Share

Chapter 2

Alessia's POV

"LADY Alessia, nakahanda na po ang makakain niyo." Saad naman sa akin ni Estrebelle. "Kasama mo pong mag-aagahan ang mahal na hari." Nakatungong saad ni Estrebelle sa akin habang nasa gilid ako ng barko at nakahawak ako sa balustre.

We'll eat together. Bulong ko sa aking isipan. Mabibilang lang sa kamay ang pagkakataon na magkasabay kaming kumain ni Elijah. Ngunit wala naman akong magagawa dahil iyon talaga ang nakasanayan sa mga dugong bughaw. Dining area is only for big bounty. Madalas sa silid kumakain ang mga nakatira at hindi nagsasalu-salo sa hapag. Being a royal blood is somehow lonely.

"Sige." Naging tugon ko naman. Halos tanghalian na at hindi pa kumakain si Elijah. Sadya ba na hindi siya nag-agahan para makasabay ako? Pero hindi naman iyon bagay na kailangan kong ipag-alala. His sleeping habits are way more important than eating. Hindi naman siya mamamatay kung late lang siya mag agahan. Forget it, he's an immortal and starving himself won't even kill him.

Dumerecho na ako sa cabin at nakita ko doon ang maliit na hapag na may mga nakalagay na pagkain. Nandoon na rin si Elijah at hinihintay ako.

"Bakit hindi ka nag-agahan?" Derechang tanong ko kay Elijah. Alam ko na hindi naman seryoso ang sitwasyon na iyon, pero hindi ko mapigilan na magtanong.

"I had coffee." Sagot naman niya sa akin na tila sinasabing tama siya.

"That's a liquid and not some carbs, you need to eat proper food, Elijah." Turan ko naman sa kanya. Hindi maganda ang kape sa walang laman na sikmura. Coffee is acidic and it will raise the hyperacidity of the stomach that will cause heart burn. Lalo na yung may mga mild ulcer.

Niyakap naman ako ni Elijah mula sa likuran at ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at marahan na bumulong. "I'm sorry, sweetheart. I'll eat on time from now on."

Pinigilan ko naman ang sarili ko na mapangiti dahil sa iniakto niya. Lahat naman ng mga tagapag-silbe na nasa loob ng cabin ay nakatungo na tila bulag at binge sa mga nangyayari.

"Kumain na tayo, gutom na rin ako." Saad ko na lang at hindi pinahalata na kinilig ako. Pero totoo na gutom na rin talaga ako. Sino ba ang hindi magugutom kung wala pa akong agahan?

Umupo na kami ni Elijah at nagsimula nang kumain. Mga pagkain pa rin ito na normal na hindi ko lang alam kung ano ang pangalan. They are steak like meat pero alam ko na may pangalan ito. Ngunit hindi na ako nagka-interes pa na magtanong kung ano ang pangalan ng pagkain na ito dahil ang importate sa akin ay nabusog kami.

"Sweetheart, I'll have a meeting with the sentinels. Stefano will accompany you for the entire duration of our travel." Turan naman ni Elijah sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Sige. Pero bakit pala mas marami ang dinala mong mga Sentinels ngayon?" Hindi ko mapigilan na tanong sa kanya. He will usually just bring ten Sentinels with us. Pero ngayon ay marami talaga.

Tila nag-isip naman si Elijah bago ito sumagot. "I don't want to repeat the scene in Callora Grande." Sagot niya pagkatapos na pag-isipan iyon.

"Sudanni is with us. His existence alone is already a huge factor." Tugon ko naman sa kanya at uminom na ako ng tubig. Sudanni is a powerful being and can wipe out any beast.

"I don't trust him." Kunot noong sagot sa akin ni Elijah.

"Pero sa palagay ko ay hindi siya masamang nilalang, Elijah. He might be suspicious but I think we can trust him enough." Kalmadong saad ko sa kanya na tila wala lang nangyari. Alam ko na kung ano ang dahilan ni Sudanni kaya hindi na ako nagdududa pa sa kanya.

"A titan is a monster. He can betray us anytime." Malamig na tugon ni Elijah sa akin na tila may masama itong ala-ala tungkol sa mga titan.

"But you still allowed him here." Seryosong tugon ko sa kanya. Alam ko na ang totoong dahilan kung bakit gustong sumama ni Sudanni. But Elijah doesn't know about it. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya na may gustong pumatay sa akin. But I rather keep it than adding burdens to his shoulders.

"It's better to keep your enemies closer." Tugon niya maman sa akin habang kumain.

"What if he's here to protect us?"

"I doubt that."

"You're judging him without a concrete reason."

"He's coming with us without a solid reason too."

Hindi na ako umimik dahil pakiramdam ko ay masisigawan na ako nito ano man oras. I can see that his ears are flushing. It means he's not liking the situation. Nagseselos ba ito dahil pinagtatanggol ko si Sudanni?

"Busog na ako." Saad ko na lang dahil nawalan na ako ng gana sa pagkain.

Naiintindihan ko naman kung bakit wala siyang tiwala sa maraming bagay. Ngunit dahil alam ko kung ano ang totoo kung bakit sumama si Sudanni ay nakakasama ng loob. Hindi ko gustong sabihin sa kanya ang nangyayari dahil ayokong makadagdag sa kanyang alalahanin. Having someone who's trying to kill me is already a burden.

"Stefano, guard your lady. I'll go now." Saad naman ni Elijah at tumayo na ito sa hapag at umalis. Hindi man lang ito pormal na nagpaalam sa akin at ni hindi ako tinapunan ng tingin. He's sulking. The king is sulking. How, great!

Napapikit naman ako ng mariin. Kahit tanga ay malalaman na nagtatampo si Elijah. Kahit hindi niya sinabi ay nahalata ko ito dahil sa kanyang kilos at bastang umalis na lang ito.

"Linisin niyo na ang lamesa." Saad naman ni Stefano at tsaka lumapit na ito sa akin. "Suotin mo na ito."

Binigay niya sa akin ang coat na hinanda ni Estrebelle kanina para sa Mythion. Tinanggap ko naman iyon at tsaka isinuot. May kabigatan nga siya ngunit hindi naman ito sapat para magkanda kuba ako.

"Salamat." Mahinang tugon ko naman kay Stefano.

"Tara sa labas para makita mo ang Mythion." Yaya naman niya sa akin.

Tumango naman ako at naglakad na palabas si Stefano at sumunod naman ako. Agad na bumungad sa akin ang maulap na kalangitan na natatakpan ang araw. Ramdam ko kaagad ang malamig na klima sa aking pisnge na siyang ikinaligkig ko.

Sumunod ako kay Stefano at narating namin ang gilid ng barko at humawak ako sa balustre. Napatitig ako sa ibaba at namangha sa nakita. Lahat ng bagay na nakikita ko sa ibaba ay tila itim at puti.

Nakikita ko na sa mga pelikula ang ganitong mga tanawin ngunit higit na mas maganda ito sa personal. Pakiramdam ko ay hindi totoo ang nakikita ko dahil sa sobrang ganda. Nakikita ko ang mga puno ng pino na naliligo sa niyebe. Mga bundok na nagyeyelo at mga naninigas na mga ilog.

Ramdam ko ang lamig at nagulat na lang ako dahil biglang may nagsuot sa akin ng isang mainit na bagay sa magkabilang tenga ko.

"Ear muffs. Hindi ka pa sanay sa lugar na ito." Saad ni Stefano sa akin at bawat salita niya ay bumubuga ito ng usok.

"Maganda siya tingnan, ngunit hindi ko gusto ang lugar." Napapangiwing saad ko kay Stefano dahil nararamdaman ko pa rin ang lamig sa katawan ko kahit nakasuot na ako ng makapal na coat.

Natawa naman si Stefano sa reaksyon ko. "Unang beses mo pa kasi dito at normal talaga na yan ang mararamdaman mo. Hindi ka ipinanganak sa niyebe, pero masasanay ka rin." Saad niya sa akin na tila sinasabi na magiging maayos lang ang lahat.

"Hindi ko na kailangan na sanayin ang sarili ko dahil hindi na ako babalik dito." Makahulugang saad ko kay Stefano. Tama, ito ang una at huling pagpunta ko sa Mythion. Oras na makaalis na ako dito ay sigurado akong babalik kami ni lolo sa Arada. Hindi kami mahahanap doon ni Elijah dahil wala siyang ideya na naging tao ako at doon ako nanggaling.

"Magiging reyna ka ng Valeria, kaya hindi ito ang huling pagkakataon mo na makapunta dito, Ales." Saad niya sa akin na tila pinaalala sa akin na hindi ako ang nakatakda.

You're wrong Stefano. Saad ko iyon sa isipan ko. He really believed that I will be with Elijah for the rest of my life, when I am already bound to leave.

"We'll see." Tugon ko sa kanya at ngayon pa lang ay gusto ko ng isumpa ang lugar na ito dahil nanginginig na ang kamay ko kaya ipinasok ko iyon sa suot ko na coat.

"Ngunit nais ko lang na sabihin sa iyo. Habang nandito tayo sa Mythion, maaari mo bang iwasan si Reyna Natalia?" Nag-aalalang turan niya sa akin.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya dahil sa pagkakaalala ko ay wala akong dahilan para iwasan si Natalia. Alam ko na mapagmataas ito, ngunit wala naman siyang ginawa sa akin noon bumisita sila sa Valeria.

"Paano ko siya iiwasan, Stefano kung nandito tayo mismo sa teritoryo niya?" Seryosong tanong ko sa kanya. Imposible ang sinasabi ni Stefano dahil parang sinabi na rin niya na iwasan ko ang sarili kong anino. Nandito kami sa kanyang teritoryo at imposibleng maiiwasan ko si Natalia lalo na sa misyon namin.

"Gustong gusto niya ang kamahalan. Oras na malaman niya na babae ka at may relasyon na kayo ni Elijah, hindi magiging madali ang pananatili mo dito sa Mythion." Sagot niya sa akin na may kasamang babala.

"Kahit sabihin pa natin iyan Stefano, imposible pa rin na maiiwasan ko si Natalia. Kung gusto niya akong nakaharap, laging may paraan." Ani ko sa kanya. "Parang sinasabi mo sa akin na delikado si Natalia."

"Hindi naman sa ganun." Mabilis na sagot ni Stefano. "Ayaw lang namin na maging magulo ang pananatili mo si Mythion."

"Tahimik ba ang buhay ko, kahit wala ako sa Mythion? Stefano, walang magbabago kung iiwasan ko si Natalia. Alam ko na alam na niya na babae ako dahil sigurado ako na umabot na dito ang balita. Walang silbe ang pag-iwas ko sa kanya lalo na kung siya mismo ang lalapit. Bakit ko siya iiwasan, kung pwede ko naman siyang harapin?" Hindi ko alam kung bakit tila naiinis ako kay Stefano. Alam ko na mahina ako ngunit mas nakakaasar pala na ganoon ang tingin nila sa akin.

Hindi ko naman itinatanggi na mahina ako, ngunit sana naman ay pagkatiwalaan nila ako sa bagay na ito. Kaya ko naman protektahan ang sarili ko kung sakaling pagsalitaan ako ng hindi maganda ni Natalia.

"Alam ko na kaya mo ang sarili mo. Ngunit hindi namin gusto na maging magulo ito. Alam ko na masyado ng maraming kagulohan ang naranasan mo nitong mga nakaraang araw, kaya nag-aalala kami. Hindi ka gustong isama ni Elijah dito sa Mythion ngunit mas natatakot siya na magalit ka sa kanya dahil binali niya ang pangako niya sa iyo." Paliwanag niya sa akin sa kanyang ipinupunto.

Malamang na magagalit ako dahil ito na lamang ang huling pagkakataon na makakasama ko si Elijah.

"Stefano, alam ko na maraming bagay na ikinatatakot si Elijah. Mga bagay na hindi niya magawang sabihin sa akin. Hindi ko alam kung bakit, ngunit masyado ba itong mabigat? Mas mabigat pa ba ito sa dahilan na siya ang nagpapatay kay Ate sa nakaraang buhay niya?" Lumamlam ang aking mga mata. Matagal ko na itong alam ngunit hindi ko iyon pinaniwalaan kaagad. Ngunit nang tumagal, noon nasa Eleftheria kami, doon ko napagtanto ang ikinatatakot niya. Dahil kapatid ko si Ate, at natatakot siya na malaman ko na siya ang nagpapatay kay Ate sa nakaraan buhay niya.

Hindi naman malaking bagay iyon sa akin. Hindi naman ako si Ate at wala naman akong alaala tungkol doon. Ngunit kung ako ang nasa kalagayan ni Ate, hindi ko masisigurado kung ganito pa rin ang mararamdaman ko. Kung magiging maayos lang ako. How can someone be with a criminal like nothing happened? How can I stay in love with my killer?

"S-saan mo nalaman iyan?" Namumutlang tanong ni Stefano na parang naubosan ito ng dugo.

Ngumisi naman ako sa kanya. "Alam ng lahat sa palasyo, Stefano. Kaya imposibleng hindi ko malalaman. Una, hindi ko iyon pinaniwalaan dahil hindi ganoon ang tingin ko kay Elijah. Ngunit kalaunan, napagtanto ko na dahil na rin sa mga takot niya." Mahinang saad ko kay Stefano. "Natatakot siya na malaman ko na siya ang nagpapatay kay Ate. Pero sa totoo lang, wala naman iyon para sa akin. Hindi naman ako yung namatay, kaya hindi ako magagalit."

"Paano kung...ikaw iyon at hindi ang kapatid mo?" Hindi mapakaling tanong ni Stefano sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Then, it will be enough reason for me to stay away from him. No person will be in love with her killer, Stefano. I cannot love someone who killed me." Malamig na saad ko sa kanya na mas lalong ikinaputla ni Stefano.

"Ha! M-mabuti na lang pala at hindi ikaw si Roselle." Pero bakas sa boses nito ang kaba na siyang nagbigay sa akin ng pagdududa at pagtataka.

But even though I am not her, I am still leaving Stefano. It might have been better if I was the one who was killed. It will be easier for me to leave him.

"Do you celebrate Christmas here?" Pag-iiba ng tanong ko naman sa kanya. Halata na hindi komportable si Stefano sa pinag-uusapan namin kaya mas maganda kung iba na lang.

"Christmas? Oo naman. To be exact, we call it as thanksgiving every December. Malapit na rin iyon, sigurado akong makakabalik na tayo sa Valeria bago pa iyon mangyayari." Saad naman niya sa akin na kahit papaano ay nagbago na ang kulay ni Stefano. Hindi na ito namumutla kagaya kanina.

"Bigayan ng regalo?" Tanong ko naman sa kanya. Gusto kong malaman kung katulad ba ito ng pasko sa buong mundo.

"Hindi, pero pwede din. Pero madalas, pagsasalo kasama ang mahal mo sa buhay ang araw na iyon." Nakangiting saad niya sa akin at biglang lumarawan naman sa kanyang mukha ang lungkot. "Both me and his majesty are celebrating thanksgiving alone for many years. We are looking forward for the upcoming thanksgiving because there is already you.

Kahit nahihirapan ako, ngumiti pa rin ako at pwersahan na itinatago ang nagbabadyang luha na gustong kumawala.

"I wish too." Naging tugon ko sa kanya na kahit sabihin ko man iyon ay alam ko na hindi na magkakatotoo.

I am the reason right now why both Elijah and Stefano are happy. But I will be the same person who will paint sadness in their faces.

©️charmaineglorymae

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status