Third Person's POV
NAGMADALING umuwi si Sicario pagkatapos ng naturang libing ng nakatakda sa hari ng Valeria. Kailangan na niyang isagawa ang ritwal bago matapos ang araw. Dahil kung hindi niya ito nagagawa ay tuluyan na hindi maipapanganak muli si Elena.Katawan lamang ang namatay kay Elena, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi. Nakakulong ngayon ang kaluluwa nito sa isang bolang krystal. Kailangan itago iyon ni Sicario dahil naniniwala siya na may isa pang salamangkero na gustong pumatay kay Elena. Naunahan niya lamang ito at nailigtas sa bingit ng kamatayan. Hindi niya alam kung ano ang pakay ng isa pang salamangkero, dahil siya lamang ang naatasan na pumatay sa nakatakda.Nakabalik siya sa Caracass at agad na tiningnan ang krystal doon na ngayon ay nababalot ng mga mumunting liwanag, ang kaluluwa ni Elena. Gumagalaw ito sa loob na tila usok na gustong kumawala.Agad na nagsaboy ng asupre si Sicario sa paligid para hindi maramdaman ang ritwal na ginagawa niya. I-aalis niya sa lugar na ito si Elena dahil ito lamang ang paraan para mabuhay ulit. Ang pananatili nito sa Wysteria ay nagdadala ng panganib at kapahamakan. Kailaingan maipanganak si Elena sa lugar ng mga mortal, malayo sa mga immortal, malayo sa Wysteria."Patawarin mo ako kamahalan sa gagawin ko, ngunit kahit ikaw ang nakatakda sa kanya, hindi mo siya kayang protektahan sa bagay na gustong pumatay kay Elena." Bulong ni Sicario, mga katagang nais niyang iparating sa hari ng Valeria. Nagsimula na rin ang kanyang orasyon. Umiilaw na ang paligid at magsisimula ng lumabas ang kanyang kapangyarihan.Ginagawa niya ang isa sa ipinagbabawal na ritwal, ang gawing mortal ang isang imortal pansamantala. Maaalis nito ang amoy ng isang imortal habang nabubuhay ito bilang mortal sa mundong ibabaw. Malalayo siya sa mga demons na naghahabol ng mga imortal na walang kalaban laban."Elena, mabubuhay kang muli. Ipapanganak kang muli, ngunit magiging isang mortal ka. Ngunit sa ika-dalawampung taon na kaarawan mo, babalik ka sa Wysteria." Saad ni Sicario. Gusto niyang hindi na bumalik pa si Elena, ngunit iyon ang nakatadhana. Hindi niya ito kayang baguhin kahit gamit ang kanyang kapangyarihan. "Poprotektahan kita kung darating man ang araw na iyon. At sana sa panahon na iyon ay kaya ka ng protektahan ng hari."Pagkatapos ng salitang iyon ay biglang bumulusok paitaas sa kalangitan ang krystal at nawala ito sa paningin ni Sicario.Hindi alam ni Sicario kung saan parte ng mundo napunta ang krystal. Hindi siya umalis sa Wysteria dahil pinapasundan siya ng Hari. Ngunit hindi siya pumapalya sa pagbabantay sa krystal. Mararamdaman niya kung naipanganak na ulit si Elena.Lumipas ang maraming taon at hindi na napansin pa ni Sicario kung gaano na ito katagal. Hindi pa rin naipapanganak muli si Elena. Patuloy pa rin siya sa paghihintay sa araw na maipapanganak muli si Elena. Hindi ito pwedeng maipanganak na walanv proteksyon niya dahil ang mundo ay pinupugaran ng mga nakawalang demons mula sa Wysteria.Ang kaharian naman ng Valeria ay hindi nagbago, ngunit hindi lingid sa kaalaman ng mga tagapagsilbe sa palasyo ang kalungkutan ng hari. Mas lalong hindi na ito natutulog dahil hindi nito makalimutan ang kasalanan na nagawa sa babaeng itinakda sa kanya.Ipinatawag naman ni haring Elijah si Sicario dahil hindi na niya kayang tagalan pa ang paghihintay. Noon, ang ilang daan taon para sa kanya ay maikli lamang, ngunit ngayon ay tila kay tagal ng panahon. Pakiramdam niya ay ilang libong taon ang hinintay niya sa pagbabalik ni Elena."Kamahalan, hanggang ngayon ay hindi pa ulit naipapanganak si Elena." Turan ni Sicario sa hari na ngayon ay nakaupo sa kanyang trono.Nakakunot noo si Elijah habang nakatingin kay Sicario."Paano ka nakakasiguro na hindi pa siya naipapanganak muli? Masyadong mahaba na ang panahon, Sicario." Nauubusan ng pasensya si haring Elijah sa kahihintay. Naging mainitin ang ulo niya at hindi na rin niya kayang ngumiti. Parang ang kasiyahan ay ninakaw mula sa kanya. Ang tanging gusto lamang ni haring Elijah ngayon ay ang matagpuan muli si Elena. "Kung maipapanganak siya, gusto kong ako ang magpalaki sa kanya."Sa pagkakataon na ito, kahit sanggol si Elena ay gusto niyang masilayan ito. Gusto niyang masubaybayan ang paglaki nito, hanggang sa umabot na ito sa wastong edad na pwede na niyang pakasalan at angkinin ito ng tuluyan. Sa ikalawang pagkakataon, hindi na niya hahayaan na may mangyaring masama kay Elena. Labis na pinagsisihan na niya ang kanyang ginawa."Kamahalan, patawarin niyo ako ngunit hindi ko magagawa ang kagustohan niyo. Dahil oras na maipanganak si Elena, ay ang araw din ng kamatayan ko, kamahalan." Sagot ni Sicario sa hari. "Iyon ang kondisyon ng kanyang pagkabuhay. Ang muling pagkabuhay ni Elena, buhay ko din ang kabayaran." Ngunit nagsisinungaling lamang si Sicario. Hindi siya mamamatay, ngunit aalis siya sa Wysteria at magpapanggap na namatay para hindi siya matunton ng hari sa labas ng Wysteria.Kailangan niyang protektahan si Elena dahil hindi niya alam kung sino ang totoong kaaway at kakampi."Hanggang kailan pa ako maghihintay, Sicario? Isang libong taon ba? Dalawang libo?" Desperadong tanong ni Elijah at mas lalong nagtagis ang kanyang mga bagang. Hindi na alam ni Elijah kung kaya pa ba niyang tagalan ang panahon na hindi kasama si Elena. Naisip ni Elijah na iba ang sitwasyon oras na nakaharap na niya ang nakatakda sa kanya dahil pinukaw ni Elena ang damdamin na kailanman ay ay hindi umusbong noon kay Elijah."Hindi ko masasabi, kamahalan. Dahil naghihintay ang kaluluwa ni Elena sa buhay na kapareha niya. Hindi basta bastang maipapanganak muli si Elena kung hindi niya kaparehas ang katawan ng ipapanganak na sangol." Paliwanag ni Sicario kay Elijah. Hindi na nagsalita pa ang hari. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay. "Ngunit oras na matagpuan niyo ang aking bangkay, hinihiling ko na huwag niyong hanapin si Elena. Nakatakda ang kanyang pagbabalik sa tamang panahon, kamahalan. Siya ang lilitaw sa harapan mo sa hindi inaasahang pagkakataon."Alam ni Elijah na susulpot muli si Elena sa kanyang harapan dahil iyon ang sinabi ni Sicario sa kanya. Ngunit hindi niya alam kung kailan iyon. Gustong gusto niya itong hanapin ngunit wala siyang magawa. Hindi niya alam kung ipapanganak ba si Elena dito sa Wysteri o sa labas. Naiisip ni Elijah na imposibleng maipanganak si Elena sa labas ng Wysteria dahil isa itong imortal at hindi mortal. Ngunit wala siyang magawa kundi ang maghintay at tiisin ang kalungkutan.Lumipas pa ang maraming taon at sa ika-isang daan taon ng pagkamatay ni Elena ay naipanganak siya sa labas ng Wysteria. Agad na naramdaman iyon ni Sicario kaya mabilis siyang gumawa ng pekeng katawan niya na magsisilbeng bangkay niya.Kailangan na niyang mahanap si Elena, bago pa mahuli ang lahat. Kailangan niya itong protektahan habang sangol pa lamang. Alam niyang may mga nakakawalang mga demons sa mundong ibabaw at ang katulad ni Elena ay isang masarap na pagkain para sa mga ito.Agad na nakalabas si Sicario sa Wysteria at sinundan niya kung saan man si Elena. Ngunit hindi niya inasahan na nasa kalapit na bansa lang pala si Elena. Nasa Pilipinas ito ipinanganak at agad niyang natagpuan ang pamilya nito.Mabilis na gumawa siya ng orasyon para mapaniwala niya ang pamilyang ito na parte siya ng pamilya at siya ang lolo ng mga bata. Naging parte ng pamilya si Sicario at inalagaan si Elena na parang tunay niyang apo.May anak ang mag-asawa bago pa man naipanganak si Elena. Isa itong babae, mortal at tuwang tuwa sa pagdating ni Elena. Ngunit nagbago na din ang katauhan ni Elena at hindi na siya amg dating Elena na ipinanganak sa Wysteria. Pinangalanan nila itong Alessia Andromeda Condor.Minahal niya si Alessia na parang sarili niyang apo. Ngunit nakikita niya si Roselle, ang umuusbong na galit nito kay Alessia habang lumalaki sila. Kahit pinaprotektahan niya si Alessia dahil lapitin pa rin ito ng mga demons. May mga mababait din naman na mga demons at iyon lang ang hinahayaan ni Sicario na makalapit. Gusto man ni Sicario na ilayo si Alessia sa sekreto ng kanyang pagkatao ngunit hindi niya maiwasan na burahin ang mga demons sa buhay ni Alessia. Kakatwang lapitin ito ng mga demons, masama man o mabuti.Alam niyang hindi magiging magandang dulot ang kaalaman na ito, ngunit sa simula pa lang, alam niyang hindi isang ordinaryong immortal si Elena dahil siya ang nakatakda. Kaya kahit ipinanganak na siyang muli, nagbago ng kataohan bilang Alessia ay kakaiba pa rin siya kahit sa normal na tao.Habang palaki ng palaki si Alessia, ay nangangamba si Sicario dahil sa nalalapit na pagbabalik ni Alessia sa Wysteria. Hindi niya ito mapipigilan dahil iyon ang nakatadhana. Oras na mangyari iyon ay magiging abala si Sicario sa preparasyon. Hinihiling lang niya na wala sanang mangyaring masama, bago ang muling pagkikita nila ni Alessia.Tiningnan niya ang kwintas na nasa kamay niya. Ito ang kwintas na magpapatunay na Alessia ay si Elena. Ngunit kahit wala man kwintas ay makikilala siya bilang Elena dahil sa ipinanganak si Elena muli na kapareho pa rin ang dating mukha. Ang ipinagkaiba lang ay ang kulay ng kanilang mga mata at buhok. Kulay luntian ang mga mata ni Alessia habang asul naman ang kay Elena. Mas mapusyaw din ang buhok ni Elena kaysa kay Alessia."Lolo, gusto ko po ang kwintas." Saad naman ng batang si Roselle habang nakatitig ito sa magandang kwintas na dapat kay Alessia."Bata ka pa para sa isang mahalagang bagay, Apo ko." Naging tugon naman ni Sicario. Hindi niya kayang sabihin na hindi para rito ang kwintas dahil alam niyang nagseselos ito kay Alessia. Hindi man niya kadugo ang bata ay napamahal na rin sa kanya si Roselle.Naging malungkot naman ang ekspresyon ni Roselle. "Pagmalaki na ako, maaari na po ba?" Tanong ulit nito. Hindi maipagkakaila na gustong gusto ito ni Roselle."Pagdating ng panahon, maaari mo itong kunin." Sagot naman ni Sicario at nginitian ang bata.Alam niyang pinapaasa niya lang ang kanyang apo ngunit parte ito sa kanyang plano. Sa pagtuntong ni Elena sa wastong edad ay ibibigay niya dito ang kwintas, ngunit ito din ang magiging susi na maibabalik ito sa Wysteria. Mahahanap siya ng hari at susundan ulit ng panganib.Kung hindi magbabago ang interes ni Roselle hanggang sa paglaki at gusto pa rin nito ang kwintas, maaaring sapilitan na aagawin ito ni Roselle. Kung magiging tagumpay si Roselle, malaki ang posibilidad na malinlang ang hari. Sisiguradohin niya lang na magkasama si Roselle at Alessia sa oras na magbubukas ang portal patungong Wysteria dahil kailangan na mapasama si Roselle sa Wysteria.Alam niya na hindi niya dapat dinadamay si Roselle sa problemang ito dahil isang normal na tao lamang ito. Hindi ito katulad ni Alessia na pwedeng maibalik ang imortalidad sa takdang panahon."Sicario! A-ang mga magulang ng mga bata, pinaslang sila!" Biglang sigaw ng kapitbahay nila at namumutla ito na tila hindi alam kung ano ang gagawin.Mabilis na napatayo si Sicario. "Si Alessia?" Kinabahan siya bigla dahil sa maaaring nangyari kay Alessia. Ang alam niya ay kasama nito ang mga magulang sa parke. Ngunit hindi niya kaya kung meron man mangyari sa bata."Nasa parke siya...nakita niya ang buong pangyayari. Kasama niya ngayon ang mga pulis na nag-iimbestiga." Mabilis na sagot nito.Namumutlang lumabas si Sicario habang nakasunod naman ang pitong taon gulang na si Roselle. Limang taon gulang pa lang si Alessia pero nasaksihan na nito ang isang masalimuot na insidente. Wala pa siyang ideya kung ano ang ikinamatay ng mga magulang nina Alessia dahil wala pa siya sa pinangyarihan.Narating ni Sicario ang parke at nakita niya doon ang mga pulis. May dalawang bangkay na nakapaloob sa body bag. Nakita niya si Alessia na ngayon ay tulala at tumutulo ang luha habang nakaupo ito sa bumper ng sasakyan ng mga pulis."Apo ko!" Agad na sigaw ni Sicario at dinaluhan niya si Alessia na tila walang naririnig at napapansin."Sir, kaano-ano niyo ang biktima?" Agad na tanong ng isang pulis na ngayon ay nagtatala ng report."Anak ko sila...apo ko ang batang ito." Sagot ni Sicario habang nakatingin kay Alessia at awang awa sa itsura ngayon.Wala siyang maramdaman na awa sa dalawang bangkay na wala ng buhay dahil hindi naman niya ito kaano-ano, kay Alessia lang at Roselle na maagang naging ulila. Ang kanyang ikinatatakot ay nararamdaman niya ang mga bakas ng mga demons. Kahit ang dalawang bangkay ay umaalingasaw ang amoy na nagmumula sa demon."Sir, hindi pa po matukoy kung ano ang ikinamatay ng mag-asawa. Pero ayon sa apo niyo, isang halimaw daw...ngunit imposible naman na iyon nga ang nangyari. May psychiatrist na titingin sa apo niyo para magamot ang trauma na tinamo niya." Saad nito kay Sicario at nakumpirma niya ang kanyang hinala.Alam niya noon pa na kahit tao na si Alessia ay nakakakita ito ng demon na hindi nakikita ng ordinaryong tao. Si Roselle naman ay hindi, ngunit hindi siya sigurado doon dahil napapansin niya na minsan ay natatakot ito tuwing may demon ngunit nagpapanggap ito na tila walang nakikita.Iisa lang ang hinala ni Sicario, nahawakan na ni Roselle ang kwintas ni Alessia. Oras na dumapo ito sa isang normal na tao ay mabubukas sa mga mata nila ang sekretong mundo at mga nilalang. Ang mga demons at mga imortal."L-lolo...pinatay sila ng monster." Biglang bulahaw ni Alessia nang nawala na ito sa pagkakatulala. "May monster...may monster..." paulit ulit na saad nito kaya niyakap ito ni Sicario ng mahigpit."Patawad apo ko...Hindi hahayaan ni lolo na saktan ka ng mga halimaw." Saad niya sa bata hahang hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak.Iyon ang pagkakataon na nagbago ang pamumuhay nila. Naging bukas ang mga mata ni Alessia sa mga nilalang na hindi nakikita ng mga tao. Alam nito na may mga mabuti at masama. Tinuruan niya si Alessia kung ano ang mga halaman gamot at mga pagkain na gusto ng mga demons upang hindi si Alessia ang pagkaintersan na kainin ng mga ito.Kinailangang nilang lumipat sa bayan ng Arada, kung saan ay hindi pinamumugaran ng masasamang demons. May mga demons sa bayan na ito ngunit hindi yung klaseng nananakit. Kaya hindi lingid sa kanyang kaalaman na may nagiging kaibigan si Alessia na mga kakaibang nilalang kahit hindi nito sinasabi.Tinuruan din ni Sicario si Alessia kung paano nakipaglaban. Alam niya na hindi sapat ang kanyang kaalaman sa pakikipaglaban, ngunit gusto niyang matuto si Alessia at maprotektahan ang sarili niya. Dahil oras na makabalik siya sa Wysteria, hindi magiging madali ang buhay nito doon. Dahil mabubuhay ito bilang tao, kasama ang mga imortal at mga demons."Maaari ko na bang i-uwi ang apo ko? Kailangan niyang magpahinga." Saad naman ni Sicario sa doctor na tumitingin kay Alessia dahil sakitin ito. "Salamat sa pagtulong mo sa dalawang apo ko." Dugtong niya."Walang ano man iyon, Sicario. Kailangan ng espesyal na atensyon ni Roselle dahil sa mental disorder niya." Tugon naman ng doctor."Sige po Doc, maraming salamat." Tugon naman ni Sicario at umalis na sila sa pagamutan kasama si Alessia at Roselle.Alam niyang nagkakaroon na ng lamat ang relasyon ni Roselle at Alessia. Kung ganoon man ang mangyari, nais pa rin ni Sicario na mangyari ang nakaplano. Kailangan si Roselle ang matagpuan ng Hari oras na mapunta pabalik sa Wysteria si Alessia. Kailangan niya ng panahon para linlangin ang mga kalaban, bago nila malaman ang katotohanan na si Alessia ay si Elena.©️charmaineglorymaeAlessia's POVNATAPOS ang blessing of the moon ng matiwasay at walang naging gulo. Gusto ko sana na pumunta at makisali sa kasiyahan ngunit hindi ako hinayaan ni Elijah. Alam ko na nag-aalala lang ito dahil masyadong maraming mamamayan ang nagkakasiyahan at baka may kung anong mangyari sa kalagitnaan nun.Umuwi kami sa palasyo kung saan ay tulog na ang lahat. Madaling araw na nang nakabalik kami at ramdam ko na rin ang pagod. Pagkatapos ng pagsiselyo ay lumipad pa kami sa ibang bahagi ng Valeria para tingnan ang kaganapan. Wala naman kaming nakitang kakaiba kaya bumalik din kami kaagad."Sweetheart, I would like to ask you something." Turan naman sa akin ni Elijah sa kalagitnaan ng paglalakad namin sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag.Napalingon naman ako sa kanya. "Ano yun?" Magalang na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya sa akin, o kung patungkol ba ito sa pag-alis namin mamaya patungong Mythion. Masyado na kaming maraming pinag-usapan na hindi ko na m
Alessia's POV"LADY Alessia, nakahanda na po ang makakain niyo." Saad naman sa akin ni Estrebelle. "Kasama mo pong mag-aagahan ang mahal na hari." Nakatungong saad ni Estrebelle sa akin habang nasa gilid ako ng barko at nakahawak ako sa balustre.We'll eat together. Bulong ko sa aking isipan. Mabibilang lang sa kamay ang pagkakataon na magkasabay kaming kumain ni Elijah. Ngunit wala naman akong magagawa dahil iyon talaga ang nakasanayan sa mga dugong bughaw. Dining area is only for big bounty. Madalas sa silid kumakain ang mga nakatira at hindi nagsasalu-salo sa hapag. Being a royal blood is somehow lonely. "Sige." Naging tugon ko naman. Halos tanghalian na at hindi pa kumakain si Elijah. Sadya ba na hindi siya nag-agahan para makasabay ako? Pero hindi naman iyon bagay na kailangan kong ipag-alala. His sleeping habits are way more important than eating. Hindi naman siya mamamatay kung late lang siya mag agahan. Forget it, he's an immortal and starving himself won't even kill him.Dum
Alessia's POVKUNG ano na lang ang pinag-usapan namin ni Stefano. Pero mas naging interesado ako sa Mythion. Kinuwento niya sa akin ang mga kalakalan sa Mythion. Kahit taglamig doon ay hindi mahirap ang buhay sa Mythion dahil sagana pa rin ito sa pagkain at mga pananim na sa niyebe lamang tumutubo.Hindi ito katulad sa normal na mundo na kailangan mag-imbak ng makakain kung tag-ulan o kaya ay taglamig dahil hindi masagana ang mga taniman. Taghirap sa mahabang panahon, ganoon ang taglamig. Kakaiba talaga ang mundong ito, malayong malayo sa inaasahan ko.Dumating na din kami sa wakas sa Sennone. Ang syudad ng Mythion kung saan nandoon din ang palasyo ni Natalia. Nakikita ko na ang lapagan ng mga barkong pang himpapawid ng Mythion. May mga nakaabang na rin sa ibaba na mga kakaibang kabayo at karwahe.Unang napansin ko ay ang mga kabayo na kulay bughaw na kalangitan. Ang kanilang mga buhok ay tila kumikinang na mga krystal. Hindi naalis alis ang mga mata ko sa mga kabayo na ngayon ko lang
Alessia's POVDUMERECHO kami sa komedor para sa hapunan. May mga nakahandang pagkain doon na bagay lang sa malamig na pnahon lalo na at galing kami sa labas at paglalakbay."Sana maayos lang sa inyo ang temperatura dito sa loob." Natutuwang saad naman ni Natalia habang naglalakad ito kasabay namin ni Elijah. Ramdam ko ang may kainitan na temperatura ngunit hindi ito sapat para kami ay pagpawisan. "You have a lot of fireplace, so it would he fine." Sagot naman ni Elijah dito na tila normal lang sa kanya ang paligid. Habang ako naman ay panay ang lingon dahil sa kakatingin sa paligid.Marangya ang palasyo ni Natalia, ngunit ang tema ng kanyang palasyo ay kulay rosas at puti. Masyadong pambabae ito at sa palagay ko naman ay nakasanayan na ng iba dito sa itinagal ng panahon. These colors are a brand of a soft girl. Iniisip ko pa lang si Natalia bilang soft girl ay napapailing na ako. She may look soft, but not her behavior and attitude.Itinuon ko na lang ang pansin ko sa hapag. May mga
Alessia's POV"THIS will be your room, King Elijah." Nakangiting saad naman ni Natalia na personal na inihatid pa ito sa magiging kwarto. Nasa tapat kami ng pintuan ngayon ng kwarto at ni isa sa amin ay walang nagsasalita.Itinuon ko na lang ang pansin ko sa disenyo ng pintuan at nagpanggap na lang ako na walang napapansin. Alam naman ng lahat na gustong gusto ni Natalia si Elijah kaya hindi na iyon nakakapagtataka pa. Mas magtataka ako kung hindi personal na gagawin iyon ni Natalia.Hindi rin ako nakakaramdam ng selos dahil na rin sa wala naman ginagawang kaselos selos si Elijah. Kahit hindi na ako magtanong pa, alam ko na walang gusto si Elijah kay Natalia kahit sabihin pa na gustong pakasalan ni Elijah noon si Natalia.Masasabi ko na political marriage iyon at hindi marriage because of love. Sa hinaba haba ng panahon ni Elijah na nabuhay sa mundo, mahirap na sa kanya ang magkagusto sa isang babae. Dahil kung nagkagusto na siya, malamang may asawa na ito—teka, paano ako nakakasiguro
Alessia's POVBINASA ko na ang libro. It was a typical old story book that sounded very english and greeks. Medyo napapangiwi ako dahil parang tunog Julius Caesar ang binabasa ko. It talk about greek gods, especially Poseidon since homer's journey travels the seas.Tila sumasakit ang ulo ko sa pagbabasa dahil kuwento ito ngunit patula ang pagkakasulat. Pero naiintindihan ko naman dahil makata talaga ang mga sinaunang tao. Masyado na akong sanay sa pagbabasa ng mga normal na english novels.Itinuon ko na lang ang pansin ko sa libro dahil wala naman ibang basahin doon bukod dito. Kahit medyo hindi ako sanay na ganito ang binabasa ko, pinagpapasensyahan ko na lang dahil nagpapaantok ako."You're not asleep. Sweetheart, it's already late." Pukaw naman sa akin ni Elijah na nakalabas na pala ng banyo at mukhang bagong ligo ito. Nakasuot ito ng itim na robang pantulog. Ang kanyang buhok ay medyo basa ngunit maayos ito na tila isang makintab na tela na nakalugay sa kanyang balikat."Naninibag
Alessia's POVDUMATING kami sa isang silid kung saan nakaupo ang dalawang imortal na may kalakihan ang mga katawan. Pareho silang matangkad at nasa mga trenta ang edad kung pagbabasehan ang kanilang mga itsura. Napalingon naman sila sa akin nang napansin na bumukas ang pintuan at kaagad silang tumayo nang makita ako."Magandang araw binibini. Ipagpaumanhin ninyo kung nagambala ka namin sa iyong pamamahinga." Saad ng isang lalaki na may kayumangging buhok at kulay abong mga mata. "Ako po si Galen at ito naman kasama ko ay si Rubius." Pakilala nito at sa kasama niya na may maitim na buhok. Parehong may kahabaan ang kanilang buhok na hanggang likod.Nakasuot sila ng panlamig na mas lalong nagpapalaki sa kanila tingnan. Ngumiti naman ako sa kanila at pilit iniinda ang sakit na nararamdaman ko ngayon. "Ikinagagalak ko kayong makilala. Ako si Alessia at pag-usapan na natin ang plano." Nakangiting saad ko sa kanila at tila gumaan naman ang kanilang mga ekspresyon. Noon una ay tila naiilang
Alessia's POVTUMAMA ang katawan ko sa matigas na bagay at napaungol ako dahil sa sakit. May mga nahulog sa akin na mga niyebe na galing sa puno ng pino at hindi ako makagalaw dahil masakit ang likod ko.Tumulo ang aking luha dahil magkasabay na kumirot ang sakit na aking nararamdaman ngayon. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata at dinig ko ang sigawan nina Galen at Rubius na patungo na sa akin."Rubius, bumalik ka at papuntahin mo na ang karwahe malapit dito. Kailangan natin siyang maidala sa manggagamot." Sigaw ni Galen at nakalapit na ito sa akin. "L-lady Alessia...sabihin mo sa akin kung saan ang masakit sa iyo." Natatarantang tanong ni Galen sa akin. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na namumutla ito ngayon sa takot.Hindi ko alam kung paano sasabihin kung saan ang masakit sa akin. Sigurado na lamog ang aking likod pero wala itong bali dahil hindi ko naman naramdaman na may nabali. Malakas lang talaga ang pagkakatama sa akin na tila tinadyakan ako ng kabayo sa likod ng m