MATAPOS sunduin ni Geralt si Genesis ay isinama niya ito sa safehouse ng kaniyang kaibigan na si Kleo. Nadatnan niya ang iba pa nilang kaibigan na may kaniya-kaniyang ginagawa. Naglalakad sila papasok habang hawak niya ang maliit na kamay ni Genesis. "Yow! Mr. Levarda! Long time no see!" Kaagad siyang nilapitan ng tatlo, si Conrad, Freid at Eike. Sila ang kabilang sa mga kaibigan niya. Naabutan niya si Kleo na nililinis ang baril niya. Mukhang seryoso sa ginagawa at hindi man lang napansin ang pagdating niya. Nakatagilid ito ngunit kitang-kita niya ang seryoso nitong mukha habang abala sa ginagawa sa kaniyang baril. "Uncle Conny!" Natawa na lang si Geralt nang kaagad kumawala si Genesis sa kaniya at tumakbo palapit kay Conrad. "Conny" ang tawag ni Genesis sa lalaki dahil masyado daw mahaba ang "Conrad" para sa kaniya. Ewan niya ba kung bakit iyon naisipan ng pamangkin niya. Ang talino rin ng batang ito. Ang daming alam. "There, there. Ang laki mo na." Komento naman ni Conrad mat
PINAPAKAIN na ni Conrad si Genesis habang nakaupo sa kandungan niya. Kanina habang naglalaro ang bata ay nadapa ito na ipinag-alala nila at ikinabahala. Nakaramdam sila ng ginhawa nang hindi umiyak ang bata at pinagpagan pa ang sarili na nadumihan. Lihim pa silang apat na umiling at ngumisi. Hindi naman siya ganun nung bata pa siya, pati rin yung bunso nilang kapatid. Sa pagkakaalam niya ay hindi rin ganun ang asawa ng kaniyang ate nung nagkwento ito sa kanila patungkol nung bata pa siya. Umiiyak din daw iyon pag nadadapa. Hindi niya lang alam kung saan nagmana ang batang iyon. "There you go, you're done.. Masiba ka rin sa pagkain, ano?" Komento ni Conrad nang makitang ubos na nga ang pagkain sa platito ng bata. Bawal sanang kumain ng matatamis ang bata dahil siguradong pagagalitan na naman ito ni Jeanna. Ngunit wala siyang magawa dahil nagutom na si Genesis at iyon lang din ang pagkain na meron sa ref. Nagpaalam si Kleo kanina na tutungo sa kaniyang silid na hinayaan lang ni
"ANO na naman bang gusto mong mangyari, Emily? Bakit mo ako papupuntahin dun sa restaurant na yun?" Nasa loob na siya ng taxi nang tumawag si Emily sa kaniya. Kakatawag pa lang ay may iniutos na naman sa kaniya. Puntahan daw yung sikat na restaurant na kinainan nila nung nakaraang araw. "Naiwan ko kasi yung wallet ko dun. Nandun pa naman ang iba na mahahalaga kong ID's." Tinaasan niya ito ng kilay kahit hindi naman nito nakikita. "Eh, bakit ako pa ang papupuntahin mo dun? Bakit hindi na lang ikaw? Saka bakit mo kasi naiwan?" "Yun na nga. Eh, hindi ko makuha kasi nasa trabaho pa ako. Hindi ako pwedeng magleave ngayon, marami kaming client. Nakalimutan ko rin eh, di ko naalala." Abala siya sa paghalungkat sa bag niya at hinahanap ang wallet sa loob. Nakaipit ang phone niya sa pagitan ng balikat at tenga habang naghahalungkat sa bag at kinakausap si Emily sa kabilang linya. "Bakit hindi mo na lang ipadala dyan sa opisina mo? Pwede mo namang tawagan." Saad niya na patuloy pa
SERYOSO at nakabusangot si Geralt habang nagmamaneho pauwi. Si Genesis ay prenteng nakaupo lang sa backseat at nakasuot ng seatbelt para sa protection. Nakakunot ang kaniyang noo habang walang emosyon ang mga matang nakatingin sa tinatahak nilang daan habang nagmamaneho. Humihigpit rin ang pagkakahawak niya sa manibela dahil sa frustasyon. Hindi niya alam ngunit nakakaramdam talaga siya ng inis sa mga oras na iyon. Galing sila sa restaurant ni Keith. Nang makita niya ang nakakalat na mga papel sa sahig at si Ariah ay kaagad siyang lumapit upang tulungan ito sa pagpulot. Ngunit hindi lang iyon ang inaasahan niya dahil pati si Keith ay biglang lumapit at tumulong. Hindi niya lang alam ngunit hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagtitig ng kaibigan niya kay Ariah. Sa paraan ng pagtitig nito sa babae ay mukhang nagkaroon rin ito ng interes. At sa mga oras na iyon ay parang nakaramdam siya ng kakaiba. Hindi niya alam kung ano. Basta kapag nakikita niya si Keith na nakatitig kay Ariah a
MAAGANG nagbukas ng paaralan si Ariah. Kaagad niya namang inayos ang mga upuan pagkapasok niya. Pati rin ang mga gamit niya sa desk ay inayos niya rin ang pagkakalagay. Ayaw niya kasing magulo ang loob ng classroom pag papasok siya. Gusto niya ring maayos ang lahat bago magsidatingan ang mga estudyante. Nag-aayos na siya ng mga documents sa laptop niya habang nakaupo sa desk niya. Ilang oras ang lumipas ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga estudyante kasama ang mga magulang nila na kaagad niyang binati. Naghintay pa siya ng ilang oras dahil may iba pang bata ang hindi pa dumadating. Kabilang na si Genesis. Ilang sandali pa ay nagsidatingan na yung iba. Si Genesis na lang yung kulang. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Hindi siya pwedeng nag-antay para sa isang estudyante lang. Kaya wala siyang nagawa kundi ang ituloy ang klase sa mga bata. Nagdiscuss muna siya tungkol sa arts at kung ano ang mga steps ng pagguhit. Pagkatapos ay nagpagawa na siya ng tasks sa mga bata
MAAGANG nagising si Ariah para pumasok. Nag-aasikaso na siya ng sarili pati na rin ng pang-umagahan niya. Ganun naman palagi ang routine niya tuwing umaga. Nang matapos niyang gawin ang mga gawain ay si Shawn naman ang inasikaso niya. Pinaliguan, binihisan at pinakain na niya ang bata. Hinandaan na rin niya ng makakain at damit sakaling kailangan nito mamaya. "Baby ko, sa kapitbahay ka muna natin ulit ha? Papasok na naman kasi si Tita-mommy mo. Babalikan kita ulit, okay?" Sambit niya habang hinahalik-halikan ang noo at pisngi nito. "Tara na, baka malate na ako baby." Saka niya kinuha ang bag na may nilalaman na mga gamit ng bata. Medyo nahirapan pa siya dahil dalawang bag ang dala niya habang karga naman niya si Shawn. Aminado siyang mabigat na si Shawn dahil lumalaki na ang bata, at wala na yata itong igagaan dahil ramdam na niya ang pananakit ng kaniyang braso. "Naku, baby. Ang bigat mo na pala." Reklamo niya na may kasama pang biro. Pagkalabas niya sa apartment ay kinand
"OKAY, class dismissed." Matapos iyong sabihin ay isa-isa na niyang iniligpit ang mga art papers na pinasa ng mga bata bago sila nagsialisan kasama ang kanilang mga magulang. As usual, naiwan na naman sila ni Genesis. Pinahintay muna niya si Genesis dahil may mga liligpitin pa siya. Pagkaraan ay inayos niya muna ang mga upuan. Nang makitang maayos na ang lahat ay tinawag na niya si Genesis at lumabas saka nilock ang pintuan ng classroom. "Alright, let's go baby. Time to go. Your uncle might be waiting for you outside." Saad niya na kaagad namang tumango si Genesis. "Hm! Let's go, Teacher Pretty!" Masayang sambit nito bago hinawakan ng maliit nitong kamay ang kaniya. Tumatalon-talon pa ito habang naglalakad sila palabas. Tuwang-tuwa naman siya sa bawat kilos nito. Ang kulit lang at ang cute rin. Nang nasa labas na sila ng building ay nasilayan na nila si Geralt na nakaupo sa driver seat habang nilalaro niya sa kandungan ang kaniyang pamangkin na si Shawn. Tuwang-tuwa i
"UYY, ano yung nababalitaan ko na may gwapo at machong lalaki daw ang pumupunta dito sa labas ng apartment mo?" Tanong ni Emily kay Ariah nang makapasok ito sa loob ng apartment niya. Kakapasok lang eh may nakalap na namang chismis. Kasalukuyan niyang sinusuklayan ang buhok ni Shawn. Tapos na niya itong paliguan at bihisan. Nakaligo at nakabihis na rin siya. Maya-maya lang ay darating na si Geralt para sunduin sila. "At saan mo na naman ba nakuha ang impormasyong iyan? Ang aga-aga, iyan kaagad ang bungad mo sakin." Ipinagkrus ni Emily ang kaniyang mga braso at tinaasan siya ng kilay. Para siyang nanay niya na gustong manermon. "Saan pa ba? Edi, sa mga kapitbahay natin. Inday, baka nakakalimutan mo. Malapit lang ang apartment ko sayo, kaya rinig na rinig ko ang mga komento ng mga Marites sa labas." Saad nito bago lumapit sa direksyon niya. "At ano yung sinasabi nilang nakita ka daw na sinundo at hinatid ka daw nung gwapings? Naku, ilang araw lang akong busy sa work tapos pagb
"T-teacher, you're... pinching me too much.." Nang marinig niya ang reklamo ni Genesis ay doon niya lang napagtanto ang ginagawa niya. Kanina pa kasi siya nanggigigil sa bata at sa umbok nitong pisngi. Ang cute-cute niya kasi. Ayan, sobrang pinanggigilan niya at pinagkukurot ang pisngi nito. Hindi niya mapigilan. Kaagad naman niyang binitawan ang pisngi. Lumapit naman agad si Genesis at nakangusong tumabi kay Jeanna. Si Jeanna ay nagtataka ma'y walang nagawa kundi ang mapangiti. Medyo kumunot pa ang kaniyang noo habang taimtim na tinitigan si Ariah. Hindi naman ganito si Ariah noong una niyang makita ito. Saka sa pagkakaalam niya hindi rin ganun kumilos si Ariah tulad ng ginagawa niya ngayon. Kaya nakakapanibago lang ang kinikilos niya ngayon. "Ariah, Napansin ko lang. Parang may nagbago sayo?" Hindi nito mapigilang magtanong na ikinakunot ng kilay ni Ariah."Ako? Ano namang nagbago sakin?" Balik nitong tanong. Nagkibit-balikat lang si Jeanna na taimtim pa ring nakatitig sa kaniya.
"Sabing tumayo ka na. Ano ba? Nakakahiya ka na, ang daming taong nakatingin." Naiinis niyang saad at pilit na kinakalas ang kamay sa pagkakahawak nito. Ngunit hindi nagpatinag si Geralt at mas lalong humigpit ang hawak sa kamay niya. "No, I said I don't care about the others." Pagmamatigas nito. "Please, baby. Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ako napapatawad. Promise, I'll be good. Hindi na ako maglilihin sayo. Just please, come back to me. I really need you, baby." Patuloy nitong pagsusumamo sa harap niya habang nakaluhod. Natuon ang tingin niya sa harap, naroon si Shaii na nakatingin sa kanila. Umiiling pa dahil sa pinaggagawa ni Geralt. Naririnig na rin nila ang pagbubulungan ng mga tao sa loob ng restaurant."Okay lang na mapahiya ako sa harap ng tao. Ipangangalandakan ko pa nga sa kanila kung gaano ako kasincere sayo. I love you, Ariah. I really do. And I will do everything I can to please you. I won't stop just so you could forgive me." Pakikiusap nito, mas hinigpitan p
Tulala lang si Ariah na nakatingin sa kisame habang nakahiga sa kama niya. Hating-gabi na, madilim ang paligid pati sa kwarto niya. Kanina pa siya gising at hindi makatulog dahil iniisip niya ang mga nangyari. Sinulyapan niya si Emily na mahimbing na natutulog sa tabi. Nag-insist kasi itong magstay para samahan siya. Natatakot na baka daw umiyak na naman siya. Huminga na lang ng malalim si Ariah bago muling humarap at tumitig sa kisame. Ni hindi niya maipikit ang mata para piliting matulog. Kahit naman na hindi pilitin niya ay wala pa ring mangyayari, hindi pa rin siya makakatulog. Ang pagmumukha ni Geralt ang nakikita niya at ang mga nangyari. Napalingon siya sa gilid niyang bedside table nang umilaw at nagring ang phone niya na nakapatong roon, nagpapahiwatig na may tumatawag. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama, nilingon pa niya si Emily. Mahimbing pa rin naman itong natutulog. Kinuha niya ang phone upang tingnan ang ID caller. Nakilala niya kaagad kung sino ang tumatawag. S
inabukasan ay magdamag na nagkulong si Ariah sa kwarto niya. Hindi talaga siya lumabas. Sobra pa rin siyang nasaktan sa nalaman. Hanggang ngayon ay napapaluha pa rin siya kapag naaalala niya ang mga narinig kahapon. Tinawanan niya rin si Emily kagabi. Nang marinig ang pag-iyak niya sa phone ay kaagad itong pumunta sa apartment niya. Sinabi niya ang lahat nang nalaman niya, lahat ng narinig. Kahit si Emily ay hindi makapaniwala. "Uminom ka muna ng mainit na tubig. Kagabi ka pa iyak ng iyak, hindi ka na maawat." Wika ni Emily bago iniabot sa kaniya ang tasa ng mainit na tubig. Ngunit hindi niya iyon pinansin o tinanggap. Napabuntong hininga na lang si Emily bago inilayo ang tasa at nilagay sa bedside table. Pansin ang pamumula ng mata at ilong niya sa kakaiyak. Si Emily naman ay walang magawa. Naaawa na nga habang nakatingin sa kaniya na miserableng tingnan ang mukha na puno ng luha. "Tahan na. Awat ka na muna sa pag-iyak, Ariah." Lumapit ito at tumabi sa kaniya sa dulo ng kama.Hi
Nagmamadaling umuwi si Ariah sa apartment. Hindi siya mapakali. Sa narinig niya tungkol sa mga katotohanan ay paano siya mapapakali? Ang isang tao na sobra na niyang pinagkatiwalaan ay may mga tinatago palang sekreto at ni isa sa mga yun ay hindi niya matanggap. Nang makababa siya ng taxi ay kaagad siyang tumakbo at binuksan ang apartment niya. Ramdam pa niya ang panginginig ng kaniyang kamay habang ina-unlock ang pintuan gamit ang susi. Ngunit pinipigilan niya ang sarili na maging kalmado. Nang mabuksan ang pinto ay kaagad naman siyang tumakbo patungo sa kwarto niya. Pagkaraan ay bigla siyang napatigil. Nanginginig ang buo niyang katawan at labi dahil sa mga sari-saring emosyon na nararamdaman niya habang dahan-dahan siyang naglakad patungo sa dressing table na may maliit na drawer kung saan niya nilagay ang mga luma niyang gamit at ng ate niya. Nang makalapit ay umupo siya sa silya roon. Nanginginig na binuksan niya ang drawer. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili na huwag umiy
Kasalukuyan nang nagliligpit si Ariah ng mga gamit classroom. Kakatapos lang ng pagtuturo niya sa mga bata at nagsiuwian na sila isa-isa kasama ang mga magulang na sundo nila. Siya na lang ang natitira sa classroom ngayon at naghahanda na sa pag-alis niya. Nang matapos ay lumabas na siya at kinandado na ang pintuan. Ilang araw na rin na absent si Genesis dahil hindi pa rin sila umuuwi galing sa family vacation nila. Namiss niya tuloy ang bata. Lalo na yung pangungulit nito sa kaniya at pagtawag ng Teacher Pretty. Kailan kaya sila babalik? Nasasabik na siyang makita ulit si Genesis at makasama ito. Ewan niya ba, basta hinahanap-hanap niya na ang presensya ng bata. Lalo na kapag naiisip niya ang maamo at cute nitong mukha. Nakakagigil. This past few days, may bigla na lang din nagbago sa kaniya. Palagi na lang niyang hinahanap si Genesis, tanong pa siya ng tanong kay Geralt kung kailan babalik sila Genesis kasi gusto niya talaga itong makita. Walang nagawa si Geralt kundi tawagan s
Matapos ang pagtuturo ni Ariah ay dumiretso na siya sa mansyon nila Geralt. Iniwan niya lang dun si Shawn dahil may mga katulong naman na pwedeng mag-alaga sa kaniya. Saka may mga guards rin na nakabantay para sa seguridad ng bahay. Kaya panatag siya na walang mangyayari sa kanila. Nakasakay na siya ngayon sa sasakyan na may isang guard na driver niya. Nag-iinsist kasi si Geralt na magkaroon siya ng bantay sa tuwing aalis siya at uuwi para siguradong walang mangyayari masama sa kaniya. Hindi na siya umangal pa dahil ayaw ring mapahamak siya. Pagdating niya sa mansyon ay lumabas na siya ng sasakyan upang pumasok sa loob ng mansyon. Nasasabik na siyang makita ulit si Shawn. Syempre, priority niya ang pamangkin niya. May ngiti sa labi na pumasok siya sa loob. Pagpasok niya ay nawala ang kaniyang ngiti nang makita si Shawn na karga ng isang babae. Si Venice. Umiiyak ang bata sa mga bisig nito, tila ba gustong makawala. Yung katulong na nagbabantay kay Shawn ay pilit na inaagaw ang ba
Matapos ang pagtuturo ni Ariah ay dumiretso na siya sa mansyon nila Geralt. Iniwan niya lang dun si Shawn dahil may mga katulong naman na pwedeng mag-alaga sa kaniya. Saka may mga guards rin na nakabantay para sa seguridad ng bahay. Kaya panatag siya na walang mangyayari sa kanila. Nakasakay na siya ngayon sa sasakyan na may isang guard na driver niya. Nag-iinsist kasi si Geralt na magkaroon siya ng bantay sa tuwing aalis siya at uuwi para siguradong walang mangyayari masama sa kaniya. Hindi na siya umangal pa dahil ayaw ring mapahamak siya. Pagdating niya sa mansyon ay lumabas na siya ng sasakyan upang pumasok sa loob ng mansyon. Nasasabik na siyang makita ulit si Shawn. Syempre, priority niya ang pamangkin niya. May ngiti sa labi na pumasok siya sa loob.Pagpasok niya ay nawala ang kaniyang ngiti nang makita si Shawn na karga ng isang babae. Si Venice. Umiiyak ang bata sa mga bisig nito, tila ba gustong makawala. Yung katulong na nagbabantay kay Shawn ay pilit na inaagaw ang bata
"Uuwi na ako. Siguradong hinihintay na naman ako ni Shawn." Tumayo na si Ariah sa hospital bed. Gustong-gusto niya na talagang umuwi ngayon. Bukod pa doon ay ayaw niya ring manatili sa hospital ng ilang oras, maaalibadbaran lang siya roon. Isa pa ay hindi niya rin gusto ang amoy sa loob, amoy medisina. Ngunit kahit ganun ay hindi niya pa rin mapigilan na humanga sa paligid. Ang laki kasi ng building, ibang-iba sa normal at simpleng hospital na pinupuntahan niya sa tuwing dinadala niya si Shawn para ipacheck-up. Ang sabi ni Geralt ay pagmamay-ari raw ito ng isa niyang kaibigan. At dinala daw siya dito for private. Baka may iba daw kasing grupo ng sindikato na makakilala sa kaniya kapag sa ibang hospital siya dadalhin. "Are you sure? You might suddenly panic again and faint. You can stay here for a while. I'll take care of Shawn so you wouldn't worry anymore." May pag-aalala sa boses nito. Umiling lang si Ariah. "Hindi na, ano ka ba? Okay na ako. Ikaw naman, masyado kang OA dyan. Si