Share

Chapter 3

Alessia's POV

KUNG ano na lang ang pinag-usapan namin ni Stefano. Pero mas naging interesado ako sa Mythion. Kinuwento niya sa akin ang mga kalakalan sa Mythion. Kahit taglamig doon ay hindi mahirap ang buhay sa Mythion dahil sagana pa rin ito sa pagkain at mga pananim na sa niyebe lamang tumutubo.

Hindi ito katulad sa normal na mundo na kailangan mag-imbak ng makakain kung tag-ulan o kaya ay taglamig dahil hindi masagana ang mga taniman. Taghirap sa mahabang panahon, ganoon ang taglamig. Kakaiba talaga ang mundong ito, malayong malayo sa inaasahan ko.

Dumating na din kami sa wakas sa Sennone. Ang syudad ng Mythion kung saan nandoon din ang palasyo ni Natalia. Nakikita ko na ang lapagan ng mga barkong pang himpapawid ng Mythion. May mga nakaabang na rin sa ibaba na mga kakaibang kabayo at karwahe.

Unang napansin ko ay ang mga kabayo na kulay bughaw na kalangitan. Ang kanilang mga buhok ay tila kumikinang na mga krystal. Hindi naalis alis ang mga mata ko sa mga kabayo na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. They are even more beautiful than unicorns!

"They are winter stallions." Biglang saad naman ni Elijah na hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala.

Hindi ko nagawang tumugon. Kanina lang ay nagtatampo ito at basta na lang akong nilayasan. Ngayon ay lalapit ito sa akin na tila walang nangyari. Minsan, nagiging wala sa katinuan itong si Elijah. He should fix this behavior of his. He can't just walk out and go back like nothing happened.

Alam ko na dapat hindi ko na iyon palakihin pa. Ngunit ayokong konsentihin ang ugali niyang ito. Alam ko na nagagawa niya ang lahat ng gusto niya, at walang kukwestiyon sa kanya. Ngunit kung walang magmumulat sa kanyang mga mata ay magiging ganito si Elijah habang buhay. He might be a king but that trait is unbearable for me and for others.

"Stefano, tulungan mo akong makababa." Blankong turan ko kay Stefano na nagulat naman. Mabilis itong napatingin kay Elijah at namutla. Alam ko na kinakabahan ito dahil mabilis magselos si Elijah at kung anu-ano kaagad ang pumapasok sa isipan niya kahit wala naman dahilan.

"Ales, ang kamahalan na ang aagapay sa iyo pababa." Mabilis naman na turan ni Elijah na pakiramdam ko kahit malamig dito ay pinagpawisan siya.

"Assist me." Malamig na turan ko sa kanya at hindi ko pinansin si Elijah.

"Sweet—"

"I'll just go by myself." Mabilis na saad ko at naglakad na ako para bumaba. "Sushi, come on." Tawag ko naman kay Sushi at napatingin naman ako kay Sudanni na ngayon ay tumitingin din sa paligid.

Bababa na sana ako gamit ang hagdanan ngunit may kumalabit naman sa aking siko kaya napatigil ako sa paglalakad. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino ang kumalabit sa akin.

Mabilis na piniksi ko ang aking braso at alam ko na nagulat si Elijah sa iniakto ko. Alam ko na hindi tama ang ginagawa ko, lalo na at siya ang hari. Isa itong malaking kalapastanganan sa hari, ngunit masyadong hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon para palagpasin si Elijah. Maliit na bagay lang iyon, ngunit nakakapagtampo.

Bumaba na ako ng walang tulong mula kay Elijah. May mga sumalubong naman sa amin na mga nakasuot ng makakapal na mga coat ngunit mukhang sanay na sila sa lamig. Habang ako ay nagpapanggap lang na maayos, kahit gusto ko ng sumapain ang lugar dahil sa sobrang lamig.

Why do people wish to have snow? Winter season is not fun at all! For a person like me who grew up from a tropical country, this is torture! I will not be surprised if I found myself frozen to death later on.

"My lady, ito po ang karwahe niyo." Saad naman sa akin ng isang lalaki na puti ang buhok.

Inilahad niya sa akin ang isang karwahe na kulay asul at may mga burda ang malambot na upuan doon. It's a very comfy carriage and there are three of them. The rest are normal carriage.

Naglakad na ako patungo sa karwahe at inalalayan naman ako ng lalaki para makapasok. Sumunod naman si Sushi na hindi naman pinigilan ng lalaki. Komportable akong naupo sa malambot na upuan. Sumandal ako at ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana.

Hindi umuulan ng niyebe ngunit malamig na malamig pa rin ang paligid. How can this place be still prosperous, when winter land is supposed to be limited with resources? Wala akong ideya kung ano ang tinatanim nila dito para maging pagkain.

Naramdaman ko naman na umuga ang karwahe, senyales na may ibang pumasok maliban sa akin. Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino man ang sumakay dahil wala ng iba iyon kundi si Elijah.

Naramdaman ko naman na tumabi ito sa akin pero hindi ko ito nilingon. Hindi ko na sinubukan na itaboy ito o palipalitan sa harapan ko dahil alam ko na hindi mangyayari iyon.

"Sweetheart... I'm sorry." Saad niya sa akin at kinalabit niya ako.

I almost rolled my eyes. I am not even sure if he knows what he's sorry for. Kadalasan, ang mga lalaki, nagsosorry na lang kahit hindi alam kung ano ang pagkakamali nila para lang manahimik ang mga babae. Pero ano ang silbe ng sorry kung hindi naman niya alam kung ano ang mali niya?

"What is your sorry for?" I answered with a sarcastic tone. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko na nagagawa ko din ito. Dati, sa pagkakaalala ko, ni hindi ko kayang sagutin si Elijah o kahit nasa mali na siya ay hindi ko kayang punain. Maybe this is how they said that we are already comfortable enough and the walls was broken.

"Because I disappointed you again." Sagot naman niya sa akin.

It was a generic answer and I can tell that he doesn't know what he did. Alam ko na normal na sa lalaki na makagawa ng mali na hindi nila alam o napupuna na mali na pala iyon. They thought it's okay when actually, it's not.

"How did you disappoint me then?" Tanong ko ulit sa kanya at naramdaman ko na umusad na kami patungo sa palasyo ng Mythion.

Biglang niyakap naman ako ni Elijah. "I'm sorry. I don't know what have I done, but I am saying sorry for it." Baritonong saad niya na pakiramdam ko ay nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. His voice alone can kill my soul.

Bumuntong hininga naman ako. Ito ang isa sa magandang katangian ni Elijah, he's transparent and honest when it comes to this thing. Kung hindi niya matukoy kung ano ang maling ginawa niya, sasabihin talaga niya. Hindi siya magpapanggap na alam niya ang maling nagawa niya.

"Bakit ka humihingi ng tawad, kung hindi mo naman alam kung may nagawa ka bang kasalanan?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya at nilingon ko na siya sa pagkakataon na ito. He looks like a love sick puppy, so unfitting for the king of Valeria who's sturdy and cold.

Kuminang naman ang kanyang mga mata na tila nakapaloob doon ang kalawakan. Ang kanyang mga braso na nakapalibot sa akin na nagbibigay sa akin ng init na masarap sa pakiramdam.

"Because you won't be mad at me if I did not do something...that can make you mad. You're not unreasonable. I can't even remember you being mad at me for petty thing." Sagot naman niya sa akin. Masyadong mataas ang tingin niya sa akin. Parang sinasabi niya na hindi ako gumagawa ng bagay na walang kwenta.

"You're wrong Elijah. Maybe before, I don't get mad over petty things...I may be considerate to all of those times. But as this feelings grow, I am getting unreasonable. Just by you getting out of the room without a proper goodbye hurts me." At ngayon pa lang ay nakokonsensya na ako dahil darating ang araw na iiwan kita ng walang paalam. Sagot ko sa kanya at nakita ko kung paanong lumamlam ang kanyang mga mata.

"Petty or not, we tend to be unreasonable when we love someone deeply. Somehow, I found it cute when you get angry for something like this." And he released a low chuckle that reverberated into my soul.

Genuine happiness is reflected in his eyes, but everytime the truth reminds me that I am leaving him soon, it hunts me and makes me guilty for giving this temporary happiness, laced with counterfeit promise.

"I love you..." saad ko sa kanya. Pakiramdam ko ay ito na ang huling pagkakataon na masasabi ko ang mga katagang ito. We may have no chance in the future to say these words. "I love you, Elijah."

Kinabig naman ako bigla ni Elijah at hinalikan niya ako ng mariin. I felt his cold lips touched with mine. He nipped and I slowly opened my mouth and his warm tongue entered. We exchanged passion, the cold surrounding felt like a fire is starting to burn our skin.

Naramdamam ko ang kanyang kaliwang kamay na pumasok sa ilalim ng pang-itaas ko. Sa may bandang likod. Ramdam ko ang malamig na kamay ni Elijah sa aking likod. His hands are usually not like this. He has warm hands, but in this weather, it's impossible to have a warm hands.

He laid me down on the soft couch and my hair sprawled like a spider web. His kisses moved down to my jaws while his hand is already in my stomach, touching my sensitivity and leaving traces of burnt from his passion.

Paakyat ang kanyang kamay na tila may tinutumbok na pakay nang biglang huminto ang takbo ng karwahe kaya biglang napabangon si Elijah at mabilis din niya akong ibinangon at inayos ang damit ko na nawala sa ayos.

Sobrang bilis nang nangyari na tila limang segundo lang nangyari ang pag-ayos niya sa akin. Namumula ako na nahihiya. Hindi ko alam kung alin sa nararamdaman ko ngayon ang uunahin ko. Pakiramdam ko ay namamaga ang aking mga labi. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging mapusok kaming dalawa ni Elijah, ngunit hindi ko maiwasan na tablan ng hiya.

We made out in this carriage! The last time was in the alley, now is in the carriage. Bakit may mga nangyayaring kababalaghan sa lugar na hindi naman dapat nangyayari ang mga ganoon bagay?

Ngunit hindi ko naman masagot ang mga katanungan na iyon dahil hindi ko talaga alam. One moment we're fighting, the next thing is we are kissing and touching. How come that we are fighting, we ended up making out in a conspicuous situation?

"You look fine, a bit flushed but fine." Saad naman ni Elijah sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Is that supposed to make me feel better?" Hindi ko alam kung pinapagaan niya ba ang nararamdaman ko o dinadagdagan lang.

"It's to let you know that you are still beautiful." Bulong naman niya sa akin at biglang bumukas naman ang pintuan kaya napaupo ako ng matuwid sabay tingin sa nakabukas na pintuan.

"Nandito na po tayo kamahalan at Lady Alessia." Saad naman ni Stefano na ngayon ay pormal na nakayuko.

Nauna ng bumaba si Elijah at inalalayan naman niya ako nang ako naman ang bumaba. Naramdaman ko kaagad ang malambot na niyebe sa ilalim ng aking sapatos. Ramdam ko ulit ang malamig na klima kaya hindi ko maiwasan na mangaligkig.

Agad naman na ipinalibot ni Elijah sa akin ang kanyang braso upang maramdaman ko ang init mula sa kanyang katawan. Hindi siya nakasuot ng masyadong makapal na kasuotan. Hindi katulad ko na balot na balot.

Maraming mga kawal na nakahanay sa harap ng entrada. Sa dulo naman ay nakikita ko na may nakatayo doon na isang babae na nakasuot ng winter fur cap na puti at nakasuot ito ng korona. Ang mapusyaw niyang buhok ay umaagos pababa sa kanyang balikat hanggang sa kanyang bewang.

Queen Natalia Eleanor de Mythion. The ruler of Mythion and the woman that I should be wary, according from Stefano.

Nasa likod naman namin si Stefano at Sudanni. Si Sushi naman ay nasa gilid ko na binalewala lang ang lamig. Maliit pa rin siya at hindi naman siya pinapansin ng mga kawal doon.

Naglakad na kami papalapit kay Natalia. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko. Natatakot at kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin. Noon, hindi niya ako masyadong binigyan ng pansin dahil ang alam niya ay lalaki ako. Ngunit ngayon ay iba na ang sitwasyon dahil natitiyak ko na alam na niya na babae ako. Hindi ko makalimutan kung paano niya ininsulto noon si Ate Roselle. Ni walang magawa si Ate noon kahit iniinsulto na siya. Ngayon, dadanasin ko din ba ang dinanas ni Ate?

Ngayon pa lang ay pakiramdam ko ay nahihirapan na ako. Reyna si Natalia at hindi ko siya pwedeng sagut-sagutin dahil lang sa masama ang ugali niya. Ni hindi ko magawa iyon noon kay Elijah, ngayon lang dahil sa may relasyon na kami. Pero sa nilalang na wala akong relasyon at hamak na mas nakakataas sa akin, hindi ko alam kung paano ko sila pakikitungohan.

Yumukod ako oras na nasa harap na namin si Natalia.

"Maligayang pagbati, Queen Natalia." Nanatiling nasa baba ang aking tingin at hindi ako naglakas loob na salubungin ang kanyang mga mata kaya hindi ko alam kung ano ang reaksyon ni Natalia.

"Little Ales? So we were a girl after all." Malamyos ang kanyang boses ngunit ramdam ko ang talim na gustong humiwa sa akin.

"Patawad kamahalan. Hindi ko ninais na linlangin kayo." Mababang sagot ko sa kanya at derechong nakatingin ang mga mata ko sa sahig.

"Queen Natalia, being her as a girl or a boy is none of your business. Don't frighten her, we are your guest and she is not your slave." Singit naman ni Elijah na halos ikalingon ko sa kanya ngunit hindi ko iyon ginawa. Ayokong makita ang tingin ni Natalia sa akin.

Narinig ko naman ang mabining pagtawa ni Natalia. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay puno ng pagpapanggap ang kanyang pagtawa.

"My bad. It's not my intention to offend her, King Elijah. I just wondered why your precious boy turns out into a girl. It something that I am very interested—but I know you don't want me to pry." Her voice is laced with humor but at the same time, with malice. "Little Ales, I hope you can pardon your queen."

You are not my queen. Gusto ko iyon isigaw ngunit hindi ko ginawa. Katangahan lang kung gagawin ko iyon. Offending a royal blood is not the wisest thing to do, even though I am under the protection of Elijah.

"I am just a lowly physician. I don't deserve it. I should be the one who will ask for your forgiveness, your highness." Derechong saad ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa sahig.

"Isn't it rude to ask for forgiveness while not looking at me?" I gritted my teeth as I heard her response. Wala akong magawa kundi ang magtaas ng tingin at salubungin ang malalamig na titig ni Natalia. She's smiling, but her eyes is filled with madness. "There, I can now see you fully. After all, I once admire your face—"

"Natalia." Isang kataga na nagmula kay Elijah ngunit biglang nagyelo ang paligid na ikinagulat namin lahat. Para iyong lason na kumalat hanggang pader. Ice spikes grew and they look murderous.

Parang binuhusan din ng malamig na tubig si Natalia dahil nagulat at namutla ito ng tumingin kay Elijah. Ngunit agad naman na nakabawi ito at tumawa ngunit hilaw at pagak iyon.

"I'm sorry...Please do come in, honored guest." She uttered but all I can say, our stay in Mythion will not gonna be easy.

©️charmaineglorymae

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status