Share

CHAPTER 14: YUMMY

Author: MissLuzy
last update Last Updated: 2024-12-29 22:33:49
"UYY, ano yung nababalitaan ko na may gwapo at machong lalaki daw ang pumupunta dito sa labas ng apartment mo?" Tanong ni Emily kay Ariah nang makapasok ito sa loob ng apartment niya.

Kakapasok lang eh may nakalap na namang chismis.

Kasalukuyan niyang sinusuklayan ang buhok ni Shawn. Tapos na niya itong paliguan at bihisan. Nakaligo at nakabihis na rin siya. Maya-maya lang ay darating na si Geralt para sunduin sila.

"At saan mo na naman ba nakuha ang impormasyong iyan? Ang aga-aga, iyan kaagad ang bungad mo sakin."

Ipinagkrus ni Emily ang kaniyang mga braso at tinaasan siya ng kilay. Para siyang nanay niya na gustong manermon.

"Saan pa ba? Edi, sa mga kapitbahay natin. Inday, baka nakakalimutan mo. Malapit lang ang apartment ko sayo, kaya rinig na rinig ko ang mga komento ng mga Marites sa labas." Saad nito bago lumapit sa direksyon niya.

"At ano yung sinasabi nilang nakita ka daw na sinundo at hinatid ka daw nung gwapings? Naku, ilang araw lang akong busy sa work tapos pagb
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 15: SIMILARITIES

    HINDI maiwasan ni Ariah na humanga habang nililibot ang tingin sa loob ng bahay nila Geralt habang karga niya si Shawn. There, she saw lots of fancy and expensive things. She roamed around the living room which is quite luxurious and fancy, decorated with gold and white furniture. Masasabi niyang hindi lang mayamang tao ang nakatira rito. Sobrang yaman pa, base sa kaniyang nakikita. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kaganda at kalaking bahay sa tanang buhay niya. Dahil hindi siya nakaranas ng magandang buhay, sobrang humanga talaga siya sa nakikita. Bilang isang simpleng tao na nangungupahan lang sa isang mumurahing apartment, hindi niya mapigilan na mainggit sa magandang buhay nila Geralt na lumaki sa maragang bahay at may marangyang pamilya. "Feel yourself at home." Hindi niya mapigilan na mahiya sa sinabi ni Geralt. Feel at home. Ang sarap pakinggan, feeling niya ay nakatira siya ngayon sa magarang bahay. "Teacher Pretty!" Napatingala si Ariah sa hagdanan kung saan ay tu

    Last Updated : 2024-12-29
  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 16: BAKING A CUPCAKE

    KASALUKUYANG nasa kusina si Ariah. Nagboluntaryo siyang tumulong kay Jeanna na gumawa ng cupcakes since wala naman siyang ginagawa. Nasa sala lang naman si Genesis at Shawn, naglalaro. Sigurado naman siya na hindi lalayo ang dalawang bata dahil may nagbabantay naman na katulong sa kanila. Buti na lang at marunong rin siyang magbake. Tumutulong kasi siya dati sa Ate niya na magbake kaya may mga natutunan din siya. Nag-eenjoy naman siya kahit papano sa pagbibake. "Wow! Ang ganda niyan ha. Ang ganda ng pagkakadesign ng icing." Napangiti siya sa papuri ni Jeanna sa gawa niya. Naglagay kasi siya ng pormang bulaklak na icing sa ibabaw ng cupcake. Tapos nilagyan niya rin ng sprinkles sa dulo ng icing. Yung iba naman ay may iba't ibang design. "Hindi ko alam na marunong ka palang magdesign. Kailan ka pa natutong magbake?" Tanong nito. "May nakapagturo lang sakin dati. Mas marunong pa saking magbake." Sagot niya habang inaalala ang nakaraan kasama ang kaniyang Ate. "Nakakainggit naman, m

    Last Updated : 2024-12-30
  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 17: FILIPINO RECIPE

    "HUY, kayong dalawa dyan. Di pa rin kayo tapos?" Sabay silang napalingon kay Jeanna nang sumilip ito sa kusina. Kaagad na lumayo si Ariah kay Geraltat umiwas ng tingin. Kinuha na niya ang tray ng cupcakes at nagsimulang maglakad palabas. "Dadalhin ko lang to sa sala." Saad niya nang hindi lumilingon sa dalawang magkapatid. Nang makalabas siya sa kusina ay doon lang siya nakahinga ng maluwag. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya pag nanatili pa siya sa loob. Nakita niyang kumakain na si Genesis at Shawn. At dahil walang kamuwang-muwang pa ang bata ay pinaglalaruan lang nito ang pagkain. Sayang naman yung cupcake. Nagkalat pa sa mukha at damit nito ang icing. Bata nga naman. Si Genesis ay ganun rin, pero hindi naman siya masyadong nadumihan ng icing, sa gilid lang ng bibig. Ang cute nilang tingnan. "Teacher Pretty! Come and eat with us! My mom brought us cupcakes!" Masayang paanyaya ni Genesis sa kaniya habang kumakain. "Sure baby. Here, I brought another cupcakes.

    Last Updated : 2025-01-01
  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 18: GET TO KNOW EACH OTHER

    GULAT na nakatitig si Ariah kay Geralt na ngayon ay nasa harap niya na nakatayo sa apartment. Kakatapos pa lang niyang mag-asikaso ng sarili. Tapos na rin niyang bihisan si Shawn, ngayon ay paalis na sana siya. Nang marinig ang pagtunog ng doorbell sa labas ay nagtaka siya dahil hindi naman iyon gawain ni Emily. Basta na lang iyon pumapasok ng hindi kumakatok. Gayunpaman ay lumapit pa rin siya karga si Shawn bago binuksan ang pintuan at bumungad sa harap niya ang matangkad at gwapong mukha ni Geralt. "Good morning." Nakangiting wika nito. Shet! Bakit nakakaakit ang ngiti niya. 'Umayos ka, Ariah. Ang aga-aga nagiging marupok ka na naman.' "U-uh.. y-yeah. Good morning rin, Mr—I mean, Geralt." Nauutal pa siya sa pagsasalita roon. "Anong ginagawa mo dito?" Nagkibit-balikat si Geralt bago inilabas mula sa likod niya ang kamay na may hawak na bugkos ng bulaklak. Umay! May pa-flowers si akla! Pakurap-kurap siyang tumitig sa hawak nitong bulaklak. Bakit may pa-flowers pa siyang na

    Last Updated : 2025-01-02
  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 19: JEALOUS

    TULAD nga ng sinabi ni Geralt ay siya ang nagbantay at nag-alaga kay Shawn habang nagtuturo si Ariah. "Class, listen carefully. I have one simple question for you." Wika ni Ariah bago humarap sa pisara at nagsulat ng word na ART. Pagkatapos ay humarap siya muli sa mga bata. "What is Art.. Anyone? Who would like to answer?" Tanong niya at nilibot ang tingin. Hinihintay na may magtaas ng kamay at sagutin ang tanong niya. "Ma'am!" Nakangiting binalingan niya ng tingin ang batang babae na nagtaas ng kamay. Ang cute niya lalo na sa paraan ng pagkakatali ng buhok niya. "Alright, stand up Kreisha." Utos niya na sinunod naman ng bata. "Ma'am, Art is a creative activity." Yun lang at umupo na ang bata. Tumango naman si Ariah bago naglakad patungo sa desk niya. "Okay. Thank you, Kreisha. But besides that, who else wants to answer? Yung pinakatamang sagot talaga." Hinintay niyang may tumaas ulit ng kamay. Napalingon naman siya kay Genesis na nagtaas ng kamay. "Alright, Genes

    Last Updated : 2025-01-02
  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 20: VISIT AUNT SHAII

    PAGDATING nila sa restaurant na pagmamay-ari ni Shaii, kaagad bumaba si Genesis sa sasakyan. "Come on, Uncle G and Teacher Pretty! I can't wait to see Aunt Shaii!" Napailing na lang si Geralt habang pinagmamasdan ang sabik na sabik na mukha ni Genesis. "Coming. Just a minute." Paglabas ni Geralt ay inalalayan niya si Ariah na lumabas sa sasakyan. Medyo nailang naman si Ariah dahil hindi siya sanay. "I'll hold him for you." "Huh? Naku, hindi na." Kaagad siyang tumanggi nang nagboluntaryo na naman ito at pilit na kinuha si Shawn sa kaniya. "Just let me.. kanina pa siya sa bisig mo, baka nangangalay ka na." Wala na siyang nagawa nang dahan-dahan nang nakuha ni Geralt si Shawn at kinarga. Buti na lang hindi nagising si Shawn. Ang ulo nito ay nakasandal sa matipunong balikat ni Geralt. "Sige, salamat." Pagpasok nila sa loob ng restaurant ay nilibot ni Ariah ang tingin. Parang pamilyar sa kaniya ang lugar. Parang nakita na niya ito. Napaisip siya habang nililibot ang

    Last Updated : 2025-01-03
  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 21: SUGGESTION

    MATAPOS kumain ay nagpaalam na sila kay Shaii na umuwi. Nagpasuyo muna si Ariah na tumigil sa malapit na grocery store para bumili ng mga groceries na pangstock sa apartment niya. Malapit na kasing maubos. "250 pesos... 300, 280.." Napailing na lang na sinasauli ni Ariah ang mga items na tinitingnan niya. Paano kasi ang mamahal. Hindi kaya ng budget niya. Pinagulong niya ulit ang pushcart at tumigil naman sa ibang items ng gatas na nakahelera. Kinuha niya ang isang malaki at isang maliit bago tiningnan ang price. "280... ito naman, 150." Nang makita ang murang presyo ng maliit ay nilagay niya ito sa pushcart. "Why do you only choose the cheap ones? The expensive one is better, it's bigger and can last a month." Napalingon siya kay Geralt na nakasunod na pala sa kaniya. Hawak nito sa kabilang kamay si Genesis at karga naman ng kabila si Shawn na noo'y bagong gising pa lang. "Hindi kaya ng budget ko. Isa pa ay hindi naman ako tulad niyo na mayaman at kayang bumili ng ka

    Last Updated : 2025-01-04
  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 22: DINNER DATE

    NGAYON ang araw na susunduin na naman siya ni Geralt para sa date kuno nila. Kanina wala siyang nakitang Geralt na pumunta para sunduin siya sa school kaya nagtaxi siya papunta ng school. Iniwan niya rin muna sa kapitbahay so Shawn. Wala kasi si Emily, may pinuntahang event kasama ang mga magulang niya. Nagsabi rin siya sa kapitbahay niya magagabihan siya ng uwi kaya late na niyang makukuha si Shawn mamaya. Ngayon tulala siya sa kwarto niya. Six na ng gabi, malapit nang mag seven. Nakabihis na rin siya ng panibagong damit. Ayaw niya sanang suutin ang bagong dress na hanggang hita niya na binili na naman ni Emily para sa kaniya pero pinilit siya ng kaibigan. Kaya wala na siyang nagawa. Maya-maya lang ay darating na si Geralt. Hindi niya lang alam kung matutuloy. Hindi naman niya matawagan o matext si Geralt dahil wala siyang number nito. Teka, bakit ba niya naisip iyon? Ano naman kung wala siyang number nito? At lalong-lalo na, bakit siya nakabihis at hinihintay yung lalaking iyon

    Last Updated : 2025-01-05

Latest chapter

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   THE END

    Ilang oras nang naghihintay si Ariah sa pag-uwi ni Geralt. Nakanguso ang kaniyang labi habang hinihimas ang medyo maumbok niyang tiyan. Apat na buwan na ang tiyan niya. "Ang tagal naman ng Daddy mo, baby. Ang sabi niya saglit lang siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakauwi." Halata ang labis na pagkairita sa kaniyang mukha habang hinihimas ang baby bump niya. Apat na buwan na ang nakakalipas nang ikasal sila. Matapos ang honeymoon ay lumipat na sila ng bagong bahay which is dating mansyon mula sa mga magulang ni Geralt. Hindi pa nga makapaniwala si Ariah nang malaman na may dating mansyon sila Geralt. Wala kasi itong nabanggit sa kaniya. Bago sila makalipat sa mansyon ay pinarenovate muna iyon ni Geralt. Bumili rin ito ng mga bagong furnitures para sa decoration sa loob ng mansyon. He even bought a king size bed na pinampalit sa dating katre ng kaniyang mga magulang sa dating kwarto. Gusto nga sanang ikwento iyon ni Ariah sa kaibigang si Emily pero nakaalis na ito.

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   SPECIAL CHAPTER

    Geralt's POV, Nakahiga lang ako sa kama habang nakayakap ang isang kamay sa beywang ng kasintahan kong si Ariana. Kanina pa ako gising at nakatitig lang sa maamo niyang mukha na mahimbing na natutulog. Marahan ang paghaplos ko sa malambot at makinis niyang balat.Galing kami sa mainit na pagtatalik kagabi at mukhang napagod ko siya dahil ilang oras na siyang tulog. Sa katunayan nga, dalawang beses pa lang kaming nagtalik. Una ay noong 1st anniversary namin. Iyon ang unang pagkakataon na isinuko niya ang sarili sakin. At ngayon ang pangalawa.Sa kaniya lang din ako nangako ng kasal. Ilang ulit ko na iyong sinasabi sa kaniya Pero tinatanggi niya. Pero kahit ganun ay hinayaan ko na lang siya, inisip ko na baka di pa siya handa. Nirerespeto ko naman ang desisyon niya. Pero di pa rin ako titigil, hihintayin ko hanggang sa ready na siya.Mabait siya, mahinhin rin. Nakilala ko siya sa isang club na pagmamay-ari ni Kleo. Hindi siya yung tipo na mahilig manamit ng mga sexy na damit na pinapak

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 60: WAR IN BED

    Hindi pa rin inaalis ni Ariah ang tingin kay Geralt, may gusto pa siyang malaman. Alam niyang marami pa itong kailangang ipaliwanag at gusto niya iyong marinig. "Pero bakit? Paano ka nakulong?" Tanong niya rito. "Sino naman ang may kayang gawin iyon sayo?" Ang alam niya ay hindi kayang maikulong o sampahan ng kaso si Geralt kahit marami itong kinasangkutan na kaso. Maimpluwensya siya at hindi siya basta-basta lang na kasuhan unless may mas makapangyarihan pa ang kayang gawin iyon sa kaniya. At iyon ang gusto niyang malaman. "It's Mrs. Gatchalian, Emily's mother. She's the one who sent me to jail." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa gulat nang banggitin ang Mommy ni Emily. "Ano?!" Gulat niyang anas rito, "Pero.. b-bakit? Bakit naman niya iyon gagawin? May ginawa ka ba sa kanila? Kilala ko sila, hindi naman nila iyon gagawin kung wala kang ginawa." May padududa niyang wika, napabuntong hininga na lang si Geralt. "I knew you would react like that." Kumunot ang noo niya sa sinabi ni

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 59: GOT IMPRISONED

    "Why do you only bring so few things? I bought you some clothes, where are they?" Takang tanong ni Geralt kay Ariah nang makita ang isang bag na dala niya, nakakunot pa ang noo nito. Nagkibit-balikat lang si Ariah."Hindi na ako nagdala ng marami. Nandito rin naman yung ibang damit na binigay mo. Besides, we're just going on vacation. We won't be there for long, aren't we?" He hissed, "Exactly, we're going on vacation and we'll be there for a few weeks. So, we'll still be staying there for quite a while." Sinundan niya ito nang tingin nang lumakad ito patungo sa closet, kinuha nito ang walang laman niyang luggage at kinuha ang mga damit na nakasabit sa closet. "I didn't spend my money buying you fancy clothes just to leave them behind when we went on vacation. At kahit ilang linggo o araw lang tayo dun, I don't care. I want you to wear these nice clothes wherever we go." Aniya nito na hindi tumatanggap ng angal. Matapos ilagay ang mga damit niya ay sinarado na nito ang luggage s

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 58: ENDEARMENT

    "Sandali, paano pala si Venice ano nang nangyari sa kaniya?" Tanong niya. Syempre nag-aalala pa rin siya para rito. Napabuntong hininga na lang si Geralt."She's dead. Kasalukuyan nang dinala pabalik sa kanila ang labi niya para sa ilibing." Hindi nakaimik si Ariah. Alam niya ang ginawa ni Venice at galit rin siya rito. Pero kahit na ganun ay hindi naman niya ninais na mangyari iyon kay Venice. Pero hindi niya iyon inaasahan na ganun na lang ang mararanasan ni Venice, nakakaawa pa rin siya. "Let's just hope those families don't take revenge for what happened to Venice. I know her family, especially her father. Hindi niya pinapalampas ang mga maaaring mangyari lalo na kapag napahamak ang pamilya niya, lalo na't isa si Venice ang pinakapaborito niya." Nakaramdam ng pangamba si Ariah. Natatakot siya sa kung anong maaaring mangyari. Paano kung bigla na lang silang sugurin ng pamilya ni Venice? Paano kung totoo ngang maghihiganti ang pamilya niya? Natatakot siya lalo na't siya ang dahil

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 57: HER SAVIOR

    Nang imulat na ni Ariah ang kaniyang mga mata ay puting kisame na naman ang una niyang nakita. Mukhang nasa hospital na naman siya. Sa amoy pa lang nga mga medisina sa loob, alam na niya kung nasan na siya. "She's awake." Narinig niyang saad ni Emily. Nandito siya at sa tono nito ay nag-aalala ito.Inilibot ni Ariah ang kaniyang pangingin. Nagtaka pa siya na ang dami nilang nakapalibot sa kaniya. Hindi lang si Emily ang naroon, pati sila Jeanna, Shaii at ang mga kaibigan ni Geralt. And of course, nandun rin si Geralt na hawak-hawak ang kamay niya habang nakaupo sa tabi niya. "Baby, I'm so grateful you're awake. How are you? May masakit ba sayo? Are you feeling unwell? Tell me." Sunod-sunod nitong tanong ngunit nakatitig lang siya rito. Naalala nya hindi kasama si Geralt sa pagligtas sa kaniya. Dahil dun ay nakaramdam ng inis si Ariah. Kung mahal siya nito at kung may pagsisisi nga ito sa mga ginawa niya, bakit wala siya dun para iligtas siya? Ang lakas ng loob nitong pumunta dito

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 56: SHE'S SAFE NOW

    "But you know, I also hate Geralt. I'm angry because he can't even look at me once. He says he only considers me a friend, but I don't like that! I don't just want a friend, I want him to love me! To be with me." Muli na namang umiyak si Venice, minsan naman ay tatawa. Walang magawa si Ariah kundi ang tingnan lang ito. "I did everything. I hurt the woman he loved so I could get him. So that he can be mine completely." Mula sa pagtawa na parang nababaliw ay lumungkot naman ang mukha nito. "I thought that once Ariana was destroyed and Geralt hated her, he would love me. He would choose me. Tulad na lang nung una niya akong pinili kesa kay Ariana when he kissed me in front of her. Kaya nga binigay ko sa kaniya pati ang katawan ko." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa huli nitong sinabi. Si Geralt, ginawa talaga iyon?Ngumisi si Venice nang makita ang reaksyon niya. "Yes, Ariah. You heard me right. When Ariana left him, I let him use my body. We had sex every single day. But I thought it

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 55: THE PERPETRATOR

    Nang nasa labas na siya ay lumapit na siya sa kotse ni Emily. Papasok na sana siya roon para sa loob na lang hintayan si Emily. Ngunit hindi pa man siya nakakasakay ay may nagtakip ng kung ano sa kaniyang ilong at bibig. Mabilis ang pangyayari. Kaagad nagdilim ang kaniyang paningin. Pagmulat niya ng mata ay isang madilim na silid ang bumungad sa kaniya. Wala siyang masyadong maaninag. Gusto niyang gumalaw pero alam niyang nakatali ang kamay niya, may tela rin ang kaniyang bibig dahilan upang hindi siya makapagsalita para sana sumigaw ng tulong kung meron man. Dahil nakahiga siya patagilid habang nakatali sa likod ang mga kamay niya hindi niya magawang makabangon. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapaluha dahil sa takot. Masakit pa rin ang kaniyang ulo dahil tumatalab pa rin ang chemical na pinaamoy sa kaniya sa panyo kanina. Ang iniisip na lamang niya ngayon ay ang kaligtasan niya at ng baby sa sinapupunan niya. Natatakot siya na baka mapahamak silang dalawa ng baby niya lalo na'

  • Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch   CHAPTER 54: KEITH'S CONFESSION

    Lumipas ang ilang araw ay wala nang paramdam si Geralt kay Ariah. Hindi na ito pumupunta sa bahay ni Emily para manggulo at hanapin siya. Simula nung kausapin ito ng Mommy ni Emily ay tumigil na kinabukasan. Hanggang ngayon ay tahimik ang buhay niya at walang nanggugulo. Tulala lang si Ariah habang nanonood ng movie sa malaking television na nakadikit sa dingding sa may sala. May hawak siyang bowl na may laman na strawberry at may isa pang bowl na may yogurt pangsawsaw. Iyon ang cravings niya ngayon. Pero dahil bored siya ay wala napasimangot siya habang nakatutok ang mga mata sa pinapanood. Gusto niyang may gawin pero hindi pwede dahil baka sermonan na naman siya ni Emily at ng Mommy nito. Iniisip nga niya na bumalik na sa school para magturo ulit. Ilang araw na naman kasi siyang excuse eh, kaya ayun may bago munang pumalit sa kaniya. Namimiss na niyang magturo, pati yung mga bata. Gusto na niya silang makita. Lalo na si Genesis. Pumasok rin kaya si Genesis? Napabuntong hininga na

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status