras po?" Tanong ni Chelsy.

Nag signal ako sa kanya na pupunta lang ako sa banyo, kaya nag thumbs up siya sa akin habang tumatango.

Nag sipilyo at hugas ng mukha lang ako saka ako lumabas ng banyo nila.

"Uhm, mga 10 po gumigising si Syrah. Siguro po lunch, pwede?" Unsure na sabi ni Chelsy at tinignan ako.

Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa tabi niya. I wrapped my arms around her shoulders, para maisandal ko siya sa dibdib ko. I gently brished her hair using my hands.

"Sige po, sige po," huling sinabi ni Chelsy sa telepono bago niya binalok sa akin.

"Hello ma?" Sabi ko pagkakuha ko ng telepono kay Chelsy.

[I'll be expecting you here at around 12 in the afternoon today, okay anak?]

Tinignan ko si Chelsy at nag thumbs up siya sa akin bago tumayo at pumunta sa banyo.

"Sige po ma. See you later po," paalam ko at si mom na ang nag baba ng tawag.

"I'm nervw, this will be the first time that I will meet your family," naupo sa tabi ko si Chelsy at niyakap ako sa bewang, "Although, nakilala ko si tito because siya palagi ang doctor ko noon."

Hinalikan ko ang uluhan niya at bahagyang hinimas ang braso niya, "Huwag kang mag alala. My family is nice. Hindi sila nangangain okay?" Biro ko sa kanya kaya nakatanggap ako ng hampas sa balikat.

"Pasalamat ka mahal kita," rinig kong bulong ni Chelsy kaya napangisi ako.

"Anong mahal? Baka mahal na mahal na mahal na mahal na ma---"

Pinigilan niya ako sa pagsasalita gamit ang kamay niya na nakalagay sa bibig ko.

"Ewan ko sayo," sabi niya pagkatanggal niya ng kamay sa bibig ko.

Tumatawa ako habang niyayakap siya ng mahigpit, "Kelan tayo magkakaroon ng anak?" Bahagya ko pang kinagat ang tainga niya kaya hinampas niya ako sa hita.

"Sebastian!" Pigil niya at pilit na kumakawala sa bisig ko pero mas hinigpitan ko ang pagkakayap ko sa kanya.

"Never again."

Nag tataka siyang lumingon sa akin, "What do you mean, 'never again'?"

Bumunting hininga ako at tinignan siya sa mata, "Never agin. I will never leave you again."

Gaya nga ng sinabi ni Chelsy, around 10 nagising si Syrah. Dala dala pa niya ang teddy bear niya at nag kakamot pa ng mata.

"Good morning dad, good morning mom!" Masayang bati niya sa amin dalawa ni Chelsy.

Tumayo si Chelsy para daluhan ang anak, "Lets brush your teeth. Come on."

Saglit silang nawala sa paningin ko, hanggang sa tumatakbong lumalapit si Syrah sa akin. Agad siyang naupo sa binti ko.

"We're going to lola today?" Tanong niya sa akin.

Napatingin ako kay Chelsy nang maupo siya sa tabi ko. Mukhang sinabi niya kanina kay Lily habang nasa banyo sila.

"Yes baby," nilagay ko ang takas na buhok niya sa likuran ng tainga niya, "You're going to meet your lola and lolo today."

"Yehey!"

Saglit kaming nag breakfast at naligo na rin kami. Pinauna ko syempre yung mga babae bago ako. Paglabas ko ng banyo, nakita ko si Syrah sa sala suot ang kanyang red dress at white doll shoes. Pagkapasok ko naman sa kwarto, nakita ko si Chelsy na nag paplantsa ng buhok niya.

"Wow," manghang sabi ni Syrah habang pinagmamasdan ang kabuoan ng bahay namin.

"Daddy, ang yaman niyo po pala. No wonder na ganon po bahay natin," sabi ni Syrah at humagikgik.

Pagkapasok namin ng bahay, agad na tinuro ng mga maids kung nasaan sila mommy.

"Hi anak!" Agad na bati ni mommy sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Ngayon ko lang napagtanto na buong angkan pala namin ay nandito. Well, maliban kay Razen at Clarence na parehong nasa ibang bansa.

Ngumiti ako ng malapad sa kanilang lahat.

"Everyone, this is my family. Meet Chelsy Makinano, my faincé and her daughter Syrah Lindleigh."

Related chapters

  • It Will Always Be You   Chapter 27

    "What do you do, Chelsy, hija?" Tanong ni mommy habang kumakain kami ng tanghalian. Pinunasan ni Chelsy ang bibig niya gamit ang table napkin, "I'm actually a civil engineer, tita," magalang na sagot ni Chelsy sa aking ina. "Hija, I told you to start calling me mom or mama," nakangiting sabi ni mommy kay Chelsy at inbot pa nito ang kamay biya at bahagya iyon pinisil. Awkward na ngumiti si Chelsy kay mommy bago ito tumango, "Okay, m-mama." "That's more I like it!

    Last Updated : 2021-08-09
  • It Will Always Be You   Chapter 28

    "Ninong, kailangan ko po ba mag surgery?"Mula sa X-ray na tinitignan ko, ay napaangat ang tingin ko sa inaanak ko na si Jordan. He's wearing his casr on his left leg at katabi niya ngayon si Carla, habang kaharap nito si Jayden na nakatingin kay Jordan.Bumuntong hininga muna ako bago ko pinasok sa loob ng brown envelope ang X-ray niya. Pinagsiklop ko ang dalawang kamay ko sa desk habang tinitignan silang tatlo."I suggest that you should do a surgery, as soon as possible," mahinahon kong sabi kay Jordan at kita ko ang takot sa mga mukha niya."Teka, Seb," napatingin ako kay Jayden, "Ang sabi kasi dati, simpleng pilay lang naman kaya cinemento ang binti niya para hindi magalaw. N

    Last Updated : 2021-08-09
  • It Will Always Be You   Chapter 29

    Nagising ako ng may ngiti sa labi ko. Today, October, 17 finally Chelsy will now be my wife. Marami ang nangyari sa amin dalawa sa mga nag daan na taon. Maraming nag bago sa loob ng siyam na taon na hindi kami magkasama o nagkikita. Maraming dumaan na problema na kinailangan namin harapin mag isa, pero sa kabila ng lahat ng iyon may kapalit iyon na ligaya. Dahil ganon naman talaga ang buhay. Walang saya, kung walang sakit.Sabi nga ng mga matatanda, sa hinaba haba ng prosisyion, sa simbahan pa rin ang tuloy."Sir, be readyin 5," anunsyo ng photographer sa akin.Inayos ko ang pagkakatupi ng sleeves ng puting polo ko, bago ko s

    Last Updated : 2021-08-09
  • It Will Always Be You   Chapter 30

    "Welcome to Mr and Mrs. Monteferrante House Warming Party!"Tinaas ko ang wine glass na hawak ko, "Lets have a tose for that."Katatapos lang ng Wedding reception namin dito kaninang hapon, at ngayong gabi naman ang house warming namin. Inisang celebration nalang namin para tipid sa gastos at para isang puntahan nalang.Naramdaman ko ang pag higpit ng yakap sa akin ni Chelsy, "I love you, hon," mahinang bulong niya sa akin.Napangiti ako at dumukwang para dampian ng halik ang noo niya, "I love you too.""Daddy!"Sabay kani

    Last Updated : 2021-08-09
  • It Will Always Be You   Epilogue

    "Sebastian Angelo, sigurado ka bang uuwi ka ng Pilipinas ngayon? Paano ka doon? Saan ka tutuloy?" Sunod sunod na tanong sa akin ni mommy.Nasa Alaska kasi kami simula noong bata pa ako. We migrated here, kaya naiwan ko yung kaibigan ko/crush ko sa Pilipinas.Matagal ko na siyang hinahanap, at matagal ko na rin siyang gustong makita ulit. I even stalked her social media accounts para lang malaman kung maayos ang kalagayan niya sa Pilipinas.And as soon as I knew that she was studying in UST, hindi ako nag dalawang isip na sabihin kanila dad na uuwi ako ng Pilipinas para mag aral sa UST."Mom, dad," hinawakan ko ang dalawang kamay nila, "I'm sorry, pero buo na po talaga ang desisyio

    Last Updated : 2021-08-09
  • It Will Always Be You   Prologue

    This is only a work of FICTION. Ang mga karakter at mga scenes dito ay gawa gawa ko lamang.This is also not yet edited, so pagpasensyahan sa mga typo na makikita nyo along the way. After matapos nito, saka ako mag edit so bare with me muna. Matured content na sya kasi hindi na naka filter ang mga mura dito, unlike before.PLAGARISIM IS A CRIME!"Doc, may pasyente po kayo," rinig kong sabi ng nurse sa labas ng clinic ko.I sighed before puting back the clipboard I was holding on my desk.

    Last Updated : 2021-05-12
  • It Will Always Be You   Chapter 1

    Oh giliw ko,Miss na miss kitaSanay lagi kitang kasama."Lyric?"Mula sa pakikining ko ng music ko sa Spotify, nag angat ako ng tingin sa taong tumawag sa akin. First name basis pa kasi ang tawag sa akin. Ano akala niya, close ba kami?"What?" Taas kilay kong tanong sa lalaki.Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Base on his uniform, he's from the medical department.Nanlaki ang mga mata niya saka napasuntok pa sa hangin, "Ikaw nga! Hi Lyric!" Nakangiting sabi niya at naupo pa sa tabi ko.I consciously moved away a little. Mukha kasi siyang timang, hindi ko pa naman siya kilala, baka mamaya rapist pala ito eh, "Uh, sorry but who are you?"Napapahiya siyang napakamot sa batok niya at napangiwi, "Y-you don't remember me?" Turo niya sa sarili.Hindi, naaalala kita kaya nga

    Last Updated : 2021-05-12
  • It Will Always Be You   Chapter 2

    "Tangina, sino ka ba?!" Singhal ni Mason kay Basti dahil hindi nito siya binibitawan.Ngumisi si Sebastian sa kanya, "Eh ikaw, sino ka ba?"Tumawa ng bahagya si Mason at taas noong humarap kay Sebastian, "Future ni Chelsy, palag?"Sa sinabi ni Mason ay agad sinuntok ni Sebastian ito. Hindi naman nag patalo si Mason at susuntukin na sana nito si Sebastian, pero agad itong nakailag sa kanya."Fuck it! Tumigil nga kayo!"

    Last Updated : 2021-05-12

Latest chapter

  • It Will Always Be You   Epilogue

    "Sebastian Angelo, sigurado ka bang uuwi ka ng Pilipinas ngayon? Paano ka doon? Saan ka tutuloy?" Sunod sunod na tanong sa akin ni mommy.Nasa Alaska kasi kami simula noong bata pa ako. We migrated here, kaya naiwan ko yung kaibigan ko/crush ko sa Pilipinas.Matagal ko na siyang hinahanap, at matagal ko na rin siyang gustong makita ulit. I even stalked her social media accounts para lang malaman kung maayos ang kalagayan niya sa Pilipinas.And as soon as I knew that she was studying in UST, hindi ako nag dalawang isip na sabihin kanila dad na uuwi ako ng Pilipinas para mag aral sa UST."Mom, dad," hinawakan ko ang dalawang kamay nila, "I'm sorry, pero buo na po talaga ang desisyio

  • It Will Always Be You   Chapter 30

    "Welcome to Mr and Mrs. Monteferrante House Warming Party!"Tinaas ko ang wine glass na hawak ko, "Lets have a tose for that."Katatapos lang ng Wedding reception namin dito kaninang hapon, at ngayong gabi naman ang house warming namin. Inisang celebration nalang namin para tipid sa gastos at para isang puntahan nalang.Naramdaman ko ang pag higpit ng yakap sa akin ni Chelsy, "I love you, hon," mahinang bulong niya sa akin.Napangiti ako at dumukwang para dampian ng halik ang noo niya, "I love you too.""Daddy!"Sabay kani

  • It Will Always Be You   Chapter 29

    Nagising ako ng may ngiti sa labi ko. Today, October, 17 finally Chelsy will now be my wife. Marami ang nangyari sa amin dalawa sa mga nag daan na taon. Maraming nag bago sa loob ng siyam na taon na hindi kami magkasama o nagkikita. Maraming dumaan na problema na kinailangan namin harapin mag isa, pero sa kabila ng lahat ng iyon may kapalit iyon na ligaya. Dahil ganon naman talaga ang buhay. Walang saya, kung walang sakit.Sabi nga ng mga matatanda, sa hinaba haba ng prosisyion, sa simbahan pa rin ang tuloy."Sir, be readyin 5," anunsyo ng photographer sa akin.Inayos ko ang pagkakatupi ng sleeves ng puting polo ko, bago ko s

  • It Will Always Be You   Chapter 28

    "Ninong, kailangan ko po ba mag surgery?"Mula sa X-ray na tinitignan ko, ay napaangat ang tingin ko sa inaanak ko na si Jordan. He's wearing his casr on his left leg at katabi niya ngayon si Carla, habang kaharap nito si Jayden na nakatingin kay Jordan.Bumuntong hininga muna ako bago ko pinasok sa loob ng brown envelope ang X-ray niya. Pinagsiklop ko ang dalawang kamay ko sa desk habang tinitignan silang tatlo."I suggest that you should do a surgery, as soon as possible," mahinahon kong sabi kay Jordan at kita ko ang takot sa mga mukha niya."Teka, Seb," napatingin ako kay Jayden, "Ang sabi kasi dati, simpleng pilay lang naman kaya cinemento ang binti niya para hindi magalaw. N

  • It Will Always Be You   Chapter 27

    "What do you do, Chelsy, hija?" Tanong ni mommy habang kumakain kami ng tanghalian. Pinunasan ni Chelsy ang bibig niya gamit ang table napkin, "I'm actually a civil engineer, tita," magalang na sagot ni Chelsy sa aking ina. "Hija, I told you to start calling me mom or mama," nakangiting sabi ni mommy kay Chelsy at inbot pa nito ang kamay biya at bahagya iyon pinisil. Awkward na ngumiti si Chelsy kay mommy bago ito tumango, "Okay, m-mama." "That's more I like it!

  • It Will Always Be You   Chapter 26

    "Daddy!"Sinalubong agad ako ni Syrah ng mahigpit na yakap pagkabukas niya ng gate ng bahay nila. Nakabihis na siya at mukhang ready na silang mag ina na umalis.Syrah is wearing her simple white jumper shorts partnered with her pink off shoulder blouse. Naka white Adidas rubber shoes siya, at naka braid na dalawa ang buhok niya.Nasa Caloocan na naman kasi ako ngayon dahil nangako ako sa kanila na ngayon kami bibili ng mga furniture para sa bagong bahay namin.Bumitaw siya sa pagkakayakap para harapin ang mukha ko, "Daddy, we will buy furniture, diba po?"

  • It Will Always Be You   Chapter 25

    "Sigurado ka bang kaya mong harapin si Mason?" Tanong ko saka naupo sa sofa dito sa bahay nila Chelsy.Pagkatapos kasi namin ikutin ang buong bahay na pinagawa ko para sa amin, ay umuwi na rin kami. Yun nga lang, on our way going back to Chelsy's house, nakatulog na si Syarah kaya kinarga ko nalang siya patungo sa kwarto nila Chelsy.Naupo sa tabi ko si Chelsy at narinig ko ang pag buntong hininga niya, "Actually, no. Ni hindi nga pumasok sa isip ko na kitain siya sa kulungan eh. Kung hindi lang para kay Syrah, hindi ako mag aabalang dalawin siya doon."Tinignan ko siya at kumunot ang noo ko, "Then why did you agree? Kung hindi mo naman pala kaya makita siya, bakit ka pumayag?"Na

  • It Will Always Be You   Chapter 24

    [Hello dad? Napatawag ka po?]Sumandal ako sa aking swivel chair habang ang mga daliri ko ay nag lalaro sa desk ko dito sa clinic."I assume nasa school ka pa ngayon, anak diba?" Paninigurado ko dahil nakakarinig ako ng ingay sa kabilang linya.[Yes dad. Uwian na po kasi ngayon at nasa gate lang po ako, kaya maingay.]I nodded my head while playing wit my lower lip, "Sundin kita diyan?" I looked at the wall clock, 4pm palang naman, pero wala naman na kasi akong appointment and besides, this is my hospital.[Nako dad, huwag na po. Papasundo nalang po ako kay mommy.] 

  • It Will Always Be You   Chapter 23

    "Anong pakulo na naman ito?" Tawang sabi ni Chelsy habang pinag bubuksan niya kami ni Nathan ng gate.Nathan pointed at me, "Siya sisihin mo. Nandamay lang siya eh. Malas ko lang, na ako nahatak niya."Tumingin si Chelsy kay Nathan at bahagya pa itong napakunot."Teka, yoyr face is kinda familiar to me," nilagay ni Chelsy ang pointing finger niya sa baba niya, "did we met each other before?"Nahihiyang napakamot sa batok si Nathan bago ito nag lahad ng kamay kay Chelsy, "Nathaniel nga pala, pero Nathan nalang," then he glanced at me for a second, "pinsan ni Sebastian. Isa ako sa kasama niya dati noong hinarana ka niya sa bahay."&nb

DMCA.com Protection Status