Alessia's POV"THIS will be your room, King Elijah." Nakangiting saad naman ni Natalia na personal na inihatid pa ito sa magiging kwarto. Nasa tapat kami ng pintuan ngayon ng kwarto at ni isa sa amin ay walang nagsasalita.Itinuon ko na lang ang pansin ko sa disenyo ng pintuan at nagpanggap na lang ako na walang napapansin. Alam naman ng lahat na gustong gusto ni Natalia si Elijah kaya hindi na iyon nakakapagtataka pa. Mas magtataka ako kung hindi personal na gagawin iyon ni Natalia.Hindi rin ako nakakaramdam ng selos dahil na rin sa wala naman ginagawang kaselos selos si Elijah. Kahit hindi na ako magtanong pa, alam ko na walang gusto si Elijah kay Natalia kahit sabihin pa na gustong pakasalan ni Elijah noon si Natalia.Masasabi ko na political marriage iyon at hindi marriage because of love. Sa hinaba haba ng panahon ni Elijah na nabuhay sa mundo, mahirap na sa kanya ang magkagusto sa isang babae. Dahil kung nagkagusto na siya, malamang may asawa na ito—teka, paano ako nakakasiguro
Alessia's POVBINASA ko na ang libro. It was a typical old story book that sounded very english and greeks. Medyo napapangiwi ako dahil parang tunog Julius Caesar ang binabasa ko. It talk about greek gods, especially Poseidon since homer's journey travels the seas.Tila sumasakit ang ulo ko sa pagbabasa dahil kuwento ito ngunit patula ang pagkakasulat. Pero naiintindihan ko naman dahil makata talaga ang mga sinaunang tao. Masyado na akong sanay sa pagbabasa ng mga normal na english novels.Itinuon ko na lang ang pansin ko sa libro dahil wala naman ibang basahin doon bukod dito. Kahit medyo hindi ako sanay na ganito ang binabasa ko, pinagpapasensyahan ko na lang dahil nagpapaantok ako."You're not asleep. Sweetheart, it's already late." Pukaw naman sa akin ni Elijah na nakalabas na pala ng banyo at mukhang bagong ligo ito. Nakasuot ito ng itim na robang pantulog. Ang kanyang buhok ay medyo basa ngunit maayos ito na tila isang makintab na tela na nakalugay sa kanyang balikat."Naninibag
Alessia's POVDUMATING kami sa isang silid kung saan nakaupo ang dalawang imortal na may kalakihan ang mga katawan. Pareho silang matangkad at nasa mga trenta ang edad kung pagbabasehan ang kanilang mga itsura. Napalingon naman sila sa akin nang napansin na bumukas ang pintuan at kaagad silang tumayo nang makita ako."Magandang araw binibini. Ipagpaumanhin ninyo kung nagambala ka namin sa iyong pamamahinga." Saad ng isang lalaki na may kayumangging buhok at kulay abong mga mata. "Ako po si Galen at ito naman kasama ko ay si Rubius." Pakilala nito at sa kasama niya na may maitim na buhok. Parehong may kahabaan ang kanilang buhok na hanggang likod.Nakasuot sila ng panlamig na mas lalong nagpapalaki sa kanila tingnan. Ngumiti naman ako sa kanila at pilit iniinda ang sakit na nararamdaman ko ngayon. "Ikinagagalak ko kayong makilala. Ako si Alessia at pag-usapan na natin ang plano." Nakangiting saad ko sa kanila at tila gumaan naman ang kanilang mga ekspresyon. Noon una ay tila naiilang
Alessia's POVTUMAMA ang katawan ko sa matigas na bagay at napaungol ako dahil sa sakit. May mga nahulog sa akin na mga niyebe na galing sa puno ng pino at hindi ako makagalaw dahil masakit ang likod ko.Tumulo ang aking luha dahil magkasabay na kumirot ang sakit na aking nararamdaman ngayon. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata at dinig ko ang sigawan nina Galen at Rubius na patungo na sa akin."Rubius, bumalik ka at papuntahin mo na ang karwahe malapit dito. Kailangan natin siyang maidala sa manggagamot." Sigaw ni Galen at nakalapit na ito sa akin. "L-lady Alessia...sabihin mo sa akin kung saan ang masakit sa iyo." Natatarantang tanong ni Galen sa akin. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na namumutla ito ngayon sa takot.Hindi ko alam kung paano sasabihin kung saan ang masakit sa akin. Sigurado na lamog ang aking likod pero wala itong bali dahil hindi ko naman naramdaman na may nabali. Malakas lang talaga ang pagkakatama sa akin na tila tinadyakan ako ng kabayo sa likod ng m
Alessia's POVNATAPOS ang araw na iyon na nagkabati kami ni Elijah. Akala ko ay mauuwi iyon sa tampuhan, ngunit dahil parehong nagpakumbaba kami at umamin sa mga naging mali, ay naging maayos kaming dalawa.Hindi pumayag si Elijah na tumanggap ako ng trabaho hangga't nagpapagaling pa ako kaya pansamantalang pinatigil muna ang plano sa skiing resort. Buong araw lang ako sa kwarto at halos hindi din ito umaalis doon.Sa kwarto na namin siya nagtatrabaho kaya naririnig ko ang mga report mula kay Stefano. Kasalukuyan na naghahanap ang mga Sentinels at kung hindi mahahanap ay maglalabas mg kautusan na dalhin sa palasyo ang lahat ng water globes na pagmamay-ari ng mga mamamayan.Mabilis naman akong gumaling. Hindi na rin sumasakit ang aking likod na tila walang nangyaring aksidente. Naging masaya ako dahil makakapagtrabaho na ulit ako. Nakakatamad na buong araw lang ako sa kwarto at ilang araw din ang iginugol ko sa pagpapagaling.Ang alam ko ay naparusahan sina Galen at Rubius. Pinalo sila
Alessia's POVDAHAN-DAHANG lumapit sa amin si Elijah na may nang-aarok na tingin. Nakakunot noo ito at malamig ang tingin nito kay Favian. Tila tumatagos iyon sa kaluluwa."Kamahalan, ikinagagalak ko po kayong makita." Magalang na saad naman ni Favian at yumukod ito ngunit hindi kumibo si Elijah. Tila wala itong narining at walang balak na sumagot.Is he jealous? Wala akong ibang maisip na dahilan bukod doon dahil na rin sa kanyang ipinapakitang ugali. Elijah was known as rude but not this level of rudeness."Kamahalan, si Favian ay kasama ko sa pagpaplano. Matatapos na namin ang blueprint at ibibigay na lang ito sa mga builders para maitayo na nila ang resort." Turan ko naman kay Elijah at nagpanggap na hindi ko napapansin ang kanyang mga tingin na tila gustong sakmalin si Favian."Hhmm..." tanging sagot ni Elijah. Ganoon katindi ang selos niya kahit wala naman kaming ginagawa ni Favian.Napansin ko naman si Favian na nailang at hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan."Kamahalan at l
Alessia's POVNATAPOS ang hapunan na iyon na umikot lang ang paksa tungkol sa paghahanap ng water globe. Hindi ako nagtangkang magsalita dahil wala naman pinapakitang interes si Natalia na kausapin ako o tanungin ako tungkol sa ski resort.Bumalik na kami sa kuwarto para magpahinga. Nagpunas lang ako dahil masyadong malamig ang klima na tinititigan ko pa lang ang tubig ay nangangaligkig na ako.Pero si Elijah na nagsabi sa akin na huwag akong maligo araw-araw ay siya naman kabaliktaran na ginagawa niya. Dalawang beses itong maligo sa isang araw na akala mo nasa Valeria kami. Pero hindi na ako nagtataka kung kaya niya iyon. He's too old to feel cold. While he treat me like a kid. But this doesn't matter wether I am a kid or not. It's freaking too cold!Nakahiga na ako sa kama pero nakatitig lang ako sa itaas ng canopy. Dapat tumulong na rin ako sa paghahanap ng water globe. Kung sana ay uso lang ang internet sa lugar na ito, malamang ay hinanap ko na iyon sa internet.I don't have the
Alessia's POV"WE NEED to reconsider the clue. I think it's not the globe." Saad ni Elijah sa akin habang humihiwa ito ng isang steak. His eyes is focused on the tender steak.Tumango naman ako at uminom ako ng gatas. "I'll be researching as well about Charybdis. Once we figure out what is it, it will be easier for us to know the exact location." Tugon ko naman sa kanya at ngumuya ako ng isang broccoli na sahog ng steak.Tumingin naman si Elijah sa akin. Ang kanyang mga mata ay lunod sa pag-iisip dahil sa paghahanap ng palatandaan kung ano ang Charybdis. It's already more than a week and there is no single progress with the mission. Thanksgiving is already approaching and the end of the year as well."You still have work." Puna naman niya sa akin. Alam niya na magiging abala ako nitong darating na mga araw dahil na rin sa ginagawang ski resort.Ngumiti naman ako sa kanya. "I can manage. I will just do some light reading in the library. The design is already done and I don't want to sp