PAGBALIK ni Geralt sa kwarto ay suot na nito ang binigay na damit ni Ariah, pinupunasan ang ulo gamit ang towel. Kumasya lang sa kaniya ang damit na suot. Siguro para sa lalaki talaga iyon. Nang sulyapan na siya ni Geralt ay kumunot ang noo nito habang tinititigan siya ng maigi bago naglakad palapit sa kaniya. "Why are you wearing that?" Nagtaka naman si Ariah sa tanong nito bago tiningnan ang sarili. "Bakit? Hindi naman revealing ah? Saka hindi ako pwedeng magsuot ng jeans ngayon. Masakit sa baba." Hindi niya sinabi ang meaning, sigurado naman siya na naiintindihan na iyon ni Geralt. "Kahit na. Kung gusto mong magsuot ng dress dapat lagpas tuhod." Anas nito sa disgusto, nakakunot pa rin ang noo. "Eh, wala naman akong dress na ganun. Saka, anong mali dito? Tagatuhod naman to ah? Hindi ako masisipilipan." Pagpapaliwanag niya sa determinadong tono. Wala nang nagawa si Geralt kundi pumayag pero naroon pa rin ang disgusto sa mukha nito na hindi maipinta. "Ano ka ba? Ay
MAY ngiti sa labi ni Ariah habang nililinisan niya ang gilid ng lapida ng kaniyang kapatid sa sementeryo. Binisita niya ulit ito pati ang puntod ng magulang na magkahiwalay lang. "Ayan, Ate. Malinis na ulit yung pwesto mo. Nilinis ko na ng maigi, baka kasi mamaya dalawin mo pa ako at multuhin dahil lang hindi ko nalinis itong pwesto mo. Aba, kahit na namimiss kita ayaw kong magpakita ka sakin. Alan mo namang matatakutin ako sa multo." Biro niya sabay tawa ng mahina. Buti na lang siya tao dun. Well, may kunting tao naman pero medyo malayo sa pwesto niya. "Nga pala, Ate. May ikukwento ako sayo. Nasabi ko naman dati sayo noong college ako na ayaw kong magkaroon ng relasyon diba?" Panimula niya. "Siguro nagkamali lang ako dun sa sinabi ko. Dahil ngayon, may nakilala akong lalaki. Nameet ko siya sa school kung saan ako nagtuturo. At ang bait niya sakin, wala siyang ginawa kundi ang tulungan ako. Dagdag points pa ang kagwapuhan niya saka matchong katawan." Nakaramdam siya ng pamumula n
ILANG ORAS ang ibinyahe nila patungo sa mansyon nila Geralt. Nang makarating ay awtomatikong bumukas ang malaking gate. Dumiretso sila paloob. Ang madadaanan nila ay hindi harden kundi mga puno ng prutas. Same lang naman iyon sa mansyon nila Emily ngunit mas malaki lang ang pasyo ng kina Geralt. Nang makarating na sila sa Mansyon ay hininto na ni Geralt ang sasakyan sa tapat ng mansyon. Lumabas siya at muling lumibot para pagbuksan siya ng pinto sa kabila. Karga si Shawn na lumabas siya sa kotse. "Are you okay? Ako na ang magbubuhat kay Shawn." Pagboluntaryo nito ngunit nag-insist siya. "Hindi na, ako na." May lumabas na katulong mula sa loob saka tumigil sa harapan nila. "Sir, nandito na po pala kayo. Kanina po dumating na si Ma'am Venice. Hinihintay ka na po niya sa loob kasama si Ma'am Jeanna." Wika ng katulong. "She's here?" Hindi makapaniwalang tanong ni Geralt. Nagtataka naman siyang tiningnan ni Ariah. "Opo. Nasa loob na po siya, hinihintay kayo." Matapos iyong sabihin a
PINAGMAMASDAN ni Ariah si Genesis na masayang nakikipaglaro kay Shawn. Natutuwa talaga siya na pagmasdan ang dalawa, lalo na sa kakulitan ni Genesis. At hinding-hindi siya magsasawang pagmasdan ang eksenang iyon. Ang cute lang kasing tingnan ng dalawa, parang magkuya lang. Naramdaman niya ang pag-upo ni Geralt sa couch sa tabi niya at hinapit siya sa beywang. Naramdaman naman niya kaagad ang pagdaloy ng init sa buo niyang kalamnan nang muling magdikit ang katawan nila. Inilapit ni Geralt ang mukha sa buhok niya at inaamoy iyon."It's getting dark. Uuwi ka pa ba?" Tanong nito sa malalim na boses saka pinaglalaruan ang buhok niya. "Palagi naman akong umuuwi kahit gabi. Sanay na ako." "Hmm. But I want to spend time together with you. Can you stay for a night?" Isiniksik nito ang mukha sa gilid ng leeg niya at mas hinapit pa siya palapit rito. "Pero-""Stay with me tonight." Bulong nito sa pagitan ng paghahaplos sa kaniya. "I wanna taste you again." Ang mga haplos nito ay nagbibigay
Nagising si Ariah nang maramdaman ang mainit at basang bagay na dumadampi sa kaniyang leeg. Kahit hindi siya magmulat ng mata ay alam na niya kung kanino iyon nanggagaling. Mukhang hinahalikan na naman siya nito. Hindi ba nagsasawa ang lalaking ito sa paghahalik sa kaniya?Bahagya siyang gumalaw bago unti-unting nagmulat ng mata. Bumungad kaagad ang gwapong mukha ni Geralt na nakangiting nakatitig sa kaniya. "Good morning, sleepyhead." Naramdaman niya ang paghalik nito sa kaniyang balikat ng ilang beses bago tumingala at yung noo naman niya ang hinalikan. Napapikit siya upang damhin ang malambot nitong labi na dumampi roon. "Did get you get a good sleep?" Tanong nito.Yung isang kamay ay nakayakap sa kaniya at pinapaikot ang palad sa hubad niyang likod. Randam niya ang init ng kamay nito roon. Yung isang kamay naman ay marahang hinahaplos ang kaniyang pisngi. "Hmm.. medyo napagod lang pero nakatulog naman ng maayos." Pag-amin niya. Totoo naman kasi, napagod siya. Sino ba namang h
Ilang araw na ang lumipas nang ipakilala siya ni Geralt sa mga kaibigan nito. Sila pa lang ang nakilala niya dahil hindi nila kasama yung iba. Naging malapit naman kaagad siya sa kanila. Nakakausap naman niya ng matino. Minsan nga lang si Eike ay palaging nagbibiro kaya madalas nawawala na ang seryosong usapan. Pero magaan naman silang kausap. Madaling natapos ang pagtuturo niya kaya madali lang din niyang pinauwi ang mga bata. Absent ngayon si Genesis, nagpaalam kasi si Jeanna na magkakaroon daw sila ng family bonding kasama ang asaw niya. Nakauwi na daw kasi ito galing sa ibang bansa. Pinayagan naman niya dahil ilang araw lang naman daw iyon. Matapos niyang ilock ang pintuan ng classroom ay nasalubong niya si Jenna na palapit sa kaniya. "Huyy, Ariah. Uuwi ka na?" Tanong nito na tinanguan niya naman. "Oo. Bakit, makikichismis ka na naman ba?" May halong biro niyang tanong na nginusuan naman nito. "Ikaw naman. Hindi ah. Eh, kasi.. kaya kita nilapitan dahil gusto ko la
NANGINGINIG ang buong katawan ni Ariah habang nakatitig sa dalawang lalaki kanina na ngayon ay nakahandusay na sa sahig at walang malay. Hindi niya maproseso ang nangyayari, biglaan ang lahat. "Ariah." Napakagat siya ng tingin nang makita si Geralt kasama ang dalawa niyang kaibigan na sila Freid at Eike, pati ang dalawang lalaki na ngayon niya lang nakita. Napansin niya ang dala-dala nilang mga baril, may bahid rin ng dugo ang damit at kamay nila. May kung anong naramdaman si Ariah. Nanginig siya sa nakita. Kaagad lumapit si Geralt sa kaniya. Hinawakan ang kaniyang magkabilang pisngi. Hindi niya namalayan ang mga luhang mabilis na namalisbis sa kaniyang mukha. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay natulala na lang siya. "Ariah. Hey, baby. Look at me." Napatitig siya sa mga mata nitong puno ng pag-aalala. Pinasadahan niya ng tingin ang hitsura nito pati yung suot nitong damit na may bahid ng dugo. "G-Geralt.. Anong.. anong ibig s-sabihin nito? B-bakit may.. may.." Hindi niy
"Uuwi na ako. Siguradong hinihintay na naman ako ni Shawn." Tumayo na si Ariah sa hospital bed. Gustong-gusto niya na talagang umuwi ngayon. Bukod pa doon ay ayaw niya ring manatili sa hospital ng ilang oras, maaalibadbaran lang siya roon. Isa pa ay hindi niya rin gusto ang amoy sa loob, amoy medisina. Ngunit kahit ganun ay hindi niya pa rin mapigilan na humanga sa paligid. Ang laki kasi ng building, ibang-iba sa normal at simpleng hospital na pinupuntahan niya sa tuwing dinadala niya si Shawn para ipacheck-up. Ang sabi ni Geralt ay pagmamay-ari raw ito ng isa niyang kaibigan. At dinala daw siya dito for private. Baka may iba daw kasing grupo ng sindikato na makakilala sa kaniya kapag sa ibang hospital siya dadalhin. "Are you sure? You might suddenly panic again and faint. You can stay here for a while. I'll take care of Shawn so you wouldn't worry anymore." May pag-aalala sa boses nito. Umiling lang si Ariah. "Hindi na, ano ka ba? Okay na ako. Ikaw naman, masyado kang OA dyan. Si
Ilang oras nang naghihintay si Ariah sa pag-uwi ni Geralt. Nakanguso ang kaniyang labi habang hinihimas ang medyo maumbok niyang tiyan. Apat na buwan na ang tiyan niya. "Ang tagal naman ng Daddy mo, baby. Ang sabi niya saglit lang siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakauwi." Halata ang labis na pagkairita sa kaniyang mukha habang hinihimas ang baby bump niya. Apat na buwan na ang nakakalipas nang ikasal sila. Matapos ang honeymoon ay lumipat na sila ng bagong bahay which is dating mansyon mula sa mga magulang ni Geralt. Hindi pa nga makapaniwala si Ariah nang malaman na may dating mansyon sila Geralt. Wala kasi itong nabanggit sa kaniya. Bago sila makalipat sa mansyon ay pinarenovate muna iyon ni Geralt. Bumili rin ito ng mga bagong furnitures para sa decoration sa loob ng mansyon. He even bought a king size bed na pinampalit sa dating katre ng kaniyang mga magulang sa dating kwarto. Gusto nga sanang ikwento iyon ni Ariah sa kaibigang si Emily pero nakaalis na ito.
Geralt's POV, Nakahiga lang ako sa kama habang nakayakap ang isang kamay sa beywang ng kasintahan kong si Ariana. Kanina pa ako gising at nakatitig lang sa maamo niyang mukha na mahimbing na natutulog. Marahan ang paghaplos ko sa malambot at makinis niyang balat.Galing kami sa mainit na pagtatalik kagabi at mukhang napagod ko siya dahil ilang oras na siyang tulog. Sa katunayan nga, dalawang beses pa lang kaming nagtalik. Una ay noong 1st anniversary namin. Iyon ang unang pagkakataon na isinuko niya ang sarili sakin. At ngayon ang pangalawa.Sa kaniya lang din ako nangako ng kasal. Ilang ulit ko na iyong sinasabi sa kaniya Pero tinatanggi niya. Pero kahit ganun ay hinayaan ko na lang siya, inisip ko na baka di pa siya handa. Nirerespeto ko naman ang desisyon niya. Pero di pa rin ako titigil, hihintayin ko hanggang sa ready na siya.Mabait siya, mahinhin rin. Nakilala ko siya sa isang club na pagmamay-ari ni Kleo. Hindi siya yung tipo na mahilig manamit ng mga sexy na damit na pinapak
Hindi pa rin inaalis ni Ariah ang tingin kay Geralt, may gusto pa siyang malaman. Alam niyang marami pa itong kailangang ipaliwanag at gusto niya iyong marinig. "Pero bakit? Paano ka nakulong?" Tanong niya rito. "Sino naman ang may kayang gawin iyon sayo?" Ang alam niya ay hindi kayang maikulong o sampahan ng kaso si Geralt kahit marami itong kinasangkutan na kaso. Maimpluwensya siya at hindi siya basta-basta lang na kasuhan unless may mas makapangyarihan pa ang kayang gawin iyon sa kaniya. At iyon ang gusto niyang malaman. "It's Mrs. Gatchalian, Emily's mother. She's the one who sent me to jail." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa gulat nang banggitin ang Mommy ni Emily. "Ano?!" Gulat niyang anas rito, "Pero.. b-bakit? Bakit naman niya iyon gagawin? May ginawa ka ba sa kanila? Kilala ko sila, hindi naman nila iyon gagawin kung wala kang ginawa." May padududa niyang wika, napabuntong hininga na lang si Geralt. "I knew you would react like that." Kumunot ang noo niya sa sinabi ni
"Why do you only bring so few things? I bought you some clothes, where are they?" Takang tanong ni Geralt kay Ariah nang makita ang isang bag na dala niya, nakakunot pa ang noo nito. Nagkibit-balikat lang si Ariah."Hindi na ako nagdala ng marami. Nandito rin naman yung ibang damit na binigay mo. Besides, we're just going on vacation. We won't be there for long, aren't we?" He hissed, "Exactly, we're going on vacation and we'll be there for a few weeks. So, we'll still be staying there for quite a while." Sinundan niya ito nang tingin nang lumakad ito patungo sa closet, kinuha nito ang walang laman niyang luggage at kinuha ang mga damit na nakasabit sa closet. "I didn't spend my money buying you fancy clothes just to leave them behind when we went on vacation. At kahit ilang linggo o araw lang tayo dun, I don't care. I want you to wear these nice clothes wherever we go." Aniya nito na hindi tumatanggap ng angal. Matapos ilagay ang mga damit niya ay sinarado na nito ang luggage s
"Sandali, paano pala si Venice ano nang nangyari sa kaniya?" Tanong niya. Syempre nag-aalala pa rin siya para rito. Napabuntong hininga na lang si Geralt."She's dead. Kasalukuyan nang dinala pabalik sa kanila ang labi niya para sa ilibing." Hindi nakaimik si Ariah. Alam niya ang ginawa ni Venice at galit rin siya rito. Pero kahit na ganun ay hindi naman niya ninais na mangyari iyon kay Venice. Pero hindi niya iyon inaasahan na ganun na lang ang mararanasan ni Venice, nakakaawa pa rin siya. "Let's just hope those families don't take revenge for what happened to Venice. I know her family, especially her father. Hindi niya pinapalampas ang mga maaaring mangyari lalo na kapag napahamak ang pamilya niya, lalo na't isa si Venice ang pinakapaborito niya." Nakaramdam ng pangamba si Ariah. Natatakot siya sa kung anong maaaring mangyari. Paano kung bigla na lang silang sugurin ng pamilya ni Venice? Paano kung totoo ngang maghihiganti ang pamilya niya? Natatakot siya lalo na't siya ang dahil
Nang imulat na ni Ariah ang kaniyang mga mata ay puting kisame na naman ang una niyang nakita. Mukhang nasa hospital na naman siya. Sa amoy pa lang nga mga medisina sa loob, alam na niya kung nasan na siya. "She's awake." Narinig niyang saad ni Emily. Nandito siya at sa tono nito ay nag-aalala ito.Inilibot ni Ariah ang kaniyang pangingin. Nagtaka pa siya na ang dami nilang nakapalibot sa kaniya. Hindi lang si Emily ang naroon, pati sila Jeanna, Shaii at ang mga kaibigan ni Geralt. And of course, nandun rin si Geralt na hawak-hawak ang kamay niya habang nakaupo sa tabi niya. "Baby, I'm so grateful you're awake. How are you? May masakit ba sayo? Are you feeling unwell? Tell me." Sunod-sunod nitong tanong ngunit nakatitig lang siya rito. Naalala nya hindi kasama si Geralt sa pagligtas sa kaniya. Dahil dun ay nakaramdam ng inis si Ariah. Kung mahal siya nito at kung may pagsisisi nga ito sa mga ginawa niya, bakit wala siya dun para iligtas siya? Ang lakas ng loob nitong pumunta dito
"But you know, I also hate Geralt. I'm angry because he can't even look at me once. He says he only considers me a friend, but I don't like that! I don't just want a friend, I want him to love me! To be with me." Muli na namang umiyak si Venice, minsan naman ay tatawa. Walang magawa si Ariah kundi ang tingnan lang ito. "I did everything. I hurt the woman he loved so I could get him. So that he can be mine completely." Mula sa pagtawa na parang nababaliw ay lumungkot naman ang mukha nito. "I thought that once Ariana was destroyed and Geralt hated her, he would love me. He would choose me. Tulad na lang nung una niya akong pinili kesa kay Ariana when he kissed me in front of her. Kaya nga binigay ko sa kaniya pati ang katawan ko." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa huli nitong sinabi. Si Geralt, ginawa talaga iyon?Ngumisi si Venice nang makita ang reaksyon niya. "Yes, Ariah. You heard me right. When Ariana left him, I let him use my body. We had sex every single day. But I thought it
Nang nasa labas na siya ay lumapit na siya sa kotse ni Emily. Papasok na sana siya roon para sa loob na lang hintayan si Emily. Ngunit hindi pa man siya nakakasakay ay may nagtakip ng kung ano sa kaniyang ilong at bibig. Mabilis ang pangyayari. Kaagad nagdilim ang kaniyang paningin. Pagmulat niya ng mata ay isang madilim na silid ang bumungad sa kaniya. Wala siyang masyadong maaninag. Gusto niyang gumalaw pero alam niyang nakatali ang kamay niya, may tela rin ang kaniyang bibig dahilan upang hindi siya makapagsalita para sana sumigaw ng tulong kung meron man. Dahil nakahiga siya patagilid habang nakatali sa likod ang mga kamay niya hindi niya magawang makabangon. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapaluha dahil sa takot. Masakit pa rin ang kaniyang ulo dahil tumatalab pa rin ang chemical na pinaamoy sa kaniya sa panyo kanina. Ang iniisip na lamang niya ngayon ay ang kaligtasan niya at ng baby sa sinapupunan niya. Natatakot siya na baka mapahamak silang dalawa ng baby niya lalo na'
Lumipas ang ilang araw ay wala nang paramdam si Geralt kay Ariah. Hindi na ito pumupunta sa bahay ni Emily para manggulo at hanapin siya. Simula nung kausapin ito ng Mommy ni Emily ay tumigil na kinabukasan. Hanggang ngayon ay tahimik ang buhay niya at walang nanggugulo. Tulala lang si Ariah habang nanonood ng movie sa malaking television na nakadikit sa dingding sa may sala. May hawak siyang bowl na may laman na strawberry at may isa pang bowl na may yogurt pangsawsaw. Iyon ang cravings niya ngayon. Pero dahil bored siya ay wala napasimangot siya habang nakatutok ang mga mata sa pinapanood. Gusto niyang may gawin pero hindi pwede dahil baka sermonan na naman siya ni Emily at ng Mommy nito. Iniisip nga niya na bumalik na sa school para magturo ulit. Ilang araw na naman kasi siyang excuse eh, kaya ayun may bago munang pumalit sa kaniya. Namimiss na niyang magturo, pati yung mga bata. Gusto na niya silang makita. Lalo na si Genesis. Pumasok rin kaya si Genesis? Napabuntong hininga na