Third Person's POVNAGKULONG sa silid si Elijah dahil inihanda na niya ang kanyang sarili sa parating na hagupit ng sumpa. Kahit uminom na siya ng gamot ay makakaramdam pa rin siya ng matinding sakit ngunit hindi katulad ng normal. Nakatingin si Elijah sa orasan, at oras na lumapag iyon ng hating gabi ay magsisimula ang sumpa.Sanay na si Elijah sa ilang taon na nararanasan ito ngunit hindi niya maiwasan na makaramdam ng matinding sakit. Ngunit kahit minsan ay hindi niya hiniling na mamatay, dahil higit na mas matimbang sa kanya ang makasama si Alessia.Ngunit natatakot siya dahil kung hindi siya makakaramdam ng sakit ngayon ay natitiyak niya na buntis si Alessia. Hindi niya ikakatuwa iyon dahil alam niyang si Alessia ang bubuhat ng sumpa at masasaktan ito. Walang problema sa kanya kung buntis si Alessia, basta mangyari lang iyon pagkatapos ng solstice.Kaya ang kanyang mga mata ay hindi humihiwalay sa orasan at bawat patak ng segundo ay nagbibigay kaba kay Elijah. Unti-unting kumukuy
Alessia's POVNANGHIHINA ang katawan ko ngayon at baon na baon pa sa isipan ko ang mga nangyari sa solstice kung paano ako naghirap na tila paulit ulit akong pinapatay. Lumipas na ang solstice at lumipas na din ang aking kaarawan na hindi ko man lang nagawang iselebra. Nananakit ang buo kong katawan ngayon at hindi ko magawang bumangon. Nanghihina ang katawan ko ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil buhay pa ako.Tila nakaukit sa aking isipan ang sakit na naramdaman ko sa sumpa na akala ko ay hindi ko kakayanin. Buong araw akong nagdusa. Umiyak ng umiyak sa sakit hanggang sa umiiyak na akong walang luha mailabas. It was the worst experience at nanatili si Papa Elias at Lolo sa aking tabi. Para din silang tinamaan ng sumpa habang wala silang nagagawa upang maibsan man lang ang aking nararamdaman.Akala ko mawawala na ang takot ko pagkatapos ng sumpa, ngunit may namumuong panibagong takot sa aking isipan at puso. Dahil oras na maipanganak ko ang bata sa sinapupunan ko ay siya na ang bu
Alessia's POV"ALES Condor?" Gulat na sambit ko habang nakatitig sa kanya. "Ikaw ba ang pamangkin ni Honey at Falix?!"Nagulat din ito at halatang kilala niya si Honey at Falix."Kilala mo ang mga kamag-anak ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ales sa akin. His eyes are wide as saucers because of surprise.It's weird to call him Ales because I am used to be called Ales as well. Pero siya ang totoong Ales Condor at ako naman ay si Alessia Andromeda Condor. I am aware from the very beginning that I am only borrowing his identity.Tumango naman ako. "Nakatira ako dati sa Samona. Sa makatuwid, sila ang kumupkop sa akin noon may nangyari sa akin at napadpad sa Samona." Kwento ko sa kanya. I am just telling the truth and I don't think it's bad.Naalala ko pa na inakala nila Honey na nawalan ako ng ala-ala at doon nila napagdesisyonan na gamitin ko ang katauhan ng pamangkin nila. They said, Ales was sickly until his family move to Waldorf. Right now, he no longer looks like sickly at all.Lu
Alessia's POV"LOLO, malayo pa ba tayo?" Hindi ko mapigilan na magtanong dahil mahigit isang oras na kaming naglalakad at ramdam na ramdam ko na rin ang pagod. Nananakit na din ang mga paa ko dahil nagsisimula na silang mamaga."Malapit na apo, pasensya na ngunit para sa ikabubuti mo rin ang paglalakad na ito." Tugon naman sa akin ni Lolo at lumiko kami sa isang magkasangang landas.Mas mapapadali sana kung nagteleport si Lolo kasama ako ngunit hindi na iyon maaaring gawin dahil buntis ako. Masyadong malakas ang puwersa at tensyon ng teleportation na maaaring ikasama ng anak ko. Kaya wala kaming magagawa kundi ang maglakad. Mas lalong hindi din ako pwedeng sumakay ng kabayo dahil magalaw ang kabayo.Pinakiramdaman ko ang paligid. Mas nagiging makulimlim iyon at pakiramdam ko ay nagiging pamilyar sa akin. Ang mga buhay na puno ay nagiging patay. Makulimlim at mas malamig ang paligid.Napasinghap naman ako nang maalala ko na nakapunta na ko dito noon una kong nakilala sina Elijah at Ste
Alessia's POV"MERLIN, I'll do anything for my son. So tell me what are those ways for me to save him." Pinipigilan ko ang sarili ko na maiyak. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito.Iniisip ko pa lang na mahihirapan ang anak ko sa kanyang hinaharap ay tila pinipiga na ang puso ko sa sakit. I don't want him to suffer anything. I want him to live a comfortable life. I want him to be happy.Nakatingin si Merlin sa akin at bumakas ang awa sa kanyang mga mata. Somehow, he felt my despair."If you really love your child and you don't want him to suffer. Kill him while he's still in your womb." Saad niya sa akin na tila isang malamig na tubig ang bumuhos sa aking katawan. Tila ayaw tanggalin iyon ng aking pandinig."What?" Pakiramdam ko ay nabingi ako sa kanyang sinabi ay hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko. Did he just said that I need to kill my own child? "Are you saying that I need to kill my child?" Nagsisimulang bumangon ang matinding disgusto ko kay Merlin. How can he say th
Alessia's POVLUMIPAS ang ilang buwan at sumapit na ang buwan ng septyembre. Unti-unti ko na rin natatanggap ang kapalaran ng anak ko sa hinaharap. I will not be able to see him grow up and turn into a man. But I have to accept everything because this is my only choice for him to suffer less.Marami din akong nababalitaan tungkol sa kaharian. Medyo magulo ngayon ang kaharian dahil maraming nagsilabasan na katiwalian at mga hindi mapagkakatiwalaan na mga imortal. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kung bakit sila nagkagulo ngunit hindi na ako nagka-interes na alamin pa iyon. Ang mahalaga ay wala itong kinalaman sa akin. I already gave up on Elijah. It's been months since he stopped the search. He never appeared in front of me. He was not there when I need him the most. So I decide to let go of this feelings. Mahal ko pa rin siya, ngunit tumigil na akong umasa.It was not easy for me to forgive him no matter how sinful he was. I forgave him countless times before he can apologize. Hi
Third Person's POVNAGMADALING umuwi si Sicario pagkatapos ng naturang libing ng nakatakda sa hari ng Valeria. Kailangan na niyang isagawa ang ritwal bago matapos ang araw. Dahil kung hindi niya ito nagagawa ay tuluyan na hindi maipapanganak muli si Elena.Katawan lamang ang namatay kay Elena, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi. Nakakulong ngayon ang kaluluwa nito sa isang bolang krystal. Kailangan itago iyon ni Sicario dahil naniniwala siya na may isa pang salamangkero na gustong pumatay kay Elena. Naunahan niya lamang ito at nailigtas sa bingit ng kamatayan. Hindi niya alam kung ano ang pakay ng isa pang salamangkero, dahil siya lamang ang naatasan na pumatay sa nakatakda.Nakabalik siya sa Caracass at agad na tiningnan ang krystal doon na ngayon ay nababalot ng mga mumunting liwanag, ang kaluluwa ni Elena. Gumagalaw ito sa loob na tila usok na gustong kumawala.Agad na nagsaboy ng asupre si Sicario sa paligid para hindi maramdaman ang ritwal na ginagawa niya. I-aalis niya sa luga
Alessia's POVNATAPOS ang blessing of the moon ng matiwasay at walang naging gulo. Gusto ko sana na pumunta at makisali sa kasiyahan ngunit hindi ako hinayaan ni Elijah. Alam ko na nag-aalala lang ito dahil masyadong maraming mamamayan ang nagkakasiyahan at baka may kung anong mangyari sa kalagitnaan nun.Umuwi kami sa palasyo kung saan ay tulog na ang lahat. Madaling araw na nang nakabalik kami at ramdam ko na rin ang pagod. Pagkatapos ng pagsiselyo ay lumipad pa kami sa ibang bahagi ng Valeria para tingnan ang kaganapan. Wala naman kaming nakitang kakaiba kaya bumalik din kami kaagad."Sweetheart, I would like to ask you something." Turan naman sa akin ni Elijah sa kalagitnaan ng paglalakad namin sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag.Napalingon naman ako sa kanya. "Ano yun?" Magalang na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya sa akin, o kung patungkol ba ito sa pag-alis namin mamaya patungong Mythion. Masyado na kaming maraming pinag-usapan na hindi ko na m