ILANG beses na akong nag-usal ng panalangin habang hinihintay ang paglabas ng doctor ni Sammuel. Naroon na ang anak ko sa loob ng OR at kasalukuyan ng sinasalinan ng dugo. Habang magkatabi naman kami ngayon ni Jordan sa upuan. Ginagap niya ang kaliwa kong kamay at hindi naman ako tumanggi. Dahil kahit papa'no ay nakaramdam ako ng bahagyang pagkapanatag nitong aking kalooban.Halos isang oras din kami'ng naghintay bago lumabas ang doctor.''Doc. how's my son?'' kaagad na tanong ko nang tuluyan itong makalabas ng OR.''He's fine now. Puwede niyo na siyang dalawin once na maibalik siya sa ward.''''Thank you doc.''Ngumiti lang ang doctor at pagkatapos ay nagpaalam na.''Thank you lord, ligtas na si Sammuel.'' Nakangiting sambit ko. Dahil sa labis na kasiyahan ko ay walang pasabi na nayakap ko si Jordan.Makalipas ang ilang minuto ay naroon na nga sa ward ang anak ko kaya naman nagpaalam na rin si Jordan dahil ayaw niya raw na mag pang-abot pa sila ni Iñigo.''Salamat uli
NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa sunud-sunod na pagkatok at pagsigaw ni Nicole sa labas ng aking silid.Tinatamad na bumangon ako at pupungas-pungas na pinagbuksan ko siya ng pinto."Ano ba 'yon? Ba't ang ingay mo?" naiirita'ng tanong ko rito."Nasa sala si Inigo. Kanina ka pa niya hinihintay na lumabas ng silid eh.""Huh? Bakit daw? Ano na naman ang kailangan niya sa'kin?""Hindi ko alam, Sam. Puntahan mo na lang kaya para makalayas na 'yon." Giit pa niya."Oo na! Magsusuot lang muna ako ng bra bago ko siya harapin." Nakairap na sambit ko."Sige na, bilisan mo lang!" Anang kaibigan ko bago ako tinalikuran.Nagmamadali'ng inayos ko ang aking sarili at pagkatapos ay halos takbuhin ko ang patungo'ng sala.''Where is Sammuel?'' pambungad na tanong saakin ni Iñigo.Nabaling ang tingin ko sa mga dala niyang prutas at pagkain ngunit hindi ako nagkomento.''Natutulog.'' Tipid kong sagot.''Kanina ko pa kayo'ng hinihintay rito, Sam.'' Seryosong sambit niya.''So? Sino ba kasi an
PAGDATING ko sa coffee shop ay naroon na nga si Jordan. Papasok pa'lang ako ay tanaw na tanaw ko na ang malapad niyang ngiti. Kaya naman hindi ko maiwasan ang mapangiti rin habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya.''Kanina ka pa ba?'' kaagad na naitanong ko.''Actually, mga five minutes pa 'lang naman.'' Aniya na hindi pa rin napapalis ang ngiti sa labi.''Sorry kung pinaghintay kita. Si Nicole kasi ay umandar na naman ang pagiging detective kaya hindi agad ako makaalis.'' Natatawang pahayag ko.''It's okay. Siya nga pala, nag-order na rin ako.""Oh, thanks Jordan. Alam na alam mo talaga kung ano ang favorite kong kainin sa coffee shop na 'to. " Nakangiting wika ko."Syempre naman!" puno ng pagmamalaki sa tinig nito.Maya-maya lang ay dumating na nga ang inorder niyang pagkain. Kaya naman nagsimula na kami'ng kumain at sinimulan ko na rin ang pagkukuwento sa kanya."Uhm...Jordan, alam kong ang dami mo ng isinakripisyo para sa'min ni Sammuel." Panimula ko. Ako na
MATAPOS kong i-parking ang aking kotse ay naiinis na ibinaba ko ang ibang gamit na naroon sa loob ng sasakyan. Nauna kasi'ng makarating sa mansiyon sina Iñigo kaya naman heto at mag-isa lang yata akong maghahakot nito.''Bwisit na lalaki 'yon! Wala man lang yata'ng balak na tulungan ako rito.'' Hindi ko maiwasan'g maibulalas ang mga katagang iyon.Pinakahuli kong ibinaba ay ang bag na may laman'g mga personal hygiene ko at halos maibato ko 'yon kay Iñigo nang matanaw kong papalapit pa 'lang siya ngayon sa kinatatayuan ko.''Kung kailan tapos na ako rito ay saka mo lang naisipan na lumabas!'' kaagad na singhal ko sa kanya nang tuluyan na siyang makalapit.''Tsk...bakit, bawal na bang ma-late? Nagagalit ka pa eh, heto na nga at tutulong na ako sa'yo.'' sarkastikong sambit niya.''Hindi ko na kailangan ang tulong mo! Kaya ko na 'tong hakutin.'' Maawtoridad na sambit ko.''Okay. Sabi mo eh.'' Aniya at mabilis na akong tinalikuran.Sa sobrang inis ko ay sinigawan ko siya. '' Hoy I
GABI na nang makauwi ako sa mansiyon ng mga Bartolome. Balak ko sana'ng dumiretso na lang sa aking silid. Subalit napahinto ako sa paghakbang nang maulinigan ko ang boses ni Ellie''Mabuti naman at dumating ka na! Gutom na gutom na ako pero ayaw pa akong pakainin ni dad dahil kailangan daw na hintayin ka pa namin.'' Puno ng hinanakit sa tinig ni Ellie.''Ellie!'' sita ni Iñigo sa anak niya.''Oh...i'm sorry Ellie kung pinaghintay ko kayo. Nakalimutan ko rin kasi'ng ipaalam sa daddy mo na kumain na ako bago umuwi rito.'' Pagsisinungaling ko para lang asarin ang malditang bata na ito.''See? Pinaghintay niya lang tayo sa wala dad!" ani Ellie at pagkatapos ay padabog na tumayo at iniwanan ang ama sa hapag kainan. "Nawalan na ako ng gana'ng kumain." Bulong nito bago pumanhik at tinalunton ang patungo sa kanyang silid.Tiim bagang na sinundan na lang ng tingin ni Iñigo ang spoiled brat niyang anak."Sorry ulit Iñigo. Hindi ko alam na hinihintay niyo pala ako." Muling paghingi
SINADYA kong magpagabi ng uwi sa mansiyon para hindi na kami magkita pa ni Iñigo. Subalit sa kasamaang palad ay hindi rin umobra ang ideyang naisip ko. Dahil si Iñigo pa mismo ang nagbukas sa'kin ng pinto.''Alas nuwebe na.'' Walang buhay na sambit niya habang nakatingin sa kanyang wristwatch.''Alam ko, Iñigo. May inasikaso lang kami ni Nicole kaya hindi ako nakauwi agad.''''Really? Magkasama kayo ni Nicole?'' sarkastiko niyang tanong.''Eh ikaw, ba't hindi ka pa natutulog?'' pag-iiba ko ng usapan habang nakatingin ako sa wine glass na hawak niya.''Tsk...hindi pa ba halata na hinihintay kita'ng makauwi? Kanina pa akong nag-aalala sa'yo. Ilang beses kitang tinawagan pero hindi ka naman sumasagot. At nang tawagan ko naman si Nicole, sinabi niyang alas sais pa 'lang ay naghiwalay na kayo.''''Sorry.'' Tanging nasabi ko.''Pagak itong natawa at talaga nga'ng mababakas sa mukha ni Iñigo ang labis na pag-aalala saakin.''Sorry? 'Yon lang ba ang sasabihin mo, Sam?''''Oo!''
NAGULAT ako nang pagdating ko sa parking lot ay naroon si Jordan nag-aabang sa'kin.''Hey, why are you here?''kaagad na tanong ko sa kanya.''Ouch, ang sakit naman ng pambungad na tanong.'' Reklamo nito. ''Kukumustahin ko lang naman sana 'yong kaibigan ko eh.''''Okay lang naman ako Jordan. Nagulat lang ako sa biglaan mong pagsulpot.''''Tara, magkape muna tayo bago ka umuwi.''Nakangiting alok niya saakin.''I-I'm sorry, pero kailangan ko kasi ngayon na umuwi ng maaga eh.''''Ano ba 'yan? Malapit na 'ko sa'yong magtampo. Simula ng lumipat ka sa mansiyon ay hindi na kita nakakasama.'' Malungkot niyang pahayag. Ang kaninang ngiti niya sa labi ay unti-unti ng napalis.''Jordan, napag-usapn na natin 'to di'ba? Promise, next time babawi ako sa'yo bilang kaibigan. Hindi lang talaga ako pwede ngayon. Kailangan ko kasi'ng bumawi kay Iñigo. Masyado ko siyang ini-stress nito'ng mga nakaraang araw eh.'' Paliwanag ko na agad naman niyang naunawaan.''Okay. Basta next time huh
KINABUKASAN ay sinadya kong gumising ng maaga. Dumiretso ako sa kusina. Hinanap ko si Aling Flor at agad ko naman itong nakita.''Good morning Aling Flor!'' masiglang bati ko rito.''Oh, ba't ang aga mo naman yata? May pasok ka pa rin kahit linggo?'' anang matanda.''Wala po. Sa katunayan eh kailangan ko po ng tulong mo.'' Nahihiyang sambit ko.''Huh? Tulong? Bakit? Ano na naman ang nangyari sa'yo?'' sunud-sunod niyang tanong.''Aling Flor, kumalma ka muna! Wala pong masamang nangyari.''''Naku, nenenerbiyos ako sa'yo, Samantha! Ano ba kasi'ng tulong ang kailngan mo?''''Aling Flor, tulungan mo naman akong makipagbati kay Iñigo.'' Nakangusong pagsusumamo ko sa matanda.'' Sus, 'yon lang pla eh! Akala ko pa naman ay kung ano na! Eh bakit? Magkaaway na naman ba kayo?''Ikinuwento ko sa matanda ang nangyari tungkol sa invitation card at kung pa'no sumama ang loob sa'kin ni Iñigo. Kaya naman muntik na akong kurutin nito sa singit matapos kong sabihin sa kanya ang lahat. ''Sige na
BUONG akala ko ay makakalabas agad ako kinabukasan. Subalit laking gulat ko nang magsulputan sa hospital sina Nicole at Mr. President."Hoy, frenny! Ano ang nangyari sa'yo? Diyis ko, pinag-alala mo ako ng husto!" Anang kaibigan ko na halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap nito saakin."Okay na ako. Huwag ka ng masyadong OA diyan! Salamat sa pagdalaw. Actually, kahapon pa dapat ako laabas kaso ayaw naman ni Iñigo.""Hmm...mabuti na rin 'yon para naman mabantayan at maalagaan ka niya rito lahit isang gabi lang Kumusta si baby?""Okay din siya. Eh ikaw, medyo halata na 'yang tiyan mo ah.""Yup, at nagpa-ultrasound na din kami ni Dylan. Mag-gender reveal kami sa sunday. Kailangan nandoon ka ah.""Oo naman! Hindi pwedeng mawala ako do'n." nakangiting pahayag ko.Maya-maya pa ay ang presidente naman ang sunod na lumapit saakin. Si Iñigonay nasa labas. Aasiksuhin niya daw muna ang mga hospital bills ko.Naawa na rin ako sa kanya. Wala siyang maayos na tulog kaga
PAGDILAT ko ng aking mga mata ay nasa hospital na ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong makita at makausap na tao. Kaya kahit nanghihina pa ako ay nagpumilit akong bumangon. Subalit bago pa man ako tuluyan'g makabangon ay biglang bumukas ang pintp ng ward.Namilog ang aking mga mata nang mapagsino ko ang pumasok. It was Jordan. Hindi agad ako nakapagsalita. Sa halip ay muli akong nahiga."How are you, Sam?" nag-aalala'ng tanong niya saakin."Why are you here, Jordan?" sa halip na sumagot ay tinanong ko rin siya."Vacation." maikli niyang tugon."Ikaw ba ang nagdala saakin sa hospital?""Yeah.""Huh? Paano nangyari 'yon? Bakit hindi si Iñigo ang nagdala sa'kin?""That was supposed to be my question to you, Sam." mariin niyang sambit.Napabuntonghininga muna ako bago ko siya nagawang sagutin. "He's busy.""Busy?" balik tanong niya at pagkatapos ay pagak na natawa. "In this kind of situation ay busy siya? Sam, paano kung tuluyan nga kayong mapahamak ng bata na na
KINABUKASAN ay tinotoo nga ni Iñigo ang galit niy saakin.Maaga daw itong umalis sabi ni Ellie. Dadaan daw ito sa school niya para kausapin mismo ang kanyang teacher. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at hindi ko maiwasan'g kausapin ang aking sarili. "Napagod na ba si Iñigo sa ugali ko?"Naihilamos ko na lamang ang aking mga palad at muli akong bumalik sa tabi ni Ellie."Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay na ako tita mommy. Pwede na nga po akong pumasok sa school eh." nakangiti niyang sagot saakin."Masaya ako na okay ka na. Pero, kailangan muna natin na kausapin nag dad mo kung papayag na ba siyang pumasok ka sa school.""Okay po.""Iwanan na muna kita ah. Puntahan ko lang si Sammuel.""Sige po tita mommy."Nang makalabas ako ng silid ay bigla akong nakaramdam ng bahagyang pagkahilo. Kaya naman dahan-dahan akong nangapa ng pwede kong makapitan at gayo'n na lamang ang pagkagulat ko nang mismong ang balikat ng presidente ang nahawakan ko."Hey, are you okay, Sam?" Aniya na puno ng pag-
LINGGO ngayon kaya't sinadya kong gumising ng maaga. Araw ng pamamalengke ni Aling Flor kaya naman, sasamahan ko na lang siya nang sa gayo'n ay hindi ko makita ang pagmumukha ni Iñigo." Nay!" tawag ko sa matanda nang hindi gad ito nakita sa kusina."Oh, bakit? May problema ba?" aniya na galing pala sa silid niya."Punta ka na ba ng palengke 'nay?""Oo.""Tara na po, sasamahan na kita.""Huh? Eh, wala ba kayong lakad ngayon ni Iñigo?""Wala po." determinadong sagot ko."Who told you that?"Gulat kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Iñigo 'yon. Nakasuot pa ng pantulog at halatang kakagising lang."Uhm, ako. Narinig mo naman di'ba?" pamimilosopo ko rito."Naku, mukhang iba na naman ang ihip ng hangin dito. Mabuti pa siguro ay mag-isa na lang akong magtungo sa palengke." Anang matanda."Sasama ako 'nay!" patuloy na pagpupumilit ko."Just stay here, Sam." maawtoridad na pahayag ni Iñigo.Nakasimangot na tinalikuran ko si Iñigo. Pumunta ako sa sala at walang imik na naupo
NANG makalabas na ng silid si Iñigo ay dahan-dahan rin akong lumabas at maingat akong lumipat sa silid ni Ellie.Nakabenda pa rin ang kanan nitong paa. Kaya naman naroon lang ito sa kanyang kama. Nakaupo at doon na rin mismo kumakain."Tita mommy!" sigaw niya na agad ko rin'g sinenyasan na tumahimik.Nilapitan ko ito at umupo ako sa tabi niya. "How are you, baby?""I'm not okay tita mommy." malungkot niyang tugon. "Gusto ko ng alisin 'tong benda ng paa ko."Ba't ikaw lang mag-isa ang kumakain. Bakit hindi ka man lang inalalayan ng dad mong kumain?"Nakagat pa nito ang pang-ibabang labi bago sinagot ang katanungan ko."As I told you before, tita mommy...my dad is so damn strict. He won't tolerate you to -""Nasobrahan naman siya ng pagka-strict. Dapat man lang sama sinubuan ka niya o kaya naman inalalayan kang lumabas patungo sa hapag kainan.""That's impossible! Sabihin pa no'n sa'yo...you're not a disable person. So you better do it with your own.""Ang harsh naman ng da
PAGDATING sa hospital ay nakita ko agad si Iñigo. Patakbong nilapitan ko ito at mahigpit kong niyakap."How's Ellie?" nag-aalalang tanong ko sa kanya."She's okay now. Sorry hindi na ako akapagpaalam sa'yo kanina.""It's okay. Ang mahalaga okay na si Ellie. Uhm, hindi pa ba siya pwedeng dalawin?""Makakalabas na siya ngayon. Hintayin na lang natin 'yong doctor." Aniya ngayon ay nakangiti na."Mabuti naman. Halika, maupo na muna tayo." Hinawakan ko siya sa braso at hinila ko papunta sa may waiting area. Nagpatianod naman ito at maya-maya lang ay bigla na naman'g naging malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha."Hey, what's wrong?""Wala. May naisip lang ako." aniya na sinundan ng isang malalim na buntonghininga."Hmm, ano 'yon? Magkuwento ka. Makikinig ako.""Uhm, actually...tungkol 'to sa'yo eh. Naisip agad kita kanina habang dinadala si Ellie sa emergency room.""Huh? But why?" gulat kong tanong sa kanya."Sam, alam ko na ngayong kung ano ang pakiramdam na makitang nakahi
KINABUKASAN ay sinadya kong huwag sumabay sa kanila ng pag-aalmusal. Ayokong makasabay si Iñigo lalo pa't naaalala ko ang nangyari kagabi.Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang nakatakip ng unan ang aking mukha. Kapagkuwa'y may kumatok. Ngabingi-bingihan ako. Ngunit hindi ko inaasahan na si Iñigo pala iyon.Naramdaman kong binuksan niya ang pinto at naglakad palapit sa'kin."Baby, mag-aalmusal na." Aniya habang pilit na hinihila ang unan na naroon sa aking mukha."Ano ba, Iñigo! Mauna na kayong kumain." reklamo ko."Tss, galit ka pa rin ba?""Lumabas ka na nga lang!""Hmm...galit ka pa rin nga. Akala ko pa naman okay na tayo. Tumugon ka na sa halik ko kagabi, kaya't inakala ko na okay na tayo." naging malungkot na naman ang tinig nito.Ibinato ko sa kanya ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Nakakainis ka! Ba't pinaalala mo pa ang halik na 'yon? Kaya nga ayaw ko lumabas dahil do'n eh."Nakangisi na lumapit ito saakin."Kaya pala eh. Gusto mo bang ulitin natin 'yon at-""S
BIGLA na naman akong nakaramdam ng inis, matapos magtago nina Iñigo at Ellie. Kaya naman nakasimangot na umupo ako at walang pakundangan na sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain na nakahain sa mesa. At batid kong si Iñigo ang may kagagawan no'n.Malapit na akong matapos ng magsilabasan sila. At tama nga ang hinala ko,nagtago nga sila at kasabwat pa nila si Nicole."Baby, ba't nauna ka ng kumain?" sita saakin ni Iñigo. "That was supposed to be a surprise for-""Surprise niyo 'yang mukha niyo!" naiinis na singhal ko sa kanya.Naiinis na binalingan ko si Ellie. Kanina pa ito ngumingisi habang pinagmamasdan niya ang pag-irap na ginagawa ko."Ellie, sabayan mo 'yang ama mo at 'yang Tita Nicole mo! Nawalan na ako ng gana'ng kumain.""Hala, tita mommy naman! Makikipagbati na nga sa'yo si dad ngayon eh." reklamo nito."Mag-aayos na ako ng gamit. Kailangan ko ng makahanap ng malilipatan." giit ko pa dahilan upang mawindang sina Nicole at Iñigo."Frenny, umayos ka nga! Nandito si Iñig
KINABUKASAN ay napabalikwas ako sa higaan ng manuot sa ilong ko ang mabango'ng amoy ng pagkain. Kaya naman bumangon ako at sinundan kung saan nagmumula ang amoy na 'yon.Dinala ako ng aking mga paa sa kusina. At halos himatayin ako sa tumambad saakin.Napatakip ako sa aking bibig. Pakiwari ko ay nakadikit na rin ang aking mga paa sa pinto ng kusina pagkakita ko sa hubad na likuran ng lalaking abala sa pagluluto.Kahit nakatalikod ito ay hindi ako pwedeng magkamali kung sino nga bang Poncio Pilato iyon."Hindi ka pa rin ba tapos na titigan ang aking likuran? Halika, pwede kang lumipat sa harapan para mas lalo mong maaninag ang maganda kong katawan." Puno ng sarkasmo ang kanyang tinig habang binabanggit ang mga katagang iyon. Ilang segundo rin na hindi ako nakakibo. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Kaya't napilitan itong humarap at lapitan ako."I-Iñigo?" sa wakas ay garalgal ang tinig na naibulalas ko."Mmm...ba't gulat na gulat ka yata? Ayaw mo bang ipagluto