IT'S been days since that night happened. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan ang confession ni Geralt sa kaniya. Hindi siya makapaniwala. Ilang araw lang naman noong nakilala niya ang lalaki, tapos biglang samin ng ganun? Ang dali namang magkagusto nito sa kaniya. "Huyy! Ariah." Nabalik siya sa huwisyo nang tawagin ang pangalan niya. Noon niya lang narealize na may kasama pala siya. Galing kasi siya sa school at pauwi na sana siya nang dumating si Emily at iniimbitahan siyang pumunta sa bahay nito dahil kaarawan daw ama ni Emily. "Bakit?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Anong bakit ka dyan? Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi ka naman pala nakikinig. Ang sabi ko kamo kung hindi ka ba kinakabahan ngayong makikita mo ulit sila Daddy at Mommy. Ilang taon na rin yung lumipas noong huli kayong nagkita." Napaisip naman siya sa sinabi ni Emily. Oo nga, ilang taon rin yun. Nawala na sa isipan niya ang bisitahin sila. Noong maging magkaibigan kasi sil
ISANG malakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng madilim na warehouse kung saan pin@p*t@y at pinaparuhasan ang mga taong nagkasala o may ginawang hindi maganda. Nakatali ang dalawang kamay ng lalaki sa likod habang nakaluhod. Dinala kasi siya sa warehouse ni Kleo. Hindi kaagad nakatakas noong tumakbo siya upang makalayo matapos niyang tangkain na barilin si Kleo na madaling nakailag. Kaya nahuli siya kaagad at iginapos ni Kleo saka dinala sa liblib na warehouse niya. Mabilis na dumanak ang maraming d*go sa malamig at makipot na sahig matapos paputukan ng bala ang ülo ng isang lalaki at tumumba. "That's what happens to people who try to step in my way." Malamig at walang ekspresyon ng mukha ni Kleo habang nakatingin sa nakahandusay na katawan ng lalaki. Walang alinlangan niya itong b*n@r*l sa ulo. "Tsk, tsk, tsk. Isa na namang bangkay ang liligpitin at kalat ang lilinisin." Ani Conrad na nakakrus ang mga braso habang nakatingin sa bangkay. Hindi man lang nasuka o nagkar
MATAPOS ang kunting kwentuhan ay napagdesisyunan na nila Ariah na magpaalam. Magdidilim na rin kasi. Mukhang napadami ang napag-usapan nila. "Salamat sa ilang oras na binigay mo samin ngayon, hija. I won't forget this day that we had a chance to talk again. Siguro gift na rin to ngayong birthday ko." Napangiti naman si Ariah sa sinabi ng Daddy ni Emily. "Wala po iyon. Saka kung hindi rin naman po dahil kay Emily ay hindi rin ako makakadalaw ngayon dito. Kaya masaya din po ako na nagkaroon tayo ng oras para makapag-usap." Aniya niya. "Basta, huwag mong kalimutan yung suhestiyon ko tungkol sa pamangkin mo. Mas matutuwa ako kung dadalhin mo siya dito." Napatango na lang siya sa sinabi ng Mommy ni Emily. Sa dami ng napag-usapan nila ay akala niya makakalimutan na iyon ng ginang. "Sige po, sasabihin ko na lang po si Emily kapag makapagdesisyon na ako. Sige, mauuna na po kami." "Oh, siya. Mag-iingat kayo sa byahe." Pahabol pa ng Daddy ni Emily. Sa loob ng sasakyan, may n
INABUTAN na ng isang oras sila Ariah at Emily sa gilid ng kalsada. Ilang ulit na rin silang pumara ng taxi na dumadaan ngunit hindi naman sila hinihintuan. May iba na puno na ng pasahero. "Nakakainis naman. Kung kailan pauwi na tayo, dun pa tayo nasiraan ng sasakyan. Lowbat pa naman ang phone ko." Nayayamot niyang wika. Gusto na niyang makauwi, anong oras na rin. Isa't kalahating oras na silang nakatayo sa gilid. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya kay Emily na sinubukang buksan ang harap ng kaniyang sasakyan. "Ano pa nga ba? Edi aayusin ito. Gusto mong makauwi diba?" Nakakunot na ang kaniyang noo na lumapit rito. "Sandali—" Hindi na niya natuloy ang sunod na sasabihin nang mabuksan na ni Emily ang harapan ng sasakyan na nakapagpaubo sa kanilang dalawa nang biglang lumabas ang malaking usok mula sa engine ng sasakyan. Dahil nasa likod lang siya ni Emily at sobrang lapit niya rito ay nasisimoy niya ang mabahong amoy gas mula sa usok. "T@rant*do ka! Ang sabi ko sandali lang
TAHIMIK lang sila sa loob ng sasakyan. Ngunit ramdam ni Ariah ang tensyon sa pagitan nila. Kahit hindi niya sulyapan si Geralt ay kapansin-pansin pa rin ang seryoso nitong mukha. Nakita niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela dahilan upang lumabas ang mga ugat nito sa kamay. "Where have you been? And why are you wearing that clothes, huh?" May bahid ng galit sa tono nito na sinulyapan siya saglit, nakakunot pa rin ang noo. Hindi malaman ni Ariah kung ano ang gagawin. Sa lagay ngayon ay mukhang galit nga si Geralt. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon nito samantalang wala naman siyang ginawang masama. "B-binilhan kasi ako ni Emily." Hindi niya mapigilang mautal dahil sa kaba. Hindi niya rin alam kung bakit siya kinakabahan. "At sinuot mo naman?" He snapped, " Don't you know what you look like in that outfit? Masyadong revealing ang suot mo, Ariah. Pwede kang masilipan ng mga lalaki na makakita sayo." May punto naman si Geralt. Iyon din ang n
PAGDATING sa harap ng pintuan ay humarap na si Geralt sa kaniya. Madilim sa labas dahil wala pang ilaw kaya hindi niya makita nang mabuti ang mukha nito. "Open it." Utos nito sa magaspang na boses. Wala sa sariling binuksan niya ang bag at hinanap roon ang susi. Hindi niya alam kung bakit siya nanginginig. Ramdam din niya ang matinding kaba. "Ako na." Kaagad na kinuha ni Geralt ang bag sa kaniya at hinanap ang susi. Nang makita ay kaagad nitong sinusian ang nakalock na doorknob. "B-bakit ba nagmamadali ka? H-hindi ka pa ba uuwi?" Hindi niya mapigilang mapatanong sa nauutal na boses dahil sa kabang nararamdaman. Hindi siya nito sinagot. Nang mabuksan ang pinto ay wala pa sa alas kwatro na hinila siya papasok at walang ano-ano'y sinandal siya sa pader. Hindi naman siya kaagad nakareak nang bigla na lamang siyang siniil muli ng halik sa labi. Hindi na iyon tulad kanina na masuyo lang. Mapusok at malalim na halik ang binigay nito sa kaniya. Puno ng pananabik at pagnanasa.
NAALIMPUNGATAN si Ariah nang maramdaman ang silaw ng araw na tumatama sa kaniyang mukha mula sa bintana ng kwarto. Dahan-dahan ay nagmulat siya ng mata. Kinusot niya pa ang mga mata upang mas luminaw ang paningin niya. Naramdaman na rin niya ang pagsakit ng buo niyang katawan lalo na yung pagk@b*b*e niya. Gagalaw na sana siya upang bumangon nang maramdaman ang mabigat na kamay na yumakap sa kaniya. "Good morning.." Bulong ni Geralt sa malalim at magaspang na boses dahil bagong gising pa. Dumadampi ang mainit at mabangong hininga nito sa kaniyang leeg. Hindi umimik si Ariah. Hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin niya ang ginawa nila kagabi. Ang bawat halik at paghawak ni Geralt sa buong parte ng kaniyang katawan ay nararamdaman pa rin niya. "Ah.." Impit na napahawak siya sa bandang hita nang maramdaman ang pagkirot ng pagk@b*b*e niya nang subukan niyang bumangon. May bahid ng pag-aalala sa mukha ni Geralt na bumangon sa pagkakahiga, hinahagod ang kaniyang hita. "Are you oka
PAGBALIK ni Geralt sa kwarto ay suot na nito ang binigay na damit ni Ariah, pinupunasan ang ulo gamit ang towel. Kumasya lang sa kaniya ang damit na suot. Siguro para sa lalaki talaga iyon. Nang sulyapan na siya ni Geralt ay kumunot ang noo nito habang tinititigan siya ng maigi bago naglakad palapit sa kaniya. "Why are you wearing that?" Nagtaka naman si Ariah sa tanong nito bago tiningnan ang sarili. "Bakit? Hindi naman revealing ah? Saka hindi ako pwedeng magsuot ng jeans ngayon. Masakit sa baba." Hindi niya sinabi ang meaning, sigurado naman siya na naiintindihan na iyon ni Geralt. "Kahit na. Kung gusto mong magsuot ng dress dapat lagpas tuhod." Anas nito sa disgusto, nakakunot pa rin ang noo. "Eh, wala naman akong dress na ganun. Saka, anong mali dito? Tagatuhod naman to ah? Hindi ako masisipilipan." Pagpapaliwanag niya sa determinadong tono. Wala nang nagawa si Geralt kundi pumayag pero naroon pa rin ang disgusto sa mukha nito na hindi maipinta. "Ano ka ba? Ay
Ilang oras nang naghihintay si Ariah sa pag-uwi ni Geralt. Nakanguso ang kaniyang labi habang hinihimas ang medyo maumbok niyang tiyan. Apat na buwan na ang tiyan niya. "Ang tagal naman ng Daddy mo, baby. Ang sabi niya saglit lang siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakauwi." Halata ang labis na pagkairita sa kaniyang mukha habang hinihimas ang baby bump niya. Apat na buwan na ang nakakalipas nang ikasal sila. Matapos ang honeymoon ay lumipat na sila ng bagong bahay which is dating mansyon mula sa mga magulang ni Geralt. Hindi pa nga makapaniwala si Ariah nang malaman na may dating mansyon sila Geralt. Wala kasi itong nabanggit sa kaniya. Bago sila makalipat sa mansyon ay pinarenovate muna iyon ni Geralt. Bumili rin ito ng mga bagong furnitures para sa decoration sa loob ng mansyon. He even bought a king size bed na pinampalit sa dating katre ng kaniyang mga magulang sa dating kwarto. Gusto nga sanang ikwento iyon ni Ariah sa kaibigang si Emily pero nakaalis na ito.
Geralt's POV, Nakahiga lang ako sa kama habang nakayakap ang isang kamay sa beywang ng kasintahan kong si Ariana. Kanina pa ako gising at nakatitig lang sa maamo niyang mukha na mahimbing na natutulog. Marahan ang paghaplos ko sa malambot at makinis niyang balat.Galing kami sa mainit na pagtatalik kagabi at mukhang napagod ko siya dahil ilang oras na siyang tulog. Sa katunayan nga, dalawang beses pa lang kaming nagtalik. Una ay noong 1st anniversary namin. Iyon ang unang pagkakataon na isinuko niya ang sarili sakin. At ngayon ang pangalawa.Sa kaniya lang din ako nangako ng kasal. Ilang ulit ko na iyong sinasabi sa kaniya Pero tinatanggi niya. Pero kahit ganun ay hinayaan ko na lang siya, inisip ko na baka di pa siya handa. Nirerespeto ko naman ang desisyon niya. Pero di pa rin ako titigil, hihintayin ko hanggang sa ready na siya.Mabait siya, mahinhin rin. Nakilala ko siya sa isang club na pagmamay-ari ni Kleo. Hindi siya yung tipo na mahilig manamit ng mga sexy na damit na pinapak
Hindi pa rin inaalis ni Ariah ang tingin kay Geralt, may gusto pa siyang malaman. Alam niyang marami pa itong kailangang ipaliwanag at gusto niya iyong marinig. "Pero bakit? Paano ka nakulong?" Tanong niya rito. "Sino naman ang may kayang gawin iyon sayo?" Ang alam niya ay hindi kayang maikulong o sampahan ng kaso si Geralt kahit marami itong kinasangkutan na kaso. Maimpluwensya siya at hindi siya basta-basta lang na kasuhan unless may mas makapangyarihan pa ang kayang gawin iyon sa kaniya. At iyon ang gusto niyang malaman. "It's Mrs. Gatchalian, Emily's mother. She's the one who sent me to jail." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa gulat nang banggitin ang Mommy ni Emily. "Ano?!" Gulat niyang anas rito, "Pero.. b-bakit? Bakit naman niya iyon gagawin? May ginawa ka ba sa kanila? Kilala ko sila, hindi naman nila iyon gagawin kung wala kang ginawa." May padududa niyang wika, napabuntong hininga na lang si Geralt. "I knew you would react like that." Kumunot ang noo niya sa sinabi ni
"Why do you only bring so few things? I bought you some clothes, where are they?" Takang tanong ni Geralt kay Ariah nang makita ang isang bag na dala niya, nakakunot pa ang noo nito. Nagkibit-balikat lang si Ariah."Hindi na ako nagdala ng marami. Nandito rin naman yung ibang damit na binigay mo. Besides, we're just going on vacation. We won't be there for long, aren't we?" He hissed, "Exactly, we're going on vacation and we'll be there for a few weeks. So, we'll still be staying there for quite a while." Sinundan niya ito nang tingin nang lumakad ito patungo sa closet, kinuha nito ang walang laman niyang luggage at kinuha ang mga damit na nakasabit sa closet. "I didn't spend my money buying you fancy clothes just to leave them behind when we went on vacation. At kahit ilang linggo o araw lang tayo dun, I don't care. I want you to wear these nice clothes wherever we go." Aniya nito na hindi tumatanggap ng angal. Matapos ilagay ang mga damit niya ay sinarado na nito ang luggage s
"Sandali, paano pala si Venice ano nang nangyari sa kaniya?" Tanong niya. Syempre nag-aalala pa rin siya para rito. Napabuntong hininga na lang si Geralt."She's dead. Kasalukuyan nang dinala pabalik sa kanila ang labi niya para sa ilibing." Hindi nakaimik si Ariah. Alam niya ang ginawa ni Venice at galit rin siya rito. Pero kahit na ganun ay hindi naman niya ninais na mangyari iyon kay Venice. Pero hindi niya iyon inaasahan na ganun na lang ang mararanasan ni Venice, nakakaawa pa rin siya. "Let's just hope those families don't take revenge for what happened to Venice. I know her family, especially her father. Hindi niya pinapalampas ang mga maaaring mangyari lalo na kapag napahamak ang pamilya niya, lalo na't isa si Venice ang pinakapaborito niya." Nakaramdam ng pangamba si Ariah. Natatakot siya sa kung anong maaaring mangyari. Paano kung bigla na lang silang sugurin ng pamilya ni Venice? Paano kung totoo ngang maghihiganti ang pamilya niya? Natatakot siya lalo na't siya ang dahil
Nang imulat na ni Ariah ang kaniyang mga mata ay puting kisame na naman ang una niyang nakita. Mukhang nasa hospital na naman siya. Sa amoy pa lang nga mga medisina sa loob, alam na niya kung nasan na siya. "She's awake." Narinig niyang saad ni Emily. Nandito siya at sa tono nito ay nag-aalala ito.Inilibot ni Ariah ang kaniyang pangingin. Nagtaka pa siya na ang dami nilang nakapalibot sa kaniya. Hindi lang si Emily ang naroon, pati sila Jeanna, Shaii at ang mga kaibigan ni Geralt. And of course, nandun rin si Geralt na hawak-hawak ang kamay niya habang nakaupo sa tabi niya. "Baby, I'm so grateful you're awake. How are you? May masakit ba sayo? Are you feeling unwell? Tell me." Sunod-sunod nitong tanong ngunit nakatitig lang siya rito. Naalala nya hindi kasama si Geralt sa pagligtas sa kaniya. Dahil dun ay nakaramdam ng inis si Ariah. Kung mahal siya nito at kung may pagsisisi nga ito sa mga ginawa niya, bakit wala siya dun para iligtas siya? Ang lakas ng loob nitong pumunta dito
"But you know, I also hate Geralt. I'm angry because he can't even look at me once. He says he only considers me a friend, but I don't like that! I don't just want a friend, I want him to love me! To be with me." Muli na namang umiyak si Venice, minsan naman ay tatawa. Walang magawa si Ariah kundi ang tingnan lang ito. "I did everything. I hurt the woman he loved so I could get him. So that he can be mine completely." Mula sa pagtawa na parang nababaliw ay lumungkot naman ang mukha nito. "I thought that once Ariana was destroyed and Geralt hated her, he would love me. He would choose me. Tulad na lang nung una niya akong pinili kesa kay Ariana when he kissed me in front of her. Kaya nga binigay ko sa kaniya pati ang katawan ko." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa huli nitong sinabi. Si Geralt, ginawa talaga iyon?Ngumisi si Venice nang makita ang reaksyon niya. "Yes, Ariah. You heard me right. When Ariana left him, I let him use my body. We had sex every single day. But I thought it
Nang nasa labas na siya ay lumapit na siya sa kotse ni Emily. Papasok na sana siya roon para sa loob na lang hintayan si Emily. Ngunit hindi pa man siya nakakasakay ay may nagtakip ng kung ano sa kaniyang ilong at bibig. Mabilis ang pangyayari. Kaagad nagdilim ang kaniyang paningin. Pagmulat niya ng mata ay isang madilim na silid ang bumungad sa kaniya. Wala siyang masyadong maaninag. Gusto niyang gumalaw pero alam niyang nakatali ang kamay niya, may tela rin ang kaniyang bibig dahilan upang hindi siya makapagsalita para sana sumigaw ng tulong kung meron man. Dahil nakahiga siya patagilid habang nakatali sa likod ang mga kamay niya hindi niya magawang makabangon. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapaluha dahil sa takot. Masakit pa rin ang kaniyang ulo dahil tumatalab pa rin ang chemical na pinaamoy sa kaniya sa panyo kanina. Ang iniisip na lamang niya ngayon ay ang kaligtasan niya at ng baby sa sinapupunan niya. Natatakot siya na baka mapahamak silang dalawa ng baby niya lalo na'
Lumipas ang ilang araw ay wala nang paramdam si Geralt kay Ariah. Hindi na ito pumupunta sa bahay ni Emily para manggulo at hanapin siya. Simula nung kausapin ito ng Mommy ni Emily ay tumigil na kinabukasan. Hanggang ngayon ay tahimik ang buhay niya at walang nanggugulo. Tulala lang si Ariah habang nanonood ng movie sa malaking television na nakadikit sa dingding sa may sala. May hawak siyang bowl na may laman na strawberry at may isa pang bowl na may yogurt pangsawsaw. Iyon ang cravings niya ngayon. Pero dahil bored siya ay wala napasimangot siya habang nakatutok ang mga mata sa pinapanood. Gusto niyang may gawin pero hindi pwede dahil baka sermonan na naman siya ni Emily at ng Mommy nito. Iniisip nga niya na bumalik na sa school para magturo ulit. Ilang araw na naman kasi siyang excuse eh, kaya ayun may bago munang pumalit sa kaniya. Namimiss na niyang magturo, pati yung mga bata. Gusto na niya silang makita. Lalo na si Genesis. Pumasok rin kaya si Genesis? Napabuntong hininga na