PINAPAKAIN na ni Conrad si Genesis habang nakaupo sa kandungan niya. Kanina habang naglalaro ang bata ay nadapa ito na ipinag-alala nila at ikinabahala. Nakaramdam sila ng ginhawa nang hindi umiyak ang bata at pinagpagan pa ang sarili na nadumihan. Lihim pa silang apat na umiling at ngumisi. Hindi naman siya ganun nung bata pa siya, pati rin yung bunso nilang kapatid. Sa pagkakaalam niya ay hindi rin ganun ang asawa ng kaniyang ate nung nagkwento ito sa kanila patungkol nung bata pa siya. Umiiyak din daw iyon pag nadadapa. Hindi niya lang alam kung saan nagmana ang batang iyon. "There you go, you're done.. Masiba ka rin sa pagkain, ano?" Komento ni Conrad nang makitang ubos na nga ang pagkain sa platito ng bata. Bawal sanang kumain ng matatamis ang bata dahil siguradong pagagalitan na naman ito ni Jeanna. Ngunit wala siyang magawa dahil nagutom na si Genesis at iyon lang din ang pagkain na meron sa ref. Nagpaalam si Kleo kanina na tutungo sa kaniyang silid na hinayaan lang ni
"ANO na naman bang gusto mong mangyari, Emily? Bakit mo ako papupuntahin dun sa restaurant na yun?" Nasa loob na siya ng taxi nang tumawag si Emily sa kaniya. Kakatawag pa lang ay may iniutos na naman sa kaniya. Puntahan daw yung sikat na restaurant na kinainan nila nung nakaraang araw. "Naiwan ko kasi yung wallet ko dun. Nandun pa naman ang iba na mahahalaga kong ID's." Tinaasan niya ito ng kilay kahit hindi naman nito nakikita. "Eh, bakit ako pa ang papupuntahin mo dun? Bakit hindi na lang ikaw? Saka bakit mo kasi naiwan?" "Yun na nga. Eh, hindi ko makuha kasi nasa trabaho pa ako. Hindi ako pwedeng magleave ngayon, marami kaming client. Nakalimutan ko rin eh, di ko naalala." Abala siya sa paghalungkat sa bag niya at hinahanap ang wallet sa loob. Nakaipit ang phone niya sa pagitan ng balikat at tenga habang naghahalungkat sa bag at kinakausap si Emily sa kabilang linya. "Bakit hindi mo na lang ipadala dyan sa opisina mo? Pwede mo namang tawagan." Saad niya na patuloy pa
SERYOSO at nakabusangot si Geralt habang nagmamaneho pauwi. Si Genesis ay prenteng nakaupo lang sa backseat at nakasuot ng seatbelt para sa protection. Nakakunot ang kaniyang noo habang walang emosyon ang mga matang nakatingin sa tinatahak nilang daan habang nagmamaneho. Humihigpit rin ang pagkakahawak niya sa manibela dahil sa frustasyon. Hindi niya alam ngunit nakakaramdam talaga siya ng inis sa mga oras na iyon. Galing sila sa restaurant ni Keith. Nang makita niya ang nakakalat na mga papel sa sahig at si Ariah ay kaagad siyang lumapit upang tulungan ito sa pagpulot. Ngunit hindi lang iyon ang inaasahan niya dahil pati si Keith ay biglang lumapit at tumulong. Hindi niya lang alam ngunit hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagtitig ng kaibigan niya kay Ariah. Sa paraan ng pagtitig nito sa babae ay mukhang nagkaroon rin ito ng interes. At sa mga oras na iyon ay parang nakaramdam siya ng kakaiba. Hindi niya alam kung ano. Basta kapag nakikita niya si Keith na nakatitig kay Ariah a
MAAGANG nagbukas ng paaralan si Ariah. Kaagad niya namang inayos ang mga upuan pagkapasok niya. Pati rin ang mga gamit niya sa desk ay inayos niya rin ang pagkakalagay. Ayaw niya kasing magulo ang loob ng classroom pag papasok siya. Gusto niya ring maayos ang lahat bago magsidatingan ang mga estudyante. Nag-aayos na siya ng mga documents sa laptop niya habang nakaupo sa desk niya. Ilang oras ang lumipas ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga estudyante kasama ang mga magulang nila na kaagad niyang binati. Naghintay pa siya ng ilang oras dahil may iba pang bata ang hindi pa dumadating. Kabilang na si Genesis. Ilang sandali pa ay nagsidatingan na yung iba. Si Genesis na lang yung kulang. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Hindi siya pwedeng nag-antay para sa isang estudyante lang. Kaya wala siyang nagawa kundi ang ituloy ang klase sa mga bata. Nagdiscuss muna siya tungkol sa arts at kung ano ang mga steps ng pagguhit. Pagkatapos ay nagpagawa na siya ng tasks sa mga bata
MAAGANG nagising si Ariah para pumasok. Nag-aasikaso na siya ng sarili pati na rin ng pang-umagahan niya. Ganun naman palagi ang routine niya tuwing umaga. Nang matapos niyang gawin ang mga gawain ay si Shawn naman ang inasikaso niya. Pinaliguan, binihisan at pinakain na niya ang bata. Hinandaan na rin niya ng makakain at damit sakaling kailangan nito mamaya. "Baby ko, sa kapitbahay ka muna natin ulit ha? Papasok na naman kasi si Tita-mommy mo. Babalikan kita ulit, okay?" Sambit niya habang hinahalik-halikan ang noo at pisngi nito. "Tara na, baka malate na ako baby." Saka niya kinuha ang bag na may nilalaman na mga gamit ng bata. Medyo nahirapan pa siya dahil dalawang bag ang dala niya habang karga naman niya si Shawn. Aminado siyang mabigat na si Shawn dahil lumalaki na ang bata, at wala na yata itong igagaan dahil ramdam na niya ang pananakit ng kaniyang braso. "Naku, baby. Ang bigat mo na pala." Reklamo niya na may kasama pang biro. Pagkalabas niya sa apartment ay kinand
"OKAY, class dismissed." Matapos iyong sabihin ay isa-isa na niyang iniligpit ang mga art papers na pinasa ng mga bata bago sila nagsialisan kasama ang kanilang mga magulang. As usual, naiwan na naman sila ni Genesis. Pinahintay muna niya si Genesis dahil may mga liligpitin pa siya. Pagkaraan ay inayos niya muna ang mga upuan. Nang makitang maayos na ang lahat ay tinawag na niya si Genesis at lumabas saka nilock ang pintuan ng classroom. "Alright, let's go baby. Time to go. Your uncle might be waiting for you outside." Saad niya na kaagad namang tumango si Genesis. "Hm! Let's go, Teacher Pretty!" Masayang sambit nito bago hinawakan ng maliit nitong kamay ang kaniya. Tumatalon-talon pa ito habang naglalakad sila palabas. Tuwang-tuwa naman siya sa bawat kilos nito. Ang kulit lang at ang cute rin. Nang nasa labas na sila ng building ay nasilayan na nila si Geralt na nakaupo sa driver seat habang nilalaro niya sa kandungan ang kaniyang pamangkin na si Shawn. Tuwang-tuwa i
"UYY, ano yung nababalitaan ko na may gwapo at machong lalaki daw ang pumupunta dito sa labas ng apartment mo?" Tanong ni Emily kay Ariah nang makapasok ito sa loob ng apartment niya. Kakapasok lang eh may nakalap na namang chismis. Kasalukuyan niyang sinusuklayan ang buhok ni Shawn. Tapos na niya itong paliguan at bihisan. Nakaligo at nakabihis na rin siya. Maya-maya lang ay darating na si Geralt para sunduin sila. "At saan mo na naman ba nakuha ang impormasyong iyan? Ang aga-aga, iyan kaagad ang bungad mo sakin." Ipinagkrus ni Emily ang kaniyang mga braso at tinaasan siya ng kilay. Para siyang nanay niya na gustong manermon. "Saan pa ba? Edi, sa mga kapitbahay natin. Inday, baka nakakalimutan mo. Malapit lang ang apartment ko sayo, kaya rinig na rinig ko ang mga komento ng mga Marites sa labas." Saad nito bago lumapit sa direksyon niya. "At ano yung sinasabi nilang nakita ka daw na sinundo at hinatid ka daw nung gwapings? Naku, ilang araw lang akong busy sa work tapos pagb
HINDI maiwasan ni Ariah na humanga habang nililibot ang tingin sa loob ng bahay nila Geralt habang karga niya si Shawn. There, she saw lots of fancy and expensive things. She roamed around the living room which is quite luxurious and fancy, decorated with gold and white furniture. Masasabi niyang hindi lang mayamang tao ang nakatira rito. Sobrang yaman pa, base sa kaniyang nakikita. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kaganda at kalaking bahay sa tanang buhay niya. Dahil hindi siya nakaranas ng magandang buhay, sobrang humanga talaga siya sa nakikita. Bilang isang simpleng tao na nangungupahan lang sa isang mumurahing apartment, hindi niya mapigilan na mainggit sa magandang buhay nila Geralt na lumaki sa maragang bahay at may marangyang pamilya. "Feel yourself at home." Hindi niya mapigilan na mahiya sa sinabi ni Geralt. Feel at home. Ang sarap pakinggan, feeling niya ay nakatira siya ngayon sa magarang bahay. "Teacher Pretty!" Napatingala si Ariah sa hagdanan kung saan ay tu
PAGBALIK ni Geralt sa kwarto ay suot na nito ang binigay na damit ni Ariah, pinupunasan ang ulo gamit ang towel. Kumasya lang sa kaniya ang damit na suot. Siguro para sa lalaki talaga iyon. Nang sulyapan na siya ni Geralt ay kumunot ang noo nito habang tinititigan siya ng maigi bago naglakad palapit sa kaniya. "Why are you wearing that?" Nagtaka naman si Ariah sa tanong nito bago tiningnan ang sarili. "Bakit? Hindi naman revealing ah? Saka hindi ako pwedeng magsuot ng jeans ngayon. Masakit sa baba." Hindi niya sinabi ang meaning, sigurado naman siya na naiintindihan na iyon ni Geralt. "Kahit na. Kung gusto mong magsuot ng dress dapat lagpas tuhod." Anas nito sa disgusto, nakakunot pa rin ang noo. "Eh, wala naman akong dress na ganun. Saka, anong mali dito? Tagatuhod naman to ah? Hindi ako masisipilipan." Pagpapaliwanag niya sa determinadong tono. Wala nang nagawa si Geralt kundi pumayag pero naroon pa rin ang disgusto sa mukha nito na hindi maipinta. "Ano ka ba? Ay
NAALIMPUNGATAN si Ariah nang maramdaman ang silaw ng araw na tumatama sa kaniyang mukha mula sa bintana ng kwarto. Dahan-dahan ay nagmulat siya ng mata. Kinusot niya pa ang mga mata upang mas luminaw ang paningin niya. Naramdaman na rin niya ang pagsakit ng buo niyang katawan lalo na yung pagk@b*b*e niya. Gagalaw na sana siya upang bumangon nang maramdaman ang mabigat na kamay na yumakap sa kaniya. "Good morning.." Bulong ni Geralt sa malalim at magaspang na boses dahil bagong gising pa. Dumadampi ang mainit at mabangong hininga nito sa kaniyang leeg. Hindi umimik si Ariah. Hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin niya ang ginawa nila kagabi. Ang bawat halik at paghawak ni Geralt sa buong parte ng kaniyang katawan ay nararamdaman pa rin niya. "Ah.." Impit na napahawak siya sa bandang hita nang maramdaman ang pagkirot ng pagk@b*b*e niya nang subukan niyang bumangon. May bahid ng pag-aalala sa mukha ni Geralt na bumangon sa pagkakahiga, hinahagod ang kaniyang hita. "Are you oka
PAGDATING sa harap ng pintuan ay humarap na si Geralt sa kaniya. Madilim sa labas dahil wala pang ilaw kaya hindi niya makita nang mabuti ang mukha nito. "Open it." Utos nito sa magaspang na boses. Wala sa sariling binuksan niya ang bag at hinanap roon ang susi. Hindi niya alam kung bakit siya nanginginig. Ramdam din niya ang matinding kaba. "Ako na." Kaagad na kinuha ni Geralt ang bag sa kaniya at hinanap ang susi. Nang makita ay kaagad nitong sinusian ang nakalock na doorknob. "B-bakit ba nagmamadali ka? H-hindi ka pa ba uuwi?" Hindi niya mapigilang mapatanong sa nauutal na boses dahil sa kabang nararamdaman. Hindi siya nito sinagot. Nang mabuksan ang pinto ay wala pa sa alas kwatro na hinila siya papasok at walang ano-ano'y sinandal siya sa pader. Hindi naman siya kaagad nakareak nang bigla na lamang siyang siniil muli ng halik sa labi. Hindi na iyon tulad kanina na masuyo lang. Mapusok at malalim na halik ang binigay nito sa kaniya. Puno ng pananabik at pagnanasa.
TAHIMIK lang sila sa loob ng sasakyan. Ngunit ramdam ni Ariah ang tensyon sa pagitan nila. Kahit hindi niya sulyapan si Geralt ay kapansin-pansin pa rin ang seryoso nitong mukha. Nakita niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela dahilan upang lumabas ang mga ugat nito sa kamay. "Where have you been? And why are you wearing that clothes, huh?" May bahid ng galit sa tono nito na sinulyapan siya saglit, nakakunot pa rin ang noo. Hindi malaman ni Ariah kung ano ang gagawin. Sa lagay ngayon ay mukhang galit nga si Geralt. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon nito samantalang wala naman siyang ginawang masama. "B-binilhan kasi ako ni Emily." Hindi niya mapigilang mautal dahil sa kaba. Hindi niya rin alam kung bakit siya kinakabahan. "At sinuot mo naman?" He snapped, " Don't you know what you look like in that outfit? Masyadong revealing ang suot mo, Ariah. Pwede kang masilipan ng mga lalaki na makakita sayo." May punto naman si Geralt. Iyon din ang n
INABUTAN na ng isang oras sila Ariah at Emily sa gilid ng kalsada. Ilang ulit na rin silang pumara ng taxi na dumadaan ngunit hindi naman sila hinihintuan. May iba na puno na ng pasahero. "Nakakainis naman. Kung kailan pauwi na tayo, dun pa tayo nasiraan ng sasakyan. Lowbat pa naman ang phone ko." Nayayamot niyang wika. Gusto na niyang makauwi, anong oras na rin. Isa't kalahating oras na silang nakatayo sa gilid. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya kay Emily na sinubukang buksan ang harap ng kaniyang sasakyan. "Ano pa nga ba? Edi aayusin ito. Gusto mong makauwi diba?" Nakakunot na ang kaniyang noo na lumapit rito. "Sandali—" Hindi na niya natuloy ang sunod na sasabihin nang mabuksan na ni Emily ang harapan ng sasakyan na nakapagpaubo sa kanilang dalawa nang biglang lumabas ang malaking usok mula sa engine ng sasakyan. Dahil nasa likod lang siya ni Emily at sobrang lapit niya rito ay nasisimoy niya ang mabahong amoy gas mula sa usok. "T@rant*do ka! Ang sabi ko sandali lang
MATAPOS ang kunting kwentuhan ay napagdesisyunan na nila Ariah na magpaalam. Magdidilim na rin kasi. Mukhang napadami ang napag-usapan nila. "Salamat sa ilang oras na binigay mo samin ngayon, hija. I won't forget this day that we had a chance to talk again. Siguro gift na rin to ngayong birthday ko." Napangiti naman si Ariah sa sinabi ng Daddy ni Emily. "Wala po iyon. Saka kung hindi rin naman po dahil kay Emily ay hindi rin ako makakadalaw ngayon dito. Kaya masaya din po ako na nagkaroon tayo ng oras para makapag-usap." Aniya niya. "Basta, huwag mong kalimutan yung suhestiyon ko tungkol sa pamangkin mo. Mas matutuwa ako kung dadalhin mo siya dito." Napatango na lang siya sa sinabi ng Mommy ni Emily. Sa dami ng napag-usapan nila ay akala niya makakalimutan na iyon ng ginang. "Sige po, sasabihin ko na lang po si Emily kapag makapagdesisyon na ako. Sige, mauuna na po kami." "Oh, siya. Mag-iingat kayo sa byahe." Pahabol pa ng Daddy ni Emily. Sa loob ng sasakyan, may n
ISANG malakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng madilim na warehouse kung saan pin@p*t@y at pinaparuhasan ang mga taong nagkasala o may ginawang hindi maganda. Nakatali ang dalawang kamay ng lalaki sa likod habang nakaluhod. Dinala kasi siya sa warehouse ni Kleo. Hindi kaagad nakatakas noong tumakbo siya upang makalayo matapos niyang tangkain na barilin si Kleo na madaling nakailag. Kaya nahuli siya kaagad at iginapos ni Kleo saka dinala sa liblib na warehouse niya. Mabilis na dumanak ang maraming d*go sa malamig at makipot na sahig matapos paputukan ng bala ang ülo ng isang lalaki at tumumba. "That's what happens to people who try to step in my way." Malamig at walang ekspresyon ng mukha ni Kleo habang nakatingin sa nakahandusay na katawan ng lalaki. Walang alinlangan niya itong b*n@r*l sa ulo. "Tsk, tsk, tsk. Isa na namang bangkay ang liligpitin at kalat ang lilinisin." Ani Conrad na nakakrus ang mga braso habang nakatingin sa bangkay. Hindi man lang nasuka o nagkar
IT'S been days since that night happened. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan ang confession ni Geralt sa kaniya. Hindi siya makapaniwala. Ilang araw lang naman noong nakilala niya ang lalaki, tapos biglang samin ng ganun? Ang dali namang magkagusto nito sa kaniya. "Huyy! Ariah." Nabalik siya sa huwisyo nang tawagin ang pangalan niya. Noon niya lang narealize na may kasama pala siya. Galing kasi siya sa school at pauwi na sana siya nang dumating si Emily at iniimbitahan siyang pumunta sa bahay nito dahil kaarawan daw ama ni Emily. "Bakit?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Anong bakit ka dyan? Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi ka naman pala nakikinig. Ang sabi ko kamo kung hindi ka ba kinakabahan ngayong makikita mo ulit sila Daddy at Mommy. Ilang taon na rin yung lumipas noong huli kayong nagkita." Napaisip naman siya sa sinabi ni Emily. Oo nga, ilang taon rin yun. Nawala na sa isipan niya ang bisitahin sila. Noong maging magkaibigan kasi sil
NGAYON ang araw na susunduin na naman siya ni Geralt para sa date kuno nila. Kanina wala siyang nakitang Geralt na pumunta para sunduin siya sa school kaya nagtaxi siya papunta ng school. Iniwan niya rin muna sa kapitbahay so Shawn. Wala kasi si Emily, may pinuntahang event kasama ang mga magulang niya. Nagsabi rin siya sa kapitbahay niya magagabihan siya ng uwi kaya late na niyang makukuha si Shawn mamaya. Ngayon tulala siya sa kwarto niya. Six na ng gabi, malapit nang mag seven. Nakabihis na rin siya ng panibagong damit. Ayaw niya sanang suutin ang bagong dress na hanggang hita niya na binili na naman ni Emily para sa kaniya pero pinilit siya ng kaibigan. Kaya wala na siyang nagawa. Maya-maya lang ay darating na si Geralt. Hindi niya lang alam kung matutuloy. Hindi naman niya matawagan o matext si Geralt dahil wala siyang number nito. Teka, bakit ba niya naisip iyon? Ano naman kung wala siyang number nito? At lalong-lalo na, bakit siya nakabihis at hinihintay yung lalaking iyon