TULALA si Ariah habang nakamasid sa lapida na may pangalan ng kaniyang Ate. Kakalibing lang nito kanina ngunit hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan. Kanina pa siya natakayo roon at parang wala nang balak pang umalis. Umuulan na nang malakas ngunit parang wala lang iyon sa kaniya, basang-basa na ang kaniyang damit. Nakaluhod lang siya roon habang pinapanood ang lapida ng kaniyang yumaong Ate.
Ayaw niyang mawala sa paningin ang kapatid maski ang lapida na may nakaukit na pangalan ng kaniyang Ate. Kanina ay halos gustuhin na niyang sumama sa hantungan ng kapatid at umiiyak na tinatawag ang pangalan nito. Buti na lang naroon ang kaniyang mga kaibigan upang pigilan siya. Pilit niya kasing inaawat ang mga lalaki na siyang nagbababa ng kabaong ng kaniyang Ate sa malalim na hukay. "Ariah, halika na. Umuwi na tayo. Kailangan mo nang magpahinga." Kung hindi lang lumapit si Emily na matalik niyang kaibigan ay hindi siya mababalik sa katinuan. "I can't. A-ayaw kong mawala siya sa panginin ko." Saad niya na muli na namang kumawala ang masasaganang luha sa mata. "Wala siya dapat dyan eh. Wala siya dapat dyan sa ilalim. She should be here. With me. Hindi niya dapat ako iniwan. I need her." Halos napaos siya dahil sa panginginig ng kaniyang labi. Hindi siya masyadong makapagsalita ng maayos dahil sa pag-iyak. "Shhh. Tahan na. Hindi makabubuti sayo na manatili dito. Mas mabuting umuwi muna tayo at magpahinga ka. Sa susunod na araw na lang tayo bumalik kapag maayos ka na, okay?" Ilang ulit niyang pinasadahan ng tingin ang pangalan na nakaukit sa lapida. Mas lalong nanikip ang kaniyang dibdib sa isiping wala na nga talaga ang kaniyang pinakamamahal na ate. Ang taong tanging meron na lang siya na nag-alaga sa kaniya, ay nawala pa. Ngayon ay nag-iisa na lang siya. "You should put yourself together, Ariah. Hindi ka nag-iisa. I'm still here with you. Hindi kita iiwan, okay? I'll be by your side." Hinawakan nito ang kaniyang magkabilang balikat at iniharap siya rito. "Hey, look at me. I said tingnan mo ako, Ariah," walang buhay niyang tiningnan ang seryoso nitong mukha, "Put yourself together, Ariah. I need you to be strong. Magpakatatag ka hindi para sakin o para sayo. Magpakatatag ka alang-alang kay Shawn. Shawn needed you the most. Gawin mo ito para sa Ate mo, to make her happy and be proud of you. Please, gawin mo ito para kay Shawn. Be strong again like you always do. Please, Ariah." Muling nabuhay ang nalugmok niyang puso at isipan nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Emily's right, she needs to be strong. Someone needed her more than she needed her sister. Hindi niya pwedeng pabayaan ang naiwan ng kaniyang Ate at responsobilidad niya iyon bilang kapatid. Alam niyang mahirap tanggapin ang lahat. Mahirap tanggapin na wala na ang kaniyang pinakamamahal na kapatid. Ngunit sa oras na iyon ay hindi siya pwedeng maging mahina at magmistulang daga na basang-basa sa ulan dahil lang sa kagustuhan niyang manatali. Kailangan niyang maging malakas at maging matatag. Now, she needs to go home and see that little boy.NAGMAMADALING iniligpit ni Ariah ang mga gamit sa trabaho at umalis sa opisina niya. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng pagguhit at pinta sa mga bata sa pinapasukan niyang Jollijam Arts Center sa Makati. Mahilig kasi siya sa Art at iyon din ang kinuha niyang kurso. Natapos niya ang Fine Art na kurso bago pa pumanaw ang kaniyang Ate. Kaya ngayon ay nagtuturo siya sa mga bata ng Arts. Madalas naman ay tumatanggap siya ng mga college students na nagpapaturo ng arts sa kaniya. May mga paintings din siyang nagawa na napasok sa Art Gallery na ginagawang exhibit kung saan pinupuntahan ng mga tao.Pinili niya lang na magturo dahil iyon ang mas gusto niya. Bukod pa doon ay malalaki rin naman ang kinikita niya, sapat na para sa gastusin sa bahay. Iyon na lang din ang ginagawa niyang hanapbuhay at napamahal na sa kaniya ang trabaho. Dahil mahilig rin siya sa mga bata ay hindi na niya naiwan ang trabaho sapagkat napamahal na rin siya sa mga munting anghel na mga estudyante niya.Mabilis siyang nakar
SABADO NA. Noong Martes dinala si Shawn sa hospital at kinabukasan ay pinauwi na rin ito kaagad dahil bumaba na ang lagnat nito. Naalala niyang dalawin ang puntod ng kapatid. Noong Martes sana siya dadalaw pagkatapos niyang magturo ngunit hindi natuloy dahil timing rin ang pagtawag ni Emily na nasa hospital si Shawn kaya hindi na natuloy ang pagdalaw niya rito. Birthday kasi ng Ate niya noong Martes kaya gusto niya sana itong dalawin. Pagdating niya sa puntod nito ay may nakita siyang isang bungkos ng bulaklak sa gilid ng lapida nito. "Wow. Mabuti naman na may dumalaw sayo, akala ko ako lang. Nilinis pa ng sinumang iyon ang paligid mo bago lisanin. At...may iniwan pang bulaklak para sayo. Ikaw ha, nakahimlay ka na dya't lahat may secret admirer ka pa rin. I wonder, sino kayang dumalaw at nagbigay sayo ng bungkos ng bulaklak. Ang sweet naman ng taong iyon." Umupo siya sa damuhan katabi ng lapida ng kapatid at nilagay ang dalang bungkos ng bulaklak sa tapat nito. "Belated happy birth
NANG malaman ni Geralt ang nangyari kay Ariana, ang dati niyang nobya ay umalis kaagad siya sa US at bumalik sa Pilipinas. Ang US ang naging tirahan niya nang maghiwalay sila ng dating nobya. Dati ay madalas lang siyang pumupunta roon, lalo't kung tungkol lang sa business. May ilang kompanya na ipinamana sa kaniya ang kaniyang ama sa US, may tatlo naman sa Pilipinas. Dahil mas mahal niya sa Pilipinas ay doon niya mas gustong tumira. Doon niya rin nakilala ang dating nobya na si Ariana. Ang taong sobra niyang mimahal at pinangakuan ng kasal ngunit sa huli ay nagawa niya pa ring saktan dahilan upang hiwalayan siya nito. Hindi na niya nagawa pang humingi ng tawad rito. Nang umalis siya sa bansa ay hindi niya sinubukang tawagan ito upang kamustahin. Dahil sa sakit na kaniyang ginawa rito ay hindi niya kayang humarap pa sa babae. Kaya naisipan niyang umalis. Sa loob dalawang taon ay nanirahan siya sa US, inisubsob ang sarili sa trabaho upang may mapatunayan. At nang handa na siyang patuna
MATAPOS bisitahin ni Geralt ang kaniyang nakatatandang kapatid ay naisipan niyang ipasyal ang pamangkin at bilhan ng mga laruan at gamit na pambata. Para man lang makabawi siya sa ilang taong hindi nakita ang pamangkin, isa pa ay nasasabik rin siyang makita at makasama ang bata. Kaya gusto niyang lubusin ang pagkakataon na makasama si Genesis. Nasa loob siya ng bilihan ng mga items at laruan para sa bata sa mga sandaling iyon. Namimili ng mga gamit para kay Genesis, isinama niya rin ang kaniyang Ate na namimili rin ng mga gamit sa bata. Nasa kalagitnaan siya ng pamimili ng gamit nang may mamataan siyang babae, pamilyar ito sa kaniya na para bang nakita na niya somewhere. Namimili rin ito ng mga gamit para sa bata. Syempre, wala ito doon kung hindi. Tinitigan niya ito nang mabuti hanggang sa mapagtanto niyang iyon ang babaeng nakabunggo kay Shaii sa restaurant nito. Nakasuot lang ito ng simpleng damit at pantalon ngunit nababakat pa rin ang hubog ng katawan nito. Kasalukuyan niyang
KASALUKUYAN na nagtuturo si Ariah sa mga estudyante niya. Nitong mga nakaraang araw ay naging abala na siya sa pagtuturo at halos tinututukan niya talaga ng atensyon ang pagbibigay ng tasks ang mga bata. Ngayon ay walang pinagbago. Syempre naman, nagpupursige pa rin talaga siya sa pagtatrabaho kahit marami pa iyong gawain. "Ms. De Guzman, please come outside. May kailangan lang akong sabihin sayo." Napalingon siya sa principal na nakatayo sa pintuan ng kaniyang classroom. Kaagad naman siyang lumapit rito. Napalingon siya sa dalawang tao sa likod nito. "I would like you to meet Mrs. Levarda. She's here now to sign up her son for an art classes.. You will be his teacher." Tumango siya at ngumiting lumingon sa babae. Maganda ang babae, maputi at mukhang may lahi. Mukhang mayaman rin base sa pananamit nito. Shocked! Ang gwapo at ang cute rin ng anak nito nang lingunin niya. "Good morning, Ma'am. I'm Ariah De Guzman, an Art teacher of this school. Nice to meet you," she lend
"UNCLE G!" Napalingon siya kay Genesis nang tumili ito at tumakbo palapit sa lalaki. Mas lalo pa siyang nagtaka. Kung ganun kilala ng bata ang lalaki at hindi lang ito naligaw dahil nandito talaga siya para kay Genesis?Inalis na ng lalaki ang tingin sa kaniya na mukhang natauhan nang makitang palapit sa kaniya ang bata. Walang hirap na kinarga nito ang bata, parang hindi nakaramdam ng bigat. "There, there little one. How was your day at school?" Marahan lang at maingat ang pagkakasabi ng malalim nitong boses sa bata. "Great! I learned a lot from teacher pretty!" Masigla namang tugon ng bata habang sinisipsip ang lollipop na hawak."Why are you eating candy? Does your Mommy know about it?" Sumigid naman ang lungkot ng bata na nakatitig sa kaniya."Please don't tell Mommy, uncle G! I don't wanna be scold by her.." Tumaas ang labi nito na nakatingin sa bata. "So, your Mom doesn't know about you eating candy, huh? Who gave you that?" "Teacher pretty.. please don't get mad at her! I j
MATAPOS sunduin ni Geralt si Genesis ay isinama niya ito sa safehouse ng kaniyang kaibigan na si Kleo. Nadatnan niya ang iba pa nilang kaibigan na may kaniya-kaniyang ginagawa. Naglalakad sila papasok habang hawak niya ang maliit na kamay ni Genesis. "Yow! Mr. Levarda! Long time no see!" Kaagad siyang nilapitan ng tatlo, si Conrad, Freid at Eike. Sila ang kabilang sa mga kaibigan niya. Naabutan niya si Kleo na nililinis ang baril niya. Mukhang seryoso sa ginagawa at hindi man lang napansin ang pagdating niya. Nakatagilid ito ngunit kitang-kita niya ang seryoso nitong mukha habang abala sa ginagawa sa kaniyang baril. "Uncle Conny!" Natawa na lang si Geralt nang kaagad kumawala si Genesis sa kaniya at tumakbo palapit kay Conrad. "Conny" ang tawag ni Genesis sa lalaki dahil masyado daw mahaba ang "Conrad" para sa kaniya. Ewan niya ba kung bakit iyon naisipan ng pamangkin niya. Ang talino rin ng batang ito. Ang daming alam. "There, there. Ang laki mo na." Komento naman ni Conrad mat
PINAPAKAIN na ni Conrad si Genesis habang nakaupo sa kandungan niya. Kanina habang naglalaro ang bata ay nadapa ito na ipinag-alala nila at ikinabahala. Nakaramdam sila ng ginhawa nang hindi umiyak ang bata at pinagpagan pa ang sarili na nadumihan. Lihim pa silang apat na umiling at ngumisi. Hindi naman siya ganun nung bata pa siya, pati rin yung bunso nilang kapatid. Sa pagkakaalam niya ay hindi rin ganun ang asawa ng kaniyang ate nung nagkwento ito sa kanila patungkol nung bata pa siya. Umiiyak din daw iyon pag nadadapa. Hindi niya lang alam kung saan nagmana ang batang iyon. "There you go, you're done.. Masiba ka rin sa pagkain, ano?" Komento ni Conrad nang makitang ubos na nga ang pagkain sa platito ng bata. Bawal sanang kumain ng matatamis ang bata dahil siguradong pagagalitan na naman ito ni Jeanna. Ngunit wala siyang magawa dahil nagutom na si Genesis at iyon lang din ang pagkain na meron sa ref. Nagpaalam si Kleo kanina na tutungo sa kaniyang silid na hinayaan lang ni
Ilang oras nang naghihintay si Ariah sa pag-uwi ni Geralt. Nakanguso ang kaniyang labi habang hinihimas ang medyo maumbok niyang tiyan. Apat na buwan na ang tiyan niya. "Ang tagal naman ng Daddy mo, baby. Ang sabi niya saglit lang siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakauwi." Halata ang labis na pagkairita sa kaniyang mukha habang hinihimas ang baby bump niya. Apat na buwan na ang nakakalipas nang ikasal sila. Matapos ang honeymoon ay lumipat na sila ng bagong bahay which is dating mansyon mula sa mga magulang ni Geralt. Hindi pa nga makapaniwala si Ariah nang malaman na may dating mansyon sila Geralt. Wala kasi itong nabanggit sa kaniya. Bago sila makalipat sa mansyon ay pinarenovate muna iyon ni Geralt. Bumili rin ito ng mga bagong furnitures para sa decoration sa loob ng mansyon. He even bought a king size bed na pinampalit sa dating katre ng kaniyang mga magulang sa dating kwarto. Gusto nga sanang ikwento iyon ni Ariah sa kaibigang si Emily pero nakaalis na ito.
Geralt's POV, Nakahiga lang ako sa kama habang nakayakap ang isang kamay sa beywang ng kasintahan kong si Ariana. Kanina pa ako gising at nakatitig lang sa maamo niyang mukha na mahimbing na natutulog. Marahan ang paghaplos ko sa malambot at makinis niyang balat.Galing kami sa mainit na pagtatalik kagabi at mukhang napagod ko siya dahil ilang oras na siyang tulog. Sa katunayan nga, dalawang beses pa lang kaming nagtalik. Una ay noong 1st anniversary namin. Iyon ang unang pagkakataon na isinuko niya ang sarili sakin. At ngayon ang pangalawa.Sa kaniya lang din ako nangako ng kasal. Ilang ulit ko na iyong sinasabi sa kaniya Pero tinatanggi niya. Pero kahit ganun ay hinayaan ko na lang siya, inisip ko na baka di pa siya handa. Nirerespeto ko naman ang desisyon niya. Pero di pa rin ako titigil, hihintayin ko hanggang sa ready na siya.Mabait siya, mahinhin rin. Nakilala ko siya sa isang club na pagmamay-ari ni Kleo. Hindi siya yung tipo na mahilig manamit ng mga sexy na damit na pinapak
Hindi pa rin inaalis ni Ariah ang tingin kay Geralt, may gusto pa siyang malaman. Alam niyang marami pa itong kailangang ipaliwanag at gusto niya iyong marinig. "Pero bakit? Paano ka nakulong?" Tanong niya rito. "Sino naman ang may kayang gawin iyon sayo?" Ang alam niya ay hindi kayang maikulong o sampahan ng kaso si Geralt kahit marami itong kinasangkutan na kaso. Maimpluwensya siya at hindi siya basta-basta lang na kasuhan unless may mas makapangyarihan pa ang kayang gawin iyon sa kaniya. At iyon ang gusto niyang malaman. "It's Mrs. Gatchalian, Emily's mother. She's the one who sent me to jail." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa gulat nang banggitin ang Mommy ni Emily. "Ano?!" Gulat niyang anas rito, "Pero.. b-bakit? Bakit naman niya iyon gagawin? May ginawa ka ba sa kanila? Kilala ko sila, hindi naman nila iyon gagawin kung wala kang ginawa." May padududa niyang wika, napabuntong hininga na lang si Geralt. "I knew you would react like that." Kumunot ang noo niya sa sinabi ni
"Why do you only bring so few things? I bought you some clothes, where are they?" Takang tanong ni Geralt kay Ariah nang makita ang isang bag na dala niya, nakakunot pa ang noo nito. Nagkibit-balikat lang si Ariah."Hindi na ako nagdala ng marami. Nandito rin naman yung ibang damit na binigay mo. Besides, we're just going on vacation. We won't be there for long, aren't we?" He hissed, "Exactly, we're going on vacation and we'll be there for a few weeks. So, we'll still be staying there for quite a while." Sinundan niya ito nang tingin nang lumakad ito patungo sa closet, kinuha nito ang walang laman niyang luggage at kinuha ang mga damit na nakasabit sa closet. "I didn't spend my money buying you fancy clothes just to leave them behind when we went on vacation. At kahit ilang linggo o araw lang tayo dun, I don't care. I want you to wear these nice clothes wherever we go." Aniya nito na hindi tumatanggap ng angal. Matapos ilagay ang mga damit niya ay sinarado na nito ang luggage s
"Sandali, paano pala si Venice ano nang nangyari sa kaniya?" Tanong niya. Syempre nag-aalala pa rin siya para rito. Napabuntong hininga na lang si Geralt."She's dead. Kasalukuyan nang dinala pabalik sa kanila ang labi niya para sa ilibing." Hindi nakaimik si Ariah. Alam niya ang ginawa ni Venice at galit rin siya rito. Pero kahit na ganun ay hindi naman niya ninais na mangyari iyon kay Venice. Pero hindi niya iyon inaasahan na ganun na lang ang mararanasan ni Venice, nakakaawa pa rin siya. "Let's just hope those families don't take revenge for what happened to Venice. I know her family, especially her father. Hindi niya pinapalampas ang mga maaaring mangyari lalo na kapag napahamak ang pamilya niya, lalo na't isa si Venice ang pinakapaborito niya." Nakaramdam ng pangamba si Ariah. Natatakot siya sa kung anong maaaring mangyari. Paano kung bigla na lang silang sugurin ng pamilya ni Venice? Paano kung totoo ngang maghihiganti ang pamilya niya? Natatakot siya lalo na't siya ang dahil
Nang imulat na ni Ariah ang kaniyang mga mata ay puting kisame na naman ang una niyang nakita. Mukhang nasa hospital na naman siya. Sa amoy pa lang nga mga medisina sa loob, alam na niya kung nasan na siya. "She's awake." Narinig niyang saad ni Emily. Nandito siya at sa tono nito ay nag-aalala ito.Inilibot ni Ariah ang kaniyang pangingin. Nagtaka pa siya na ang dami nilang nakapalibot sa kaniya. Hindi lang si Emily ang naroon, pati sila Jeanna, Shaii at ang mga kaibigan ni Geralt. And of course, nandun rin si Geralt na hawak-hawak ang kamay niya habang nakaupo sa tabi niya. "Baby, I'm so grateful you're awake. How are you? May masakit ba sayo? Are you feeling unwell? Tell me." Sunod-sunod nitong tanong ngunit nakatitig lang siya rito. Naalala nya hindi kasama si Geralt sa pagligtas sa kaniya. Dahil dun ay nakaramdam ng inis si Ariah. Kung mahal siya nito at kung may pagsisisi nga ito sa mga ginawa niya, bakit wala siya dun para iligtas siya? Ang lakas ng loob nitong pumunta dito
"But you know, I also hate Geralt. I'm angry because he can't even look at me once. He says he only considers me a friend, but I don't like that! I don't just want a friend, I want him to love me! To be with me." Muli na namang umiyak si Venice, minsan naman ay tatawa. Walang magawa si Ariah kundi ang tingnan lang ito. "I did everything. I hurt the woman he loved so I could get him. So that he can be mine completely." Mula sa pagtawa na parang nababaliw ay lumungkot naman ang mukha nito. "I thought that once Ariana was destroyed and Geralt hated her, he would love me. He would choose me. Tulad na lang nung una niya akong pinili kesa kay Ariana when he kissed me in front of her. Kaya nga binigay ko sa kaniya pati ang katawan ko." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa huli nitong sinabi. Si Geralt, ginawa talaga iyon?Ngumisi si Venice nang makita ang reaksyon niya. "Yes, Ariah. You heard me right. When Ariana left him, I let him use my body. We had sex every single day. But I thought it
Nang nasa labas na siya ay lumapit na siya sa kotse ni Emily. Papasok na sana siya roon para sa loob na lang hintayan si Emily. Ngunit hindi pa man siya nakakasakay ay may nagtakip ng kung ano sa kaniyang ilong at bibig. Mabilis ang pangyayari. Kaagad nagdilim ang kaniyang paningin. Pagmulat niya ng mata ay isang madilim na silid ang bumungad sa kaniya. Wala siyang masyadong maaninag. Gusto niyang gumalaw pero alam niyang nakatali ang kamay niya, may tela rin ang kaniyang bibig dahilan upang hindi siya makapagsalita para sana sumigaw ng tulong kung meron man. Dahil nakahiga siya patagilid habang nakatali sa likod ang mga kamay niya hindi niya magawang makabangon. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapaluha dahil sa takot. Masakit pa rin ang kaniyang ulo dahil tumatalab pa rin ang chemical na pinaamoy sa kaniya sa panyo kanina. Ang iniisip na lamang niya ngayon ay ang kaligtasan niya at ng baby sa sinapupunan niya. Natatakot siya na baka mapahamak silang dalawa ng baby niya lalo na'
Lumipas ang ilang araw ay wala nang paramdam si Geralt kay Ariah. Hindi na ito pumupunta sa bahay ni Emily para manggulo at hanapin siya. Simula nung kausapin ito ng Mommy ni Emily ay tumigil na kinabukasan. Hanggang ngayon ay tahimik ang buhay niya at walang nanggugulo. Tulala lang si Ariah habang nanonood ng movie sa malaking television na nakadikit sa dingding sa may sala. May hawak siyang bowl na may laman na strawberry at may isa pang bowl na may yogurt pangsawsaw. Iyon ang cravings niya ngayon. Pero dahil bored siya ay wala napasimangot siya habang nakatutok ang mga mata sa pinapanood. Gusto niyang may gawin pero hindi pwede dahil baka sermonan na naman siya ni Emily at ng Mommy nito. Iniisip nga niya na bumalik na sa school para magturo ulit. Ilang araw na naman kasi siyang excuse eh, kaya ayun may bago munang pumalit sa kaniya. Namimiss na niyang magturo, pati yung mga bata. Gusto na niya silang makita. Lalo na si Genesis. Pumasok rin kaya si Genesis? Napabuntong hininga na