SA biyahe pa' lang ay tulog na ang anak ko. Kaya naman pagdating sa bahay ay inutusan ko agad si Diane na dalhin sa kuwarto si Sammuel.''Ikaw na muna ang bahala kay Sammuel, huh. May aasikasuhin lang ako.'' habilin ko kay Diane na agad naman'g tumango.''Opo ate.'' Maagap na sagot nito.Muli akong lumabas ng bahay at bumalik ako sa loob ng aking kotse. Naisipan kong puntahan na lang si Francis do'n sa bar na tambayan namin ni Nicole nang sa gayo'n ay may mapagkuwentuhan man lang ako ng sama ng loob na dinadala ko ngayon.Pinaharurot ko ang aking kotse kaya't ilang minuto lang ang lumipas ay narating ko agad ang bar.''Hi Francis!'' napaigtad pa ang malanding bakla matapos ko itong batiin.''Hoy bruha ka! Ginulat mo naman ang beauty ko! Diyos ko, pakiramdam ko ay umalog ang aking dede!'' maarteng wika nito habang nakahawak sa dibdib ang dalawa niyang kamay.''Gaga! Huwag ka nga'ng feelingera diyan!'' saway ko sa kanya na sinabayan ko ng pag-upo sa may counter.''Mag-isa k
PAGDATING ko sa bahay ay si Nicole agad ang sumalubong sa'kin. Kaya animo'y isang imbestigador na naman ito dahil sa sangkaterbang tanong na ibinato agad saakin."Naku, umuwi ka na pala. Oh, akala ko sa mansiyon ng mga Bartolome ka na titira? Eh bakit nandito ka? Pinalayas ka ba nila? Sinaktan ka ba ni Iñigo?" sunud-sunod niyang tanong dahilan upang mas lalo lamang sumakit ang aking ulo."Hoy! Kumalma ka nga! Puwede bang mamahinga muna ako bago ko sagutin ang mga tanong mo?'' puno ng iritasyon sa aking tinig.''Hindi!'' singhal nito sa'kin.''Tsk...'' wala akong nagawa kundi ang umupo na lang sa couch na naroon sa sala at sinimulan ko ang pagkukuwento sa mga nangyari kahapon.''Sorry Nicz!'' Panimula ko dahilan upang tapunan niya ako ng isang nagtatanong na tingin.Lumapit ito at umupo sa tabi ko. Kaya naman muli ko ng itinuloy ang pagsasalita.''Kahapon kasi ay hindi naging maayos ang pakikitungo sa'kin ng mga tao sa mansiyon.'' malungkot na sambit ko.''Huh? Bakit?'' muli
NAGULAT ako nang bigla na naman'g sumulpot si Jordan sa office ko habang mag-isa akong kumakain ng pananghalian.''Hi Sam!''''Oh, ikaw pala 'yan Jordan! Nanggugulat ka naman. Bigla-bigla ka na lang sumusulpot eh!'' bahagya ko itong inirapan, dahilan upang panggigilan niya ang aking pisngi.''Kumusta ka Sam?'' tanong nito saakin.''Okay lang naman. Saan ka ba galing at ilang araw kang hindi nagpakita?''''Bakit? Na-miss mo ba ako?'' nakangising wika nito.''Hoy! Hindi no'h! Nagtataka lang ako at hindi ka napapadpad dito.''''Sus, palusot ka pa diyan eh! Okay lang naman na sabihin mong nami-miss mo 'ko eh. Kasi sa totoo lang ay nami-miss na rin kita kaya dinalaw na kita rito.''''Hmm...ang dami mong alam! Bumalik ka na nga lang sa kompanya mo at marami pa akong kailangan'g gawin dito sa opisina.'' Pagtataboy ko sa kanya ngunit hindi man lang ito natinag sa kanyang kinatatayuan.''Ayoko nga! Gusto pa kita'ng makasama eh.''''Jordan! Ano na naman ba 'tong drama mo? Wala ako sa mo
HININTAY ko muna'ng sunduin ni Mr. President ang aking anak bago ako pumasok sa trabaho. Balak ko sana'ng sumama sa kanila ngunit naisip kong baka magkatagpo lang ulit kami ni Iñigo. Ayaw ko muna siya'ng harapin ngayon lalo pa't wala pa akong naiisip na magandang paraan upang masabi sa kanya ang katotohanan tungkol kay Sammuel.Ilang sandali pa'y naroon na ako sa opisina ngunit hindi pa man ako tuluyan'g nakakaupo sa aking swivel chair ay bigla naman'g tumunog ang aking cellphone.Dali-dali ko itong kinuha sa aking bag at nang makita kong si Mr. President ang tumatawag ay agad ko itong sinagot. Subalit gayo'n na lamang ang aking panlulumo matapos kong marinig ang kanyang tinuran.''Sam, nabundol si Sammuel at critical ang lagay niya ngayon!''Hindi ako nakakibo. Animo'y isa akong kandila na nauupos sa aking kinatatayuan. Pakiwari ko'y nagdidilim na ang buong paligid. Hanggang sa tuluyan na nga akong nawala sa aking ulirat at maging ang pagbagsak ko sa sahig ay hindi
LABIS ang aking pagkadismaya matapos kong mapanood ang cctv footage na nakuha ng mga pulis. Kaya naman nanghihina'ng napaupo ako sa isang bakanteng silya na naroon sa gilid.Ang hirap paniwalaan na isang bata lamang ang dahilan ng aksidenteng nangyari sa anak ko. At ang masaklap pa ay si Ellie pala ang gumawa no'n sa kanya. Si Ellie na half sister pa ng anak ko.Hindi ko rin lubos maisip kung ano nga ba ang motibo niya at nagawa niyang bitbitin sa kalsada ang musmos kong anak."Okay ka lang ba Sam?" puno ng pag-aalala sa tinig ni Nicole.Umiling ako at kapagkuwa'y nagwika. "Hinding-hindi ko mapapatawad si Ellie, sa oras na mawala saakin si Sammuel. Ipapakulong ko siya!" galit na galit kong sambit."Pero frenny, hindi mo siya pwedeng ipakulong. Menor de edad siya eh." paglilinaw ng kaibigan ko."Wala akong pakialam Nicz!""Sam, huminahon ka.""Hinahon?" pagak akong natawa. "Paano? Huh? Paano akong magiging mahinahon gayo'ng nasa bingit ng kamatayan ang anak ko?""Sam, mas
TATLONG araw ng hindi gumigising si Sammuel. Lumalala na rin ang kanyang kondisyon. Kaya't sa mga sandaling ito ay halu-halo'ng emosyon ang aking nararamdaman. Ilang araw at gabi na rin akong walang tulog at pahinga. Pakiwari ko nga ay mukha na akong drug addict lalo pa't kahit ako ay hindi ko na kaya'ng i-describe ang ang aking pagmumukha.Maghapon-magdamag ay nakadilat lamang ang aking mga mata sa kadahilanan'g inaabangan ko palagi ang pag gising niya.'' 'Nak, gumising ka na diyan. Miss na miss ka na ni mommy. Gusto na kitang mayakap at makausap eh.'' Pagkausap ko sa kanya habang patuloy pa rin'g nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha.Biglang bumukas ang pinto ng ward. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay sinikap ko pa rin ang mag-angat ng tingin."Sam!'' tinig iyon ng presidente.''Salamat at bumalik ka na tito.'' puno ng pag-asang sambit ko. ''Nakumbinsi mo ba siya tito?'' kaagad kong naitanong sa presidente na ang tinutukoy ko ay si Inigo.''Yeah. Kaya huwag ka ng u
ILANG beses na akong nag-usal ng panalangin habang hinihintay ang paglabas ng doctor ni Sammuel. Naroon na ang anak ko sa loob ng OR at kasalukuyan ng sinasalinan ng dugo. Habang magkatabi naman kami ngayon ni Jordan sa upuan. Ginagap niya ang kaliwa kong kamay at hindi naman ako tumanggi. Dahil kahit papa'no ay nakaramdam ako ng bahagyang pagkapanatag nitong aking kalooban.Halos isang oras din kami'ng naghintay bago lumabas ang doctor.''Doc. how's my son?'' kaagad na tanong ko nang tuluyan itong makalabas ng OR.''He's fine now. Puwede niyo na siyang dalawin once na maibalik siya sa ward.''''Thank you doc.''Ngumiti lang ang doctor at pagkatapos ay nagpaalam na.''Thank you lord, ligtas na si Sammuel.'' Nakangiting sambit ko. Dahil sa labis na kasiyahan ko ay walang pasabi na nayakap ko si Jordan.Makalipas ang ilang minuto ay naroon na nga sa ward ang anak ko kaya naman nagpaalam na rin si Jordan dahil ayaw niya raw na mag pang-abot pa sila ni Iñigo.''Salamat uli
NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa sunud-sunod na pagkatok at pagsigaw ni Nicole sa labas ng aking silid.Tinatamad na bumangon ako at pupungas-pungas na pinagbuksan ko siya ng pinto."Ano ba 'yon? Ba't ang ingay mo?" naiirita'ng tanong ko rito."Nasa sala si Inigo. Kanina ka pa niya hinihintay na lumabas ng silid eh.""Huh? Bakit daw? Ano na naman ang kailangan niya sa'kin?""Hindi ko alam, Sam. Puntahan mo na lang kaya para makalayas na 'yon." Giit pa niya."Oo na! Magsusuot lang muna ako ng bra bago ko siya harapin." Nakairap na sambit ko."Sige na, bilisan mo lang!" Anang kaibigan ko bago ako tinalikuran.Nagmamadali'ng inayos ko ang aking sarili at pagkatapos ay halos takbuhin ko ang patungo'ng sala.''Where is Sammuel?'' pambungad na tanong saakin ni Iñigo.Nabaling ang tingin ko sa mga dala niyang prutas at pagkain ngunit hindi ako nagkomento.''Natutulog.'' Tipid kong sagot.''Kanina ko pa kayo'ng hinihintay rito, Sam.'' Seryosong sambit niya.''So? Sino ba kasi an
BUONG akala ko ay makakalabas agad ako kinabukasan. Subalit laking gulat ko nang magsulputan sa hospital sina Nicole at Mr. President."Hoy, frenny! Ano ang nangyari sa'yo? Diyis ko, pinag-alala mo ako ng husto!" Anang kaibigan ko na halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap nito saakin."Okay na ako. Huwag ka ng masyadong OA diyan! Salamat sa pagdalaw. Actually, kahapon pa dapat ako laabas kaso ayaw naman ni Iñigo.""Hmm...mabuti na rin 'yon para naman mabantayan at maalagaan ka niya rito lahit isang gabi lang Kumusta si baby?""Okay din siya. Eh ikaw, medyo halata na 'yang tiyan mo ah.""Yup, at nagpa-ultrasound na din kami ni Dylan. Mag-gender reveal kami sa sunday. Kailangan nandoon ka ah.""Oo naman! Hindi pwedeng mawala ako do'n." nakangiting pahayag ko.Maya-maya pa ay ang presidente naman ang sunod na lumapit saakin. Si Iñigonay nasa labas. Aasiksuhin niya daw muna ang mga hospital bills ko.Naawa na rin ako sa kanya. Wala siyang maayos na tulog kaga
PAGDILAT ko ng aking mga mata ay nasa hospital na ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong makita at makausap na tao. Kaya kahit nanghihina pa ako ay nagpumilit akong bumangon. Subalit bago pa man ako tuluyan'g makabangon ay biglang bumukas ang pintp ng ward.Namilog ang aking mga mata nang mapagsino ko ang pumasok. It was Jordan. Hindi agad ako nakapagsalita. Sa halip ay muli akong nahiga."How are you, Sam?" nag-aalala'ng tanong niya saakin."Why are you here, Jordan?" sa halip na sumagot ay tinanong ko rin siya."Vacation." maikli niyang tugon."Ikaw ba ang nagdala saakin sa hospital?""Yeah.""Huh? Paano nangyari 'yon? Bakit hindi si Iñigo ang nagdala sa'kin?""That was supposed to be my question to you, Sam." mariin niyang sambit.Napabuntonghininga muna ako bago ko siya nagawang sagutin. "He's busy.""Busy?" balik tanong niya at pagkatapos ay pagak na natawa. "In this kind of situation ay busy siya? Sam, paano kung tuluyan nga kayong mapahamak ng bata na na
KINABUKASAN ay tinotoo nga ni Iñigo ang galit niy saakin.Maaga daw itong umalis sabi ni Ellie. Dadaan daw ito sa school niya para kausapin mismo ang kanyang teacher. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at hindi ko maiwasan'g kausapin ang aking sarili. "Napagod na ba si Iñigo sa ugali ko?"Naihilamos ko na lamang ang aking mga palad at muli akong bumalik sa tabi ni Ellie."Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay na ako tita mommy. Pwede na nga po akong pumasok sa school eh." nakangiti niyang sagot saakin."Masaya ako na okay ka na. Pero, kailangan muna natin na kausapin nag dad mo kung papayag na ba siyang pumasok ka sa school.""Okay po.""Iwanan na muna kita ah. Puntahan ko lang si Sammuel.""Sige po tita mommy."Nang makalabas ako ng silid ay bigla akong nakaramdam ng bahagyang pagkahilo. Kaya naman dahan-dahan akong nangapa ng pwede kong makapitan at gayo'n na lamang ang pagkagulat ko nang mismong ang balikat ng presidente ang nahawakan ko."Hey, are you okay, Sam?" Aniya na puno ng pag-
LINGGO ngayon kaya't sinadya kong gumising ng maaga. Araw ng pamamalengke ni Aling Flor kaya naman, sasamahan ko na lang siya nang sa gayo'n ay hindi ko makita ang pagmumukha ni Iñigo." Nay!" tawag ko sa matanda nang hindi gad ito nakita sa kusina."Oh, bakit? May problema ba?" aniya na galing pala sa silid niya."Punta ka na ba ng palengke 'nay?""Oo.""Tara na po, sasamahan na kita.""Huh? Eh, wala ba kayong lakad ngayon ni Iñigo?""Wala po." determinadong sagot ko."Who told you that?"Gulat kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Iñigo 'yon. Nakasuot pa ng pantulog at halatang kakagising lang."Uhm, ako. Narinig mo naman di'ba?" pamimilosopo ko rito."Naku, mukhang iba na naman ang ihip ng hangin dito. Mabuti pa siguro ay mag-isa na lang akong magtungo sa palengke." Anang matanda."Sasama ako 'nay!" patuloy na pagpupumilit ko."Just stay here, Sam." maawtoridad na pahayag ni Iñigo.Nakasimangot na tinalikuran ko si Iñigo. Pumunta ako sa sala at walang imik na naupo
NANG makalabas na ng silid si Iñigo ay dahan-dahan rin akong lumabas at maingat akong lumipat sa silid ni Ellie.Nakabenda pa rin ang kanan nitong paa. Kaya naman naroon lang ito sa kanyang kama. Nakaupo at doon na rin mismo kumakain."Tita mommy!" sigaw niya na agad ko rin'g sinenyasan na tumahimik.Nilapitan ko ito at umupo ako sa tabi niya. "How are you, baby?""I'm not okay tita mommy." malungkot niyang tugon. "Gusto ko ng alisin 'tong benda ng paa ko."Ba't ikaw lang mag-isa ang kumakain. Bakit hindi ka man lang inalalayan ng dad mong kumain?"Nakagat pa nito ang pang-ibabang labi bago sinagot ang katanungan ko."As I told you before, tita mommy...my dad is so damn strict. He won't tolerate you to -""Nasobrahan naman siya ng pagka-strict. Dapat man lang sama sinubuan ka niya o kaya naman inalalayan kang lumabas patungo sa hapag kainan.""That's impossible! Sabihin pa no'n sa'yo...you're not a disable person. So you better do it with your own.""Ang harsh naman ng da
PAGDATING sa hospital ay nakita ko agad si Iñigo. Patakbong nilapitan ko ito at mahigpit kong niyakap."How's Ellie?" nag-aalalang tanong ko sa kanya."She's okay now. Sorry hindi na ako akapagpaalam sa'yo kanina.""It's okay. Ang mahalaga okay na si Ellie. Uhm, hindi pa ba siya pwedeng dalawin?""Makakalabas na siya ngayon. Hintayin na lang natin 'yong doctor." Aniya ngayon ay nakangiti na."Mabuti naman. Halika, maupo na muna tayo." Hinawakan ko siya sa braso at hinila ko papunta sa may waiting area. Nagpatianod naman ito at maya-maya lang ay bigla na naman'g naging malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha."Hey, what's wrong?""Wala. May naisip lang ako." aniya na sinundan ng isang malalim na buntonghininga."Hmm, ano 'yon? Magkuwento ka. Makikinig ako.""Uhm, actually...tungkol 'to sa'yo eh. Naisip agad kita kanina habang dinadala si Ellie sa emergency room.""Huh? But why?" gulat kong tanong sa kanya."Sam, alam ko na ngayong kung ano ang pakiramdam na makitang nakahi
KINABUKASAN ay sinadya kong huwag sumabay sa kanila ng pag-aalmusal. Ayokong makasabay si Iñigo lalo pa't naaalala ko ang nangyari kagabi.Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang nakatakip ng unan ang aking mukha. Kapagkuwa'y may kumatok. Ngabingi-bingihan ako. Ngunit hindi ko inaasahan na si Iñigo pala iyon.Naramdaman kong binuksan niya ang pinto at naglakad palapit sa'kin."Baby, mag-aalmusal na." Aniya habang pilit na hinihila ang unan na naroon sa aking mukha."Ano ba, Iñigo! Mauna na kayong kumain." reklamo ko."Tss, galit ka pa rin ba?""Lumabas ka na nga lang!""Hmm...galit ka pa rin nga. Akala ko pa naman okay na tayo. Tumugon ka na sa halik ko kagabi, kaya't inakala ko na okay na tayo." naging malungkot na naman ang tinig nito.Ibinato ko sa kanya ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Nakakainis ka! Ba't pinaalala mo pa ang halik na 'yon? Kaya nga ayaw ko lumabas dahil do'n eh."Nakangisi na lumapit ito saakin."Kaya pala eh. Gusto mo bang ulitin natin 'yon at-""S
BIGLA na naman akong nakaramdam ng inis, matapos magtago nina Iñigo at Ellie. Kaya naman nakasimangot na umupo ako at walang pakundangan na sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain na nakahain sa mesa. At batid kong si Iñigo ang may kagagawan no'n.Malapit na akong matapos ng magsilabasan sila. At tama nga ang hinala ko,nagtago nga sila at kasabwat pa nila si Nicole."Baby, ba't nauna ka ng kumain?" sita saakin ni Iñigo. "That was supposed to be a surprise for-""Surprise niyo 'yang mukha niyo!" naiinis na singhal ko sa kanya.Naiinis na binalingan ko si Ellie. Kanina pa ito ngumingisi habang pinagmamasdan niya ang pag-irap na ginagawa ko."Ellie, sabayan mo 'yang ama mo at 'yang Tita Nicole mo! Nawalan na ako ng gana'ng kumain.""Hala, tita mommy naman! Makikipagbati na nga sa'yo si dad ngayon eh." reklamo nito."Mag-aayos na ako ng gamit. Kailangan ko ng makahanap ng malilipatan." giit ko pa dahilan upang mawindang sina Nicole at Iñigo."Frenny, umayos ka nga! Nandito si Iñig
KINABUKASAN ay napabalikwas ako sa higaan ng manuot sa ilong ko ang mabango'ng amoy ng pagkain. Kaya naman bumangon ako at sinundan kung saan nagmumula ang amoy na 'yon.Dinala ako ng aking mga paa sa kusina. At halos himatayin ako sa tumambad saakin.Napatakip ako sa aking bibig. Pakiwari ko ay nakadikit na rin ang aking mga paa sa pinto ng kusina pagkakita ko sa hubad na likuran ng lalaking abala sa pagluluto.Kahit nakatalikod ito ay hindi ako pwedeng magkamali kung sino nga bang Poncio Pilato iyon."Hindi ka pa rin ba tapos na titigan ang aking likuran? Halika, pwede kang lumipat sa harapan para mas lalo mong maaninag ang maganda kong katawan." Puno ng sarkasmo ang kanyang tinig habang binabanggit ang mga katagang iyon. Ilang segundo rin na hindi ako nakakibo. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Kaya't napilitan itong humarap at lapitan ako."I-Iñigo?" sa wakas ay garalgal ang tinig na naibulalas ko."Mmm...ba't gulat na gulat ka yata? Ayaw mo bang ipagluto